Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Pinapanood ko lang sina January at Criziwine na magtalon-talon, nagpapatatagan sila tapos pipitikan kung sino ang matumba.

Parang mga bata.

Samantalang ako nasa gilid lang, hindi ako makasali sa kanila dahil naka-skirt ako. Buti na nga lang hindi ako nag-pants dahil for sure yayayain nila ako.

"Nasaan si Pres?" tanong ni January sa akin nang matapos sila sa paglalaro.

Napatingin ako sa paligid dahil wala nga si Zyron. Katabi ko lang siya kanina e.

Nagkibit ako ng balikat bago sumagot. "Hindi ko alam. Baka umuwi na."

"Nagpaalam ba sa'yo?" tanong pa ni January.

"Bakit naman kailangan pang magpaalam? Anak ko ba siya?" singhal ko.

"Bata ka no'n e," nanunuya niyang sagot. "English ng bata, baby."

Inirapan ko siya. Napalingon kami kay Zyron na naglalakad palapit sa amin. May dala siyang paper bag.

"Pres, saan ka galing?" Salubong ni Criziwine.

"I bought Khryzette denim pants," sagot ni Zyron.

Napalingon ako sa kaniya na nakatingin sa akin. Inilahad niya sa harapan ang paper bag. Kinuha ko naman 'yon bago tiningnan.

"Hindi ko naman sinabing bilhan mo 'ko," masungit kong sambit.

"Mag-thank you ka naman, Krizzy. Binilhan ka na nga si Pres, sinusungitan mo pa," sermon ni Criziwine.

"Fine, thank you," mahina kong sinabi.

"I'll just accompany her to the bathroom," sambit ni Zyron bago hinawakan ang kamay ko palayo kina Criziwine.

Sinamahan niya ako sa banyo. Naghintay siya sa labas habang pumasok ako sa banyo para magpalit. Pumasok ako sa isang cubicle. Palabas na sana ako nang biglang narinig ko ang dalawang babae na nag-uusap.

"Ang pogi nung nasa labas, kaninong boyfriend 'yon?"

"Sa kanina pa tinitingnan ng boyfriend mo. Kakarating lang ata no'n. Nakita ko pa kaninang tinulungan niyang makaalis sa sticky wall 'yung babaeng maganda."

"Tinitingnan ng boyfriend ko? Edi palit na lang kami ng boyfriend. Mas pogi naman ang boyfriend niya e. For sure, magaling 'yon sa kama."

Tumaas lahat ng dugo ko sa ulo kaya naman padabog kong binuksan ang pinto at pumunta sa sink kung saan nag-uusap 'yung dalawa.

Napatingin sila sa akin at nanlaki ang mata nung isa. Binuksan ko ang gripo bago naghugas ng kamay na para bang may nakakadiri roon. Pinapanood lang ako nung dalawa habang halatang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"Next time, when you talk about my  boyfriend, I shouldn't be there, okay? Respect the girlfriend," diinan ko pa ang huli kong sinabi bago lumabas ng bathroom.

Agad kong hinila palayo roon si Zyron nang makita ko siyang nakasandal sa labas ng bathroom habang nakapamulsa.

"What happened?" tanong niya habang nagpapadala sa hila ko.

"Wala," mabilis kong sagot.

Nakita namin sina January at Criziwine na nagpapaunahang matapos sa hanging tire. Parang ang boring naman doon.

Tinapos ni January ang laro bago lumapit sa amin. Aba! Iniwan si Criziwine!

"Tara sa human ball!" yaya agad ni Criziwine.

Hinawakan niya ang kamay ko bago kami napunta sa harap nung dalawang malaking bola na butas sa gitna. Doon marahil ilulusot ang katawan namin.

Ang tanong, makakahinga kaya kami roon? Walang butas sa itaas e!

"Paano 'to suotin?" inis kong tanong.

"Akin na nga," Kinuha ni Criziwine ang isang ball, pinagtulungan nila ni January na maisuot iyon sa akin. In fairness makakahinga naman ako.

Nakita kong si Criziwine naman ang nagsuot nung isa. Ang alam ko, magbabanggaan kami tapos gugulong 'yung mahina ang impact.

Kakatapos lang siyang asikasuhin ni January ay kaagad akong bumwelo at binangga si Criziwine. Agad naman siyang tumaob. Hindi ko napigilan ang malakas kong tawa dahil para siyang itlog na gumugulong at tumatalbog.

Hindi pa ako nakuntento at sinuwag ulit siya para gumulong muli. Nakarating na kami sa single bouncy wall.

Hindi ko mapigilang matawa kapag nababangga ko si Criziwine tapos gugulong siya na parang itlog.

Hindi ko alam kung naririnig ba nila 'yung malakas kong tawa. Sana sound proof 'tong human ball.

Nilapitan ni January si Criziwine para tulungan tanggalin 'yung human ball. Si Zyron naman ang nag-asikaso sa akin. Pinakalma ko ang sarili ko dahil feeling ko sobrang pula ng mukha ko kakatawa.

The fuck! Never pa ako tumawa ng ganito dahil lang sa laro. Hindi ko kasi ito nagagawa nung bata pa ako. Pero at least naramdaman ko before ako mag-eighteen.

"Tayo naman, Pres!" yaya ni January kay Zyron. Umiling naman ang lalaki. "Five hundred isang oras tapos hindi ka man lang mag-e-enjoy."

Humawak si Criziwine sa braso ni January. "Masaya na kasi 'yan na nakikita niyang masaya si Krizzy," panunukso niya kay Zyron. "Tara sa garter fall."

Nauna silang naglakad, para silang bata na nagtatalon-talon sa foam na madadaanan namin. Tumaas kami sa pangalawang palapag ata 'yon, nandoon 'yung sinasabi nilang garter fall.

"Medyo mataas pala," komento ni Criziwine habang dinudungaw 'yung babagsak na foam.

Garter foam 'yung may mga garter na magkakadikit-dikit tapos ang babagsakan ay foam. Parang mahirap atang makalusot doon kapag matangkad. Ano namang pinoproblema ko, e pandak naman ako.

"Si Krizzy muna ang ibagsak natin," natutuwang suhestyon ni Criziwine.

"Kayo muna," sambit ko. Tiningnan ko ang garter fall at medyo mataas nga.

"Sige, ako muna," Hinawakan ni Criziwine ang kamay ko bago siya tumalikod sa garter fall. "One... Two... Three..."

Sa pangatlong bilang ay hinila niya rin ako kaya sabay kaming nalaglag sa garter fall. Para akong pinaikot dahil nakakahilo pala.

Bumagsak kami sa foam. Unang tumama sa foam ang mukha ko dahil padapa akong nalaglag. Agad kong hinampas si Criziwine nang tawanan niya ako. Buti na lang hindi kami nagkauntugan.

Pagkaalis namin sa foam ay siya namang pagkalaglag ni January. Enjoy na enjoy ng mokong. "Ang sarap pala ma-fall!" komento niya.

"Oo, lalo na kung may chance," sambit naman ni Criziwine.

Binigyan ko sila ng nandidiring ekspresyon. "Saan tayo next?" tanong ko pagkababa ni Zyron. Napatigil ako nang pumunta siya sa likod ko para ayusin ang nagulo kong buhok.

"Foamy pit tayo!" sagot ni Criziwine bago naglakad papunta sa mga may square na foam na iba't-iba ang kulay.

"Parang ang boring dito," komento ko.

"Tama na muna sa mga challenging. Kaya nga tayo nandito para mag-enjoy tapos sasabihin mo boring." At kailan pa naging nakaka-enjoy ang boring.

Nagtalon-talon muna si Criziwine sa foam bago siya tumalon sa foamy fit. Natabunan siya nung mga square foam. Pagkaahon niya ay parang enjoy na enjoy. "Ang lambot, feeling safe. Halika ka, Krizzy."

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla akong hinila ni January bago itinulak sa mga square foam. Katulad nga ng sinabi ni Criziwine sobrang lambot at feeling safe. Kahit medyo maharass humagis si January ay hindi naman ako napilayan.

Umahon ako bago sinamaan ng mukha ang lalaking tumatawa na ngayon. Bilang ganti, hinila naman ni Zyron si January para malaglag sa square foams.

Kumuha ako ng mga square foam. Pagkaahon ni January ay pinagbabato ko siya. Sakto naman lahat sa mukha niya.

Hindi ko na naman napigilan ang malakas kong tawa dahil sa wakas nakaganti na rin sa pangbabato niya sa akin ng basketball kanina.

Natigil ako sa pagtawa nang bigla silang napahinto. Nagkatinginan si Criziwine at January na parang may narinig silang hindi nila dapat marinig.

Lumingon ako kay Zyron na nakatayo lang sa gilid ng foamy fit. "Pres, ang lakas nung tawa. Narinig mo?" tuwang-tuwa tanong ni January. Tumango naman si Zyron bago lumapit sa akin.

Gamit ang isang kamay ay iniahon niya ako sa square foam.

"Kailangan ko lang palang mabato sa mukha para marinig namin 'yung tawa mo," nanunuksong sinabi ni January.

Inirapan ko siya. Umahon silang sabay ni Criziwine. Pinag-uusapan 'yung tawa ko. Ano ba sila, ngayon lang nakarinig ng tawa?!

Nang maka-move on sila ay nagyaya nang mag-dinner dahil nagugutom na raw si Criziwine. Hindi na ako nagpalit ng pang-ibaba dahil bagay naman.

Nag-dine in lang kami sa Jolibee dahil 'yon ang pinakamalapit na kainan sa Trampoline park. May kotseng dala si Zyron pero kina January ako sumabay.

Katabi ko si Zyron habang nasa tapat namin 'yung dalawa. Pinagpapasa-pasahan naming apat 'yung bilog na tumutunog daw. Kapag daw umilaw at tumunog iyon ibig sabihin nasa counter na 'yung order namin.

Hindi ko alam, kapag pumupunta naman kami nina Mom dito palaging drive-thru, or take-out. Minsan delivery pa.

Tumunog ang bilog kay Criziwine. Sinahaman naman siya ni January kaya naiwan kami sa table ni Zyron.

Tiningnan niya ang top ko. "Nilalamig ka?" tanong niya.

Kanina pa kami nasa aircon, malamang lalamigin talaga ako. Hindi naman tatlong patong ang balat ko.

Hindi ako sumagot kaya tinanggal niya ang suot niyang jacket para ipasuot sa akin. Doon ko lang napansin na para kaming mag-jowa dahil couple kami. Same top, same bottom.

Sinuot ko 'yung jacket niya. "Sa'yo na lang pala ako magpapahatid pauwi," bigla kong sinabi.

"Why? January won't take you home?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Pero para sure ikaw na lang maghatid sa akin pauwi, para maibigay ko na rin 'yung sweater. Nalabhan ko na 'yon, malinis na," litanya ko.

Tumango naman siya ng tipid at saktong dumating sina January. Pare-pareho kami ng order na chicken wings.

Ang gusto ko lang naman sa manok ay 'yung balat. Nang maiabot sa akin ang order ko ay agad kong inihiwalay ang balat sa laman. Mas inuna kong kainin 'yung balat.

Kumakain ako nang biglang maglagay si Zyron ng balat ng manok sa plato ko. Tumingin ako sa kaniya. Nagtataka.

"I don't eat chicken skin," sagot niya, hindi pa man ako nakakapagtanong.

"Sabi mo chicken skin ang pinaka-gusto mo sa manok, Pres?" tanong ni January.

"Manahimik ka na lang," masungit na sagot ni Zyron.

-iamlunamoon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro