Chapter 40
"Beef, vegetable oil, asin, black pepper, bawang, tubig, pineapple juice, sibuyas, tomato sauce, patatas, carrot, pineapple chunks, olive, bay leaves. Ano pang kulang?" tanong ni Criziwine nang makumpleto na namin ang ingredients na lulutuin ko para sa Caldereta.
"Kaldero pa, malamang," sagot ko.
"Nakasalang na talaga," aniya.
Umirap ako sa kaniya bago pumunta sa kalderong nakasalang na nga. Nilagay ko ang vegetable oil para makapag-umpisa na. Pagabi na rin at bawal malipasan ng gutom si Criziwine.
Halos isang oras ang ginugol ko sa pagluluto. Pagkatapos ko sa pagluluto ay tinulungan ako ng dalawang alalay ni Criziwine para maghanda ng pagkain. Niyaya ko pa silang sumabay sa amin sa pagkain pero ayaw nila kaya hindi ko pinilit. Hindi ko naman ugaling mamilit kung ayaw.
"Ang sarap!" Criziwine exclaimed. Muli siyang sumubo ng kanin na may ulam, nakapikit pa ang kaniyang mga mata. Parang tanga. "Ang sarap talaga! Walang halong pangbobola!"
Ngumisi lang ako sa kaniya bago nag-umpisang kumain. Hindi na ako nabibigla kapag masarap ang luto ko. Wala namang bago.
"Mag-bake, marunong ka rin?" tanong ni Criziwine na parang may katarantaduhan na namang naisip.
Tumango ako sa kaniya. "Balak kong magtayo ng bakery sa future," sinabi ko.
"Mag-i-invest ako ng pera!" taas-kamay niyang sinabi.
"Pag-iipunan ko 'yon. Hindi ko kailangan ng pera mo," saad ko.
"Tanga mo, business nating dalawa," aniya. "Kung gusto mo naman para mas malaki, patayo tayo ng café. Or hindi kaya restaurant. Buffet restaurant, gusto mo?"
"Sa ngayon, bakery pa lang nasa isip ko," sagot ko naman. Parang masyadong hassle kapag may bakery na akong inaasikaso tapos may restaurant pa.
"Bake ka mamaya!" panghihikayat niya. "Meron akong gamit diyan para sa pag-babake. Kung ingredients naman, maglista ka na lang sa isang papel tapos uutusan ko na lang bumili mga kasam-bahay."
Tumango na lang ako para manahimik na siya. Sobrang ingay niya talaga kahit kumakain na.
Nagmamadali niyang tinapos ang pagkain niya, syaka niya ako pinagmadali kasi mag-babake pa raw ako. Habang nagliligpit siya ng mga pinagkainan namin ay sinusulat ko sa isang pilas ng papel ang mga ingredients ng gagawin kong cookies.
Siya na rin ang nag-suggest na Chocolate chip cookie ang i-bake ko dahil nag-crave raw siya bigla. Tutal kaniyang pera at kusina naman ang gagamitin ko, pumayag na 'ko.
Tinulungan ko muna siyang maglinis ng kusina niya habang naghihintay sa dalawa niyang inutusan. Nilinisan ko na rin ang oven niyang na-stock na lang sa kitchen cabinet dahil wala namang marunong mag-bake sa pamilya niya.
Design lang 'yung oven nila, gano'n.
At nang dumating na rin sa wakas ang inutusan ay inayos ko na ang mga kailangan. Inuna kong i-preheat ang oven sa 350 degrees fahrenheit. Sa isang large bowl naman ay pinagsama-sama ko ang butter, white sugar, at brown sugar. Hindi na ako gumamit ng automatic, si Criziwine na lang ang pinaghalo ko para naman may ambag siya.
Hindi naman ako usually naglalagay ng walnuts sa chocolate chip cookies pero nilagyan ko dahil request ng buntis.
Nang matapos sa paghahalo-halo ng mga sangkap ay naglagay na ako sa baking sheets ng twenty pieces. Si Criziwine lang naman ang makakaubos nito.
Isinalang ko na sa oven ang mga cookies at nag-timer ng 15 minutes. Naupo ako sa tabi ni Criziwine habang pinaglalaruan niya nang bahagya ang timer at nakapalumbaba.
"Miss ko na siya, Krizzy," nakasimangot niyang sinabi.
"Ang hirap mo ma-bored. Bigla-bigla ka na lang may na-mi-miss," sambit ko.
"Sa totoo nga, palagi ko talaga siyang naaalala. Kapag kumakain ako para siyang epal na sasagi bigla sa utak ko," aniya.
"Akala ko pa naman moved on ka na. Hindi mo kasi siya nababanggit sa akin habang nasa bakasyon ako," saad ko.
"Hindi ko siya nababanggit pero palagi ko siyang naalala kapag kausap kita sa cellphone," nabasag ang boses niya. "N-Noon kasi palagi kaming nag-vi-video call. Madalas pang inaabot ng umaga." Tuluyan na siyang umiyak. "Ang hirap-hirap mag-move on. First love ko 'yon e."
"Same," mahina kong sinabi.
Natigilan naman siya. "Pero mas nakakaiyak 'yung sa 'yo. Sakit isipin na 'yung first love mo, kakambal mo pala. Tara, iyak," yaya niya.
Umiling naman ako. "Bakit ako iiyak? Lalaki lang naman 'yan. Kailan mo ako nakitang umiyak dahil nag-away kami ni Zyron?" paghahamon ko sa kaniya.
Napanguso naman siya. "Palibhasa kapag may away kayo hindi kayo umaaktong nagbabahay-bahayan. Hindi umaalis ng condo habang hindi kayo bati. Sana all, nasa healthy relationship." komento niya.
"Healthy relationship na, naging magkapatid pa. Tangina naman talaga," inis kong bulong.
Narinig naman niya kaya malakas siyang natawa. "Pero ito lang, ah. Nagsasalita ako bilang friend mo. Kapag naman may plot twist ang story niyo—sabihin na natin na hindi naman talaga kayo magkapatid. Magkakabalikan ba kayo?" tanong niya pa.
"Malamang," malakas kong sagot. "Pareho naming mahal ang isa't-isa, hindi bilang magkapatid. Kaya kung ganiyan nga ang plot twist ng buhay namin—bakit ang tagal?!"
"Matuto ka kasing maghintay!" sigaw niya. "Kung kayo talaga ni Zyron, ang plot twist ng buhay niyo ay hindi kayo magkapatid," dugtong niya pa. Biglang nanlaki ang mga mata niya at binitawan ang timer bago sunod-sunod na pumalakpak. "Alam ko na! Baka ikaw ang hindi tunay na anak!"
Hinagis ko sa kaniya ang pamunas ng lamesa. "Gago ka! Kung ganiyang plot twist lang naman, kahit magkapatid na lang kami ni Zyron. Okay na 'yon," saad ko.
"Nakaka-sad naman. Akala ko pa naman happy ending na kayo. Happy twinning pala," nang-aasar niyang sinabi.
Umirap ako sa kaniya bago siya samaan ng tingin. "Kapag ba tinadyakan ko 'yang tiyan mo. Mawawala ang anak niyo ni January?" nakangisi kong tanong sa kaniya. Siya naman ngayon ang napairap.
Wala nang kumibo sa aming dalawa hanggang sa tumunog ang timer. Nag-umpisang pumalakpak si Criziwine nang makita niyang nilalagay ko na sa plato ang mga cookies. Para siyang batang naghihintay mabigyan ng cookies.
Inilapit ko sa kaniya ang Plato nang mailagay ko na ang lahat ng cookies. Malaki ang ngiti niyang inumpisahang kainin ang gawa ko.
Unang kagat pa lang ay napapadyak na siya dahil sa sobrang sarap. Syempre, ako gumawa. Kapag masarap 'yung gumawa, nadadamay 'yung nagawa.
"Hmm, ackkkk! Ang sarap!" muli niyang sigaw nang makagat niya ang pangalawang cookie. Binigyan niya ako ng thums-up. "Grabe, na sa 'yo na ang lahat. Maliban kay Zyron."
Umirap muli ako sa kaniya. "Ligpitin mo 'yang pinagkainan mo bago ka matulog. Uminom ka rin ng gatas, nakakatulong daw iyon para maging mahimbing ang pagtulog mo," seryoso kong bilin sa kaniya.
Tumango naman siya bago biglang bumaling sa direksyon ko. "Hindi ka kakain ng cookies mo?" tanong niya.
"Hindi na. Kulang pa ata 'yan sa 'yo," irap kong sinagot. "Mauuna na ako sa 'yo matulog. Magmula kaninang flight, wala pa akong matinong pahinga. Bwisit ka kasi."
"Edi matulog ka. Akala mo naman pinipigilan kita," aniya.
"K, bye," paalam ko sa kaniya bago lumabas ng kusina.
Tumaas ako sa kwarto at nilapag ang cellphone ko sa study table na nandoon. Bumukas iyon nang mag-message sa akin si Zyron. Hindi ko naman binasa at hinayaan na lang.
Kumuha ako ang pangtulog sa bagahe ko bago pumasok sa banyo para maligo. Natuyuan na ako ng pawis kaya pakiramdam ko ang lagkit ko na. 'Yun pa naman 'yung ayaw kong pakiramdam. Nakakainis kasi.
Lumabas ako ng banyo na nagpupunas ng basang buhok. Kinuha ko sa study table ang cellphone ko. Sakto namang bumukas iyon dahil may nag-notif mula sa Facebook.
Lyzander De Luna sent you a friend request.
Anong trip ng lalaking 'to?
Umupo ako sa kama para buksan ang cellphone ko at dumaretso sa nasabing app. Inistalk ko muna siya bago in-accept. Siguro iniistalk niya ako tapos aksidente niyang napindot.
Akala ko wala siyang sadya pero biglang nag-pop sa screen ko ang head chat na may profile ni Lyzander.
Lyzander De Luna
Anong oras reunion niyo bukas?
Bakit? Makiki-reunion ka? Gawa ka muna sarili mong pamilya.
Lyzander De Luna
Pupunta sana ako para makikain. Anong oras nga?
3 pm.
Pagka-seen niya sa reply ko ay hindi na siya nag-chat. "Aba, tarantado. Ayoko pa naman nang sineseen lang," sambit ko bago siya binlock. "'Yan deserve mo. Seener go to my block list."
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro