Chapter 44
"Bakit ka tuloy-tuloy tumawid? Muntik na kitang masagasaan!" sermon niya sa akin nang makalapit siya.
"Anong ginagawa mo rito?" pagbabalewala ko sa sermon niya.
"Malamang, nandito 'yung company na ipinapaayos sa akin ni Lolo. Ikaw? Bakit ka nandito? Three hours ang biyahe mula sa subdivision ninyo," aniya.
"Trip ko lang pumunta rito," pagsisinungaling ko.
Maglalakad na sana ako dahil wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino. Wala pang ilang hakbang ay may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay si Lyzander naman.
Sinenyasan niya si Arden na umalis na. Tumango naman ako sa lalaki bago siya kumaway sa akin at pumasok sa kaniyang kotse syaka iyon pinaandar paalis.
"Uwi na tayo, Khryzette," maamo niyang sinabi.
Lumingon ako sa likod niya. "Nasaan ang Tita mo?" tanong ko.
"You mean, your mother?" tanong niya. Hindi naman ako sumagot. "Papunta na siyang presinto ngayon. Papakulong niya sarili niya roon."
"Ewan ko ba roon kay Tita. Gusto niyang i-pa-broadcast 'yung nagawa niyang mali para makita nung mga magulang ng mga batang namatay," aniya.
"Tama lang 'yon. Marami siyang pinatay, kahit siya pa ang totoo kong ina, hindi ko i-to-tolerate ang mali niyang nagawa," saad ko.
"Magsasampa rin siya ng kaso sa kinalakihan mong ina. Galit ka ba?" tanong niya.
"Bakit ako magagalit? Dapat lang 'yon sa kanilang dalawa. Ang daming nawalang buhay at nasira dahil sa away nilang dalawa. Pati lalaki pinag-aawayan," litanya ko.
"Uwi na lang muna tayo. Makikibalita na lang ako kay Tita," aniya. Hinawakan niya ang braso ko at dinala sa kotse niya. "'Wag mo na lang muna isipin ang kaganapan ngayon. Syaka na lang ulit kapag may lakas ka na."
Pumasok kaming dalawa sa kotse niya. Nang makaupo ay napahawak ako sa ulo kong bigla na lang sumakit. Napahawak ako sa sentido ko. "Ayos ka lang?" tanong ni Lyzander nang makita niya ang kalagayan ko.
Tumango naman ako. "Saan nga pala kita iuuwi?" Bago pa man ako makasagot sa kaniya ay biglang nandilim ang paligid.
👩🍳👩🍳👩🍳
"Krizzy?" Boses ni Criziwine ang una kong narinig nang magmulat ako ng mga mata.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi pamilyar sa akin kung nasaang kwarto ako. "Nasaan tayo?" tanong ko kay Criziwine dahil wala kami sa bahay niya. Mas lalo naman sa kwarto ko.
"Nandito tayo sa bahay ni Lyzander," sagot niya. Inalalayan niya akong tumayo. Ayos na ang pakiramdam ko kumpara kanina. "Na-kwento niya sa akin ang nangyari roon sa reunion."
"Ayoko munang pag-usapan 'yan," sambit ko.
Tumango naman siya. "Pag-usapan na lang natin ang nakakatuwang balita!" excited niyang sinabi. "For sure matutuwa ka rin dito!"
"Ano naman 'yan?" tanong ko.
"Teng-teng-teng... Juntis ka!" malakas niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?!" gulat kong tanong.
"Oh? Akala ko ba gusto mo na magkaanak?" tanong niya. "Bakit parang hindi ka natutuwa?"
"Buntis," lutang kong sinabi. "Ako, buntis? Gago ka ba?! Bawal ako mabuntis!"
"Bakit?! Confirmed na, hindi kayo magkapatid ni Zyron, kaya pwede na kayong bumalik sa dati," aniya.
Umiling-iling ako. "Hindi! Hindi kami pwedeng bumalik sa dati, lalo na ngayong may galit ang Mama niya sa Ina ko. Hindi papayag 'yon," sambit ko.
"Ha?! Grabeng galit naman talaga. Mula sa Ina hanggang sa anak. Kakairita si Tita Lici sa part na 'yon," aniya.
Napaisip ako. "Alam ko ring galit si Zyron sa tunay kong ina. Ang Ina ko ang nagplano nang lahat, kasalanan niya kung bakit wala nang kakambal ngayon si Zyron. Kaya alam ko. Galit siya sa Ina ko. Pwede ring galit siya sa akin," sambit ko.
Natigilan naman siya. Nag-iisip nang sasabihin para mapagaan ang sitwasyon. "Pero mahal ka niya—"
"Aanhin niya ang pagmamahal sa akin kung mamamatay-tao ang Ina ko?" putol ko sa kaniya. "Namatay ang kakambal niya dahil sa paghihiganti. Paano kung... Paano kung ganoon din ang gawin niya? Gagamitin niya 'yung anak namin sa paghihiganti once na malaman niya."
"Ang overthinker mo, girl," stress niyang sinabi. "May tiwala ka kay Zyron, hindi ba?"
"Oo," mabilis kong sagot. "Pero noon 'yon. Kanina, nakita ko 'yung galit sa mga mata niyang pangalawang beses kong nakita. Nagalit siya nung malaman naming ang tunay ko Ina ang may pakana nung sunog noon."
"Sinabi niya bang sa 'yo siya galit?" tanong pa niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Galit siya sa Mama ko. Malamang galit na rin siya sa akin," sagot ko.
Napabuntong hininga siya. "Hindi naman kasi ganoon 'yon. Malay mo, galit siya sa Mama mo lang. Aha! Alam ko na! Iniisip mo ba na kagaya siya ng Mama niya? Galit sa Mama tapos galit na rin sa 'yo?"
Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy ka. "Kung ganoon, edi hindi mo pa siya ganoong kilala. Kasi kung kilalang-kilala mo na siya, hindi ka magkakaroon ng ganiyang thought."
"What should I do?" wala sa katinuan kong tanong.
Bahagya siyang nagulat. "Wow, ikaw ba talaga 'yan, Krizzy? Bakit naman sa akin ka pa nagtanong. Alam kong mas alam mo ang gagawin diyan," saad niya.
"Magtitiwala ba ako sa nararamdaman ko? Feeling ko kasi kapag nalaman niyang buntis ako sa anak namin, baka gawin niyang bala ang anak namin laban sa akin," sambit ko.
"Sa pagkakakilala ko kay Zyron, parang hindi naman siya ganoon," aniya. "I mean, yes, minsan nagiging aggressive siya, 'di ba? Pero kapag inaawat mo naman ay kumakalma. Ibig sabihin, kaya niyang magpigil ng galit kapag nasa harapan ka na niya."
"Iba ngayon, Criziwine," sambit ko. "Hindi lang basta away itong pinag-uusapan. Buhay ng kakambal niya. Kahit ako, kapag nalaman kong pinatay nung Mama niya ang kakambal ko, maghihiganti ako sa kanila e."
"'Wag mo kasi siyang igaya sa 'yo, sis," sambit pa niya. "Hindi mo naman katulad 'yon na kapag galit, galit talaga."
"Pero, ikaw naman ang magdedesisyon. Hindi na siya mahirap tanggalin sa landas mo dahil tapos na rin naman ang relasyon ninyo."
"Itatago ko muna sa kaniya ang anak namin," mabilis kong sinabi. Final at desidido na. "Kapag nakapanganak na ako, syaka ako gagawa ng hakbang. Hindi ko naman habang-buhay itatago ang bata dahil alam kong habang lumalaki siya ay maghahanap siya ng ama."
"Ayy bet ko 'yan!" Tuwang-tuwa niyang sinabi, pumalakpak pa ng tatlong beses. "Mag-bestfriend na tinaguan ng anak 'yung mag-bestfriend! Agree!"
"At least 'yung ama ng anak ko, hindi nag-cheat," taas kilay kong sinabi.
Madrama siyang humawak sa kaniyang dibdib. "Ayy wow, nakaka-hurtenings ang say mo, ah," aniya.
"Nasaan nga pala si Lyzander?" pag-iiba ko ng usapan.
"Nagpaalam lang sa 'kin kanina. Bibili ng hapunan natin," sagot niya. "Sabi nga pala ng pinsan mong 'yon na rito ka na raw mula ngayon titira."
"Ano? Hindi ako papayag," saad ko.
"'Wag ka nang magpumilit diyan. Alam naman nating wala ka pang malilipatan ngayon dahil ka pang pera. Hayaan mo munang alagaan ka ng pinsan mo," pangaral niya.
"Fine," sambit ko. Tama naman siya, wala pa akong ni-sinkong duling.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto. May dala-dalang paper bag si Lyzander mula sa isang fast-food chain. "Gising na pala ang reyna. Kain na tayo," yaya niya.
Pareho silang umakyat sa kama ko at nagtabi para ayusin ang pagkain. Buti na lang hindi malambot ang kama kaya steady lang ang mga pagkain.
Binuksan ni Lyzander ang isang cup, sabay kaming nag-react ni Criziwine kaya napalingon sa amin si Lyzander. Agad niyang tinakpan ang cup at kumuha ng pabango para mawala ang mabangong amoy.
"Nakalimutan ko, pareho pa lang masama ang pang-amoy niyo," aniya bago humawak sa kaniyang sentido. "Parang mapapagod akong mag-alaga ng dalawang buntis."
"Dalawa?" Sabay naming tanong ni Criziwine. "Si Krizzy lang aalagaan mo kasi may bahay naman ako. Syaka any time pwede kong ipatawag ang family doctor namin."
Napakamot si Lyzander sa kaniyang batok. Nanliit ang mga mata kong napatingin sa kaniya. "I smell something fishy," ani ko.
"Ha? Fish?" parang tangang tanong ni Criziwine. "Wala naman. Amoy men perfume nga e."
"Bobo," sabi ko sa kaniya.
Nag-umpisa na lang kaming kumain. Ganadong-ganado si Criziwine habang kinakain niya ang isang buong manok. Alam ko na kung saan siya naglilihi, sa manok!
Ako naman ay ayaw sa mga ma-sarsa. Mas gusto ko 'yung prito at ihaw lang. Buti na lang maraming pagpipiliang binili si Lyzander.
Nang matapos kaming kumain ay mag-isang niligpit ng pinsan ko ang pinagkainan namin. Nakahilata na si Criziwine habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Ako naman ay nakasandal sa head board ng kama at malalim ang iniisip.
Hindi ko naman itatago ang anak namin ni Zyron. Gusto ko lang masigurado na safe kaming mag-ina. Ang plano ko, pagkatapos kong manganak ay magtatrabaho ako.
Habang nag-aalaga sa anak ko at nag-tatrabaho ay hahanapin ko si Zyron, pero dapat hindi niya halatang hinahanap ko siya. Syempre, kapag nakita ko na siya, hindi ko muna sasabihing may anak kami. Aalamin ko muna kung may asawa at anak na siya, kapag meron edi back off.
Kapag wala naman siyang asawa or anything, pwedeng bumalik kami sa dati? Pero hindi ko ipapaalam sa kaniya na may anak nga kami. One day, i-susurprise ko siya.
"Hi, Zyron! Congrats, matagal ka ng tatay!"
Pwede namang sa first meeting namin ay sasabihin ko kaagad ang totoo, 'yun kung wala siyang galit sa akin?
Pero, what if magiging mabait siya sa muli naming pagkikita para ma-fall ulit ako sa kaniya, tapos syaka niya ako iiwan sa ere?
Haist, hindi ko alam ang next step. Ang hirap!
Sa ngayon, focus muna ako sa pag-aalaga sa baby ko. Syaka na 'yung ibang steps. Masamang nagpaplano raw. Hindi natutupad.
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro