Forgotten Memories 7: With Him
Forgotten Memories 7: With Him
Nagising ako sa sinag na araw na tumatama sa mukha ko, minulat ko ang mga mata ko at napansing umaga na. Tinignan ko yung orasan ko at nakita kong 7:30 na pala sabado ngayon kaya ok lang kahit anong oras gumising ok lang. Ginawa ko na yung mga dapat gawin sa umaga ng matapos ako bumababa ako ata nakita kong naghahain na si Nanang ng almusal. Nakita nya ako kaya ngumiti sya
“Ang aga mong nagising ngayon anak wala ka namang pasok” sabi nya sa akin habang inilalagay yung mga kubyertos sa lamesa. Nginitian ko lang sya at umupo,hinainan naman nya at at umupo rin sa katapat na upuan ko. Ganito kami ayaw ko kasi ng walang kasabay kumain kaya nasanay na syang sabayan ako.
“Anong nangyari sayo kagabi?” Tanong nya sa akin. Napatigil naman ako sa tanong na yon may nangyari ba kagabi sa pagkakaalala ko wala naman kumunot ang noo ko dun.
“Ano pong nangyari?” Balik na tanong ko sa kanya inilapag nya yung kutsara at tinidor nya bago sumagot.
“Inihatid ka ni Chanyeol kagabi nakatulog ka daw sa garden” sabi nya “ang laki na pala ng batang yon sobrang tangkad na at lalong gumawapo”paliwanag nya tapos tumayo para pumunta sa kusina, pero bumalik din agad sya kumuha lang ata ng tubig. Pakabalik nya muli kong inalala ang nangyari sa akin kagabi,oo nga pala magkasama kami, ginamot nya yung sugat ko tapos pinakita nya sa akin yung gitara nya, sumakit ang ulo ko tapos may mga imahe akong nakita tapos wala na.
“Magkasama po kami kagabi may ipinakita po kasi sya sa akin” sagot ko sa kanya bago muling sumubo ng pagkain.
“Ahh ganun ba ngayon ko lang ulit nakita yung kaibigan mong iyon, hindi ba marami kayo dati nasan yung iba? Umalis na?” Tanong nya tapos na rin syang kumain.
“Kilala nyo po sila?” Balik na tanong ko bakit kilala nya ito ibig bang sabihin totoo yung sinasabi nila sa akin? Hindi naman sa hindi ako naniniwala kila Baekhyun pero ewan ko parang may kulang eh. Pero hindi na nya ako nasagot kasi biglang may tumawag sa telepono kaya sinagot nya.
Tapos na rin ako kaya niligpit ko na yung pinagkainan namin pagkatapos ng tawag kay Nanang nakita ko na lang na lumabas siya kaya ako na lang ang naghugas ng pinagkainan namin. Umakyat ako sa kwarto ko habang nasa may pintuan ako tinignan ko ang kabuuan ng kwarto ko,, maayos naman kaya lumapit ako sa Cabinet. Binukasan ko ito at ianayos yung mga damit sa loob pagkatapos kumuha ako ng upuan para tignan yung nasa pinakataas nito may ilang kahon kasi dun. Pagkakuha ko nung pinakamaliit ang alikabok kaya bumaba ako sa kusina para kumuha ng pamunas. Pagbalik ko naisaipan kong ibaba muna lahat may nakuha akong tatlong kahon isang maliit tapos medyo malaki tapos pinakamalaki.
Yung naunang dalawa simple lang yung design pero itong pinakamalaki ang pinakamaganda. Pinunasan ko silang lahat bago buksan isa-isa. Inuna kong buksan yung pinakamaliit isang music box sya, binuksan ko yung music box may nakita naman akong dalawang bata duon magkahawak sila ng kamay nagsimulang umikot yung figurine na nasa gitna nagsimula na rin itong tumugtog pinakikinggan kong mabuti kung ano yung tunog medyo mahina na rin kasi pero habang pagalng patagal nalakas yung tunog dun ko din napansin na yung tugtog ay kinakta ni Baekhyun sa garden ng school pagkatapos ng tugtog isinarado ko yung music box tiningnan ko ang kabuuan nito yung nasa gilid puro pangalan may nakaukit na Kim Joon Myeon, Kim Min Seok, Zhang Yixing, Do Kyung Soo, Huang Zitao, Kim Jong In, Luhan, Kim Jong Dae, Wu Yifan, Oh Sehun at Park Chanyeol,sunod kong tinignan yung pinakailalim nakasulat doon ang Baekhyun at Nadine tapos may Heart.
Nagtaka ako sa nakita ko pero Hindi ko yun pinansin, binalik ko yung music box sa loob ng kahon sunod kong tinignan yung medyo malaki meron mga papel at balat ng candy kumuha ako ng isang papel binasa ko at ang nakalagy Nadine Fighting mostly ganun yun nakasulat sa mga papel iisa lang yung font kaya malamang galing yun sa iisang tao.
Kinuha ko yung pinakamalaking box bubuksan ko na sana ng
“Nadine anak may naghahanap sayo” sigaw ni Nanang sa ibaba napatigil naman ako sa ginagawa ko. Dali-dali akong bumaba para tignan kung sino nagulat ako ng makita ko siya.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya hindi inaasahan na pupunta sya dito sa amin.
“Yayayain lang sana kitang mamasyal” sagot nya sa akin. Napansin kong nakaporma sya nakachecked na red and black tapos pants.
“Bakit??” takang tanong ko sa kanya parang may kakaiba sa kanya ngayon.
“Wala lang masama bang yayain kitang lumabas tsaka sabi mo gusto mong mong bumalik yung mga memories mo kasama kami, kahapon sila lang ang nag paalala ng mga ginawa nyo noon so I think it’s now my turn” paliwanag nya sa akin nakalagay yung mga kamay nya sa bulsa ng pantalon nya mas lalo tuloy syang gumwapo.
“Ah hindi naman nakakapagtaka lang kasi sige sama ako saglit lang magbibihis lang ako“ sabi ko sa kanya bago umakyat sa kwarto ko para mag ayos. Pagpasok ko agad akong naghanap ng susuutin, simple lang yung napili ko isang tshirt na red and then pants din na tinupi ko ng konti yung dulo tpos yung Keds kong black and red din naglagay ako ng light make up. Pagkababa ko nakaupo sya sa sofa at nanonood. Napatingin naman siya sa akin tpos ngumiti sya.
“Tara” yaya nya sabay lahad ng kamay nya sa akin nilagay ko naman yung kamay ko sa kamay nya. Hinawakan nya ang kamay ko at iginaya sa labas pero bago kami tuluyang nakalabas eh nagpaalam sya kay Nanang.
Pakalabas namin may dala syang kotseng kulay itim hindi ako marunong kung pano tuminginng brand ng mga ganto pero masasabi kong mahal iyon.
“Sayo yan??” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya wow ang swerte nya si ate at kuya pa lang may may ganyan sa amin eh pag 18 na raw ako tsaka ako bibilhan.
Lumapit kami dito at binuksan nya yung pintuan ng passenger seat umupo naman ako dun. Tingungo naman niya ang driver seat.
“Ikaw ang magdidrive?” Tanong ko ulit baka kasi alam mo na.
“Don’t worry may student license ako tsaka malapit lang yung pupuntahan natin” paninigurado nya sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango tango. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagbiyahe nakami.
Tama nga siya wala pang isang oraas nakarating na kami pupuntahan namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang bumaba. Hinawakan nya rin yung kamay ko bale holding hands kami. Nuon ko lang din napansin na mall pala yung pinuntahan namin. Nagsimula na kaming maglakad para makapasok.
“Anong gagawin natin dito?” Tanong ko sa kanya.
Tinignan nya muna yung relo nya bago sumagot “Kain muna tayo 11 na pala” sagot nya sa akin tumango naman ako.
Nagsimula na akimg magkalakd dun sa kakainan namin dun na lang daw sa favorite namin nung bata pa kami. As expected kapag bata san ba ang gusto? Edi sa Jollibee. Ako na ang naghanap ng mauupuan namin sya naman ang oorder. Matapos ang ilang minuto naka order na sya. Usual na inorder sa jollibee yung inorder nya.
Nagsimula na kaming kumain. Actually simula nung nakapunta or should I say nakabalik hindi pa ako nakakapasok sa ganto lagi kasing sa fancy restaurants kami kumakain.
Nauna syang natapos kaysa sa akin nung matapos din ako eh tinignan ko sya. Nakatigin din sya sa akin ng para bang may hindi tama sa akin . Kumuha sya ng tissue at dahan dahang lumapit sa akin.
“Ang kalat mo pa rin kumain hanggang ngayon” sabi nya habang pinupunasan yung gilid ng labi ko namula naman ako dun basta talaga spaghetti or pastas ang kinakain ko makalat akong kumain.
“Salamat” sagot ko sa kanya. Ngumiti laqng sya at kinuha ang kamay ko
“Tara dun naman tayo sa paborito mong lugar” sabi nya at nagsimula na kaming maglakad. Dinala nya ako sa isang lugar na maraming makinang pwede laruan.
“Tara” yaya nya sa akin hawak nya pa rin ang kamay ko dumiretso kami sa counter bumili sya ng maraming token.
“San mo gusto?” Tanong nya habang nakatingin sa akin pamilyar yung lugar sa akin alam ko na nakapunta na ako dito. Nahagip ng mata ko yung mga naglalaro ng basketball mayroon sa loob ko na gusto kong maglaro nun kaya itinuro ko dun. Pumayag naman sya ilang oras din kaming naglaro dun sa basketball pero di pa kami nakuntento nilaro namin lahat ng laro na meron doon . Hapon na ng magsawa kami sa paglalaro. Nagutom na din kami kaya kumain muna kami bago magbiyahe pauwi.
Hindi nya ako agad iniuwi sa bahay doon muna daw kami sa park na malapit sa bahay. Umupo ako sa swing at idinuyan nya ako.
“Dati gusto mo kapag nagsuswing ka itinutulak ka ng malakas” sabi nya sa akin tuloy pa rin sya sa pagduyan sa akin.
“Miss na miss na kita salamat sa pagsama sa akin ngayon sobrang saya ko Nadine” dagdag tapos niyakap nya ako mula sa likod.
“Baekhyun bakit?” Tanong ko sa kanya ewan ko pakiramdam ko may mali eh. Naramdaman ko ang pag-iling nya, may naramdaman din akong patak ng tubig galing sa kanya? Umiiyak ba sya? Tatanungin ko sana kung umiiyak sya pero inalis na nya yung pagkakayakap nya sa akin at niyaya akong umuwi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro