Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

This will be the last chapter of Forbidden String. Next week, I publish Epilogue-Zyron's POV.

Thank you for supporting this story of Zyron and Khryzette. See you at the third installment!

Khyro Amien-that's my half brother's name.

Marcos Salvadore-my legal father's name.

"Hi, Papa," pagkausap ko sa puntod nito. "Hindi man kita nakita, alam kong minahal mo si Mama hanggang dulo. Sana masaya ka kung saan ka man naroroon, Pa."

"Your father is a great man, Khryzette," saad ni Mama. "Ang dami niyang ginawa para damayan ako sa sakit na pagkawala ninyo ng Kuya mo noon."

"He did well. He was my support when your grandfather and grandmother were sick; no one was by my side, only him."

Mapait akong napangiti. Bakit parang ang malas ni Mama sa mga lalaki. Minahal siya ni Dad ng buong puso pero nagkaroon ng maling desisyon kaya nawala si Dad sa kaniya.

Tapos ito namang si Papa na sinadya ng nasa itaas para mawala sa kaniya.

"Siguro nga pagiging mag-isa ang nakatadhana sa akin," saad ni Mama. "Alam siguro ng Panginoon na kaya ko ang sarili ko kahit walang lalaki sa buhay ko, kaya ito, nilalayo niya ang mga lalaking nag-aalok ng pagmamahal sa akin."

Naging tahimik ang sumunod na minuto namin doon. Kinausap ko rin ang puntod ni Kuya, pero sandali lang dahil wala naman akong gasinong sasabihin sa kaniya.

Pagkatapos namin sa sementeryo ay pumunta kami ni Mama sa hotel ni Lyzander. May nakausap akong isang staff na palaging nasa kaniyang suite si Lyzander. Ilang araw nang hindi lumalabas.

Iniwan ko muna ang kambal kay Zyron. Dadalhin niya sa birthday celebration ni January. Paniguradong nandoon si Criziwine. Hindi ko alam ang tungkol sa kanila ni January, pero parang binibigyan niya ata ng chance.

Bahala na siya sa buhay niya, malaki na siya. Hindi naman siya takot masaktan.

Habang nasa biyahe, biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon nang makitang si Zyron ang tumatawag. "Hello?" bungad ko.

"Six p.m. tomorrow," sagot niya. Tinutukoy niya ang kasal nina Mom and Dad. Napagdesisyunan nilang sa gabi magpakasal para tahimik ang paligid.

Naniniwala kasi silang kapag tahimik ang gabi, magiging tahimik ang relasyon nila. Siguro nung first wedding nila, may nagpaputok ng baril kaya nagkagulo.

Binaba ko ang tawag pagkatapos kamustahin ang kambal na nakikipaglaro sa anak ni Criziwine.

Medyo late na, kaya hindi namin alam ni Mama kung mayroon pang bakanteng suite na pwede naming gamitin for the whole night.

Pagpasok namin sa hotel ay agad nagbulungan ang mga staff. Natitigil lang sila kapag tinatapunan namin ng masasamang tingin. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na nakulong si Mama. Hindi lang nila napag-uusapan dahil takot silang marinig ni Lyzander.

Dumaretso kami ni Mama sa counter. "Good evening, Ma'am!" bati sa amin nung bagong staff sa counter kaya wala siyang kaalam-alam sa nangyari noon.

"Si Lyzander?" tanong ko.

"Nasa suite niya po? Bakit po?" tanong niya.

"Give me his room number, may pag-uusapan kami," sambit ko.

Nag-aalangan naman siyang nagsalita. "Ma'am, mahigpit pong bilin sa amin ni Sir Lyzander na 'wag mag-e-entertain ng bisita niya kung hindi Claudine ang pangalan. Ano po bang pangalan mo?" tanong niya.

"I'm Khryzette, his cousin," pakilala ko. Tinuro ko naman si Mama sa aking tabi. "And this is Khryzette also, my mother. The former C.E.O of this hotel."

Natigilan naman ang babae. Kumamot siya sa kaniyang batok bago may tinagawan sa telepono. "Hello po Sir, may bisita ka po... Dalawa po silang Khryzette ang pangalan, 'yung isa po pinsan mo raw tapos 'yung isa Tita mo... Papapasukin ko po? Okay po." Humarap siya sa amin bago sinabi ang room number ni Lyzander.

Tatamaan sa 'kin 'tong lalaki na 'to.

Pagdating sa harap ng room ni Lyzander ay kinalampag ko ang kaniyang pintuan. Kaagad naman niyang binuksan.

"Tita," mahina niyang sinabi, nakatingin kay Mama na nakataas ang kilay ngayon sa kaniya.

"Kamusta ang magaling kong pamangkin?" Taas-kilay na tanong ni Mama. "Akala ko ba you're doing great in our hotel. Ano ito? Nagkaganiyan ka bigla nang walang pasabi sa akin."

"Tita-" Hindi na siya pinatapos ni Mama. Hinila ako ni Mama papasok sa suite ni Lyzander.

Sa sala ay nakita namin ang mga bote ng alak na nagkalat na. Ang maduming suite niya na halatang walang ibang pinapapasok. Nandidiri kong tiningnan si Lyzander. "Seriously, couz? Nakayanan mong tumira sa ganitong suite?" nandidiri kong tanong.

"Just straight to the point, Tita. Bakit po kayo nandito?" Pambabalewala niya sa tanong ko.

"Lyzander, get up. Hindi pwedeng palaging ganiyan ang owner ng hotel. Babagsak ito nang wala sa oras," pangaral sa kaniya ni Mama. "Yes, I know. Nasaktan ka dahil sa crash landing kung saan... nawala si Claudine. Pero hindi matutuwa 'yon kung nakikita ka niyang ganito."

"Tama si Mama, Lyzander," pangingisali ko. "Alam naming masakit, dama 'yon ni Mama dahil ganoon din ang nangyari kay Papa. Pero walang mararating ang pagiging ganiyan mo. Ayos lang magluksa, pero isipin mong may buhay ka pa."

Nanghihina siyang napaupo sa sahig. Tumutulo na ngayon ang kaniyang mga luha. "P-Paano? Hindi ko alam kung paano ako babangon," humihikbi niyang sinabi.

Lumapit ako sa kaniya syaka lumuhod sa kaniyang harapan para mayakap siya. "Ayos lang umiyak," pagpapatahan ko sa kaniya. Tinatapik-tapik ni Mama ang kaniyang likuran. "Pero sana kapag naging okay ka na, ngumiti ka na ulit. Miss na miss ka na ng kambal."

"Miss na miss ko na rin si Claudine," iyak niya. "Ang laki kong bobo kasi hindi ko kaagad siya tinanggap." Humiwalay siya sa yakapan namin. "Kung tinanggap ko ba siya kaagad nung gabi bago ang aksidente, maiisipan niya pa kayang umalis?"

"Wala kang kasalanan, okay?" pagpapaalala ko sa kaniya. "Valid 'yung galit na nararamdaman mo."

"Valid? Bakit si Zyron? Hindi ba at iniwan mo rin naman siya nang walang pasabi? Bakit hindi man lang siya nagalit sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Kasi alam niya 'yung nararamdaman ko noon. Alam niyang gulong-gulo ako kaya naiintindihan niya 'yung pag-iwan ko sa kaniya. Unlike you, bigla ka na lang iniwan ni Claudine. Maayos kayo bago siya umalis, 'di ba? Doon pa lang dapat naiintindihan mo na kung bakit ka galit sa kaniya." Litanya ko.

Natahimik siya, tanging hikbi na lang ang maririnig sa kaniya. "'Wag na 'wag mong sisisihin ang sarili mo. Hindi mo hiniling na lumayo siya sa 'yo. Hindi mo ginustong mawala siya," saad ko pa.

"Ang sakit," aniya. "Sinayang ko 'yung pagkakataon kung saan pwede na kaming bumalik sa dati."

Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko hanggang sa nahulog siya sa pagkakatulog. Tumawag si Mama ng dalawang bell boy para ihiga sa kama si Lyzander.

Amoy alak ang lalaki kaya nag-insist akong pupunasan ko muna ang katawan niya. Lumabas si Mama para pumili ng suite na gagamitin namin.

Binihisan ko na rin ng pang-itaas si Lyzander. Pagkatapos ko roon ay nanatili muna ako sa kaniyang tabi. Pinagmasdan ko ang malungkot niyang mukha. "Hanggang sa pagtulog, dala-dala mo 'yung sakit ng pagkawala niya," bulong ko.

Bigla akong napaisip. Kung sakaling magmamahal muli si Lyzander, magiging maayos naman kaya? Sana oo. Sana 'yung sumunod na babaeng mamahalin niya ay manatili na sa kaniyang tabi. Ibang-iba siya ngayon. Gusto ko nang bumalik 'yung dating Lyzander na katuwang ko sa pag-aalaga sa kambal.

"Magpahinga ka muna," muli kong bulong habang inaayos ang magulo niyang buhok. "Sana paggising mo, bumalik ka na sa dati. Nandito kami ni Mama para tulungan ka. Hindi mo kami sinukuan ni Mama, kaya hindi ka rin namin susukuan."

Nagpalipas kami ng gabi ni Mama sa tabi ng suite ni Lyzander. Magkayakap kaming natulog kaya sobrang sarap ng tulog ko. Tinanghali na rin kami ng gising. Hindi pa namin narinig ang alarm clock ng hotel.

Binuksan ko ang pinto papunta sa balkonahe ng suite. Mula roon ay tanaw ko ang dagat at ang pamilyang nagpapabilad sa araw. Napangiti ako nang makita ang isang pamilya na bumubuo ng sandcastle. May dalawang bata na tuwang-tuwa sa tabi ng kaniyang ama, habang ang isang batang lalaki naman ay nakaupong tahimik sa tabi ng kaniyang Ina. "Third baby, ha," bulong ko sa sarili.

Nawala ang tingin ko sa pamilya nang mag-ring ang cellphone ko. "Hi, Mommy, this is Zyrah! Hi, Mommy, this is your pretty Kia!" bungad ng kambal sa kabilang linya.

Tiningnan ko ulit ang number nung tumawag. Number ito ni Zyron. Bakit nasa kambal ang cellphone niya?

"Mommy, may tanong kami ni kambal," excited na sinabi ni Kia.

"Ako muna ang magtatanong," putol ko sa kasiyahan nila. "Nasaan ang Daddy ninyo? Bakit kayo ang may hawak ng cellphone niya?"

"Daddy?" tanong nung kambal. "Nasa ibaba si Daddy, Mommy! Kinakausap niya 'yung isang magandang babae." sambit ni Zyrah.

"Bakit ka nagsusumbong?" inis na bulong ni Kia.

"Magandang babae? Wala naman ako riyan," pagbibiro ko kahit nag-uumpisa nang uminit ang ulo ko.

"'Yung organizer po ata nung kasal ang kausap niya, Mommy," sabi ni Kia. "Wala pong malisya iyon. Hindi naman maganda. Sexy lang. Pero mas sexy ka, Mommy."

"Ibigay niyo nga sa Daddy ninyo ang cellphone," utos ko sa kanila.

Narinig ko ang pagtakbo nila. "Daddy! Daddy! Tumatawag si Mommy!" sigaw nilang dalawa. Anong ako?! Kayo 'tong nauna. Fake news!

"Hello," baritonong sambit ni Zyron. "Good morning. Kakagising mo lang?"

"Oo," sagot ko. "Ikaw? Mukhang kanina ka pa gising, ah. May kausap ka 'no?"

"Yes. Ikaw," sagot niya.

"Galing," sarkastikong sambit ko.

"I will send your and Mama's gown this afternoon. I will also pick you up by 5 p.m," pag-iiba niya ng usapan. "Did you eat your breakfast?"

"Hindi ako mamamatay kung hindi ako kakain ng almusal," sarkastikong sagot ko.

"Yeah, great. Halatang masama ang gising mo," aniya. Umirap ako bago binaba ang tawag.

Nag-brunch kami ni Mama sa restaurant kung saan ako nag-ta-trabaho. Ang gagong Lyzander, hindi ako sinabihang tanggal na pala ako sa trabaho! Wala man lang pasabi!

Kung nalaman ko lang talaga agad, imbes na comfort, tadyak matatanggap sa 'kin ng lalaking 'yon.

Dumating ang ala-una ng hapon at natanggap na nga namin ni Mama ang gown na pinadala ni Zyron. Both long yellowish chiffon dress.

Nagtulungan kami ni Mama sa pag-aayos sa amin. Siya ang nagkulot sa aking buhok, medyo maiksi kaya hindi kaya ang loosely braid kaya sa kaniya ko na lang ginawa. Pareho ang shades ng make-up namin kaya nakikita ko ang sarili ko sa kaniya kapag tumuntong ako ng ganoong edad.

Nang dumating ang hapon ay sinundo kami ni Zyron kasama ang kambal. Sinabihan niya rin akong nasa venue na si Criziwine at January kasama ang kanilang anak na si Wayne.

Pagdating namin sa venue ng kasal ay sinalubong kaagad ako ni Criziwine. Nakipagbiruan din siya kay Mama na parang close niya ito. Nasa hindi kalayuan si January, hawak niya ang kamay ni Wayne at nanonood sa amin.

Ngumiti ako sa kaniya kaya ngumiti rin siya sa akin. Nang lumapit si Zyron ay lumapit na rin siya. "Hi, Muse!" pagtawag niya sa akin.

"Hello, P.O," nakangisi kong sinabi.

"Ayy wow, may tawagan sila," pangingisali ni Criziwine. "Paano naman ako? Wala akong position sa room natin nung senior high!"

"Ma'am na lang tawag namin sa 'yo," pagbibiro ni January. Umirap sa kaniya si Criziwine. Lumapit siya rito at nakita ko ang paglandas ng kamay ni January sa bewang ng kaibigan ko.

Tiningnan ko si Zyron. Nagtaas ang dalawa niyang kilay sa akin pero inirapan ko lang siya.

Maya-maya ay nag-umpisa na ang seremonya. Naiwan ako sa labas dahil ako ang maghahatid kay Mom sa altar. Marami siyang mga kapatid pero ako ang pinili niya.

Ngumiti ako nang malawak sa kaniya nang bumaba siya sa kotse. Inalalayan siya ng dalawang lalaki para makaupo sa wheel chair. May dalawang babae naman na nag-aayos sa kaniyang gown at belo.

Nang maging maayos na ay tinulak ko ang wheel chair ni Mom papalapit sa malaking pinto ng simbahan. Nang bumukas iyon ay nakita namin si Dad sa harap ng altar. Kahit nasa malayo ay kitang-kita ang aliwalas ng kaniyang mukha.

Dahan-dahan kong tinutulak ang wheel chair ni Mama. May mga videographer sa gilid at photographer.

Ibinigay ko si Mom kay Dad nang makalapit na kami sa kaniya. Yumakap ako kay Dad na nagiging emosyonal na. "Lagi mong aalagaan si Mom, Dad," bilin ko sa kaniya habang magkayakap kami.

"Palagi," sagot ni Dad.

Bumitaw ako sa yakapan namin bago nagpaalam na pupunta na sa tabi ni Zyron.

Sandaling nagsermon ang pari tungkol sa bisa ng kasal syaka niya inumpisahan ang pagkakasal sa mga magulang namin ni Zyron.

Nang magpalitan ng "I do" si Mom and Dad, doon na dineklara ng Pari ang pangalawang pag-iisang dibdib nila.

Narinig ko naman ang bulungan sa dalawa kong katabing dalaga. "Ang pogi nung Pari 'no? Mukhang wala pa siyang 30's," sambit nung isang malandi.

"Kilala ko 'yan e," sambit nung isa.

"Anong pangalan?"

"Felestio."

Hindi ko sila pinansin dahil hinalikan na ni Dad si Mom. Napatili ako nang umisa pa si Dad pagkatapos ng isa.

Napatingin ako kay Zyron na natatawang nakatingin sa akin. Para siguro sa kaniya bata akong tuwang-tuwa sa nangyayari.

Pagdating sa reception ng kasal ay tulog na ang kambal. Nakikipag-chismisan ako kay Criziwine nang makita ang tatlong tao, hindi kalayuan sa aming pwesto. Nakatalikod si Mama sa direksyon ko habang kausap niya si Mom at Dad.

Nagsasalita si Mom at tumatango-tango naman si Mama. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero biglang mahinang tumawa si Dad.

"Hoy, hindi. Totoo kaya!" Umabot sa table namin ang sigaw ni Mama.

Napangiti ako dahil mukhang ayos na silang tatlo. Natigilan ako nang may humawak sa aking kamay. Napalingon ako kay Zyron. "How's the feeling?" tanong niya sa akin.

"Ang saya. Ngayon ko lang sila nakitang ayos na. Sana palagi na lang ganito," sambit ko.

"Ako? Naiinggit," saad niya. "Nakakadalawang kasal na sila, tayo hindi pa nakakaisa."

Natawa ako nang bahagya. "Let's get married?" tanong ko sa kaniya.

"What?" kunot noo niyang tanong. "Naiinggit lang ako. Wala akong sinabing madaliin natin."

"'Wag na lang tayo magpakasal, ayaw mo naman ata," pagsusungit ko.

Inilapit niya ang upuan sa akin. "Who said I don't want to?" taas-kilay niyang tanong. "Let's get married whenever you want."

"Okay. Pakasal na tayo next year," desisyon ko.

"Are you sure? Next year?" tanong niya.

"Palagi akong sure kapag ikaw," sambit ko bago kumindat sa kaniya.

"Okay. Next year."

Ngumiti ako sa kaniya bago bumalik ang tingin kina Dad. Nagtatawanan pa rin sila na parang close.

Hindi naputol ang string na meron si Mama at Dad. Nalipat lang sa amin ni Zyron.

And from tonight, the string connecting Zyron and me will never be broken.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro