Chapter 6
"O, nandito ka na," bulong sa akin ni Criziwine nang dumating ako sa room at wala kaming teacher. "Anong nangyari roon sa babaeng tanga?"
"Pinagalitan ni Z-Zyron, tapos..." Ano ba naman 'yan, nauutal pa 'ko, babanggitin ko na nga lang ang pangalan niya.
"Tapos?" Bitin na tanong ni Criziwine.
"Pinagalitan din ako!" Medyo malakas kong sagot.
"Anong sinabi sa'yo?" tanong niya. "Don't tell me, pinahiya ka sa harap nung babae, ah. Makakatikim sa'kin 'yang si Pres."
I shook my head. "He didn't say anything to me while we facing the four other people there, but when the people left his office, he just reprimanded me," I litany.
Tumango-tango siya. "Defending you in public pero tinatama ka sa private. Bait ni Pres 'no?" Gumalaw-galaw pa ang kaniyang kilay.
Umirap naman ako. "Ginagawa niya iyon dahil SSG President siya. Nagpapalakas lang 'yon para siya pa rin ang SSG President next school year," sambit ko.
Nagkibit na lang siya ng balikat bago bumalik sa kaniyang upuan dahil pumasok na si January at Zyron.
Humarap ako sa kabila kong katabi. Wala ng tao roon dahil nag-drop out na 'yung kaklase kong lalaki. Tapos ang katabi nung upuan niya ay pader kaya wala akong kausap kapag hindi ko katabi si Criziwine.
"Pst," tawag sa akin ni Criziwine. Bahagyang natigil si Zyron sa kaniyang ginagawa bago ako nilingon. Katulad ng palagi kong ginagawa ay tinarayan siya.
Pumunta si Criziwine sa katabi kong upuan. "Bakit ka pala naka-sweater? Syaka kaninong sweater 'yan?" Ususera niyang tanong.
Napalabi ako at hindi alam ang isasagot. "S-Sa kakilala ko," nauutal kong tanong. Narinig ko ang pagsinghap ni Zyron sa likod ko dahil nakatalikod ako sa banda niya.
"Buti na lang may nagpahiram sa'yo. Pahiramin sana kita ng blouse," natatawa niyang sinabi.
"Bakit ka tumatawa?" Taas-kilay kong tanong.
"Kasi naman girl, naka sports bra ka," bulong niya sa akin.
"Ano naman kung naka sports bra ako?!" Malakas kong tanong.
"Ingay," bulong ni Zyron bago padabog na tumayo para lumipat ng upuan.
Mabilis na lumipas ang mga buwan hanggang sa natapos ang first quarter ng second semester namin. Pero bago tumungo sa second quarter ay may 1 week kaming academic break, pero foundation week iyon.
"Anong lulutuin?" Tanong ni Criziwine.
"'Yung muse ang paglutuin!" Sigaw ni January.
Ako lang ang nasa dulo ng mga upuan habang silang lahat ay nasa unahan. "Ako na lang magtimpla ng juice," sambit ko.
"Ikaw nga magluluto bukas," insist ni Criziwine.
"I talked to a teacher in STEM, she said that STEM 2 will borrow our kitchen area," Zyron said.
"Pumayag ka?" Taas-kilay kong tanong.
Wala akong problema sa pagpayag niya. Pero hindi ba unfair kung mauuna silang magluto gayong kaming mga TVL student ang pinaka-inaasahan bukas na mauuna sa court magbenta?
"Yes, stem 2 is to be only for a moment." Tumango-tango ako bago sila nagpatuloy sa pag-uusap. Habang ako ay nakikinig lang sa kanila.
Nakapag-decide sila na kakanin ang lulutuin. Marami namang magluluto kabilang na ako kaya madali na lang daw.
Nang kinabukasan ay maaga akong pumasok. Sunod si January, at Zyron. Nakahalukipkip ako habang nagbabasa naman si Zyron ng libro sa 21st century. Tss, aral na aral. Wala naman siyang ka-kompetensiya rito sa room.
May kumatok sa pinto ng room. Sumilip ako roon at nakita ang tatlong babae. Napatingin ako kay Zyron nang makita ko ang crush niyang nasa gitna.
Napairap ako nang si Zyron ang kailangan nung mga babae. Binigay niya rito ang susi ng kitchen area namin.
Mas makikinabang sila sa kusina namin. 'Yung pagpapakulo ng kanin ay sa bahay na ni Criziwine ginawa dahil matatagalan kami kapag dito pa. Baka mamaya matagal pa silang matapos.
Kami pa ang mapapagalitan ng teacher namin.
Tumingin ako sa lalaki dahil pinagmamasdan niya ang ekspresyon ko. Umirap lang ako sa kaniya.
Nang dumating si Criziwine ay saktong natapos na rin ang stem 2. Kami naman ang pumalit sa kanila sa kusina.
Ako ang naging taga-lagay nung malagkit na kanin sa dahon ng saging. Si Criziwine naman ang naghahalera nung mga suman sa kaldero. Lulutuin pa kasi ulit iyon hanggang sa tuluyang maluto.
Nasa tabi lang ang hindi pa lalagpas sa bente na boys. Pinapanood lang kami na akala mo nasa cooking show sila.
Pinagpapawisan na ako wala man lang silang balak buksan 'yung electric fan. Nakapuyod naman kaming lahat kaya hindi mapupunta sa niluluto ang mga buhok namin.
Pawis lang ang tiyak na mapupunta roon.
Naka-airpon at hair net kaming lahat na babae habang pinagpapawisan. Feeling ko ang lagkit ko na!
"Ang cute niyo, girls," natutuwang sinabi ni March.
"Hindi kami natutuwa sa inyo, ah," masungit na sinabi ni Criziwine.
"Pres, tingnan mo nga 'yung ginagawa nila, dapat maganda 'yon," sabi ni January.
"I can see it here," narinig kong sinabi ni Zyron.
"Hindi ka naman sa ginagawa nila nakatingin e. Sa gumagawa," ani January. Ang ingay talaga ng lalaking 'to.
Hindi ako makapagtaas ng tingin sa kanila dahil nag-fofocus ako. Panay bigay pa naman ng malagkit na kanin 'yung katabi ko.
Siya ang nagtatakal ng kanin habang ang nasa harap naman niya ang naggugupit ng mga dahon ng saging.
Ang ibang mga babae ay nasa court at inaayos ang pwesto namin doon. Naramdaman kong may lumapit sa aking likuran. Natahimik ang mga lalaking nagtatawanan kanina.
"Only two spoons of rice mixture should be. Why is that thick?" tanong sa akin ni Zyron na parang kasalanan kong hindi tama ang takal nung kanin.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Binabalot ko lang naman ang mga inaabot sa akin," masungit kong sinabi.
"Bawasan mo," utos niya.
"Ikaw magbawas!" Inis kong sigaw. "Pagod na nga 'yung tao uutusan mo pa. Kanina pa kayo mga nakaupo sa gilid, akala mo mga nanonood ng cooking show!"
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tumango ang mga kaklase kong babae.
"Are you tired?" malamyos niyang tanong.
"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang!" Sagot ko.
"Ang high blood naman ni Ms. Ganda. May dalaw ka?" nanunuyong tanong ni January.
Masama ko siyang tiningnan. "May nakikita ka ba?" pagalit kong tanong.
Napapitlag ako nang hawakan ni Zyron ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagbabalot ng kanin. Narinig ko ang singhapan sa mga kaklase namin.
"I'm handle this, rest now," seryoso niyang utos.
Inagaw ko sa kaniya ang ginagawa ko. "'Wag na. Ikaw na lang ang magpahinga dahil kailangan fresh ka mamaya dahil baka makita mo 'yung crush mo sa court. Nakakahiya kung makikita ka niyang pawis na pawis tapos sisisihin mo 'ko," mahaba kong litanya.
"Krizzy..." tawag sa akin ni Criziwine pero hindi ko siya pinansin.
Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, ah.
"Ako na," insist ulit ni Zyron.
"'Wag na nga, di'ba?" Masama ko siyang tinitigan. "Hindi ko naman kailangan ng tulong mo."
Binitawan niya ang ginagawa ko bago bumalik sa inuupuan niya kanina. Nang magsalubong ang aming mga mata ay agad ko siyang tinarayan.
Hanggang sa matapos ay hindi na ako nag-abalang tingnan siya.
Pagkatapos naming magluto ay agad akong pumunta sa lababo para maghilamos at maglinis ng kamay. Gusto kong maligo dahil sobrang init na init ako tapos ang lagkit ko pa.
"Ang init na naman ng dugo mo kay Pres, ah," sambit ni Criziwine nang tumabi siya sa akin sa lababo para maglinis ng kamay.
"Pake mo?" Walang pakialam kong tanong.
Napatawa siya ng mahina. "Alam mo, sa turingan niyo ni Pres, para kayong aso at pusa. Matagal ko nang napapansin na inis ka sa kaniya, ganoon din naman siya sa'yo minsan," aniya.
"Hindi ko naman siya masisisi kung bakit naiinis siya sa'yo minsan. Madalas mo ba namang pakyuhan, Krizzy."
"Kung hindi niya ako binibira minsan, edi sana masaya siyang nabubuhay ngayon," sambit ko.
Napabuntong hininga siya. "Kung hindi ko lang talaga alam na palagi ka niyang iniinis baka isipin ko na may past kayong dalawa e," aniya.
Binigyan ko siya ng tingin na nandidiri. "Kami ni Zyron? May past—"
"Huh? Anong past?" Pangingisali ng isa naming kaklaseng babae na si Maesi. "May past kayo ni Pres?" Medyo malakas na niyang tanong.
Agad akong lumingon sa likod at nakitang nakatingin na sa amin ngayon ang ibang babae na naghuhugas ng kamay sa ibang lababo.
Thanks God, nakalabas na ang boys.
Agad akong umiling. "Wala kaming past ni Zyron," depensa ko.
"Weh?" Hindi naniniwalang tanong ni Maesi. "Kakasabi mo lang—"
"'Wag ka ngang chismosa!" Pagputol ko sa kaniya kaya natahimik siya. "Hindi na nga maganda mukha mo, iteterno mo pa sa pag-uugali mo."
"Huy, gagi, ang harsh no'n," rinig kong bulong ng iba naming kaklase.
"Kaya walang nakikipag-kaibigan e, ganiyan ba naman ugali, kaya pati si Criziwine ay nagagaya ang ugali niya," natatawang sinabi ni Maya.
Hinawakan kaagad ni Criziwine ang kamay ko bago ko pa man masupalpal ang bunganga ni Maya.
"Hayaan mo na lang," bulong ni Criziwine.
Huminga ako nang malalim bago nagpunas ng mukha sa towel na nakuha ko sa isang upuan.
"Wala raw past," bulong ni Maesi, natatawa pa.
Dapat nga nagagalit siya dahil sa sinabi ko. Magpapaka-plastic pa. Kakaurat.
"Nagpaalam ka kay Pres?" tanong ni Criziwine nang makalapit siya sa akin.
"At bakit naman ako magpapaalam? Para saan?" masungit kong tanong.
"Kaniyang towel 'yan," sagot ni Criziwine. "Dadalhin ko nga dapat at mukhang nakalimutan niya dahil sa dami niyang dala."
"Tutal ginamit mo na rin naman, ikaw na lang magsauli sa kaniya," nakangisi niyang dagdag.
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro