Chapter 27
"Shall we seat, Mom, Dad," sambit ko.
Saglit na tumango si Mom bago siya umupo. Ipinaghila muna ako ni Zyron ng upuan bago niya ipaghila ang Mama niya.
Nang makaupo kaming lahat ay may waiter na kaagad lumapit sa amin. Um-order muna kami bago inumpisahan ang conversation.
"We're glad na kahit pareho silang only child ay nagkasundo pa rin sila," galak na sabi ni Tita Mabel.
"I didn't expect you to be his mother. Didn't you also lose a child before? It's good that you were able to have another child." Nakita ko ang pagka-dissapoint ni Zyron sa sinabing iyon ni Mom.
"But after Zyron, I didn't plan to have another child because I was afraid of repeating what happened with my first child," sambit ni Tita Mabel.
Tumango-tango si Mom. "Pareho lang tayo. Natatakot din akong maulit ang nangyari sa kakambal ni Felicienne kaya hindi ko siya nasundan pa," ani Mom.
Natamik ang lamesa namin mula sa tanungan nang dumating ang order namin. Kaagad pinalitan ni Dad ang usapan kanina patungkol sa past.
"So, may plano na ba tayo para sa kasal nila?" tanong ni Tito Franco.
"Kasal?" tanong ni Mom habang naghihiwa siya ng kaniyang steak. "I will not marry my daughter, Franco, right now."
"Why not?" taas-kilay na tanong ni Tita Mabel. "Both of them have completed their studies; the only thing left is the board exam, and then they can begin their professions."
"My daughter is not yet ready," matabang na tanong ni Mom. "Masyadong maiksi ang apat na taon para makilala niya ng mabuti si Zyron."
Nakakunot ang noo ko habang pinapanood si Tita Mabel at Mom. Ang dami kong tanong pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
Why does Mom seem to suddenly dislike Zyron and I's relationship? Dati-rati naman ay siya pa ang excited tuwing magpapaalam ako sa kaniya na mag-da-date kami ni Zyron.
She also always gave me advice for when Zyron and I get married. But why did the wind seem to blow differently now that she met Zyron's parents?
Anong mayroon sa past nilang apat?
Nawala ang tingin ko sa mga nag-uusap nang maramdaman kong hinawakan ni Zyron ang kamay ko mula sa ibabaw ng lamesa.
Tumingin ako kay Mom na nakatingin sa mga kamay namin ni Zyron. Akala ko sa akin siya magtataas ng kamay ngunit nagulat ako nang titigan niya si Zyron.
May kung ano sa mga mata niyang hindi ko mabasa. Pain, bereavement, worry, joy, nervousness?
Inawat na ni Dad si Mom sa sasabihin pa nito. Pinalitan niya ang usapan sa magaan na topic. Tungkol na sa business ang kanilang pinag-uusapan. Si Mom ay tahimik na kumakain at panay ang sulyap kay Dad bago kay Zyron. Habang si Tita Mabel naman ay pinagpapawisan kahit malakas ang bukas ng air-con.
I sense that something is amiss now; I just don't know what it is. And judging by my feelings, I may not be able to handle it once I find out what it is.
"Are you okay? You seem to be out of shape," nag-aalalang sinabi sa akin ni Zyron.
"Bakit? Ano bang shape ko noon?" pambabara ko sa kaniya.
Sabay kaming nagtungo sa parking lot pagkatapos ng lunch sa loob ng restaurant. Nasa loob pa rin sina Mom, Dad, Tita Mabel, at Tito Franco.
Sinabihan naman nila kaming mauna na kaming umalis ni Zyron pero ilang minuto na kaming nakatayo ni Zyron sa tapat ng kotse niya dahil hindi pa ako pumapasok sa loob ng kaniyang sasakyan.
Kalahati sa akin ay gusto nang umalis sa lugar na ito, pero may parte sa aking parang may gustong malaman. Hindi ko alam kung ano ba iyon.
"Are you thinking about what your mom and my mom talked about?" tanong niya nang hindi na muli ako magsalita.
Muli siyang nagsalita nang hindi ako sumagot. "Don't even think about that. Whatever is in their past, we have nothing to do with it. Okay?" aniya bago ako nilapitan para bigyan ng mahigpit na yakap.
Wala nga ba? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako na ewan.
Bumuntong hininga ako bago iniiling ang aking ulo. Gumanti ako sa kaniyang yakap hanggang sa tuluyang nawala ang kaba ko.
Tama si Zyron. Kung ano man ang mayroon sa past ng parents namin, hindi kami involved doon dahil for sure pareho pa kaming hindi ipinapanganak no'n.
Pagkatapos naming magyakapan ay pumasok na kami sa loob ng kaniyang sasakyan. Sakto namang tumunog ang cellphone ko habang lumalabas kami sa parking lot ng restaurant.
"What now?" inis kong sagot sa tawag ni Criziwine.
"Krizzy," narinig ko ang malakas na pag-iyak ni Criziwine mula sa kabilang linya.
"Ano na naman ang pinag-awayan ninyo ni January," halata sa boses ko na sawa na akong marinig ang reason ng kanilang pag-aaway.
"Gusto ko na siyang hiwalayan," humihikbi nitong sinabi.
"Edi hiwalayan mo!" singhal ko. "Puro ka naman ganiyan, gusto mo bang hiwalayan tapos bukas-makalawa naka-tag na naman si January sa sweet post mo. Kakadiri ka."
"Ang sama mo sa 'kin. Dapat nga kino-comfort mo 'ko e," aniya.
Muli akong napairap sa ere. "Comfort mo mukha mo. Kasalanan mo naman 'yan. For sure nagselos ka na naman sa kung sino mang demonyo 'yang nakasama ng boyfriend mo," litanya ko.
"Block mate niya lang na nangumusta pero bakit kailangan may yakapan sa lobby ng condo?!" muli na naman siyang umiyak.
"Totoo ba 'yan?" tanong ko.
"Malamang!" sigaw niya. "Kahapon ko lang nakita. Kanina namin pinag-awayan at ngayon lang ako umalis ng condo namin!"
"Anong sinabi niya? Hinayaan ka lang umalis ng condo?" tanong ko pa.
"Ang sabi niya ganoon lang daw talaga 'yung babae na 'yon," sambit niya.
"Edi bobo silang parehas," sinabi ko naman. "Hay nako, Criziwine, hiwalayan mo na si January, now!"
Tumingin sa akin si Zyron nang saglit lang. "Dapat pinapaalam ni January na may girlfriend na siya. At kung alam naman nung babae na 'yon na may girlfriend na si January hindi na dapat niya niyayakap nang ganoon si January. Boundary naman! Wala naman siyang karapatan!" litanya ko.
"Sabi ni January hindi na raw siya magpapayakap sa babaeng 'yon," humihikbi niya pang sinabi.
"Akala ko ba matino 'yang lalaki na 'yan?" tanong ko.
"Matino naman talaga siya noon e," aniya. "Siguro, napagod lang talaga siya dahil sa pagiging selosa ko."
"That's natural na magselos ka kasi mahal mo siya," sambit ko. "Pero 'wag naman sobra-sobrang selos, baka nasasakal na siya sa 'yo."
"Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa mga gusto niyang gawin," mahina niyang sinabi. "Selosa lang talaga ako. Baka ayaw niya ng selosa."
"Nasaan ka ngayon?" tanong ko.
"Nasa Jolibee, nagpapalipas ng sama ng loob," sagot niya.
"Pupuntahan ka ba namin o bahala ka nang umiyak diyan mag-isa mo?" tanong ko sa kaniya.
"Puntahan niyo 'ko syempre," sagot niya kaagad.
Kaagad kong pinatay ang tawag. Tumingin ako kay Zyron bago nagsabing pumunta muna kami sa Jolibee para kitain si Criziwine.
Pagkarating namin ay kaagad kaming pumasok sa loob. Criziwine has this charm na kaagad siyang napapansin kaagad kahit nasa dulo siya ng pila.
Nakita ko siyang nakaupo sa isang table, humihikbi siya habang tuloy-tuloy ang pag-kain niya sa fries na isinasawsaw niya sa sundae.
Nang makita niya kaming papalapit sa kaniyang direksyon ay mas lalo siyang umiyak. Ano ba naman 'tong babae na 'to. Kung kailan tumuntong sa tamang edad syaka naging iyakin.
Niyagak niya akong maupo sa kaniyang tabi. Si Zyron naman ay naupo sa harapan namin. Inirapan siya ni Criziwine. "Hindi mo man lang pinagsasabihan 'yung bestfriend mo," saad nito.
"Walang kasalanan si Zyron," depensa ko sa boyfriend ko.
"Bakit kasi gano'n? Mag-bestfriend naman sila pero hindi man lang nakuha ni January ang pagka-green flag ni Zyron," reklamo ni Criziwine.
"Remember, magkaibigan lang sila, hindi sila magkapatid," sinabi ko.
"Hindi mo siguro naturuan 'yung kaibigan mo, Zyron," ani Criziwine.
"Ayaw niya magpaturo," mahanging sinabi ni Zyron. Nang magsalubong ang tingin namin ay kaagad ko siyang inirapan.
Humarap muli ako kay Criziwine. Umiinom na siya ngayon ng coke. "So, anong desisyon mo? Makikipaghiwalay ka na ba talaga?" tanong ko.
"Not yet. Maybe that will come up in the conversation," singit ni Zyron. "Make a decision after you have talked properly. When you both are not hot-headed."
"Pero cheating na 'yung ginawa ni January, Zyron," giit ko.
"Hal, nung niyakap ka ng ka-bloc mate mo, sinabi ko bang cheating 'yon?" tanong niya sa akin. Humarap naman siya kay Criziwine. "It was only natural for the two friends to hug each other, Criziwine. January doesn't fail to give you assurance, does it?"
"Pero bakit kailangan niyang yakapin sa place kung saan makikita ni Criziwine? Ano? Para ipamukha kay Criziwine na pinagpalit na siya ni January?" singhal ko.
"I'm not saying anything like that, Hal. I just want to say my opinion," sambit niya.
"Sayang, akala ko pa naman mag-aaway din kayo," nanghihinayang na sinabi ni Criziwine.
"Ginaya mo naman ang relasyon namin sa relasyon niyong toxic, away-bati, parang mga bata," masungit kong sinabi.
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro