Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Nagising ako kinabukasan na nakahilig sa dibdib ni Zyron. Marahan niyang sinusuklay ang buhok ko habang nakaupo siyang nakahilig sa board ng kama namin.

Pagkatapos ng ginawa namin kagabi ay kaagad akong nakatulog. Hindi ko alam kung anong oras na niya ako tinigilan kagabi or kaninang madaling-araw.

Ang natatandaan ko na lang ay nanghihina ko na siyang pinipigilan dahil pagod na pagod na ako, pero todo pa rin siya sa kaniyang ginagawa. Natigil lang ata siya nung siya na mismo ang napagod. Nakatulugan ko na kasi siya.

Hindi na rin kami nakapag-dinner. Ang isa't-isa na lang ang kinain namin.

Nagtaas ako ng tingin kay Zyron. Nakatingin lang siya sa akin. Bahagya siyang ngumiti bago pinatakan ng malalambot na halik ang noo ko. "Good morning, Hal," bati niya.

Pumikit ako para damhin ang halik niya sa aking labi. "Are you hungry?" tanong niya pa.

Inayos ko ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Walang kumot si Zyron kaya kitang-kita ko ang mga abs niya, at ang boxer niyang suot.

"'Wag mong tingnan," pinagbantaan niya ako. "Take a bath now. I'll just cook our breakfast."

Unti-unti akong umalis mula sa pagkakadag-an sa kaniya. Hindi na ako namimilipit sa sakit dahil halos gabi-gabi naman kaming nag-ma-make love simula ng grumaduate kami.

Kagabi lang 'yung first time na wala kaming protection. Hindi rin naman ako umiinom ng pills dahil kampante akong hindi ako mabubuntis.

Tumayo na siya para pumunta sa cabinet at kumuha ng short at t-shirt doon. Ngumiti siya sa akin bago lumabas ng kwarto. Ako naman ay hubad na pumasok sa loob ng banyo.

I looked at my body in the bathroom mirror and examined every part of it. My head shook only as I noticed Zyron's mark on my chest. Pinanggigilan niya talaga.

Saglit lang akong nagbabad sa bath tub bago naligo at nagbihis na para makalabas na ng kwarto. Baka luto na rin 'yung niluluto ni Zyron.

Nang pumunta ako sa kusina ay nakita kong naglalagay ng plato si Zyron. Hindi na kami gumagamit ng dalawang plato at kutsara. Tama na 'yung isa dahil palagi naman kaming share.

Umupo ako sa stool. Tinabihan niya ako nang matapos siya sa paghahanda ng mga pagkain. Ako na ang nagsandok ng kakainin naming fried rice at sunny side up egg. May french bread pa, his favorite bread.

Salitan kaming gumagamit ng kutsara. Pareho naman kaming hindi laway conscious. Maldita ako, pero hindi maarte. Minsan lang.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay nagsalita siya. "Your Mom and Dad sent me to your house this morning," aniya.

Natigilan ako sa pag-nguya ko. Tumingin ako sa kaniya bago inubos ang pagkain ko sa bibig para makapagsalita ako. "Ikaw lang?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango. "I'll take you with me if you want," sagot niya.

Umiling naman ako. "Ayos lang ako rito. Syaka may tatapusin pa akong K-drama," sambit ko.

"Okay," komento niya bago tumayo. "I'll just take a shower to get ready to leave."

Tumango lang ako ng tipid bago siya lumabas ng kusina at nagpatuloy ako sa pag-kain. Matapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan namin. Nilinisan ko ang kusina bago lumabas doon para linisin naman ang kwarto namin.

Wala sa isip ko na posibleng iyon na ang huling linis ko sa condo namin.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong linisin iyon. Ang sala naman ang nilinis ko. Habang naglilinis ay biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa japanese table.

Kinuha ko iyon at kaagad na sinagot nang makitang si Criziwine ang tumatawag.

"Hello—"

"Krizzy," naputol ang sinasabi ko nang marinig kong umiiyak mula sa kabilang linya si Criziwine.

"What happened? Bakit ka na naman umiiyak?" tanong ko sa kaniya.

"Krizzy, pwede mo ba akong puntahan? Nandito ako sa bahay, wala ako sa condo namin ni January. K-Kailangan ko lang ng kausap," humihikbi niyang sagot.

"Ano ba ang nangyari? Nag-away na naman ba kayo ni January?" tanong ko habang nagwawalis ng sala.

"N-No," basag-boses niyang sagot. "Basta, rito ko na lang ipapaliwanag. Please, puntahan mo 'ko, natatakot na ako."

"Okay, calm down. Magbibihis lang ako, pupuntahan kita riyan," mabilis kong sinabi bago binaba ang tawag.

Mabilis kong dinakot ang kalat bago nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto namin ni Zyron. Nakita ko siyang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin.

Kumunot ang kaniyang noo nang makitang nagmamadali akong pumasok ng kwarto. "What's up? Why are you in such a hurry? Are you also going somewhere?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi na ako nag-abalang sagutin siya at pumunta na kaagad sa cabinet ko para maghanap ng susuotin.

Alam kong wala akong kwentang kaibigan, sa paraan ng pagsasalita ko kay Criziwine. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa tono ng kaniyang boses kanina.

Alam kong seryoso siya. Hindi ko alam kung para saan 'yung takot niya.

"Hey," hinawakan ni Zyron ang bewang ko, hindi ako nagpatinag sa kaniyang hawak. "What is our problem? Are you alright?"

Tumigil ako sa paghahalungkat ng gamit ko nang may napili na. Humarap ako kay Zyron bago dahan-dahang tumango. "Kailangan ko lang puntahan si Criziwine," sagot ko.

"Why not January? Did they fight again?" tanong niya.

"No, hindi raw sila nag-away. Talagang ako lang muna ang kailangan niya ngayon," sagot ko. "Please, Hal, 'wag mong sasabihin na may kung ano kay Criziwine. Ako nang bahala sa kaniya."

"But, Hal, January is her boyfriend. He has the right to know about Criziwine's problems," mahinahon niyang sinabi.

Paulit-ulit akong tumango. "I know. But, please, kahit ngayon lang. Ako munang bahala kay Criziwine. Kaibigan niya ako, at alam kong ako muna ang kailangan niya sa ngayon," litanya ko.

Tumango naman siya bago ako hinalikan sa noo. "Ihahatid na kita," aniya.

Hindi na ako umalma at pumasok na lang sa banyo para magbihis.

👩‍🍳👩‍🍳👩‍🍳

Inihatid ako ni Zyron sa tapat ng bahay ni Criziwine. Kaagad akong nag-doorbell at isang kasambahay ang nakita kong lumabas ng bahay para pagbuksan ako ng gate.

"Where's Criziwine?" tanong ko sa kasambahay.

"Nasa kaniyang kwarto, Ma'am Krizzy," sagot nito.

Kilala na ako ng mga kasambahay nina Criziwine dahil madalas akong pumupunta rito kapag may away sila ni January.

Bahay at condo lang naman ang pinupuntahan niya.

Naglakad ako papasok sa bahay at tumaas sa third floor kung nasaan ang kwarto ni Criziwine. Nang mapatapat ako sa kaniyang kwarto ay tatlong beses akong kumatok ng malakas.

"Sino 'yan?" tanong niya.

"Tanga, si Khryzette 'to," balabag kong sagot.

Narinig ko ang foot steps niyang papalapit sa pinto. Binuksan niya iyon, nagtaka ako nang makita ang kalat sa kaniyang kwarto. Magang-maga rin ang kaniyang mga mata.

Hinila niya ako papasok sa kaniyang kwarto. Nilibot ko ang paningin sa kaniyang buong kwarto, hanggang sa tumigil ang paningin ko sa side table ng kaniyang kama.

May pregnancy test kit doon. Apat pa.

Umupo si Criziwine sa kaniyang kama at sinapo ang kaniyang mukha bago muling humagulgol. Pino-proseso pa ng isip ko ang nangyayari sa kaniya nang bigla siyang nagtaas ng tingin sa akin at nagsalita.

"K-Krizzy, b-buntis ako," natigilan ako sa kaniyang sinabi. "A-Anong gagawin ko?"

Lumapit ako sa mga PT bago isa-isang tiningnan iyon. Lahat ay positive ang resulta. Tumingin ako sa kay Criziwine na panay pa rin ang iyak.

"Anong gagawin ko?" paulit-ulit niyang tanong.

"Alam na ba 'to ni January?" tanong ko.

Umiling siya bago muling sinapo ang kaniyang mukha. "'Y-Yung Mama niya. Ayaw sa akin ng Mama niya," hagulgol niya.

"What?! Ilang taon na kayo ni January. Hanggang ngayon ayaw pa rin sa 'yo ng mabantot na matanda na 'yon?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Ilang beses na nga niya akong sinabihan na layuan ang anak niya. Alam mo namang mahal ko si January kaya hindi ko magawa," aniya.

"Tapos? Anong connect no'n sa pinagbubuntis mo?" tanong ko pa. "Dapat sabihin mo na kaagad ito kay January."

Umiling muli siya. "May sakit 'yung Mama niya ngayon. B-Baka kapag nalaman ni Tita February na buntis ako, baka papiliin niya si January. Alam kong hindi niya matatanggap ang anak namin ng anak niya," litanya niya.

"Paano ang bata?!" frustrated kong tanong. "Hindi pwedeng lumaking walang ama ang anak mo!"

"Hindi ko alam," iyak niya. "Mahal na mahal ni January ang Mama niya. Hindi ko kayang masaksihan ang pagpili niya sa kaniyang Ina kaysa sa amin ng anak niya. Baka madamay ko lang ang anak namin."

"Anong status niyo ngayon ni January?" tanong ko.

"Nakikipag-hiwalay ako sa kaniya kanina pa," sagot niya. "Mas maigi na siguro 'yung lumayo ako—kami ng baby ko."

"Hindi mo man lang ipapaalam sa kaniya?" tanong ko. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. "Sabihin mo kay January na may anak kayo. Kung ayaw ni January, ako na lang ang aako sa anak ninyo."

"Kapag sinabi ko mas magagalit sa akin ang Mama niya. Bawal ma-stress 'yung Mama niya kasi baka ma-stroke, 'yun ang pinakainiilagan ni January," aniya.

Napasabunot ako sa aking buhok. "Hindi mo naman sasabihin sa Mama niya. Malamang kay January mo lang sasabihin. Utak mo nasa talampakan na naman!" singhal ko.

"Nagbabantay si January sa loob ng kwarto ng Mama niya sa hospital. Imposibleng hindi niya marinig," aniya.

"Edi kapag tulog!" sambit ko pa. Juskong babae 'to, hindi marunong mag-isip!

"Sasabihin niya 'yon sa Mama niya, malamang!" sigaw niya rin sa akin.

Natahimik naman ako. Gago, hindi ko naisip 'yon.

"Kapag nalaman ng Mama niya baka ma-stress 'yon tapos—boom baka biglang mamatay! Ako pa masisisi nito!" sigaw niya pa. "Mas lalong mawawalan ng ama ang anak ko!"

"E, anong gagawin natin diyan?" Turo ko sa kaniyang tiyan.

"Itatago ko na lang muna?" hindi niya siguradong sabi.

"Tataguan mo ng anak si January?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Mas maigi na 'yon!" sigaw niya. "Syaka hindi ko naman panghabang-buhay itatago ang anak namin. For the mean time lang."

"Sure ka bang hindi ito malalaman ni January?" tanong ko.

"Kung hindi mo sasabihin sa boyfriend mo," sagot niya.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro