Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Pagkatapos kong pakalmahin mula sa pagkakaiyak si Criziwine ay sinamahan ko naman siya sa doctor para masiguro namin ang safety nila ng baby niya.

"Congratulations, Misis. You're 1 and half month pregnant," nakangiting sinabi ni Doctor Ayre.

"May mga guide po ba para sa mga new mommies?" tanong ko dahil nakatulala pa rin si Criziwine.

Alam kong shock pa rin siya sa nalaman kaya ako na lang muna ang kikilos para sa kanila ng baby niya. Both patay na ang parents niya tapos ayaw niyang ipaalam ito kay January kaya naman ako na lang ang mayroon siya.

Hindi ko naman pwedeng pabayaan 'tong babaita na ito dahil madadamay pati ang inosenteng bata.

Binigyan ako ng mga advice ni Doctor Ayre patungkol sa mga first time preggy. Binigyan niya rin ako ng iilang vitamins para tumibay ang kapit ng bata.

Lumabas kami ng hospital na nakatulala pa rin si Criziwine. Inaalalayan ko siya papuntang parking lot. Nang makarating doon ay humagulgol na naman siya ng iyak.

Kung hindi lang siya buntis baka nasapak ko na 'to!

Bigla ko namang naalala ang isa sa sinabi ni Doctor Ayre kanina. "Kapag mag-aalaga ng buntis dapat mahaba ang pasensya kaya dapat ang asawa niya ang nag-aalaga sa kaniya. Kapag kasi buntis madalas talaga ang mood swing. Mahirap din kapag nag-umpisa na siyang mag-cravings ng mga weird na pagkain."

Dinaluhan ko na lang si Criziwine. "H-Hindi ko pa kaya, Krizzy," umiiyak niyang sinabi.

"Aba, kayanin mo. 'Wag mong papabayaan 'yang sarili mo, hindi lang kaibigan ang mawawala sa 'kin, pati inaanak kaya ayus-ayusin mo," sermon ko sa kaniya.

"Walang gagabay sa 'kin," mahina niyang sinabi. "Wala na si Mommy, walang magsasabi ng mga dapat kong gawin. Wala akong alam kung paano maging Nanay."

Hinawakan ko ang kamay niya at bumuntong hininga. "Nandito ako, Criziwine. Kahit tanga ka nandito naman ako. Hindi ko kayo papabayaan, okay?" assure ko sa kaniya.

Yumakap siya sa akin at humagulgol ng iyak sa balikat ko. Nababasa na ang damit ko pero hinayaan ko lang siya. Kapag buntis kailangan iniintindi. Pambawi ko na rin ito noong mga panahong ugali ko ang iniintindi niya.

Pagkaalis namin sa hospital ay pumunta kaming grocery store para mamili sa bahay niya. Ginagawa naman ito ng mga kasambahay niya pero sa ngayon mga pagkaing in-advice muna ni Doctor Ayre ang ipamimili namin.

"Ang sabi ng Doctor mo kailangan palagi kang kumakain ng mga prutas at gulay," sinabi ko habang tumitingin-tingin sa nakabalot na prutas. "Paano ba malalaman kung fresh fruits itong mga 'to?"

"'Wag 'yung maaasim, 'yung matatamis lang," sinabi niya.

"Apple. Red syaka green apple," sambit ko bago kumuha ng isang dosenang red and green apple.

Pagkatapos namin sa fruit section ay dumako naman kami sa vegetable section. Ilalagay ko na sana ang sayote sa cart nang pigilan niya ako. "What?" maarte kong tanong.

"Alam mong hindi ako kumakain ng gulay e," pag-iinarte niya.

"'Wag kang maarte riyan. Para 'to sa baby mo," sermon ko bago naglagay ng maraming gulay sa cart.

Pagkatapos naming mamili ay pumunta na kami sa counter. Ako na lang ang pumila at pinaupo ko na lang siya sa labas para maghintay sa akin.

Pagkatapos ko sa cashier ay pinuntahan ko na siya sa labas at inihatid sa kaniyang bahay.

Nasa kusina kaming dalawa at pinapanood niya akong nilalagay sa four-door refrigerator niya ang mga pinamili namin.

"Thank you, Krizzy," bigla niyang sinabi habang nakaharap sa refrigerator.

"For what? Dito sa mga ginagawa ko?" tanong ko. "Natural lang 'to dahil kawawa ka."

"Sus ka. Ang sabihin mo mahal mo lang talaga kami ng inaanak mo," aniya bago naghimas ng kaniyang tiyan.

Isa't-kalahating buwan pa lang iyon kaya kung itatago niya muna ang anak niya kay January dapat ngayon pa lang ay makipag-break na siya para hindi na malaman ng lalaking 'yon na buntis siya.

Umupo ako sa stool pagkatapos kong magligpit ng mga pinaglagyan ng mga pinamili namin. Tiningnan ko ang tiyan niya. Napansin niyang nakatingin ako kaya nang-asar naman. "Yiee, naiinggit siya. Iyo na lang, gusto mo?"

Umirap ako sa kaniya. "Gagawa kami ni Zyron," mayabang kong sinabi.

"Ang hina ng boyfriend mo. Hanggang ngayon hindi pa rin ba nakaka-score? Virgin ka pa rin?" tanong niya.

"Nasa iisang bubong lang kami. Pareho pa kaming malandi kaya nakakagulat na kapag virgin pa ako," sambit ko.

"So may nangyayari na sa inyo?" Ngumisi lang ako sa kaniya.

Bigla namang tumunog ang cellphone kong nasa ibabaw ng table. "Yes, Dad?" sagot ko sa tawag.

"Khryzette," tawag niya sa akin sa isang seryosong boses.

Inilayo ko sa aking tenga ang cellphone dahil ang ingay sa background. Parang may nag-aaway.

"Dad, anong meron? Bakit ang ingay? Bakit naririnig ko ang boses ni Mom?" sunod-sunod kong tanong.

"Khryzette, pumunta ka sa bahay natin. Ngayon na," utos niya.

Tiningnan ko ang cellphone sa wrist watch ko. Mag-aala-una na ng hapon. "Bakit, Dad? Hindi ba nandyan si Zyron?" tanong ko.

"Yes, he's here. Pumunta ka na." Binabaan niya ako ng tawag.

"Anong meron? Si Dad mo?" tanong ni Criziwine.

"Yes. Pinapapunta niya ako sa bahay ngayon," sagot ko. Inumpisahan kong ayusin ang mga gamit ko. "I need to go, Criziwine. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo."

"Okie!" maligaya niyang sinabi.

Sabay kaming lumabas ng kusina. Humalik pa siya sa pisngi ko bago ako pinakawalan.

Mabilis akong pumara ng taxi dahil kay Criziwine na sasakyan 'yung gamit namin kanina.

Pagkarating sa tapat ng bahay ay kaagad akong pumunta sa gate para buksan iyon dahil may spare key naman ako. Pagkapasok ko sa terrace ng bahay namin ay nagtaka ako sa isa pang sasakyan na nasa garahe.

"You still lied! That's why I didn't like it when you visited me while I was in labor because you had plans with one of my children!" rinig kong sigaw ni Mom mula sa loob ng bahay.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap ng main door ng bahay. Hindi na ako kumatok dahil bahagya namang nakakaawang iyon. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.

Pare-pareho silang nagulat nang makita ako. Naguluhan naman ako dahil nandoon ang mga magulang ni Zyron. Mayroon isang babae na nakaupo sa coach habang umiiyak.

Kunot-noo kong sinarado ang pintuan bago muling humarap sa kanila. "Mom, Dad? Anong meron? Bakit mo ako pinapunta rito, Dad?" tanong ko.

"Utos ko," Mom immediately said.

Biglang tumayo si Zyron. Namumula na ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak ata. Lalapit sana siya sa akin pero parang may pumigil sa kaniya. Iritado siyang bumalik sa kaniyang pagkakaupo.

"Zyron," tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon.

Biglang lumipad ang papel na nakapatong sa japanese table. Parang sinadya ng hangin na gawing malapit sa akin ang papel.

Binigyan ko sila ng nalilitong tingin bago dahan-dahang kinuha sa sahig ang papel. Binasa ko ang nakasulat sa papel na printed.

DNA TEST RESULT

Name of the child
Zyron Quamir Paldez

Name of the mother
Lici Yanzon

Probability of Paternity: 99.9998%

Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin kay Mom. "M-Mom, ano 'to?" parang tangang tanong ko. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang DNA test.

"Mom, ano 'to?!" sigaw ko nang ni isa sa kanila ay walang sagot.

Lumapit si Dad sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at bahagya akong hinila paupo sa coach na malapit kay Mom.

"Anong meron?! Bakit ganoon ang DNA test?! Bakit positive 'yon?! Hindi ko naman kapatid si Zyron," nabasag ang boses ko dahil sa panghihina. "'Di ba?"

Umiling si Mom habang nagsisimula nang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata. "I'm sorry, my daughter," umiiyak niyang sinabi. "Zyron is your twin brother."

Tuluyan na akong nanghina dahil sa narinig. Napatitig ako kay Zyron na walang imik na nakaupo sa tabi ng mga magulang niya.

Halos dalawang minuto ata akong nakatulala lang. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako.

Paulit-ulit akong umiling kay Mom. "Hindi 'yan totoo, 'di ba?" mahina kong tanong.

"Felicienne, DNA test na mismo ang nagsasabi ng totoo," sagot ni Mom.

Hinablot ko kay Dad ang DNA result. "Ito ba, Mom?" galit kong tanong. "Ito ba ang ebidensya mo?! Isang pilas ng papel?! Paano ka nakakasiguradong si Zyron ang kakambal ko?!" Tumayo na ako sa sobrang galit at pinunit sa kanilang harapan ang DNA result. "Hindi 'yan totoo! Hindi ko kakambal si Zyron, Mom! He's my boyfriend!"

"Khryzette, please," pagpapakalma ni Mom. Akala niya siguro mapapakalma niya ako sa pag-iyak niyang iyan.

"What?! Ipagpipilitan niyong kakambal ko si Zyron kahit hindi naman?!" galit kong tanong. "Mom! Isa ka sa mga witness kung paano namatay ang kakambal ko! Hindi ba nakita mo kung paano nasunog ang nursery room ng hospital?!"

"Yes, I saw it. But three people prove that Zyron is your twin," mariin na sagot ni Mom.

"No! Hindi ako naniniwala sa kahit kanino!" sigaw ko. Paulit-ulit akong umiling habang pinupunasan ang luha ko. "Hindi ko kakambal si Zyron! Hindi!"

Bumagsak ako sa tiles na sahig nang maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Patuloy ako sa paghagulgol. "Hindi ko siya kapatid," mahina kong sinabi. "Zyron..."

"Tangina," paulit-ulit kong bulong.

"I'm sorry, Iha. But your Mom is telling the truth. Zyron is your-"

"Stop!" Umalingawngaw sa buong sala ang malakas na sigaw ni Zyron.

Mabilis siyang naglakad para daluhan ako. Agad akong yumakap sa kaniya at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

"Please, stop torturing her," humihikbi niyang sinabi habang mahigpit ang yakap sa akin. "Ako na lang ang saktan niyo, 'wag lang si Khryzette. Sa akin niyo na lang ipamukha. 'Wag niyo nang pinapaulit-ulit sa kaniya. Tangina, dinudurog niyo 'ko."

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro