Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

"P-Paano? Paano kita naging kakambal, Zyron?" atungal kong tanong sa kaniya. Mahina na ang boses ko kakasigaw.

Nagtaas ng kamay 'yung isang babaeng hindi pamilyar sa akin. "Ako ang nurse na nagbabantay sa nursery room nang mangyari ang aksidenteng sunog," pag-uumpisa niya.

Inalalayan ako ni Zyron para makaupo sa coach. "H-Hindi ko alam kung paano at saan nag-umpisa ang sunog. Dalawa lang kasi kaming nurse na bantay nung gabing iyon."

"Nagpaalam sa akin na mag-babanyo lang 'yung isa. Ako naman ay nag-che-check ng ibang babies. Twenty plus kayong nasa nursery room no'n. May magkatabing bata na gising kaya nilapitan ko para laruin."

"Kung hindi ako nagkakamali may Khryzette 'yung pangalan nung baby na isa tapos 'yung lalaki naman ay Fequir."

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Naalala ko ang madalas na pangalang binabanggit ni Mom and Dad sa tuwing naaabutan ko silang nag-uusap sa kanilang kwarto.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwalang wala na si Fequir sa atin." sambit ni Mom.

"Tanggapin na lang natin. Fifteen years na ang nakakaraan," ani Dad.

"How will I believe! No body of our son was found!" sigaw ni Mom. "I know. As his mother, I know that he is still alive. Felicienne's twin brother are still alive!"

"Nung nag-umpisa ang sunog doon ako nag-panic. Pinindot ko ang fire alarm pero hindi gumagana," nanliit ang mga mata ko.

Paanong hindi gagana ang fire alarm? It's either hindi niya talaga pinindot. Nang dahil sa sobrang panic niya nakalimutan na niyang pindutin. Baka sinasabi niya lang iyon para hindi siya masisi. Kung napindot niya kaagad ang fire alarm ay paniguradong maagapan ang sunog at hindi mamamatay ang kakambal ko. Kung patay nga talaga siya.

Sa kabilang banda, pwedeng hindi tumunog ang alarm clock dahil pinlano ang pagkasunog ng nursery room. Sinira na nila ang fire alarm bago pa mahanap ang sunog. Mas magiging magulo kung ganoon nga.

Nagpatuloy ang babae sa pagkekwento. "Una kong binuhat 'yung isang baby na babae syaka ang kakambal nito. H-Hindi ko alam kung kakambal niya ba. Dalawa kasing batang babae 'yung katabi nung lalaki."

"'Yung isang tulog ay saglit kong iniwan. Inuna kong iligtas 'yung dalawang batang gising dahil naaawa na ako sa iyak nila."

"Nung makalabas ako ng nursery room nandoon ang mag-asawang Paldez." Tinuro niya ang mga parents ni Zyron. "Kinuha nila sa akin 'yung batang lalaki. Tinatawag nilang anak 'yung batang lalaki kaya inakala kong sila ang parents."

"Pagkatapos nilang makuha ang batang lalaki ay umalis kaagad sila roon. Gusto ko pa sanang manghingi ng tulong sa kanila para may katulong akong maglabas nung ibang mga bata pero nakalayo na sila."

"Inilapag ko 'yung batang babae sa labas ng nursery room. Pumasok ulit ako sa nursery room para iligtas 'yung iba pang mga baby. Pero pagpasok ko sobrang laki na ng sunog. K-Kahit alam kong delikado pumasok pa rin ako para iligtas ang mga bata... pero hindi ako nagtagumpay."

"'Yung isang batang babae na nagising—'yung katabi nung batang lalaki kanina ay nagising. Nasusunog na 'yung ibang mga bata kaya hindi ko na alam kung anong gagawin ko."

"Nailigtas ko 'yung mga malapit sa akin. May mga dumating na doctor at nurses pero wala rin silang nagawa," tuluyan nang umiyak ang babae. "Hindi ko sila nailigtas. Lima lang ang nagawa kong iligtas."

"Pinuntahan ko 'yung mga bata. Si Khryzette lang ang natatandaan ko dahil hindi ko na nakita ang pangalan nung ibang baby."

"Dumating naman sila," Itinuro niya sina Mom and Dad. "Tinatawag ni Mr. Yanzon ang pangalan na Khryzette. Si Mrs. Yanzon naman ay Felicienne. Sure naman akong sila ang mga magulang kaya ibinigay ko."

"Itinanong nila kung nasaan ang kambal nitong lalaki pero hindi ako nakasagot. Tinatawag nila ang Fequir na pangalan na siyang pangalan nung lalaking kinuha ng mag-asawang Paldez."

"Bakit hindi mo kaagad sinabi na may kumuha sa kakambal ko?!" asik ko sa kaniya.

"N-Natakot kasi ako," nauutal niyang sagot. "Baka hindi nila ako paniwalaan kapag sinabi kong akala ko sila ang parents nung batang lalaki. Baka ipakulong pa nila ako at mawalan ako ng trabaho."

Suminghap ako. "Unbelievable! Kasalanan mo 'to e!"

"Khryzette," saway sa akin ni Dad. "Wala siyang kasalanan. Wala lang siya sa wisyo ng panahong iyon dahil nagpapanic na siya."

"Kung sinabi niya kaagad! Kung hinanap kayo kaagad niya! Hindi na sana hahantong sa ganito, Dad! H-Hindi na sana—tangina!" Hindi ko na magawang tingnan si Zyron.

"Felicienne, ngayong alam mo na ang lahat. Please, calm down," pagpapahinto sa akin ni Mom.

"Calm down, Mom?!" galit kong tanong. "Paano ako kakalma kung 'yung... k-kambal ko, boyfriend ko. Sabihin niyo nga!"

"Mom, Dad," nanghina ako. "Alam niyong mahal na mahal ko si Zyron. Paano ko tatanggapin na kakambal ko siya?"

"All those years na magkasama kami hindi ko inisip na kadugo ko siya. Tapos ngayon mababalitaan ko ang kabaliwan na 'to?!"

"Khryzette," Tumayo na si Mom. "I thought you wanted a sibling. Didn't you wish that your twin was still alive so that you could have an ally in everything? Now that we know your twin is alive, just be happy."

"Paano nga ako magiging masaya, Mom!" sigaw ko. "Intindihin mo naman 'yung nararamdaman ko bilang babae!"

"Alam ng lahat na boyfriend ko si Zyron. Isang kahihiyan kapag nalaman nilang ang boyfriend ko ay kakambal ko pala! Isipin mo nga ang mga sasabihin nila sa akin, Mom!"

"Pandidirihan nila kami!" sigaw ko pa.

Natigilan si Mom and Dad. "See? Hindi niyo naisip 'yon 'no?" sarkastikong tanong ko. "Ang tangi niyo lang kasing inisip ay buhay siya! Hindi niyo 'ko inisip!"

"At kayo naman!" tinuro ko ang kinalakihang magulang ni Zyron. "Bakit niyo inangking inyong anak si Zyron?!"

Naramdaman ko ang paghawak ni Zyron sa kamay ko. Humarap ako sa kaniya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "'Wag mo muna akong hahawakan kasi nandidiri ako," hikbi ko.

Humarap muli ako sa mag-asawang Paldez. "Bakit niyo ginawa?!" sigaw ko.

Umiiyak na nagtaas ng tingin sa akin si Tita Mabel. "We lost two children. They are both males. I couldn't come to terms with it, and I wept every night in the hospital room," kwento niya.

"Nung nakilala ko ang Mommy ninyo at nalaman na ang isa sa kambal ay lalaki, nakipag-kaibigan ako sa kaniya."

"Yes, I am aware, unforgivably, that I intended to take the boy immediately after giving birth to him. So, as we passed by the nursery room, that's where we had planned to take Zyron. I caught a glimpse of his face before he was taken into the nursery room so I immediately memorize his face. When we discovered the nursery room was on fire, the nurse on duty suddenly emerged. I was overjoyed to see her carrying Zyron."

"We took Zyron before leaving the hospital. We treated Zyron as our own son. We raised him and gave him a name."

Sarkastiko akong napatawa. "Ang lalakas ng loob ninyo! Paano niyo naatim na kumuha ng hindi niyo naman anak?! Sana inisip niyo 'yung mararamdaman ni Mom and Dad kasi kayo mismo naramdaman kung paano mawalan ng anak!" sigaw ko.

"Ilang beses na kaming humingi ng patawad," sabi ni Tita Mabel. "Alam naming amin iyong kasalanan."

"Tangina naman," humihikbi kong sinabi. Naupo ako sa coach at sinapo ang mukha ko.

"Felicienne," tawag sa akin ni Mom.

"Mom, please, 'wag ngayon," umiiyak kong sinabi. "Pupunta muna ako sa kwarto ko. Tatanggapin ko muna."

Dahan-dahan akong tumayo. Aalalayan pa sana ako ni Zyron pero tumanggi ako. Nanghihina akong umakyat sa second floor at pumasok sa kwarto ko.

Nang maisarado ko ang pinto ay tuluyang bumigay ang mga tuhod ko. Ganoon din ang mga luhang akala ko ay ubos na.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang katotohanang hindi ko kayang tanggapin—na kakambal ko si Zyron.

Nag-play sa akin ang mga halikan namin sa mga nagdaang taon na magkarelasyon kami. 'Yung mga make love na nagawa namin.

Umiiyak kong pinunasan nang paulit-ulit ang mga labi ko. Tangina, diring-diri ako sa sarili ko. Nadaplisan iyon ng aking kuko kaya kaagad na dumugo.

Dugo.

Tangina. Pareho kami ng dugo na dumadaloy sa aming katawan.

Tumakbo ako sa banyo at binuksan ang shower. Sa ilalim ng tubig ng shower ay paulit-ulit kong binrush ang buo kong katawan.

Hindi ko kayang balikan ang mga ala-ala namin, ngayong alam kong magkadugo kami.

Nagkaroon ako ng relasyon sa kapatid ko. Worst, kakambal ko pa. Ang laking kahihiyan nito.

Napahawak ako sa sink nang biglang mahirapan akong huminga. Pinakalma ko ang sarili ko dahil sumasakit na naman ang aking puso dahil sa sobrang pag-iyak.

Ginawa ko ang inhale at exhale na exercise para makahinga ako ng maayos.

Nang bumalik sa ayos ang paghinga ko ay naligo na muli ako. Ramdam ko ang iilang dugo na dumadaloy mula sa binti, mukha, at braso ko dahil sa diin ng pagkaka-brush ko roon.

Nang matapos maligo ay nagbihis na ako. Wala akong gana sa lahat. Humiga na lang ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Biglang tumunog ang cellphone kong nasa bed side table ko. Tamad kong kinuha iyon at tiningnan ang picture na i-sinend sa akin ni Criziwine.

"Tangina, ano ba? Sabay-sabay ba?" nanghihina kong tanong sa Itaas.

Nasa picture si January at may kahalikan siyang babae na siyang nakita ni Criziwine na kayakap nito sa lobby ng condo. Ngayon naman ay nasa parking lot ang dalawa at nakuhanan ng picture na naghahalikan.

Crazy wine
Ano nang gagawin ko, Krizzy? Mukhang siya na talaga 'yung bumigay. Tangina nila!

Nasaan ka?

Crazy wine
Nasa labas. Gusto ko nang magpahinga muna.

Napapikit ako nang mariin.

Send me your location. Pupuntahan kita.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro