Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

"Krizzy!" Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto ng condo ko at pumasok si Criziwine, alalay ang anak niya.

Tumayo ako sa pagkakaupo para salubungin kita. "Omg! Na-miss kita, lalo na 'yung dalawa kong inaanak!" maingay niyang sinabi.

"Manahimik ka nga!" saway ko sa kaniya. "Nasa kwarto ang kambal at natutulog pa. Mamaya mo na gambalain, Wayne."

Yumakap sa akin si Criziwine. It's Sunday. Sinabihan ko siyang ngayon na lang pumunta dahil ito lang ang free day ko sa trabaho.

Umupo si Wayne sa sofa, tiningnan niya ang K-drama na pinapanood ko bago sumama ang mukha. Excuse me. Kahit hindi 'yan naiintindihan ni Zyrah, gusto niya ring nanonood niyan.

"Maya pa po gising ni Zyrah?" cute niyang tanong sa akin. Tumango naman ako. "Pwede ko po puntahan sila?" Tumangong muli ako bago. Tinulungan siya ni Criziwine makababa ng coach bago tumakbo sa kwarto.

Pinanood ko siyang sinarado ang pintuan ng kwarto bago humarap kay Criziwine na nakasimangot na ngayon.

"Anong agenda mo?" tanong ko sa kaniya bago ako naupo sa sofa. Umupo naman siya sa one person sofa ko.

"Nagkausap na kami ni January," Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "Noong isang araw lang."

"Tapos? I-kwento mo na lahat, 'wag kang magpabitin diyan," sermon ko sa kaniya.

"Unexpected 'yung pagkikita namin. Parang 'yung pagkikita ng dalawang mag-ex sa isang K-drama, gano'n ka unexpected. Tapos nag-usap kami. Siya 'yung nagyaya, ah. Pumayag lang ako kasi wala naman akong gagawin."

"Nanghingi siya ng sorry sa akin, tapos alam mo ba kung anong sabi niya?! Hindi raw siya nag-cheat!" sigaw niya.

"Ano?!" bulalas ko rin. "Anong hindi nag-cheat? Ano 'yung nakita mo? Nag-ha-haluccinate ka lang ba no'n?!"

"Nakakainis nga!" sambit niya. "Pero thank God, hindi naman niya nalaman na may anak kami. And one more thing, about sa pag-che-cheat niya. Sobrang tahimik niya lang habang nakikipag-break ako sa kaniya! Hindi man lang siya dumepensa. Pass sa halata!"

"Tapos ngayon, sasabihin niyang hindi siya nag-cheat. Mema niya," saad niya pa. "Akala niya may babalikan pa siya. Ulol siya!"

"Wala na ba talagang babalikan?" tanong ko.

Sandali siyang natigilan bago sumagot. "Oo naman! Sino ba siya 'no. Totally healed na 'ko," sagot niya.

"Totoo ba?" Paninigurado ko. "Baka mamaya kapag iniyakan ka bigla mo na lang ulit tatanggapin."

"Anong tingin mo sa 'kin? Tanga—"

"Oo," putol ko sa sinasabi niya. "Noong kayo pa nga lang, ang rupok-rupok mo na. Isang sorry, isang kiss, at hug lang ng lalaking 'yon, pinapatawad mo na kaagad."

"Noon 'yon. Past is past, never come back. Okay?" aniya.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo," naiiling kong sinabi. "By the way. How about Wayne? Alam na ba niya?"

"Nakikinig ka ba? Sabing hindi nga e," inis niyang sinabi. "Wala siyang karapatan para tumayong anak kay Wayne, pagkatapos ng ginawa niya sa amin ng anak ko."

"Tama. Napalaki mo naman si Wayne na wala siya sa tabi mo," saad ko. "He's better with Lyzander."

Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin. "Ayaw mo na na-shi-ship ang anak mo sa anak ko, pero kapag sa pinsan mo go na go ka," saad niya.

Nagkibit ako ng balikat. "Ang hina ng listening comprehension mo, o talagang nag-aassumed ka," sambit ko. "Ang sabi ko “he's better with Lyzander”, hindi ko sinabing “your better with Lyzander”, tenga mo, may kulugo."

"Parang ganoon na rin 'yon 'no!" Singhal niya. "Ipinagkakanulo mo sa akin ang pinsan mo para magkaroon na ng ama si Wayne."

"What? May mali ba na gustuhin kong si Lyzander na lang ang ama ni Wayne? Wala namang masama, ah," saad ko. "Kapag naging official Daddy na ni Wayne si Lyzander, second cousin na sila. Wala ka ng ship." Nakangisi kong sinabi.

"Hoy, grabe ka! Ganoon ka mo na ba kaayaw ang anak ko para sa anak mo!" sigaw niya. "Dapat kasi pumayag ka na lang na arrange marriage sila e."

"Dalawa?!" bulalas ko.

"Isa lang, syempre. Kung sinong nauna, sa kaniya i-aarrange," sagot niya. Napahawak siya sa kaniyang baba. Kunwari nag-iisip. "Pero magiging wrong decision 'yon. Ngayon pa nga lang, kitang-kita ko na kung sino makakatuluyan ni Zyrah."

"Paano mo nalaman? Hindi pa naman niya nakikilala 'yung para sa kaniya," mangha-manghaan kong sinabi.

Bumusangot ang kaniyang mukha. "Malakas talaga ang hinala ko na isa sa kambal, makakatuluyan ng anak ko," nakangisi niyang sinabi.

"At hindi ako papayag," umirap ako sa kaniya. 

"Ano na naman 'yang pinag-aawayan ninyo?" Biglang pumasok ng condo si Lyzander.

"At anong ginagawa mo rito sa condo ko?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya.

"Habang hindi mo pa tapos bayaran sa 'kin 'tong condo mo. Akin pa rin 'to, assumera ka," aniya.

"Pinautang ka niya?" tanong ni Criziwine.

"Oo, binili niya 'tong condo na fourty million. Bakit?" tanong ko rin.

Mahal talaga ang condo'ng ito. Kumpleto na sa amenities. Hindi ko lang na-e-enjoy ang gym dahil hindi naman ako gym lover. Tuwing Sunday lang din kami napapadpad mag-iina sa swimming pool.

"Ang daya!" bulalas ni Criziwine. Humarap siya kay Lyzander na nang-aasar na ngayon. "Last month, nangungutang ako riyan ng ten million lang. Hindi niya ako pinautang!"

"Aanhin mo ba naman kasi ang five million? Last year, nanghingi ka sa akin ng twenty million. Kung manghingi ka pa, akala mo candy lang hinihiram mo," litanya ni Lyzander.

"Pang-dagdag collection lang ng pabango at bag," kibit-balikat na sinabi ni Criziwine.

"Sabi ko na nga ba e. Dapat lang na hindi kita binigyan ng pera," naiiling na sinabi ni Lyzander.

"Ang bango kaya nung bagong labas na perfume, amoy masarap ako roon," ani Criziwine. Napalunok si Lyzander bago nag-iwas ng tingin sa babae. "Pero wala pa ring tatalo sa Chanel Coco Mademoiselle."

"May nakita ako sa mall nung isang araw. Baccarat Les Larmes Sacree de Thebes, ang pangalan. Thirty ML, worth of 6,800 dollars lang," saad ko.

"Ano?! 6, 800 dollars lang?! Lang?!" OA na sabi ni Lyzander. "Tangina 300k plus na 'yon sa Philippine money."

"Pasalamat nga 'yung pabango at nag-iipon ako ng pera para sa pangangailangan nung kambal," naiiling kong sinabi. "Kung dalaga pa ako, mabibili ko 'yon."

"Ang dami mo ngang collection ng cross body bag," komento ni Lyzander.

"Aha!" Sabay kaming napalingon ni Lyzander kay Criziwine. "Alam ko na ang gagawin natin today! Mag-sho-shopping tayo!"

"May pera ka?" tanong ni Lyzander.

Bumungisngis lang si Criziwine. "Ako ang nakaisip no'n kaya dapat pera na lang ambag niyo!" aniya.

"Walang mag-sho-shopping kung wala naman kayong pera," ani Lyzander.

"Mag-shopping na tayo!" Pamimilit pa ni Criziwine. Lumapit siya kay Lyzander at pinagdaop ang kaniyang dalawang palad, at nag-puppy eyes sa harap ng lalaki. "Lyzander, please. Ngayon mo na lang ulit ako malilibre."

Pumikit nang mariin si Lyzander bago nagsalita. "Fine. Basta hindi lalagpas sa one-hundred thousand ang magagastos niyong dalawa," aniya.

"Two-hundred thousand," pahabol ni Criziwine. "Pambili ko lang ng accessories 'yung 100k."

Napakamot na si Lyzander sa kaniyang ulunan, naiinis na. "Magpakasal ka na lang kaya sa mayaman para nasusunod lahat ng luho mo," suhestyon niya sa babae.

"Papakasalan mo ba ako?" Panghahamon ni Criziwine. Tumingkayad siya para magkalapit ang kanilang mukha. Gago, natatawa ako.

Tumaas ang isang kilay ni Lyzander bago pumatol sa kalandian ng kaibigan ko. "Kung papayag ka, pakasal na tayo bukas," paghahamon din nito.

"Sige, maghamunan kayo ng kasalan diyan," sinabi ko bago tumayo na para pumasok sa kwarto.

"Married for convenience?" Huli kong narinig mula kay Criziwine bago ako pumasok ng kwarto at iniwanan sila sa sala. Pag-usapan nila kasal nila roon.

"Mommy," inaantok na tawag sa akin ni Zyrah.

Lumapit ako sa kaniya bago siya kinarga. "Tapos ka na matulog?" malambing kong tanong sa kaniya.

"Tapos na tulog," humihikab niyang sagot. "Hilamos, Mommy."

Naglakad kami papuntang banyo, sumunod naman na parang tuta sa amin si Wayne. Ang cute niya sa black and white outfit. Mukha siyang panda.

Hinihilamusan ko si Zyrah bago nagsabing, "mag-sho-shopping tayo kasama si Ninang Criziwine ninyo."

"Kasama Tito Der?" tanong niya. Tinutukoy si Lyzander. Hindi pa kasi nila kayang bigkasin nang maayos.

Lumabas kami ng banyo bago ko inupo sa kama si Zyrah. Binuhat ko naman si Wayne para hindi na siya mahirapang tumaas. Kaagad siyang umupo sa tabi ni Zyrah. Pinagmasdan ko silang dalawa na nagtititigan. Napabuntong hininga ako nang maalala ang sinabi ni Criziwine. Demonyo siya kaya dapat hindi ako mag-aalala. Hindi mangyayari 'yung iniisip niya. Please lang.

Nang magising na rin si Kia ay ginawa ko rin sa kaniya ang ginawa ko kay Zyrah. Pinakain ko na rin sila ng kanilang almusal. Maraming nakuhang picture at videos si Criziwine kay Wayne at Zyrah, habang inaalalayan ni Wayne kumain si Zyrah. Parang hindi lang sila 3 years old pareho.

"Punta mall, Mommy?" inosenteng tanong ni Kia habang sinusuotan ko siya ng kaniyang rubber shoes.

Si Zyrah naman ay naglalakad-lakad sa buong kwarto, habang sinusundan siya ni Wayne.

Sabay na pumasok si Lyzander at Criziwine. Masama ang mukha ni Criziwine habang nakangisi si Lyzander. Pinapahid pa ni Criziwine ang kaniyang labi na parang may dumi roon.

What the hell? 'Wag nilang sabihin na naghalikan kaagad sila? Wala naman silang label.

"Tara na," yaya ko sa kanila matapos kong ayusan ang kambal.

Magkakapareho kaming tatlo ng suot, si Lyzander lang ang walang kapareho. Tumungo kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Lyzander.

Si Criziwine ang katabi ni Lyzander, habang nasa likod naman kami ng mga bata. Kandong ko si Kia, habang magkatabi si Wayne at Zyrah.

Nang makarating sa mall ay kaagad silang tumakbo sa Tom's World, kung nasaan ang mga palaruan para sa mga bata.

"Mommy, bayo!" Tili ni Zyrah nang makita ang gumagalaw na kabayong sinasakyan ng mga bata. "Mommy, sakay bayo kami!"

Tumango ako sa kaniya. Nakahawak siya kay Lyzander habang nakahawak sa akin si Kia. "Mamaya, sasakay kayo nina Wayne sa bayo," panggagaya ko sa tawag niya.

Naghintay kami sa tapat ng carousel hanggang sa matapos ang pag-ikot. Nang makaalis ang mga bata ay agad sumampa ang tatlo sa carousel. Inalalayan ko sila habang bumibili ng ticket sina Lyzander.

Nang makumpleto ang laman ay dahan-dahang umandar ang carousel. "Hawak, Zyrah, Kia," paalala ko sa kanilang dalawa.

Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng pwedeng pagkain at inumin nung kambal, dahil maya-maya gutom na naman sila.

"Criziwine, ikaw na munang bahala sa kambal. Hintayin niyo 'ko rito, bibili lang ako ng pagkain ng tatlo," paalam ko sa kaniya.

"Sige, balik ka kaagad," masaya niyang sinabi habang vinivideohan sina Wayne.

Naglakad na ako palayo sa kanila. Bumaba ako ng second floor para maglibot doon. Second time ko lang dito kaya hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot.

Paliko na sana ako nang biglang may lalaking nakaagaw ng atensyon ko. He's wearing a black suit and black plants. Akala mo ang taas ng sikat ng araw sa loob ng mall dahil naka-shades pa siya. Nakapasok ang kaniyang isang kamay sa bulsa ng pants niya, habang ang isang kamay ay may hawak na cellphone na nakatapat sa kaniyang tenga.

Medyo malayo siya sa akin pero kilalang-kilala ko ang pangangatawan niya. Kahit tatlong taon na ang lumipas.

Gumagala ang kaniyang paningin sa iba't-ibang direksyon ng mall. Iiwas na sana ako nang tingin nang biglang tumigil ang kaniyang ulo sa direksyon ko.

Kung kanina ay gumagalaw ang bibig niya dahil may kinakausap, ngayon ay nakatikom na iyon.

"Zyron," bulong ko sa sarili.

Ibinaba niya ang cellphone na hawak bago nilagay sa kaniyang bulsa. Umayos ang kaniyang pagkakatayo bago tinanggal ang shades niya.

Parang tumigil ang mundo ko nang muling magsalubong ang mga tingin namin, pagkatapos ng ilang taong walang pagkikita.

Matagal kaming magkatitigan hanggang sa may batang tumawag sa kaniya. Mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko ang pagtawag sa kaniya ng bata na siyang dahilan nang panlalamig ko. "Daddy!"

Nang makalapit sa kaniya ang bata ay yumakap ito sa kaniyang binti. Lumuhod siya sa harapan ng bata bago ito kinarga.

Napaatras ako nang makita pa ang isang babae na ngayon ay naglalakad na palapit kina Zyron. Siya 'yung babaeng kasama niya sa mall noon. Siya rin 'yung babaeng nakita ni Criziwine na buntis na kasama ni Zyron sa mall.

May pamilya na pala siya ngayon.

Plan failed.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro