Chapter 34
Nang kinagabihan ay pumunta ako sa buffet restaurant ng hotel. Napag-isipan ko rin na pumuntang bar mamayang hating-gabi para magwalwal. Bagay na hindi ko naranasan kung kami pa ni Zyron. Hindi dahil sa hindi niya ako pinapayagan, wala lang talaga akong time noon dahil college student nga ako.
Napailing na naman ako sa iniisip ko. "Magmomove on ka, Khryzette," paalala ko sa sarili.
Mag-isa akong kumakain sa isang lamesa habang pinagmamasdan ang mga magpa-partner na ang sweet sa isa't-isa. Napapairap na lang ako kapag nakakaramdam ako ng inggit.
Nalipat ang atensyon ko sa lalaking umupo sa harapan ko. Napairap muli ako nang makita ko si Lyzander. "Ano na naman?" pagalit kong tanong kaagad.
Mahina siyang natawa bago humalukipkip at pinagmasdan ako. "Broken ka ba?" tanong niya.
"Wala kang pake," sagot ko.
"Sa tingin ko, oo," aniya. Tinuro niya ang isang counter. "Kanina pa ako nandoon at pinagmamasdan ka. Panay ka baling sa mga mag-jo-jowa. Para ka na ngang iiyak kaya nilapitan kita."
Hindi ako nagsalita. Ininom ko na lang ang wine na nasa baso ko bago kinagat ang pang-ibabang labi. "Umalis ka na lang," Nagulat ako nang biglang nabasag ang boses ko.
"Normal lang umiyak. First love ba?" tanong niya.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Alam mo? Sobrang chismoso mo para sa isang staff lang," umirap ako sa kaniya.
"Gusto ko lang na mayroon kang makausap. Alam ko ang pakiramdam na mawasak tapos wala kang malabasan ng sakit," aniya. "Kaya gusto kitang samahan, ayokong may ibang nakakaramdam nang naramdaman ko."
"Hindi ko kailangan ng kausap." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Okay. Mag-change topic na lang tayo baka kasi bigla kang umiyak diyan. Isipin pa ni Tita na pinapaiyak ko 'yung kapangalan niya." Medyo malakas siyang tumawa.
"Kapangalan?" tanong ko.
"Oo. Khryzette rin pangalan niya," sagot niya. "Hindi mo ba kilala 'yung model na sikat noon?"
"Hindi ako mahilig manood ng modeling," sagot ko.
"Hindi na rin naman siya nag-mo-model. Pero minsan nasa fashion show siya. Hindi ka talaga nanonood?" tanong ulit niya.
"Bakit naman ako manonood. Hindi ko naman hilig ang pag-mo-model." Umirap muli ako sa kaniya.
"Basta, sikat na sikat talaga siya. Hanggang ngayon marami pa ring nakakakilala sa kaniya. Sikat na sikat kasi si Tita noong wala pa siyang asawa." Para siyang maraming alam sa Tita niya.
"Nawalan lang talaga siya ng gana sa modeling nung nawala—"
"Lyzander." Naputol ang sinasabi ng lalaki nang tawagin siya ng isang babae sa hindi kalayuan.
Lumapit siya sa amin. Pinagmasdan ko kung paano siya maglakad. Napaka-elegante at talagang malalaman mong nasa modeling industry siya noon.
Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang sumagi sa akin ang mga sinasabi ng mga kaklase ko noong highschool pa lang ako.
"Bagay sa 'yo, Khryzette 'yung modeling, kulang ka lang talaga sa height."
"Ganda maglakad ni Khryzette, parang anak ng model, hindi ng doctor."
"Ayaw mo talaga sa pag-mo-model, Khryzette?"
"Pasa kang Miss Universe candidate, patangkad ka lang."
"Familiar 'yung lakad mo, iha."
Nawala ang mga iniisip ko nang tumayo si Lyzander sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa kaniyang Tita at hinalikan ito sa pisngi.
"Dumidiskarte pamangkin mo, tapos eepal ka." Tumaas ang isang kilay ng babae.
"At sinong dinidiskartehan mo?" taas-kilay na tanong niya sa pamangkin.
Lumapit sila sa akin. Kung 'yung ibang mga babae ay tatayo kapag nakakakita ng relatives ng lalaki. Pwes, ibahin nila ako. Hindi ko naman kilala ang lalaking ito e.
"Tita, si Khryzette nga pala," natatawang pakilala ni Lyzander sa akin doon sa Tita niya.
"Khryzette?" Nanliliit matang tanong niya sa akin. "We have the same name."
"I know," tipid kong sinabi.
Natawa nang bahagya si Lyzander. "Ayan, Tita, may tumatapat na sa pagiging maldita mo," anito.
Tumaas ang isang kilay sa akin nung babae. Tinaasan ko naman siya ng dalawang kilay. Akala niya papatalo ako sa kaniya.
"I like you, iha," nakangiting sinabi ng babae. "Hindi lang tayo pareho ng pangalan. Pareho rin tayo ng ugali. Keep it up."
Lumawak ang ngiti ni Lyzander. Akala niya yata porke gusto ako ng Tita niya ay magugustuhan ko rin siya.
Tinapik ng babae ang balikat ni Lyzander. "I will leave you first. I'm just going to the lobby. I will order something from you later," paalam niya sa pamangkin. Bumalik ang tingin niya sa akin at sinuri ang buo kong katawan. "It's nice meeting you, Khryzette."
Nang makaalis ang babae ay bumalik sa pagkakaupo si Lyzander. "Hindi pa man tayo pero alam ko nang magugustuhan ka ni Tita," nakangiti nitong sinabi.
"Hindi naman kita magugustuhan," Umirap muli ako sa kaniya bago uminom ng tubig. Nawalan na ako ng gana.
Tumayo ako at walang paalam na umalis sa restaurant. Buti na lang at hindi niya ako hinabol, baka masapak ko na siya sa sobrang kakulitan.
Nagtungo ako sa tabing-dagat. Naglakad-lakad ako sa buhanginan at pinakikiramdaman ang malamig na hangin. Naririnig ko ang tunog ng alon, naaamoy ko rin ang maalat nitong amoy.
Tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa paglalakad. Nakita kong nag-send ng message sa akin si Mom. May reunion daw na magaganap next week. Sakto sa pag-uwi ko. Doon na nila ipapakilala ni Dad si Zyron bilang kakambal ko.
Hindi ko nireplyan si Mom at pumunta na lang sa messages ni Criziwine. Nag-yayaya siyang mag-call.
Kaagad kong sinagot ang tawag niya. "Hi, Krizzy. I miss you so much!" sigaw niya mula sa kabilang linya.
Napairap ako at alam kong alam niya iyon kaya tumawa siya. "Napaka-OA mo, kanina lang ang huling kita natin," sambit ko.
"Pero miss ka na kaagad namin ng inaanak mo," pagtatampo niya. Nag-open cam siya at nakita kong nasa kwarto na siya at hinihimas ang kaniyang tiyan na maliit pa rin. "Sabi niya sa 'kin kanina, miss na niya Ninang niyang maldita."
"Dapat natutulog ka na," pag-iiba ko ng usapan.
Inilipat niya ang camera sa mukha niya. "Kanina pa ako tulog nang tulog, Krizzy. Kung hindi ako kakain, tutulog naman. Tapos nonood sandali ng tv."
"Dapat lang. Dapat nga 'wag ka munang manonood ng tv. Wala namang sinabi ang doctor mo na masama sa 'yo 'yan pero pag-iingat na rin," kibit balikat kong sinabi.
Tumawa siya sa akin. "Sobrang concerned mo talaga sa amin ng inaanak mo. Feeling ko magiging spoiled 'to sa 'yo," aniya.
"First baby, kailangan iniispoiled," sabi ko.
"No, bawal!" agaran niyang pakikipagtalo. "Baka mamaya lalaki 'tong anak ko tapos spoiled, Naku mahihirapan siyang maghanap ng mapapangasawa."
"Kapag lalaki 'yan, bugbugin mo palagi," sinabi ko naman.
"Bawal din!" sigaw niya. "Saktong pagmamahal lang para saktong pagmamahal lang din ibigay niya sa magugustuhan niya for the future. Para hindi masaktan in case na iwan."
Natahimik kaming dalawa nang uminom siya ng gamot at humiga sa kaniyang kama.
"Alam mo, Krizzy. May naisip ako," kinabahan ako sa sinabi niya. 'Yung mga ganiyang ngiti hindi ko pinagkakatiwalaan. Alam kong may masama na naman siyang balak e.
"Ano na naman?" tanong ko.
"Kapag lalaki 'tong anak ko dapat babae naman 'yung magiging anak mo. Para ipagkakasundo natin sila. Edi secured na ang mapapangasawa nila!" bulalas niya.
Agad akong umiling. Sumimangot naman siya. "Lugi anak ko. Maganda lahi namin," saad ko.
"Ayy wow, ha!" aniya. "Excuse me, mas maganda lahi namin. Mga singkit at baby face. Baka nga mas matured pang tingnan magiging anak mo e."
"Matured tingnan kasi matured naman talaga," pambawi ko. "Unlike sa 'yo. Baka baby face nga, tapos baby pa ang ugali. Yuckie."
"Hoy, ang sama ng ugali mo sa anak ko," reklamo niya.
"Anak niyo ni January," pang-aasar ko.
"Isa, nasasaktan ako," aniya. Pareho kaming natawa. "Buti na lang hindi ka nabuntis ni Zyron."
"Hoy, bunganga mo. Kadiri ka," saad ko.
"Bakit? Hindi ka ba nasarapan—"
"Criziwine!" saway ko sa kaniya. "Naririnig ka nung bata sa tiyan mo. Baka mamaya unang word niya 'masarap' agad."
Tumawa siya ng malakas. Nag-usap pa kami tungkol sa ibang bahay pero palaging napupunta sa pagkakasundo ng mga anak namin.
Hindi ako pumapayag dahil hindi naman ako fan ng arrange marriage. Gusto ko lang siya sa mga C-Drama at K-Drama pero sa totoong buhay ayoko ng gano'n.
Gusto ko 'yung malayang makakapili 'yung anak ko ng mapapangasawa niya. Para hindi magkaroon ng sama ng loob sa amin ng Tatay niya.
Nang dumating ang hating-gabi ay pinatay ko na ang tawag. Nakatulog na si Criziwine dahil sa pinapakinggan niyang kanta na si January ang kumanta.
Hindi talaga siya makakamove on kung ang pampatulog niya ay boses ng ex niyang walang-hiya.
Nagbihis lang ako ng skinny jeans syaka tube top. Wala akong gasinong alam tungkol sa bar. Basta ang alam ko lang ay maraming alak at taong nagsasayawan doon.
Bumaba ako ng restaurant at nagtanong-tanong sa mga staff kung saan ang bar area. Buti naman at mabilis ko lang nahanap.
Hindi katulad ng mga bar na napapanood ko, kakaunti lang ang mga tao rito pero katulad nga ng mga napapanood ko ay maingay at maraming nagsasayaw.
Umupo ako sa counter at kaagad um-order ng wine. Wine muna, mamaya na 'yung pampatanggal ng mga problema.
Inamoy ko muna ang wine at parang bumaligtad ang sikmura ko. Hindi naman ganito ang naramdaman ko sa wine na ininom ko rin sa restaurant kanina.
Marahil dahil halos parang tubig lang naman iyon. Ngayon mas mataas ang alcohol percent.
Iinumin ko na sana pero biglang sumakit ang tiyan ko. Para rin akong masusuka na ewan.
"Khryzette?" Narinig ko ang boses ni Lyzander. Naramdaman ko ang paglapit niya pero masyado akong abala sa pagsakit ng tiyan ko. "Bakit? Masakit ba tiyan mo?" Hindi ko siya sinagot kaya inalalayan niya akong makatayo para lumabas muna sa bar.
Tinakpan ko rin ang ilong ko dahil hindi ko nagugustuhan ang amoy ng bar. Hindi ko alam kung dahil ba sa first time ko o sa iba pang kadahilanan.
Nang makalayo sa bar ay naging ayos na rin naman ang pakiramdam. Medyo nahilo na lang ako.
"Ayos ka lang?" tanong ulit ni Lyzander. Tumango naman ako kahit hindi. "Ihahatid na kita sa kwarto mo."
Hindi na ako nagreklamo nang kunin niya sa purse ko ang susi ng suite ko at hinatid ako. Hindi naman ako nakainom ng alak pero para akong lasing. Nanghihina ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Ang gulo ng buhok mo," natatawa niyang sinabi nang mabuksan ang pinto sa kwarto ko.
Iniupo niya ako sa kama bago lumuhod sa harapan ko para hubarin ang sandals kong suot. "Suklayan muna kita, ah," aniya.
Kinuha niya ang suklay sa purse ko bago sinuklay ang mahaba kong buhok. Napapadaing ako dahil para siyang may galit sa akin.
"Dahan-dahan naman, Lyzander. Parang mauubos ang buhok ko sa ginagawa mo!" sermon ko sa kaniya habang nakapikit.
Napatawa siya ng mahina. Sandali akong nagmulat ng mga mata at nakitang may mga buhok ko na sa kaniyang kamay. Imbes na itapon iyon ay nilagay niya pa sa isang plastik.
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro