Chapter 55
Pagdating ng sabado ay inihatid ko muna ang kambal kay Zyron bago ako tumulak sa trabaho. Naabutan namin siyang nagbibihis papasok sa trabaho.
"Sinong magbabantay sa amin, Daddy?" tanong ni Kia bago pa ako makapagtanong.
Nakalimutan kong ngayon ang next meeting niya kay Lyzander. Hindi niya rin naman ipinaalala sa akin.
"I will take you to the meeting," sagot ni Zyron bago bumaling sa akin.
Alam kong hindi pa kami sobrang magkaayos ni Zyron. Inuumpisahan ko pa lang ang pagbubuo sa kaniya. Hindi ko pa rin mapatawad 'yung sarili ko sa sakit na naramdaman niya dahil sa akin. He suffered in a pain that he didn't deserve.
"Mamaya pang hapon ang meeting niyo, 'di ba? Sinabi sa akin ni Lyzander," paalala ko.
"Doon muna sila sa hotel," sagot niya sa akin. Titig na titig.
"Sige. Ikaw nang bahala sa kambal, paki-update na lang ako kung anong ginagawa nila," habilin ko. Tumango naman siya sa akin bago ko inayos ang bag. "Bye na babies, see you tomorrow. O kahit mamaya sa hotel, kapag maagang nag-out si Mommy."
Humalik ako sa pisngi ng kambal. "Alis na si Mommy. 'Wag pasaway kay Daddy ninyo. Tumatanda na 'yan, kaya umiiksi na rin ang pasensya. Lalo na sa mga ugaling katulad mo, Kia," pagbabanta ko sa bata.
Sinamaan ako ng tingin ni Zyron. Tumayo ako para magpaalam na sa kaniya. "Bye," tipid kong sinabi. Ngumiti lang siya sa akin bago ako naglakad palabas ng kaniyang bahay.
Nang makarating sa trabaho ay hindi ko inaasahan ang babaeng unang bubungad sa akin sa kusina. "Claudine," tawag ko rito.
Agad siyang lumingon sa akin. Binabasa niya ang recipe ko. Lumapit siya sa akin bago inilahad sa aking harapan ang recipe book. Ngumiti siya ng bahagya sa akin. "You have already invented so many foods. It makes me proud," marahan niyang sinabi.
"Anong kailangan mo sa akin?" straight forward kong tanong. Hindi niya ako kakausapin kung wala siyang gustong sabihin.
"I'm leaving," nakangiti niyang sinabi.
"Kailangan bang alam ko?" tanong ko sa kaniya.
Natawa siya nang mahinhin. "Your friend and Lyzander are getting better, right?" tanong niya.
Natigilan ako. Wala naman akong alam sa relasyon nung dalawa. Pero kung titingnan para lang silang magkaibigan. Knowing Criziwine, parang may feelings pa kay January.
"Nagpapaubaya ka ba?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin, hindi sinagot ang tanong ko. "I had said everything I wanted to say to Lyzander. There is no reason for me to stay here; there is nothing to return to," aniya.
"Kaya, kung nagkakamabutihan na ang kaibigan mo at si Lyzander, sana 'wag niyang iwan ng walang dahilan si Lyzander. Kilala ko ang lalaking 'yon. Hirap na siyang magtiwala kapag sinira."
At kilala ko rin ang pinsan kong iyon. Halatang mahal ka pa.
"Kailan kayo nag-usap ni Lyzander? Alam niya bang aalis ka?" magkasunod kong tanong.
Nakangiti siyang umiling sa akin. Hindi ba siya nangangalay sa pagngiti?
"Kagabi lang kami nag-usap. Hindi niya rin alam itong pag-alis ko. Sabi naman niya wala siyang pakialam sa mga gagawin ko," sagot niya.
Pero galit na galit ang lalaking 'yon nung nalaman niyang napaso si Claudine. Parang engot.
May pumasok sa kusina. "Ma'am Claudine, nasa labas na po 'yung maghahatid sa inyo sa airport," sinabi nito.
Ngumiti si Claudine sa kaniya. "Pakihintay na lang ako, Manong. Thank you po," magalang niyang sinabi. She's kind, hindi siya plastik.
Bumalik ang tingin niya sa akin. "I know you won't interfere but if Lyzander ever asks, just lie," bilin niya. Kinuha niya ang small bag. "I have to go, Khryzette. It's nice talking to you."
Dire-diretso siyang lumabas ng kusina. Katulad ng sinabi niya, hindi ko sinabihan si Lyzander. Buhay naman nila 'yan. Kung maghabol si Lyzander, bahala siya sa buhay niya.
Nang dumating ang hapon ay mas naging busy dahil sa paparating na meeting. Hindi ko na rin mahawakan ang cellphone ko para maki-update kay Zyron.
Nag-che-check ako ng finish product nang biglang may tumawag sa akin. "Head chef!" tawag ni Hayle. Lumingon naman ako sa kaniya. "Tawag ka sa labas, sa may counter. Kakausapin ka raw ni Sir Lyzander."
"Ako muna sa trabaho mo, head chef," sambit niya pa. Hindi na ako nagtanggal ng hairnet at apron. Pinunasan ko na lang ang pawis ko sa noo.
Para akong nasa impyerno kapag nasa kusina. Kaliwa't-kanan ang mga apoy.
"Oo nga pala, nasa labas din 'yung kambal mong anak. Pero wala 'yung kaibigan mo," pahabol pa ni Hayle.
"Nandiyan kasi 'yung Daddy nila," pagmamayabang ko bago lumabas ng kusina.
Pagkalabas ng kusina ay nilibot ko kaagad ang tingin sa buong restaurant. Nasa isang table ang kambal, malapit sa kinauupuan nina Zyron.
Nang makita nila ako ay kumaway lang sila sa akin. Alam naman kasi nilang bawal ang maingay sa restaurant.
Tumayo si Zyrah para malapitan ang Daddy nila. Ako naman ay dumaretso sa counter. "Hi, Head chef, may sasabihin daw sa 'yo si Sir Lyzander. Wait lang, tawagan ko lang ulit," sinabi nung staff.
Tumango ako bago bumaling kina Zyron. Nasa kandungan na niya si Zyrah habang nasa kaniyang tabi si Kia. May binulong si Zyrah kay Zyron, kaya natawa ang lalaki habang may proud na ngiti sa kaniyang labi. Umirap ako sa kaniya bago bumaling sa staff.
Inilahad niya sa akin ang cellphone. "Hello?" bungad ko. "Nasaan ka na? Nandito na sina Zyron."
"Papunta akong France," sagot niya.
"Ha? Anong France? Nasa Pilipinas ang meeting mo!" singhal ko sa kaniya.
"May nasabi sa akin 'yung kaibigan ni Claudine na papuntang France si Claudine. Hindi pwedeng basta-basta na naman niya akong iiwan nang walang paalam," inis niyang sinabi.
"Hindi ba 'yan makakapaghintay? May meeting ka pa," paalala ko sa kaniya.
"May eroplanong nag-crash landing. Hindi sumasagot si Claudine sa mga tawag ko, out of coverage palagi. Ganoon din 'yung sa kaibigan niya." Ramdam ko ang kaba sa kaniyang boses.
"Please, couz, ikaw munang bahala sa meeting. Paki-cancel, ikaw na rin bahalang magsabi kung nasaan ako. Hindi talaga ako makakabalik diyan habang hindi ko nalalaman na safe si Claudine," litanya niya.
"Okay, I understand," tumatango-tango kong sinabi. "Ibababa ko na, kausapin ko na lang sila."
Ibinaba ko ang telepono bago naglakad papunta sa table nila. "Hi, Mommy!" sabay na tawag sa akin ng kambal. Ngumiti lang ako sa kanila.
"Good afternoon, Mr's," pauna ko. Hindi ko alam kung paano sila i-aaddress. "I am the head chef of this restaurant, and also the owner's cousin. He just called me a minute ago to cancel the meeting because he had an emergency."
"Emergency, again?" tanong nung lalaking palaging mainit ang ulo. "In the past, he also had an emergency. When will his emergencies end? We're just wasting our time here."
Pahabain mo lang pasensya mo, Khryzette. "I'm sorry, but can we resched—"
"No," matigas nitong putol sa sasasabihin ko.
"Bakit ka ba epal nang epal?" Ayan, naputol na pasensya ko. "Hindi naman ikaw ang may-ari ng hotel."
"Kailan daw siya free?" tanong ni Arden.
"Hindi ko pa alam, pero kung gusto pa ninyo, kayo na lang magbigay ng next schedule," sagot ko.
"I'll contact him," sambit ni Zyron.
Tumango ako. "Kung wala na tayong kailangan, umalis na tayo," sambit nung lalaki.
"Babalik na rin ako sa trabaho. Thank you for understanding," sambit ko bago sila talikuran.
Wala akong lingunang bumalik sa kusina. Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa makarinig ako nang bulungan. Saktong bumukas ang pinto ng kusina, hindi ako lumingon dahil nag-de-design ako ng pagkain.
Ilang segundo pa nang may lumapit sa pwesto ko. "Focus na focus. Magseselos na ba ako?" Natigil ako sa ginagawa nang marinig ang boses ni Zyron.
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.
"Checking on you," simple niyang sagot. "You are already sweating. Don't you bring a handkerchief?"
"Bakit ko pa dadalhin, makakalimutan ko lang din namang gamitin," sagot ko.
Natigilan ako nang hawakan niya ang likuran ko. "Basang-basa na 'yung likuran mo. May pamalit ka ba?" tanong niya ulit.
"Ilang taon na 'ko sa trabaho kong 'to, Zyron. Kayang-kaya kong i-handle kung sakali mang magkasakit ako," sambit ko naman.
"What? Do you often get sick?" nag-aalala niyang tanong.
"Ang dami mong tanong. Pwede ba lumabas ka na lang? Baka kung saan-saan mapapadpad ang kambal," turan ko.
"There is a staff watching over them," aniya.
"Ayy, hintayin mo na lang pala ako," sambit ko. "Ihahatid mo pala ako sa condo, kasi takot kang mag-commute ako." Nagtaas baba ang kilay ko sa kaniya. Hindi naman niya idineny.
"We will wait outside, I will first take the twin around the entire beach," aniya. Tumango naman ako bago siya lumabas.
Nang makalabas siya ay tumahimik na rin ang kusina.
Pagabi na nang matapos ako sa trabaho. Ako ang pinakahuling lumabas ng kusina kaya paglabas ko ay nasa bungad ang mag-aama ko.
"Mommy!" bati sa akin ng kambal. Umupo ako para mahalikan sila sa pisngi. "Kanina ka pa po namin hinihintay, nagyayaya na nga si kambal na umuwi na, kami lang ni Daddy ang may ayaw," sambit ni Zyrah.
"Ang tagal kasi ng trabaho mo, Mommy," reklamo ni Kia.
"Kaya nga uuwi na tayo," saad ko. "Kumain na ba sila?" tanong ko kay Zyron.
"Yeah. How about you?" tanong niya pabalik.
"May pagkain sa condo. Magluluto na lang ako," sagot ko naman.
Tumingin siya sa kaniyang wrist watch. "Anong oras na. Sa ibang restaurant ka na lang kumain. Pagod ka na rin," aniya.
Umiling naman ako. "Sa condo na lang. Baka inaantok na rin ang kambal. Kanina pa sila nandito," saad ko.
Siya naman ang umiling sa akin. "No, kakain ka—"
"Zyron," nagbabanta kong putol sa kaniya.
Tumango siya sa akin. "Fine, sabi ko nga, magluluto ka," pagsuko niya.
"Good," sambit ko. "Tara na, ihatid niyo na ako."
Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa makarating sa lobby ng condo. "Goodnight po, Mommy!" paalam ng kambal. "See you po bukas."
"See you tomorrow, babies," nakangiti kong sinabi.
"Mommy, 'di ba po wala kang work bukas?" tanong ni Zyrah. Tumango naman ako. "Bakit po hindi tayo mag-picnic? Family bonding po tayo, Mommy!"
Nagkatinginan kami ni Zyron. Malamang agree kaagad siya. Baka nga kaniya pang idea 'to.
Tumango naman ako kay Zyrah. "Sure, baby. Basta, sunduin niyo lang si Mommy, okay?" saad ko. Pumalakpak naman silang dalawa ng kakambal niya. "Sige na, umuwi na kayo para maaga kayong magising bukas."
"Bye po, Mommy!" paalam nila.
"Bye babies," saad ko. "Ingat sa pag-da-drive," bilin ko kay Zyron.
Lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo. Naestatwa kaagad ako sa ginawa niyang iyon. "Goodnight," bulong niya.
Hinintay ko silang makaalis sa paningin ko bago ako tumaas sa condo. Pagbukas ko ng condo ay nangunot ang noo ko nang makitang nakabukas ang ilaw.
"Lyzander?" tawag ko sa lalaking nakaupo sa sofa ng sala ko. Nakasapo ang dalawa niyang kamay sa kaniyang ulunan.
"Khryzette," basag boses niyang tawag sa akin. Nakita ko ang luha niyang dumadausdos sa kaniyang pisngi.
Agad ko siyang nilapitan. "Anong oras ka pa nandito? Ayos ka lang ba?" agaran kong tanong.
Mabilis siyang umiling. "Umalis na naman siya ng walang paalam," hikbi niya sa akin. "Pero ngayon, hindi na siya makakabalik."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Naiuwi na kanina ang mga bangkay na nakuha sa flight number 382 ng airline," nahihirapan niyang sagot. "Isa siya sa mga nakumpirmang bangkay."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. It means...
"Claudine is dead, Khryzette. Tangina."
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro