Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Kahit labag sa loob ko ay sinunod ko ang utos ni Criziwine. Habang naglalakad kami papuntang court ay tinutukso-tukso niya ako na may past daw kami ni Zyron.

Kaya ayun, ang mga uto-uto kong babaeng kaklase ay naniniwala sa kaniya. Ang pruweba, 'yung towel ni Zyron na dala-dala ko!

Nang makarating sa court ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makitang kausap ni Zyron 'yung sinasabi ni January na crush ng lalaki.

"Ako ang nauna pero siya ang wakas," pagkanta ni Criziwine kaya naibato ko sa kaniya ang towel ni Zyron.

"Pikon na pikon na naman siya," natatawa niya pang sinabi. "Hoy, Krizzy, bigay mo 'to kay Pres!"

"Ibigay mo mag-isa mo!" Sigaw ko rin bago pumunta sa bench ng ABM.

Narinig iyon ng mga tao sa court kaya halos lahat sila ay saglit na napatingin sa akin. Umupo ako sa bench ng ABM bago humalukipkip doon.

Lumapit si Criziwine kay Zyron at syaka ko siya binigyan nang nakamamatay na tingin. Binigay ni Criziwine ang towel ni Zyron bago may sinabi sa lalaki na nakatatawa.

Nang magtama ang tingin namin ni Zyron ay kaagad ko siyang inirapan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong may mga pumipila na sa kanila. Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Lumipat na ang ABM ng pwesto dahil mainit na roon. Lumabas na sila ng court dahil pwede naman kahit saan.

Napadako ang tingin ko sa babaeng crush daw ni Zyron. Pinagmasdan ko siya habang tumatawa kasama ang tatlong lalaki. 'Yung isang lalaking familiar naman ay masamang nakatingin sa kanila.

Tumingin ako sa pwesto ng section namin at nakitang nakatingin sa akin si Zyron. Inis ko ulit siyang inirapan. Titingin pa ang bwisit!

Mayamaya ay naramdaman ko na ang init ng araw na dumadampi sa aking balat. Para akong pinipritong maganda rito!

"Krizzy," tawag sa akin ni Criziwine sa ibaba ng bench. Nasa pinakaitaas kasi ako. "Baba ka na raw diyan sabi ni Pres. Mainit diyan."

"Wala akong pake," maldita kong sinabi.

Umiiling siyang bumalik sa pwesto nila.

Mayamaya ay narinig ko ang tilian mula sa section namin. Parang tangang nag-alburuto ang puso ko nang makitang naglalakad na si Zyron papalapit sa pwesto ko.

"Baba," utos niya.

"Baba mo mukha mo," bulong ko.

Hindi niya pinansin ang bulong ko dahil mukhang hindi niya rin naman narinig. Umakyat siya sa pinakadulo at mas lumakas ang tilian sa section namin.

May iilan na ring mga teacher ang nanonood dahil malapit lang sa court ang faculty nila. Mga chismosa!

"Baba na, mainit dito," aniya, tinatabunan ako mula sa sikat ng araw.

"Ikaw ang bumaba, mainit na," pagbalik ko sa kaniyang sinabi.

"Why don't you want to come to our section? They don't tease you," aniya.

"Anong they don't tease you?!" Medyo malakas kong sinabi. "Ayan nga at inaasar na tayo!"

"Why did you say we have a past?" Ewan ko ba. Hindi naman nang-aasar 'yung ekspresyon niya pero feeling ko inaasar niya ako!

"Hindi ko sinabi! Tanga-tanga talaga 'yang si Maesi!" Inis kong sinabi. "Sila ang nagpauso niyan ni Criziwine sa past-past na 'yan e."

"Why are you upset? It's not true," aniya.

"Hindi naman ako dahil doon naiinis—" naputol ang sinabi ko dahil baka may kung ano pa akong masabi.

"Why are you upset then?" tanong niya.

"Alam mo, ikaw? Napaka-usisero mo, hindi ka bagay maging SSG President," sambit ko.

Itutulak ko sana siya pero nag-alala naman akong baka malaglag siya. Of course, mag-aalala talaga ako! Pero hindi dahil sa kaniya! Para sa akin! Kapag nalaglag siya riyan ako ang masisisi! Magagalit na naman si Mom!

Ayoko rin namang tumayo dahil magkakalapit kaming dalawa. Lalo lang iingay ang section namin. Mga wala ba silang hiya?! Puro sila roon tilian at sigawan, akala mo hindi nakakabulahaw sa ibang estudyante!

Umusog ako ng upo bago tumayo. Kaysa makipag-away pa kay Zyron ay kusa akong bumaba. Sumunod naman siya sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa mga kaklase namin ay puro sila tili. Asaran tuloy ang inabot ko sa mga lalaking kaklase. Ang mga babae naman ay halo-halo. 'Yung iba naman, halatang plastic ang pag-cheer.

Sa bench sa tapat ng cart ng section namin ako naupo. Nasa unahang side lang ako dahil nag-demand na naman 'yung magaling na Zyron na roon lang ako.

Hanggang sa magtanghalian ay nandoon lang ako. Nakahalukipkip ang mga braso ko sa aking dibdib habang pinapanood sila sa kanilang ginagawa.

Kapag nagtatama ang tingin namin ni Zyron ay umiirap ako sa kaniya.

"Kain na muna tayo sa canteen, Krizzy," pagyayaya ni Criziwine na parang wala siyang ginawa sa akin.

"Ayoko," matigas kong sinabi.

"Pres, ayaw kumain!" Sigaw ni Criziwine. Sumigaw ka pang bwisit ka!

Nag-umpisang mag-alisan ang mga estudyante para pumunta sa canteen or sa kanilang room para kumain ng tanghalian.

Mamayang 1 na lang daw kasi ang balik, magpapahinga muna. Basta ako, kanina pa nagpapahinga.

"Let's go," pagyayaya ni Zyron.

"Yayain mo crush mo," sambit ko bago tumayo at hinila si Criziwine palayo roon.

Binitawan ko siya nang marinig ang malakas niyang tawa. Nakakabwisit silang lahat!

Mag-isa akong pumasok sa room. Sumunod naman sa akin si Criziwine. Mang-aasar lang 'tong bwisit na 'to e.

"Hoy, kumain muna tayo," yaya niya sa akin.

"Kumain ka mag-isa mo," sambit ko pa.

"Grabe 'yang ugali mo," natatawa niyang sinabi.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "O? Anong problema sa ugali ko? Hindi mo gusto? Edi lumayas ka sa buhay ko!" Sigaw ko pa.

Muli na naman siyang tumawa. "Tuwing may pasok ka na lang talaga nireregla," sambit niya.

Magsasalita pa sana ako nang pumasok si January na tumatawa, habang parang wala sa wisyo si Zyron. Malalim na nakakunot ang kaniyang noo at mukhang may malalim na iniisip.

Sus, 'yung crush niya lang naman 'yan.

Inis akong lumipat sa kabilang upuan at hinarap ang pader.

Bakit ka ba inis na inis kay Zyron, Khryzette? Wala naman siyang ginagawa sa'yo?

'Yun na nga! Wala pa siyang ginagawa sobrang bwisit na bwisit na ako sa kaniya!

Ngayon 'yung unang araw na sobra akong na-bwisit sa kaniya na parang gusto ko na siyang saktan!

"Krizzy, kain na tayo, magugutom ka niyan e," pamimilit sa akin ni Criziwine.

"Mag-isa ka ngang kumain! Hindi ako nagugutom, ah!" Sigaw ko.

"Pakihinaan naman 'yung boses," saway ni Maya. "Hindi lang ikaw ang nandito. Mahiya ka naman."

May binulong pa siya pero dahil medyo malayo siya ay hindi ko na narinig.

At sa akala niya makikinig ako sa kaniya?

"Kumain kana lang diyan, Ibong hindi naman lumilipad," sambit ko.

"What?!" Galit na sigaw ni Maya. Padabog pa siyang tumayo at padabog ding binitawan ang kaniyang kubyertos.

Tumayo rin ako. Anong akala niya sa akin, magpapatalo? Never in my life!

"O, bakit? Totoo naman. Ano ba ang maya? Di'ba ibon?" Sarkastiko kong tanong.

Sasagot sana si Maya nang nangisali si Zyron. "'Wag mo nang patulan, Maya," aniya.

"Siya ang nag-umpisa, Pres!" Giit ng babae. "Tino-tolerate mo ang pam-bu-bully? Unbelievable," sarkastikong tumawa si Maya.

Dahil sa inis ko sa babae ay padabog akong umalis sa room. Hindi ko alam kung sinundan ba ako ni Criziwine. Pero sana 'wag.

Naglakad ako papunta sa likod ng building namin. Doon, maaliwalas, mahangin, makakapagpalamig pa ako ng ulo.

Umupo ako sa kahoy na upuan na nandoon. Nag-inhale exhale ako. 'Yun ang ginagawa ko tuwing pinapakalma ko ang aking sarili.

Wala naman akong dalaw pero bakit ba inis na inis ako ngayong araw?! Hindi ko na alam kung bakit ba ako inis na inis ngayon.

"Khryzette," napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses ng lalaking kinaiinisan ko.

"Why? Will you scold me?" Sarkastiko kong tanong. Ganoon naman palagi. Kapag may mali akong ginawa, pagagalitan ako.

"'Wag mo na akong pagsalitaan dahil kahit anong gawin mo, hindi ako mag-so-sorry kay Maya. Hindi niya ba alam na gano'n akong tao? Parang hindi ko siya kaklase. Hindi niya alam na ganoon naman ako araw-araw—"

"Is there a problem at your house?" pinutol ng kaniyang tanong Ang litanya ko.

"What?" Kunot-noo kong tanong. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"It affects the students' performance when they have problems at home. And I believe you are one of those students," sagot niya.

Tumawa ako. "Hindi ako isa sa kanila, Zyron. Hindi ba normal na palagi akong mainis dahil nakakainis?" Tanong ko.

"Ano bang kinaiinisan mo?" tanong niya.

Natigil ako dahil kahit ako ay hindi alam kung bakit ba ako naiinis ngayon. Umirap na lang ako sa kaniya. "Hindi mo na kailangan malaman. Sino ka ba?" tanong ko.

"Next time, refrain from raising your voice in the room. Maya is correct; you are not the only one present. Learn to be considerate," aniya.

"Paano kapag ayoko?" taas-kilay kong tanong.

"Hello, conference room," sagot niya.

Inirapan kong muli siya. Akala ko ay aalis na siya pero bigla siyang naupo sa tabi ko. Hindi man kami sobrang lapit pero grabe na kung mag-alburuto ang puso ko.

"Anong pangalan ng crush mo?" Bigla kong tanong.

"I don't have a crush," sagot niya.

"Sinungaling, kausap mo nga lang kanina," sambit ko.

"Who? That STEM student?" tanong niya. Tumango naman ako. "She's not my crush."

"Sinabi ni January," giit ko.

"He doesn't know everything. I don't have a crush, Khryzette. Having a crush is only for kids," sambit niya.

Tsk, kung makapagsalita.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro