Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

"Magpalit na raw 'yung mga magpapalit!" Sigaw ni Criziwine pagkapasok namin ng room.

Nakasabay namin si Ma'am Joan, ang PEH 2 teacher namin. Once a week lang namin siya na-me-meet dahil hindi naman daw namin kailangang i-prioritize ang subject niya dahil minor lang naman.

Ang hitsura ng p.e. uniform namin ay short shorts, may terno na siyang cycling for girls. Kulay blue iyon tapos blue shirt din sa itaas.

Hindi na sana ako magpapalit ng sapatos kaso may activity daw kami sabi ni Ma'am.

Kasabay kong nagpalit si Criziwine bago kami pumunta sa field. Doon ginaganap ang p.e. kapag may activity.

Pagdating namin doon ay nandoon na ang mga kaklase namin. Kami na lang ni Criziwine ang wala, syaka si Ma'am Joan.

Umupo muna kami sa gilid habang naghihintay kay Ma'am. Mayamaya naman ay dumating na kaagad siya. May dala siyang mahabang jumping roof.

Shit, parang alam ko na 'to.

Nabasa ko ang learning materials na binigay niya sa amin nung nag-umpisa ang second quarter ng second semester. About iyon sa team work.

"Good afternoon, TVL 1, no need to greet back since isa't-kalahating oras lang tayo, kailangan nating matapos ang mga activity," aniya.

"Anong activity, Ma'am?" Tanong ni Maya.

Umirap ako sa kaniya, siniko naman ako ni Criziwine bago i-nguso si Zyron na nakatitig na ngayon sa akin. Nagbabanta. Magbanta ka pa, wala akong pake.

"This activity is we called jumping roof. Siguro naman lahat kayo ay alam kung paano ito laruin, di'ba?" Tanong ni Ma'am.

"Dali-dali lang niyan, Ma'am," ani Kiersten. "Ginagawa ko pa nga 'yan dati na palakad."

Familiar ako sa jumping roof pero hindi ko pa nalaro. Never in my life. Alam ko lang kung paano laruin dahil nakikita ko sa mga bata sa labas ng bahay.

Hindi kasi ako pinapalabas nina Mom and Dad nung bata pa ako kaya hindi ko naranasan magkaroon ng childhood memories and friends.

"Hindi lang ito basta jumping roof, by team ang gagawin ninyo," saad pa ni Ma'am. "Dahil saktong 30 kayo igi-roup ko kayo sa tatlo, bali tig-sampung members kayo."

"Ang dami naman, Ma'am," reklamo ni January.

"Para nga may thrilled, syaka ma-practice ang team work ninyo," sambit ni Ma'am.

Nag-umpisang magbigay ng guidelines si Ma'am. "Kailangan ninyong magpaunahan. Sa maunang maka-sampung scores ay exempted sa exam." Ginanahan naman ang lahat sa sinabi ni Ma'am.

"Kailangan sabay-sabay ang pagiging pagtalon ninyo para hindi kayo magpaulit-ulit."

"Kapag, halimbawa nasa five scores na kayo tapos na-dead kayo, kailangan niyong bumalik sa one."

"Sino mag-iikot nung jumping roof, Ma'am?" tanong ni Criziwine.

"Ang maswerteng mabunot ko ang pangalan," sagot ni Ma'am. "Kailangan alam nung mag-iikot kung kailan pwede nang ibaba ang jumping roof para hindi kayo ma-dead."

"Mayroon akong timer para malaman natin kung sino ang pinakamabilis matapos."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga bawal at hindi bawal ay binigay na niya ang mga pangalan ng magkaka-grupo. At kung minamalas nga naman ako ay ka-grupo ko pa si Maya.

Kami ang group 1 kaya kami ang unang pinapunta sa gitna. Umalis naman doon ang mga kaklase kong hindi naman group 1. Si January ang nabunot na mag-iikot.

Nasa gitna ako dahil doon ako nilagay ni Ma'am. Lalaki ang nasa unahan ko. Hahawak sana ako sa bewang niya para sabay ako sa kaniya sa pagtalon pero baka mailang siya.

Tapos may masama pa ang tumitingin sa akin. Para akong tinutusok ng kaniyang mga tingin. At hindi ko na kailangang lingunin kung sino iyon.

Si-net ni Ma'am ang timer kaya nag-ready na kami. "Practice muna tayo. Isang ikot muna," sambit ni Ma'am.

Nag-isang ikot si January without telling us! Buti na lang mabilis akong nakatalon.

Napapalakpak si Ma'am. "I guess, ready na kayo kaya let's go na!" Excited niyang sinabi.

"Ready, set... go!" Pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay kaagad akong naging aware sa jumping roof.

Nakakadalawa pa lang kami nang mapagod ako. Kung alam lang nilang madali akong mapagod.

Hindi ko sinasabi kina Mom and Dad na mayroon akong ganoon. Minsan lang naman ako mapagod. Hindi ko nga ito nararamdaman kapag may kaaway e.

Dahil sa pagod ko ay natisod ako sa jumping roof. Buti na lang talaga at nahawakan ako ni Criziwine na nasa likod ko.

Narinig ko ang mga reklamo ng ka-grupo ko. Imbes na patulan sila ay hinabol ko ang hininga ko.

"Okay lang 'yan, nag-uumpisa pa lang naman kayo," sambit ni Ma'am. "January, medyo bagalan mo ang pag-ikot dahil may member kayong madaling mapagod."

"At kami pa talaga ang mag-aadjust," parinig sa akin ni Maya.

Nang makapaghabol ako ng hininga ay nagpatuloy na kami sa laro. Sa pangatlong ikot ay na-dead na naman kami dahil kay Criziwine.

Hindi ko alam kung sinadya niyang apakan 'yung jumping roof dahil pansin niyang maaapakan ko na naman.

"Kasalanan ko guys, kasalanan ko," aniya.

Sa sumunod ay nakalimang scores lang kami tapos naapakan na naman ni Criziwine ang jumping roof. Tuloy at inis na inis sa kaniya si Maya.

Kung hindi lang ako naghahabol kanina pa ng hininga ay nabira ko na siya. Akala niya madali lang 'to. Maigi sana kung individual.

Pansin kong pawis na pawis na silang lahat habang ako ay wala pang kapawis-pawis. Tanging hininga ko lang ang pinoproblema ko.

At sa huli ay natapos din namin ang 10 points. Nagtalon-talon ang mga ka-grupo ko, kasali si Criziwine. Sa huling talon ay binigay ko ang lahat kasi last naman na.

Ang hindi ko lang alam ay sasakit pala ang puso ko dahil sa pagkabigla no'n. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang sakit.

Bigla akong nagulat nang hilahin ako ni Criziwine dahil ako na lang ang wala sa bilog para mag-group hug.

Hindi ko nayakap ang katabi ko dahil masyado akong focus sa kumikirot kong dibdib.

Pagkatapos ng group hug ay nagpaalam sa akin si Criziwine na pupunta siyang banyo para mag-jingle. Tanga-tanga kasi hindi pa umihi kaninang nagbihis kami.

Kumikirot pa rin ang dibdib ko. Nakahawak ako roon habang naglalakad sa gilid, kung saan nakaupo ang mga kaklase namin.

Pumunta sa gitna ang group 2. Halos lahat sila ay babae. Naupo ako sa isang gilid, nakapikit na dahil parang gusto kong matulog.

"Water," my eyes opened when I saw who offered me water.

Kinuha ko iyon sa kamay niya bago uminom. Medyo nawala ang kirot sa dibdib ko. Nag-inhale exhale ako para tuluyang matanggal.

"Do you have heart disease?" tanong pa ni Zyron.

"Hindi ko alam," pambabalewala ko sa kaniyang presensya.

"How could you not know? Aren't you seeing a doctor?" tanong niya. Kung hindi ko lang alam na medyo inis din siya sa akin ay aakalain kong nag-aalala siya.

"Yes, Dad owns a hospital and he is a doctor, but I have never checked up by a doctor. Happy?" Sarkastiko kong tanong.

"You must have heart disease. Mama is like that too," sambit niya.

"Wala akong pake," pagtataray ko sa kaniya bago ibinalik ang tumbler niya at nahiga sa mga bag na nandoon.

Dinadala kasi nila ang bag dahil walang podlock ang room namin. Bag ko lang ata ang nandoon.

Matapos ang second quarter ng last semester namin ay nagkaroon ng Invictus.

"Anong sports mo?" tanong sa akin ni Criziwine nang kumuha ako ng form.

"Volleyball," sagot ko.

Mahina na nga ang puso ko nagawa ko pang piliin ang Volleyball.

Kapag nilalaro ko ang Volleyball at Badminton ay hindi ko nararamdaman ang sakit ng puso ko.

That's right, when you really like what you're doing, even if something hurts in your body, you don't feel it because you're happy with what you're doing.

Ipinasa ko kay Ma'am ang form. Nagkasabay pa kami sa pagpasa at nakita kong swimming ang pinili niya.

Tumingin ako sa lalaki bago siya tinarayan nang mahuli kong nakatingin siya sa akin.

Nang dumating ang unang araw ay unang game namin. Kasali ako sa gc ng team. Mag-me-message na lang daw doon si Ma'am kapag malapit na kaming maglaro.

"Pres, nood tayo basketball, 12 STEM syaka 12 H.E. raw ang magkalaban e," yaya ni January kay Zyron.

Saglit na nagtama ang tingin namin ni Zyron bago siya umiling kay January. "Next game na lang, volleyball," aniya.

"Oo nga pala may pambato tayo sa volleyball," parinig ni January sa akin.

Mayamaya ay lumabas si Zyron, sakto namang tumunog ang cell phone ko at pinapababa na kami sa court. Si Criziwine ay nasa court na kaya mag-isa na lang akong bababa.

Nakita ko si Zyron na pumunta sa building ng STEM. Kunot-noo ko siyang sinundan ng palihim.

Napatigil ako sa pagsunod sa kaniya nang makita ko ang magandang babae na papunta sa likod ng kanilang building.

Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita kong palihim din siyang sinundan ni Zyron.

Gusto ko na sanang umalis doon pero natagpuan ko na lang ang aking sarili na sinusundan pa rin sila. Hanggang sa makarating sa medyo masukal na bahagi ng likod ng building STEM.

Umupo ang babae sa malaking puno ng mangga. Nilatag niya ang banner ng STEM dahil siya ang muse. Napatikom ang kamay ko nang lapitan siya ni Zyron.

Hindi ko na alam ang pinag-usapan nila dahil naglakad na ako palayo.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro