Chapter 22
"I like you that's why I want to court you until you reach your 18th birthday." Napatulala ako sa sinabing iyon ni Zyron.
"Teka nga. Bakit may panahon 'yang panliligaw mo?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Don't let me be your boyfriend while you're not of the right age," sagot niya.
I crossed my arms against my chest. "Bawal kitang sagutin habang minor pa lang ako?" Tumango siya. "Hindi ka ba updated? Hanggang fifteen years old na lang ang minor!"
"Minor pa rin hanggang seventeen. But they are not children who are 15 and below. When you're 16 and above, that's when you start making your own decisions. When you are 18 and above, you can separate from your parents. Got it?" Litanya niya.
"But still... hindi na ako bata," sambit ko.
"Nilalayo ang usapan," aniya, medyo masama ang tingin sa akin. "Can I court you, Khryzette?"
"Ahm, sige. Pero... kaya mo ba?" tanong ko.
"This is my first time courting..." Umiwas siya ng tingin, nakita kong namula ang kaniyang mga pisngi at tenga. "I couldn't court you if I wasn't sure I could handle it."
"Ikaw lang naman kinikilig sa mga pinagsasasabi mong 'yan," pagtataray ko.
"Wala naman akong sinabing kiligin ka," aniya bago ako inirapan.
"Manliligaw ka ba o aasarin lang ako sa araw-araw?!" inis kong tanong sa kaniya.
"Manliligaw, of course," sagot niya. "Ihahatid na kita sa bahay niyo, lumalalim na rin ang gabi."
Nag-umpisa na ulit siya sa pag-da-drive. Iniisip ko naman kung ipapakilala ko na siya kaagad kina Mom kahit na manliligaw ko pa lang siya.
"What are you thinking?" tanong niya.
Umiling naman ako. "What do you think? Ipapakilala na ba kaagad—nevermind." Pagputol ko sa sinasabi.
"Ihahatid kita sa inyo. I will also tell your parents if I can court you," saad niya.
"Hindi ka kinakabahan?" tanong ko.
"Why should I be nervous, my intentions are good," confident niyang sagot.
"Paano kapag hindi pumayag sina Dad? Knowing my Dad he's so strict. Si Mom naman support siya sa mga ginagawa ko, hindi lang sa pang-aaway," sambit ko.
"If they don't like me, I won't court you," aniya.
"What?! Bakit naman? Hindi naman sila ang liligawan mo!" sigaw ko.
"I have to prove myself to them first. When they agree, I will court you. If I court you even when they don't want to, they won't agree more," litanya niya.
Natahimik na lang ako sa buong biyahe, hanggang sa dumating kami sa tapat ng gate ng bahay.
Nauna akong bumaba kay Zyron, sumunod naman siya sa akin sa gate. "Locked?" tanong niya nang makalapit sa akin.
Binubuksan ko mula sa loob ng bahay ang gate. Naramdaman kong nasa likod ko siya at sinisilip ang ginagawa ko. Walang ilaw sa labas ng bahay namin kaya nagbukas ng cellphone si Zyron para tanglawan ang ginagawa ko.
Nang mabuksan ko ang gate ay pumasok na kami, siya naman ang nag-sarado ng gate bago sumunod sa akin sa main door.
Sigurado talaga siya sa gagawin niyang ito.
Naabutan kong walang tao sa sala kaya hinila ko sa kusina si Zyron. Baka hanggang ngayon naghahapunan pa rin sina Mom.
Pagbukas ko ng pinto ay parehong natigilan sa pag-kain sina Mom and Dad. Pareho silang nakatingin na ngayon kay Zyron.
Hinawakan ko ang braso ni Zyron palapit sa dining table. Uminom ng tubig si Mom, habang hindi natatanggal ang nakakunot noo ni Dad habang nakatingin kay Zyron.
"Mom, Dad," pagtawag ko sa kanilang atensyon. Tinuro ko si Zyron bago siya ipakilala. "This is Zyron-"
"Zyron Paldez, Ma'am, Sir," magalang niyang pagpapakilala. "Good evening po."
"Have a sit," anyaya ni Mom.
Nagtatakang tumingin si Dad kay Mom. Parang hindi siya makapaniwala sa pagiging mabait ni Mom kay Zyron kahit ngayon niya pa lang ito nakita.
Ipinaghila ako ni Zyron ng upuan bago siya umupo sa tabi ko. "What's the agenda? Who is he, Felicienne?" istriktang tanong ni Mom.
"I want to answer all the question about me, Ma'am," pormal na sinabi ni Zyron.
Umismid si Mom bago nagtaas ng dalawang kilay kay Zyron. Tumingin siya kay Dad na parang sinasabing umpisahan niya ang pagtatanong.
"Kumain na ba kayo?" natanong ni Dad.
Nagulat siya nang bigla siyang hampasin ni Mom. "Hindi ganiyang tanong," sermon nito.
"Baka gutom," rinig kong bulong ni Dad.
Napailing na lang ako bago tumingin kay Zyron na kanina pa ata nakatingin sa akin. Inirapan ko siya bago bumaling ulit kina Mom.
"Kumain na kami, Dad," sagot ko sa tanong niya kanina.
"Okay, let's straight forward," istriktang sambit ni Mom. "Zyron, right?" Tumango ang katabi ko. "What do you need from us?"
"I would like to hear your opinion regarding my courtship of Khryzette, your daughter," pormal na sagot ni Zyron.
Nagkatinginan si Mom and Dad. "Kindly state your information," sambit ni Mom. "We will not allow that our daughter's first suitor just came from somewhere."
Tumango ng bahagya si Zyron. "I have been classmates with Khryzette since the previous academic year. I hold the position of Student Council President in our school. My father serves as the Chief Executive Officer of a company, and my mother is a Chef."
"Kung C.E.O ang Dad mo, it means ikaw ang magmamana ng kumpanya niyo, tama ba?" tanong ni Dad.
Shit, 'wag lang talaga ma-misunderstood ni Zyron ang point ni Dad. Baka isipin niyang peperahan ko lang siya.
"I have no intention of handling the company, Sir. I want to be a Chef like my Mom," sagot ni Zyron.
"How about hospital? Don't you have any plans handling one?" tanong ni Mom.
"Wait," Napatingin silang lahat sa akin. "Hospital? Wala silang hospital, Mom. Tayo ang meron."
Nagkibit ng balikat si Mom. "You never know, you could be Zyron's ultimate partner. I am simply strategizing for your future. You are the only heiress of the hospital," aniya.
"But Mom, matagal pa 'yon. Sobrang advance mong mag-isip," maldita kong sinabi.
"Maigi na 'yung-"
"Hindi pwedeng ma-engage si Khryzette habang hindi siya tapos ng pag-aaral," istriktong sinabi ni Dad.
"Pwede naman," pagsalungat ni Mom. "As long as the engagement is upheld, right, Zyron?"
"At present, I have no plans to get engaged to anyone, including Khryzette. I simply wish to court her, Ma'am," sagot ni Zyron.
Napatango-tango si Mom. Na-realize niya sigurong masyado siyang naging advance. Tss.
"Ayos lang naman na ligawan mo ang anak namin," ani Dad. "Just here inside the house."
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
"Nagiging tradisyunal na naman 'yang Dad mo," sambit ni Mom.
"Hindi mo pwedeng ligawan si Khryzette sa labas, kahit sa school niyo pa. Dito lang sa loob," istriktong sinabi ni Dad. "'Wag din kayong maglalandian kung saan-saan, unless may kayo na."
Nagkatinginan kami ni Zyron. "Hindi ko naman 'yan lalandiin, Dad," sambit ko.
Pagkatapos ng usapan sa kusina ay nagpaalam na rin namang umuwi si Zyron dahil gabi na.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok, as usual. Pagdating ko sa class room ay si Zyron pa lang ang nandoon.
Prente siyang nakaupo sa kaniyang upuan habang nagbabasa ng kaniyang notes. Ibinaba niya iyon nang makitang papalapit ako sa aking upuan.
Ibinaba ko ang bag ko, ramdam ang kaniyang titig sa akin. "Himala ata, wala ka sa labas para kausapin ang SSG councils," sambit ko nang makaupo.
"The meeting for the new rules here at school is over, so we won't see each other often," aniya.
"That's good for you then," saad ko. And for me, of course.
"Khryzette," tawag niya sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya. "What flower do you want?"
Napakunot ang noo ko. "Flowers? Aanhin ko 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"I want to give you flowers when I visit you at your house," sagot niya.
Napatango-tango ako. Sa bagay, ganoon naman talaga ang panliligaw. May flowers and chocolates. Katulad na lang sa mga napapanood kong K-drama and C-drama.
"Hmm, kahit anong bulaklak basta color red," kibit balikat kong sagot. "Honestly, wala pa talaga akong natatanggap na bulaklak sa kahit kanino. Kina Mom and Dad lang ako nakatanggap ng bouquet of flowers."
"Why? Didn't you have a suitor before?" tanong niya.
"Walang nagtangkang," natatawa kong sagot. "May mga muntik nang manligaw sa akin, pero lahat sila iniiwasan ako after malaman ang ugali ko."
"I'm the only one who has the courage," nangingiti niyang sinabi.
Inirapan ko siya. "Baka ganoon ka rin," saad ko.
"I saw your evil side. Show your worst behavior, I will not give up on courting you," aniya.
"Talaga ba?" lakas-loob kong tanong. "Ako na nagsasabi sa'yo, hindi mo gugustuhin akong kausapin kapag bad trip. Marami akong masasamang salitang nabibitawan."
"Natural lang 'yon sa tao," aniya. "Hindi ka naman perpekto kaya expected ko na 'yon sa 'yo."
"Pero, of course, ma-tu-turn off ka sa akin," sambit ko.
"I will love all facets of you, regardless of whether if I turned on or off. I will love your good and bad sides," sambit niya.
"Mukhang agree ka namang ipakita ko sa 'yo totoo kong ugali. Edi magsisi ka," sambit ko. "Sisiguraduhin kong susuko ka sa ugali ko."
"Try me," nakangisi niyang sinabi.
"Pres, si Katrice nasa-" naputol ang pagsigaw ni January nang makitang magkalapit ang mukha namin ni Zyron. "Labas." Pagtatapos niya sa sinasabi.
Ako ang naunang lumayo kay Zyron. "Labas lang ako saglit," paalam niya bago tumayo.
Naglakad siya palabas at nag-umpisang maglakad si Criziwine palapit sa akin. Habol-tingin niya pa si Zyron.
"Anong meron? Mag-ki-kiss sana kayo?" tanong niya nang makaupo sa upuan ni Zyron.
"Magkalapit lang ang mukha, kiss kaagad?" naiiling kong sinabi. "May binubulong lang-"
"Binubulong niya kung pwede ka bang halikan?" Pagputol niya sa sinasabi ko.
"Alam mo? Ang dumi ng isip mo." Inirapan ko siya.
"Pres, tara na. Saan ka pa ba pupunta?" tanong ni January mula sa pintuan.
"Magpapaalam lang," sagot ni Zyron.
Lumapit siya sa akin. "Punta lang ako sa conference room, may aasikasuhin lang ako sandali," paalam niya sa akin.
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro