Chapter 4
"Nalulungkot ako sa nangyari kay yuuki" usap usapan ng mga kaklase ko sa loob ng room.
Sobrang diin ng mga tingin sa akin ni Ms. Akiyama dahil sa nangyari kay Yuuki. Iniligtas ko naman siya pero bakit nung mga wala ako sa tabi nila nangyari ang mga trahedya.
Hindi pumasok si Mei... Pilit kong iniisip bakit hindi nila kilala si Mei Misaki kung bakit ayaw nilang sabihin ang pangalan na iyon kung bakit ayaw nilang lumapit rito.
"Izumi?" sabay tapik ko sa kanya.
Nagulat ang itsura ng makita nya na ako ang tumapik at tumawag sa kanya.
"u-uhmm.." agad niyang inayos ang mga gamit nya na kanina pa nya inaayos at sabay alis na parang di nya ako nakita kanina.
Naglalakad ako sa corridor ng makita ko si Mei sa painting room na magisa.
Agad akong tumakbo papunta roon at tinignan ang pinipinta nya.
"Bakit hindi ka pumasok kanina?" agad na tanong ko sa kanya
"Wala akong gana pumasok ngayon kaya dumiretso ako dito sa Painting room" sagot nya saakin
Agad akong umupo sa tabi at pinagmamasdan ang pinipinta niyang babaeng nakahubad na may pakpak na napaka ganda sa likod.
"Ang ganda naman niyan" sambit ko sa kanya
Hindi manlang ito sumagot saakin at patuloy sa pagpipinta
"Wala akong angking talento gaya nyan" pagsasalita ko ulit.
"Halika na at malapit ng magumpisa ang klase" sabay nilagay ni Mei sa lalagyan ng paintings ang kanyang iginuhit at tinakpan ito na puting tela.
"Mei" pagtawag ko sa kanya at naguguluhan parin ako hanggang ngayon "Hmm?" tugon nito saakin habang abala na inaayos ang ipininta niya.
"Bakit hindi nila ako kinakausap? Bakit nila ako nilalayuan? Bakit parang hindi nila ako kilala?" sunod sunod na mga tanong nasambit ko.
Napatigil si mei sa kanyang ginagawa.
"Hmm.." umupo ulit siya sa tabi ko at nagsalita "Hindi kana nageexist"
Nagulat ako sa sinabi niya. A-anong hindi nageexist? Buhay pa naman ako diba? Nakikita pa nga ako ni Mei.
"H-huh?" reaksyon ko sa sinabi niya sakin.
"Hindi ka na nageexist sa Class 3 simula ng namatay si Yuuki Saito kahapon" Cold parin ang mukha niya habang kinukwento ito saakin.
"Iniisip nila na ikaw ang may dahilan bakit nagsisimula ulit ang sunod sunod na pagkamatay ng mga estudyante sa Class 3"
"Iniisip nila kung bakit mo ako kilala kasi di naman ako nageexist sa Class 3"
"Kung hindi mo ako kinakausap hindi ulit magbubukas ang sumpa na tumigil ng isang buwan lang"
"Sinasabi nila na ako ang naumpisa ng sumpa sa Class 3"
"P-paano? Paano ka naging sumpa?" pagtatanong ko sa kanyaa na may halong gulat talaga ang expression ko.
"Nagsimula ang sumpa June 2nd ng magtransfer ako sa eskwelahan na ito, kilala na nila ako, kilala nila ako na kapatid ni Misaki Misaki na namatay sa pagbato sa kanyang ulo, simula ng namatay si Misaki Misaki nagsimila ang trahedya na hindi inaasahan ng mga estudyante sa Class 3"
"Una palangt hindi na ako nageexist sa kanila para hindi na muli magsimila ang sumpa na nangyari noon May ang buwan na tumigil ulit ang sumpa na sinasabing dala ng kapatid ko" namumuo ang kamao niya.
"At nagsimula ulit ang sumpa ng dumating ako sa eskwelahan na ito ng June"
"Kaya ginawa nila akong di nageexist sa class 3" kita sa mukha nya ang lungkot at galit na hindi katulad kanina na walang expression ang mukha nito.
"Tumigil ulit ang sumpa simula July na buwan hanggang August 3 nung unang pasok mo rito"
"Ngayon nagbukas ulit ang sumpa kahapon August 14"
"Ako ba ang may dahilan bakit nagbukas ulit ang sumpa?" pagtatanong ko sa kanya
"Hindi ko iyan masasagot, Isang buwan ang pagitan bago magsimula ulit ang sumpa, lagi lagi itong nangyayari hindi ka pa nagtatransfer dito" pagsagot niya sa akin na habang ako ay gulong gulo parin sa nangyayari.
Nahiga ako sa aking kama at tinignan ang kisame. Naguguluhan ako parang ako yung dahilan bakit nagsimula ulit ang sumpa.
"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang lahat" Sambit ni Mr. Kabayashi
"Ikaw" Izumi at Akiyama.
Pababa ako ng hagdan para umalis sila ng makita ko si Yuuki na paakyat ng hagdan at butas ang katawan nito dahil sa bato na naipit sa kanya nung namatay siya.
Papalapit na saakin si Yuuki pati narin silang lahat ng biglang...
Napatayo ako sa hinihigaan ko.. sapo sapo ko ang ulo ko sa napaginipan ko..
"Ako ba talaga?" madiin ang mga kamao ko..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro