Chapter 41
Nang kinabukasan ay maaga akong nagising para mamili nang mga ingredients para sa tinapay na lulutuin ko. Mahilig sa tinapay si Criziwine kaya bayad ko na rin itong pagluluto ko. Uuwi na rin naman ako mamayang tanghali dahil maghahanda pa ako para sa reunion.
Nai-send na sa akin ni Zyron ang location ng reunion, iyon ang unang beses na binuksan ko ang conversation namin magmula nang matapos kami.
Patuloy pa rin naman siya sa pagpapaalala sa akin tungkol sa event. Akala mo naman engagement party iyon at tatakbo ako anumang oras.
"Ang bango! Amoy butter pandesal!" excited na sinabi ni Criziwine nang makapasok siya sa kusina. Inaahon ko na ang pandesal.
Umupo siya sa stool at inabot ko sa kaniya ang platong may lamang pandesal na may butter sa tuktok. Hindi pa ako bihasa gumawa ng tinapay pero nahihiligan ko na dahil madalas dumaan sa fyp ko sa tiktok.
"Wow, anong meron? Bakit mo 'ko ginawan ng tinapay?" Iginalaw niya ang mga kilay.
"Bayad ko 'yan sa 'yo para sa pagpapatuloy mo sa akin dito," sagot ko.
Hinipan niya muna ang tinapay bago kumagat doon. "Ang sarap talaga. Specialty mo na rin 'to 'no?" tanong niya naman.
"Second time ko lang 'yan," pagmamayabang kong sagot. "Masarap lang talaga ako kaya masarap lahat ng mga niluluto ko."
Umirap siya sa akin bago nagpatuloy sa pag-kain. Kumuha naman ako ng dalawang tasa para magtimpla ng kape. Nagkape na ako kanina pero gusto ko pa rin magkape ngayon.
"Anong oras alis mo mamaya? Ipapahatid na lang kita kay Manong," aniya.
"Sige," sambit ko.
Pagkatapos naming mag-agahan ay nagligpit na ako. Naupo muna kami sa coach na nasa sala. "Suggest ka movie, Krizzy," aniya.
"Anong i-su-suggest ko? K-drama at C-drama lang naman ang alam ko," saad ko.
"Walang kwenta," komento niya bago naghanap na lang sa Netflix ng mapapanood namin.
Nang makapili ng isang movie ay tinapos lang namin iyon bago kami tumaas sa kwartonv tinutuluyan ko para ayusin ang mga gamit ko.
Si Criziwine ang nagtitiklop ng mga damit na inilagay ko sa cabinet. Ako naman ang nagligpit ng mga gamit ko sa banyo.
Nang patapos na kami sa pagliligpit ay tinawagan na niya ang driver na maghahatid sa akin si bahay. Kinuha naman ng dalawang butler ang mga bagahe ko para isakay sa likod ng sasakyan.
Hinatid ako ni Criziwine sa lahat, sa tapat ng kotse. Nasa loob na Ang driver at hinihintay na lang akong pumasok. Ang dami kasing drama nitong si Criziwine. Magkikita naman kami bukas.
"Awts, ma-mi-miss ka kaagad ng inaanak mo," nakanguso niyang sinabi.
"Ang dami mong drama, bibisita naman ako rito bukas," saad ko.
"Kapag may work ka na, hindi mo na kami madalas bibisitahin ni baby," parang bata niyang sinabi bago hinimas ang tiyan niya.
"Aba, malamang, alangan hayaan kong magutom ako," saad ko. "Ikaw, habang hindi pa malaki 'yang tiyan mo, mag-aral ka nang patakbuhin 'yung company niyo para safe ang future ng anak mo."
Tumango-tango naman siya sa akin bago ako niyakap nang mahigpit. "Bye, Krizzy!" masaya niyang sinabi.
"Bye," sambit ko bago pumasok na sa kotse.
Nag-drive na rin si Manong at itinuro ko sa kaniya ang daan pauwi sa bahay. Haist, uuwi na naman. Ulit-ulit na lang.
Habang nasa traffic ay biglang bumukas ang cellphone kong hawak-hawak. Nakita kong may bago na namang message si Zyron.
Zyron Paldez
Uwi na.
Ayos! Parang asawa lang na nagpapauwi ng asawa niyang layas.
Pinatay ko na lang ang cellphone at nag-focus sa nadadaanan namin. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.
Namataan ko kaagad si Mom and Dad sa labas ng gate. Pareho silang sabik na makita ako. Hindi man nagsasabi sila pero alam ko, syempre.
Nang tumigil ang sasakyan ay lumabas ako ng kotse. Mabilis na lumapit si Mom sa akin para yakapin ako nang mahigpit. Si Dad naman ay lumapit sa amin bago tinapik ng dalawang beses ang ulunan ko. "Masaya kaming nakabalik ka na, anak," mahinahon niyang sinabi.
"We missed you so much, Felicienne," parang batang sinabi ni Mom bago ako muling yakapin.
Pumunta si Dad sa likod ng kotse para tulungan si Manong sa pagbababa ng mga gamit ko.
"Ano ba naman 'tong mga gamit mo, anak? Isang linggo ka lang nagbakasyon pero ang dala mo pang-isang taon na," ani Dad. "Para kang galing ibang bansa."
Natawa ako nang bahagya sa kaniyang sinabi bago may naalala. "Oops, speaking of galing sa ibang bansa. May nakalimutan pala ako," kamot ulo kong sinabi. Hinihintay ni Mom ang sasabihin ko. "Souvenirs."
"It's okay, my daughter. At least you came back! 'Yun ang mahalaga," ani Mom. "Tara na sa loob, hayaan na natin sila riyan."
Tumango ako bago nagpatianod sa hila ni Mom. "So, how's your vacation? Masaya ba? Nakapag-relax ka ba?" sunod-sunod niyang Tanong nang makapasok kami ng bahay.
Inilapag ko ang purse na dala sa coach bago ako sumalampak dahil pagod sa biyahe. "Yes, Mom. Nag-enjoy naman ako kahit papaano kahit may isang paepal doon," sinabi ko.
"Let me guess, a girl?" panghuhula niya. Umiling ako. "Oh, is it new that you hate? A man now?"
"I don't know. Basta, nababanas lang ako kapag nakikita ko siya," sinabi ko.
"Don't think about him, my daughter. Nandito ka na ulit, hindi ka na babalik sa may nakakainis na tao," natatawang sinabi ni Mom. "By the way, parating na 'yung mag-aayos sa 'yo. Maligo ka na muna bago magpahinga. Ipapatawag na lang kita mamaya."
"Okay," tipid kong sinabi bago tamad na tumayo.
"If you need anything from me, I'm just in the room. I'll call you when the make-up artist is here," aniya. Muli akong tumango. "Kung nagugutom ka, may pagkain sa kusina."
Naglakad na siya palayo. Sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok si Dad na bitbit ang bagahe ko. Nagtaas siya ng dalawang kilay sa akin bago nagsalita, "taas ko lang sa kwarto mo."
"Okay, Dad. Thank you," sinabi ko pa.
Bago ako sumunod sa kaniya sa kwarto ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauuhaw ako.
Hahawakan ko na sana ang door knob nang bigla iyong bumukas. Natigilan ako nang makita ang lalaking nakita ko kahapon sa mall na may kasamang babae.
Nakatayo lang siya sa harapan ko na parang isang panginoon na kayang pasunurin ang kahit sino man. Maging ako.
Seryoso siyang nakatitig sa akin, para pa siyang galit. Kung may ginawa lang akong masama iisipin ko na galit siya.
Akala ko ay magsasalita siya ngunit nagulat ako nang pataray siyang umiwas ng tingin sa akin bago ako nilagpasan na parang hindi ako minahal!
Inis akong humarap sa kaniya. Naglalakad na siya sa sala na parang hindi ako nakita. Ano? Hindi man lang siya nagulat na nandito ako? Ang sama ng ugali ng kakambal ko, ah.
Tumuloy na lang ako sa pag-inom ng tubig. Dahil sa inis ko kay Zyron ay nakadalawang baso ako. Kapag isang baso, kulang. Kapag dalawa, nangungulila na ako sa kaniya.
"Sino 'yung kasama mo kahapon sa mall?" Naibuga ko na lang bigla ang tubig nang biglang pumasok sa kusina si Zyron.
Pinunasan ko ang baba ko. "Putangina mo, papatayin mo ba ako sa gulat?!" galit kong tanong sa kaniya.
"I am asking you. Who was the man with you yesterday at the mall?" ulit niyang tanong. Mas mariin na ngayon.
"That is matter to you?" sarcastic kong tanong. "Kakambal lang naman kita. Dapat wala ka nang pakialam sa love life ko kasi hindi na tayo bata. Ikaw nga na may kasamang babae kahapon sa mall, hindi naman kita tinanong, hindi ba?"
"Don't give it back to me. Just as you said, we are twins. I have the right to intervene in your love life because I don't want you to be hurt by anyone," seryoso niyang sinabi.
"It's just a friend. Masaya ka na?" tanong ko sa kaniya bago siya inirapan syaka nilagpasan.
Tumaas na lang ako sa kwarto nang hindi lumilingon sa likod ko. Sumalampak ako sa kasama. Nakakapagod pa lang makipag-argue kay Zyron. Sandali lang naman 'yon.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng ilang minuto. Nagising na lang ako dahil sa malalakas na katok sa pintuan ko. "Teka lang!" malakas kong sigaw dahil ang lakas din nung pagkatok ng kung sino mang iyon.
Inis kong inayos ang buhok ko bago tumayo at naglakad palapit sa pinto. Inis kong binuksan iyon, natigilan ako nang makita ang ayos ni Zyron. He was wearing a blue tuxedo over his white polo, and he also had a black neck tie on. And he's wearing a black jeans na sobrang bumagay sa kaniya. May hawak siyang isang black shades sa kaliwa niyang kamay, mukha siyang a-attend ng meeting bilang C.E.O.
Sakto, may company si Lolo. May hospital si Dad, pwedeng siya ang mag-manage ng dalawa. Kaya niya naman.
Nabalik ako sa ulirat nang bigla niyang pitikin ang noo ko. "Ouch! Gago ka ba?!" sigaw ko sa kaniya habang hinihimas ang noo kong namula na ata.
"Mom was trying to wake you up earlier. I thought you were dead because it took you so long to open the door," aniya.
"Ang pangit ng humor mo," sambit ko bago siya nilampasan.
Sumunod naman siya sa akin sa sala. Nakita kong nandoon na si Mom, nakaayos na rin siya. Bumaling sila sa amin nung babaeng kausap niya. Iba siya sa mga kinukuhang mag-aayos sa akin. She looks young kumpara sa iba. Sa tansya ko ay mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon.
Tumayo si Mom ganoon din ang babae. "Hi, my daughter," bati sa akin ni Mom bago siya lumapit para halikan ako sa pisngi. Mabilis ko iyong tinanggal dahil baka may lips mark doong naiwan.
"Okay, my daughter. She is Grapes, bago lang siya sa ganitong trabaho since her parents are both politicians," pakilala ni Mom doon sa babae. "Ang Grapes, this is Khryzette, my daughter."
Tumango lang sa akin ang babae. Tinaasan ko siya ng isang kilay, hindi naman siya nagpatalo ng titigan.
Tumikhim si Mom sa gilid ko. "Okay, can you start with Khryzette, Grapes?" marahang tanong ni Mom sa babae.
Tipid naman itong tumango. "Follow me, Ms. Khryzette," seryosong sinabi ng babae. Walang imik naman akong sumunod sa kaniya papunta sa guest room.
Tahimik lang kaming pareho. Siya ay ginagawa ang trabaho niya at behave lang ako sa upuan ko.
She made me wear the silk blue off-shoulder dress. Its length is above my knees. I guess blue ngayon ang color ng reunion. Naka-blue dress din si Mom.
Saktong alas-dos ay natapos sa aking pag-aayos. Lumabas na ako para makaalis na kami. Saktong nasa labas na silang lahat. Nakahawak si Mom sa braso ni Dad, habang nasa likod nila si Zyron, nakapamulsa habang nakasuot ang kaniyang shades.
Bumaling siya sa akin kaya alam kong nakatitig siya. Lumapit ako sa kanila at tumigil sa amin ang Ban na gagamitin. Si Dad ang driver habang nasa tabi niyang upuan si Mom. Nasa likod naman kami ni Zyron.
Madali lang ang naging biyahe dahil hindi naman sobrang traffic. Pagdating sa venue ay mukhang kami na lang ang hinihintay. Una akong nagbukas ng pintuan at lumabas. Nakita ko ang mga pinsan kong bata na naghahabulan.
Mamaya may masasagi na naman silang importanteng bagay. Kaya ayoko sa mga bata e, automatic makukulit.
Nang makababa na sina Mom ay nauna na akong naglakad. Ang highlight ng reunion na ito ay ang pagpapakilala kay Zyron bilang official na kasapi ng pamilya.
Bulong-bulungan ang namutawi sa buong venue nang makita niyang naglalakad na si Zyron. Nasa harap na ako at hinihintay silang tatlo.
Ibinigay ng emcee ang microphone kay Mom. Si Zyron naman ay tumayo sa gilid ko.
"Good afternoon, my in laws," bati ni Mom. "I want to introduce you to one of the most important person in my life. But before I introduce him, I want you to listen to what I have to say first."
"You all witnessed my grief when I learned that Felicienne's twin had passed away. You were also among those who saw how I couldn't witness Felicienne's development due to my grieving." Yes, that's true. Mom passed away when my twin did.
Hindi niya ako nasubaybayan sa paglaki. Kung wala si Dad siguro malaki na ang sama ng loob ko kay Mom.
"But today, I would gladly announced that Felicienne's twin is alive." Mas lumakas ang bulungan. "Zyron is Felicienne's twin. I have evidences to prove kung hindi kayo naniniwala."
"Really?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses. Natigilan ako nang makita ang dalawang tao na naglalakad palapit sa gawin namin. Anong ginagawa nila rito?
"What are you doing here?" galit na tanong ni Mom.
"Hindi ako manggugulo, Lici," sagot ni Ma'am Khryzette. "Nandito ako para sabihin sa 'yo ang totoo."
"What do you mean?" tanong pa ni Mom.
"Zyron is not Khryzette's twin," matapang na sagot ni Ma'am Khryzette. "Walang kakambal ang anak ko."
What?!
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro