Forgotten Memories 5: Baekhyun
Forgotten Memories 5: Baekhyun
Nagsimula na kaming maglakad mabagal lang yung lakad namin, tahimik din ok lang sanay ako.
Patawid kami ngayon nauna sya kaya sumunod ako, nasa gitna na kami ng kalsada akala pwede ng tumawid kaya tatawid na sana ako ng hilain nya ako nauntog ako sa baba nya.
“Tatawid ka na may sasakyan pa” nakakunot-noong sabi nya sa akin.
"Sorry di ko napansin” sagot ko sa kanya tapos hinawakan ko yung noo ko namumula to panigurado.
“Hanggang ngayon di ka pa rin marunong tumawid?” Hindi ko alam kung tanong yun o pang-aasar eh
“Di ko lang talaga napansin” sabi ko sa kanya yumuko ako nahihiya kasi ako sa kanya.
“Tss” narinig kong sabi nya naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako patawid napa-angat ang ulo ko at nakita ko sya tumitingin sa kanan ang pogi nya kapag naka side view namula ako alam ko yun napayuko ulit ako at mas lalo akong namula nung makita kong hawak hawak nya ang kamay ko wala akong nararamdamang pag kailang parang sanay na sanay na ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko napangiti ako.
Nung nasa kabila na kami tumigil sya at humarap sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya siya naman sa noo ko ata.Lumapit sya sa akin at itinaas yung bangs ko.
“Namumula oh” sabi nya habang tinitignan yung noo ko. Inalis ko yung kamay nyang nakahawak sa bangs ko.
“Ok lang di naman gaano masakit” sabi ko sa kanya. Pero binalik nya ulit yung kamay nya at itinaas ulit yung bangs ko hinipan nya ito.
"Ayan para mawala yung sakit” sabi nya sabay bitiw sa bangs ko tumalikod na sya at nag simulang maglakad, nauna na sya sa akin napako naman ako sa kinatatayuan ko parang pamilyar ang lahat yung pag-ihip nya sa noo ko alam kong nangyari na sa akin yun.
*Beep*
Busina nung isang kotse sa gilid ko nasa kalsada pa rin kasi kami dun ako natauhan medyo malayo na pala sya. Dali-dali akong tumakbo para maabutan sya, sinabayan ko sya sa paglalakad nasa kanan nya ako nakatingin lang ako sa sapatos ko habang naglalakad hindi ko alam kung kinikilig ako o ewan. Maya maya ay hinwakan nya ako at inilipat sa kaliwa nya.
“Dito ka nga baka mamaya mahagip ka ng sasakyan” sabi nya sa akin tapos hinawakan yung kanang kamay ko. Hindi nya yun binitawan hanggang sa makarating kami sa village namin.
Medyo malayo pang lalakarin ko nasa dulo kasi netong village yung bahay namin. Hawak hawak pa rin nya yung kamay ko madilim na rin siguro mga 7 na. Nasa kalahati na kami ng biglang may pumatak na tubig galing langit. Napatingala naman ako mas dumami pa yung patak sakto may waiting shed sa malapit tatakbo na sana ako papalapit dun pero hindi nya binitawan yung mga kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya umuling sya parang sinasabi nya na wag akong pumunta dun
“Pero yung gamit ko” sabi ko sa kanya. Hindi nya ako pinakinggan, hinila nya ako at niyakap ng mahigpit.
“Miss na miss na kita Nads” malungkot na sabi nya sa akin nanigas naman ako sa narinig sumakit naman ang ulo ko may mga imahe na naman.
“Nads!! nad-nad” tawag ng isang batang lalaki sa tapat ng gate lumabas naman yung batang babae.
“Payat bakit ka naliligo sa ulan baka magkasakit ka” nag-aalalang tanong nung batang babae.
“Hindi yan minsan lang naman eh tara sama ka nandun na sila sa playground” yaya nung batang lalaki dun n babae malakas ang pagbuhos ng ulan kaya masarap nga namang maligo
“Hala baka magalit si mommy” sabi nung batang babae
Di yan pumasok yung batang lalaki sa gate at lumapit dun sa batang babae nasa may pintuan ito.
“Tawagin mo si Tita” utos nito. Umuling yung batang babae “Wag na di papayag yun” sabi neto. Pero hindi nakinig yung batang lalaki.
“Tita Tita!!” sigaw nito
“Payat wag na” awat nung batang babae pero patuloy pa rin yung batang lalaki sa pagtawag. Maya maya ay may lumabas na di katandaang babae.
“Oh Baekhyun bakit basa ka? Sino ba yung natawag?” Sunod na sunod na tanong nito
“Wala mommy” agad na sagot nung batang babae.
“Hindi Tita ako yung natawag tatanong ko lang kung pwede pong maligo sa ulan si Nads?” tanong nito sa nanay nung batang babae. Tinignan naman nung nanay yung batang babae at tinanong “Gusto mo ba ?” Tanong nito sa batang babae.
“Pwede ba mommy??” nahihiyang sagot nito.
“Sure basta Baekhyun saglit lang ha” sagot nito nagliwanag naman ang mukha ng parehong bata.
“Salamat Tita” sabi nung batang lalaki at hinila na yung batang babae. Masaya silang nagpakabasa sa ulan habang papunta sa playground kung nasaan yung iba pa nilang kabarkada.
“Hindi mo ba naaalala lagi tayong naliligo sa ulan dati kapag di ka pinapayagan tumatakas ka pa nga eh” sabi ni Beakhyun sa akin nakayakap pa rin sya basang-basa na kami ngayon.Hindi ako sumagot yumakap na rin ako sa kanya.
“Payat” tawag ko sa kanya hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin masakit pa rin ang ulo ko at pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko . Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa noo napapikit ako sa ginawa nyang yon, hinawakan nya ulit ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Nasa tapat na kami ng gate namin tsaka nya lang binitwan yung kamay ko basing-basa kami pareho. Humarap ako sa kanya para magpasalamat pero naunahan nya akong magsalita.
“Sorry ha nabasa ka tuloy” nahihiyang sabi nya sabay hawak sa batok nya.
“Ok lang matagal na rin akong di nakakaligo ng ulan” sabi ko sa kanya.Inalis na nya yung kamay nya sa batok nya at nilagay yung isa sa bulsa ng pantalon nya.
“Una na ako” paalam nya.
“Sige” sabi ko tapos ngumiti, nagsimula na syang maglakad pero di pa sya nakakalayo ng tawagin ko sya
“Baekhyun salamat” sigaw ko “Nag-enjoy akong maligo ulit sa ulan” dagdag ko pa.
Humarap sya sa akin at ngumiti tapos naglakad na ulit sya. Pumasok na rin ako para makapagpalit baka magkasakit pa ako.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro