Chapter 17
Pagkatapos ng dalawang buwan na bakasyon ay balik na naman sa school.
Unang araw ng klase ay ang ingay ng room. Puno ng kamustahan na puro naman ka-plastikan.
Pagpasok ko pa lang sa room ay bumungad na ang ngisi sa akin ni Maya. Ano na namang agenda ng ibon na 'to?
Umupo ako sa upuan ko. Pansin ko ang titig sa akin ng mga kaklase kong babae. Pero 'yung mga lalaki mukhang wala naman silang pake.
Na-bo-bothered na naman ang mga babaeng 'to dahil sa ganda ko.
"Totoo ba ang chismis?" Naririnig kong bulungan nila.
"Bakit daw naghiwalay?"
"Hindi ko rin alam. Alam ko 'yun ang issue sa SSG councils."
"Naaawa ako kay Khryzette, mukhang hindi pa siya nakaka-move on."
Ano?! Hindi nakaka-move on?! Ano na naman ang nahipak ng mga 'to?!
"Sino nakipag-break?" Mama niyo break.
Sa wakas dumating na rin si Criziwine na nakakunot ang noo. Nilagay niya lang ang bag niya sa kaniyang upuan bago umupo sa upuan ni Zyron. Nandoon na ang bag ng lalaki pero wala siya roon.
"Anong meron?" bulong kong tanong sa katabi.
"Ewan ko ba kung sure ako ng narinig," sagot niya. "Kanina habang papunta pa lang ako rito, nadaanan ko 'yung kumpol ng mga tao. Nandoon 'yung Vice President sa SSG tapos may usap-usapan. Nag-break na raw kayo ni Pres."
"Ha?" medyo malakas kong tanong. "Paano nila nalaman—I mean, nagkukunwari lang naman ako no'n, right? Iniinis ko lang naman sa camping si Maya."
Tumango-tango naman si Criziwine. "Hindi ko rin alam kung paanong kumalat 'yon at hanggang sa ibang strand ay kumalat," aniya.
"Ano naman ngayon kung may issue na nag-break kami?" tanong ko.
"Ang narinig ko pa, ikaw daw ang nakipaghiwalay kay Pres. Meron namang nagsabing involved ang cheating tapos si Pres ang nakipag-break," sagot niya.
"Sa part na ikaw ang nakipag-break, dahil daw sa lahat na lang pinagseselosan mo. Nung camping daw na hindi ikaw ang pinili ni Pres sa first activity natin na by partner."
Jusko, napakababaw ko naman kung gano'n!
"Doon naman sa side na si Pres ang nakipag-hiwalay ay dahil naman sa masama raw ang ugali mo. Tapos kaya involved ang cheating kasi sila na raw nung Vice President ng SSG before siya nakipag-break sa'yo during bakasyon."
"Sila na?" tanong ko.
Tumango naman siya. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko dahil sa response niya. Hindi ko alam ang pangalan nung Vice President kaya hindi ko alam kung friends ba sila ni Zyron sa facebook.
Lumapit ulit sa akin si Criziwine. "Ang bali-balita pa nga, kaya siya nagustuhan ni Pres dahil may pagkakahalintulad sila nung dating crush ni Pres na taga-STEM," bulong niya pa.
"Sino? 'Yung maganda?" tanong ko. Nakita ko na one time 'yung Vice President. Bruh! Mukha siyang paa!
"Oo, sa pagkakaalam ko medyo maingay 'yung Vice president. Parang friendly ba gano'n. Palangiti," sagot niya.
Bigla kong naalala 'yung sinabi ni Zyron nung tinanong ko siya kung bakit siya nandito imbes na nasa ibang bansa siya. Ang sagot niya ay dahil walang maingay sa ibang bansa. 'Yun ba 'yung tinutukoy niyang maingay? Na-mi-miss niya 'yung ingay nung babae na 'yon.
Napatango-tango naman ako. "Pero, hindi dapat tayong maniwala sa ganoon. Wala rin naman sinasabi sa akin si January na magkikita-kita silang SSG councils madalas nung bakasyon," pagpapalubag-loob sa akin ni Criziwine.
Tumingin ako sa kaniya. "So, nagkikita sila paminsan-minsan?" tanong ko.
Dahan-dahan siyang tumango. "Mukhang doon nabuo 'yung issue na magkarelasyon si Pres at 'yung VP," sagot niya.
"Okay," maiksi kong sinabi.
"Okay? Okay lang sa'yo?" medyo malakas niyang tanong kaya napalingon sa amin ang mga kaklase namin.
Nakikita ko sa kanilang mga mukha ang awa. Si Maya lang ang halatang natutuwa sa sitwasyon ngayon. First day na first day, sinusubukan kaagad ang pasensya ko.
Inirapan ko naman silang lahat. I don't need their pitying looks!
Natahimik ang buong klase nang pumasok si Zyron at January. Bumalik naman si Criziwine sa kaniyang upuan.
Do I have to avoid him? Like a real couple who broke up?
Nagkatitigan kami at nauna akong umirap sa kaniya. Kumaway naman sa akin si January pero hindi ko siya pinansin.
Umupo si Zyron sa tabi ko. Agad kaming pinagtinginan ng mga kaklase namin.
"Ang galing nila magtago ng relasyon 'no? Panay irap si Khryzette sa kaniya 'yun naman pala love language niya 'yon."
"No cheating ako, kaya I hate our president na—kung nag-cheat man siya."
"Confirmed kaya. Sila na nung VP nung bakasyon. Ang alam ko nag-da-date pa sila no'n ni Khryzette."
"Paano mo nalaman?" Grabe sila magbulungan kulang na lang umabot sa kabilang section.
"Sa my-day ni January. Nung first or second week ata 'yon ng bakasyon, nag-date pa sila sa Trampoline park. Tapos kumain sa labas. Mag-check ka ng featured ni January, nandoon."
"Bakit mo siya ini-istalk?"
"Tanga mo, ikaw ang mag-stalk tutal nakita ko na 'yon nung mismong araw na minay-day niya." Ang layo naman ng sagot niya.
Agad kinuha nung kaklase naming babae ang cell phone niya at inistalk ang profile ni January. Napatingin naman ako kay Criziwine na masama na ang tingin sa dalawa.
Tumugtog ang isang familiar na kanta, iyon ata ang napiling music background ni January.
"Ayy, oo nga. Sila pa nito."
"Kitang-kita naman. Pinaghihimay pa ng manok. Tapos tingnan mo 'yung shirt, pareho silang naka white t-shirt. Tapos 'yung black jacket na favorite ni Pres. Tapos 'yung lapit nila sa isa't-isa."
"In fairness sobrang bagay sila. Lakas ng chemistry."
"Tsk, cheater naman 'yung isa."
Binunggo nung babae ang kausap niya. Tumingin ako kay Zyron na unbothered sa naririnig.
Of course, ano bang pakialam niya? Hindi naman alam ng mga babaeng 'to na wala namang namagitan sa aming dalawa. Kaya kung may relasyon nga sila nung VP, hindi 'yon qualified as cheat. Para lang sa aming nakakaalam ng totoo.
"Tapos the next other day, nag-myday naman 'yung Secretary ng SSG. Video ni Pres syaka nung VP. Breakfast or lunch ata 'yon. Magkatabi 'yung dalawa. Tumatawa 'yung VP. Ahas naman."
"Cheating nga. Ano kayang naramdaman ni Khryzette? Syaka kailan sila nag-break?"
"Ewan ko. Friend ko si Khryzette sa facebook nung nagkaroon tayo ng groupings last school year. Wala naman akong nakikitang sad post niya."
"Hindi lang talaga siya vocal. Malay mo gabi-gabi 'yan umiiyak. Pogi si Pres e."
"Aanhin mo ang pogi kung cheater naman."
Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Natigil 'yung dalawa sa mahaba nilang chismisan. Ang cute talaga ng mga walang alam.
Mayamaya ay dumating na ang bago naming homeroom teacher. Same room, same section, classmates, but different subjects, different teachers, and different grade level.
May kinausap ang teacher namin sa labas bago siya pumasok sa room. Mukha siyang istrikta pero nung ngumiti ay mukha siyang hindi makabasag pinggan.
"Good morning, TVL 1," Bumati kami pabalik. "So, I am here in front of you not to introduce myself, but to introduce your new classmate, a transferee." Sa sinabi niyang iyon ay nagbulungan na naman ang karamihan.
Mas lumakas ang bulungan nang pumasok ang isang lalaki na may malaking ngisi sa labi. Lumapit siya kay Ma'am at humarap sa amin.
Agad nagtama ang aming mga mata, matamis siyang ngumiti sa akin bago dumapo ang tingin sa katabi ko.
"Mr. Paldez, please introduce yourself," Lumakas muli ang bulungan dahil sa narinig naming surname nung transferee.
Paldez? Napatingin ako kay Zyron na nakakuyom na ngayon ang mga kamao habang diretsyong nakatingin sa harapan.
"Good morning, my new classmates," bati niya sa lahat. Muli siyang napatingin sa akin bago kay Zyron. Narinig kong may sinabi si Zyron sa akin pero dahil focus ako sa lalaking nasa harapan ay hindi ko narinig ang kaniyang sinabi.
"My name is Arden Paldez. Pinsan ko nga pala si Zyron. I'm twenty years old. Mas matanda ako sa inyo, right? Tumigil ako sa pag-aaral, at alam iyon ni Zyron, hindi ba?" Salungat ng pagiging matamis ng kaniyang ngiti ang pinapahiwatig niya.
Anong hidden agenda nito?
"Natutuwa akong maging kaklase ko siya, kayo," nakangiti pa nitong sinabi.
Nang matapos makapagpakilala ay naghanap ng vacant seat ang bagong teacher. Nakita niyang walang nakaupo sa gilid ko.
Nang malaman niyang drop-out na ang katabi ko ay doon na niya pinaupo ang lalaki.
Hindi pa rin kumakalma ang kamao ni Zyron. Masama ang pinukol kong tingin sa kaniyang pinsan nang magtama ang mga mata namin.
Nagpakilala ang teacher namin bago siya nagbigay ng new rules and regulations sa room.
Hindi na niya binago ang position namin sa room. Nanatiling president si Zyron.
Pagkatapos ng agenda ni Ma'am ay lumabas siya ng room para bigyan kami ng time na magpahinga since first day of school naman.
"Hi," Napapikit ako nang kausapin ako ng pinsan ni Zyron. Hindi ko siya pinansin kaya nagsalita ulit siya. "Mukha kang maldita—"
"Wala kang pakialam," maldita kong putol sa kaniya.
Mahina siyang natawa. "Ganiyan ka ba sa lahat ng kaklase natin? Maldita ka talaga?" nanunuya niyang tanong.
"Wala kang pakialam," ulit ko.
"Ang sungit mo naman. Parang ganiyan ka lang sa akin kasi hindi pa tayo close," aniya.
"Kahit maging close kita, ganito pa rin ako," saad ko.
"Ganiyan din ba trato mo sa pinsan ko?" tanong niya pa. Hindi naman ako sumagot. "Kung anong trato mo sa pinsan ko dapat ganoon mo rin ako tratuhin."
"Bakit? Special ka ba?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Kahit kakambal ka pa ni Zyron, wala ako sa 'yong pake."
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro