Chapter 14
After our 3 days and 3 nights at the camp site, we got ready to go home.
Hindi ako nakasali sa ilang physical activity dahil sinabi ni Zyron na bawal ako sobrang mapagod.
Nagkaroon din kami ng pag-aaway ni Maya pero as usual ako ang palaging kinampihan ni Zyron, pero kapag kaming dalawa lang ay palagi niya akong pinapagalitan kung saan ako mali.
Ang sabi niya 'wag ko raw patulan si Maya. Hell no! Palagi niyang sinusubok ang pasensya ko. Hindi ako papayag na hindi siya mapatulan.
Lagi namang si Maya ang nag-uumpisa ng away kaya okay lang na lumaban ako.
"Kung saan kayo nakaupo nung bumyahe tayo, roon pa rin kayo uupo. 'Wag nang lumipat ng upuan," sambit ni Ma'am habang umaakyat na kami sa Bus. Nandoon na rin ang HUMSS.
Agad kong ipinikit ang mga mata ko nang makaupo na. Naramdaman ko ang paglagay ni Zyron ng mga gamit ko sa ibaba.
Nagmulat ako ng mata at nakitang may hinahanap siya sa mga gamit niya. "Ahm..." Napatingin siya sa akin nang umimik ako. "Ibabalik ko na lang siguro 'yung sweater mo sa pasukan."
"Why?" tanong niya bago umiling. "Don't bother. I will do the laundry."
"Ako palaging may suot kaya ako na maglalaba," I insist.
"Marunong kang maglaba, Krizzy?" nanunuyang tanong ni Criziwine.
"'Wag ka ngang mangisali," sambit ko bago siya inirapan at binalik kay Zyron ang tingin. "Ako na maglalaba," I said with finality.
Tumango naman siya kaya bumalik ako sa ginagawa kanina. Pinag-krus ko ang dalawang braso sa dibdib bago ipinahinga sa back rest ang ulo ko. Inaantok pa ako dahil hindi ako sanay matulog sa ibang bahay. Namamahay ako.
Umusog si Zyron sa tabi ko bago niya kinuha ang ulunan ko sa back rest at ipinatong iyon sa dibdib niya. He hummed a song until I fell asleep.
A/N; Yung hinu-hummed ni Zyron ay Always Be My Baby by David Cook.
Ginising na lang ako ni Zyron nung nasa tapat na kami ng school. Nag-sibabaan na ang iba. Kami naman ay hinintay munang humupa ang naglalabasan bago kami lumabas.
Pagkababa ay agad kong nakita si Dad. Nakahilig siya sa pintuan ng sasakyan niya at hinihintay ang pagbaba ko.
When he saw me, his face immediately lit up, and he waved at me. My classmates looked at me because I was the only one with a pick-up.
Kumaway ako kay Dad, hindi ko na siya nginitian dahil malayo-layo pa naman ako. Sadyang malinaw lang ang mata niya.
Kinuha ko kay Zyron ang gamit ko. Nilagay naman niya iyon sa likuran ko. "O, saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya nang sumunod siya sa paglalakad ko.
"I'll take you to your Dad," sagot niya.
"'Wag na," sambit ko bago tumingin sa mga kaklase kong nagpapaalam na sa isa't-isa. "Baka isipin pa ni Dad na boyfriend kita."
"Okay," tipid niyang sinabi.
"Bye, Krizzy! Ma-mimiss kita!" malakas na sinabi ni Criziwine habang hinihila siya palayo ni January. Saan punta ng mga 'to? Kakarating lang, date agad.
Lumakad na ako papunta kay Dad. Agad naman niyang kinuha ang gamit ko. Pinapasok na niya ako sa loob ng kotse kaya hindi ko na nalingon pa si Zyron.
Tinted ang sasakyan ni Papa pero daretso ang tingin sa akin ni Zyron na parang alam niyang nakatingin din ako sa kaniya.
Nang malagpasan siya ay tumingin ako sa side mirror, nakatingin pa rin siya, hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.
"How's the camp?" tanong ni Dad.
"Okay lang naman, hindi—" natikom ko ang bibig ko dahil muntik ko nang masabi na hindi ako nakasali sa ibang laro. Wala nga pala silang alam na may sakit ako sa puso. Bawal mapagod.
Nang makarating sa bahay ay nasa gate na si Mom at naghihintay sa amin. Bumaba naman ako sa tapat ng gate para salubungin si Mom.
She immediately hugged me. "I missed you, my daughter," sambit niya. "Let's go inside, I cooked your favorite dish. You haven't had lunch yet?" Tumango ako sa kaniya bago kami sabay na pumasok ng bahay.
We went to the kitchen, and soon Dad came in as well. Mom took care of us while Dad talked about the vacation they were considering in Japan.
"Mag-out of town na lang tayo, Dad," suggestion ko.
"Out of town na tayo nung nakaraan mong bakasyon. Out of country naman tayo," sabi ni Mom.
"Uwi na lang ako ng probinsya. Wala ako sa mood mangibang-bansa, sa probinsya o rito na lang ako sa bahay," sabi ko.
Bumuntong hininga si Dad. "Sige, kami na lang ng Mom mo ang magbabakasyon sa Japan. Tatawagan ka na lang namin para kamustahin ka," sambit niya.
"Kailan kayo aalis?" tanong ko.
"Baka sa makalawa na, kaya magdesisyon ka na kung saan ka magbabakasyon. Ihahatid ka muna namin ng Dad mo sa probinsya kung doon ka muna," sagot ni Mom.
"Dito na lang ako sa bahay," sabi ko naman. "Iwanan niyo na lang ako ng pera para kapag lumabas ako may pera naman akong pang-waldas."
"Iiwan ko 'yung isa kong card sa kwarto. Kunin mo na lang doon kapag kailangan mo ng pera," sinabi ni Dad.
Aayain ko si Criziwine sa linggo.
👩🍳👩🍳👩🍳
"Ang aga-aga, Krizzy," inaantok na reklamo ni Criziwine sa kabilang linya nang tumawag ako sa kaniya ng ala-singko ng umaga.
Maaga akong natulog kagabi kaya maaga rin akong nagising. At dahil wala akong magambala, tinawagan ko si Criziwine. Napangisi ako dahil mukhang napilitan lang siyang sagutin ang tawag ko.
"Pupunta tayo sa mall, magbihis ka," utos ko sa kaniya.
"Anong pupunta ng mall?! Sis, nabagok ba 'yang utak mo?! Walang mall na bukas ngayong ala-singko ng umaga! Puro sila ala-nuebe!" sigaw niya sa akin.
"Alam ko," sabi ko naman agad. "Mag-drive tayo papuntang ibang lugar. 'Yung may bukas ng mall ng ganitong oras."
"Hindi ako marunong mag-drive!" singhal niya.
"Marunong ako," wika ko.
"Jusko naman. Marunong ka lang mag-drive pero wala ka namang lisensya! 'Pag tayo nahuli!" sigaw niya. "Alam mo, matulog ka na lang. Kulang na kulang ka pa ata sa tulog. Gising ka na lang kapag nakainom ka ng gamot mo sa panaginip. Bwisit na 'to." litanya niya bago pinatay ang tawag.
"Tss," komento ko habang nakatingin sa cellphone kong nakapatay ang tawag kay Criziwine.
Humiga na lang ako sa kama para makatulog pero hindi ko magawa. Tiningnan ko ang oras, habang hinihintay ko mas lalo lang bumabagal.
Inis akong bumangon sa kama ko dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Alas-otso pa lang kasi kagabi ay natulog na kaagad ako. Ayan tuloy at wala na akong maitulog ngayon.
Nagbukas na lang ako ng messenger para humanap ng makakausap. Nagtingin din ako sa group chat ng section namin para tingnan kung sino-sino ang mga online.
Nakita kong si Zyron lang ang nag-iisang online. Mga puyat na puyat ang mga kaklase ko. Parang natuloy ata sila sa out of town nila.
Pumunta ako sa facebook app para tingnan kung friends ba kami sa facebook ni Zyron. Hindi kami friend kaya nag-send ako sa kaniya ng friend request.
Ni-refresh ko iyon para ii-stalk ang account niya. Napakunot ang noo ko nang biglang friend button kaagad ang nandoon.
Zyron Paldez accepted your friend request.
Ang bilis naman. Wala pang one minute. Hinihintay niya sigurong mag-friend request ako sa kaniya. Tsk.
Tinuloy ko ang pag-scroll sa wall niya. Puro iyon motivational quotes. Mula sa mga sikat na nagbibigay ng quotes. Nagkibit ako ng balikat bago pinagbabasa ang mga shared post niya.
"Memories are always special. Sometimes we laugh by remembering the days we cried. And we cried remembering the days we laughed."
"Her soul is fierced,
Her heart is brave,
Her mind is strong."
"She never cared for a crown. She preferred a sword."
"Emotionally, she's done. Mentally, she's drained. Spiritually, she's done. Physically, she rolled her eyes."
Iyon ang huli kong nabasa bago nag-notif na may bago siyang post.
P.S. I love you.
- KF — C?
"Tarantado, anong KFC? Gutom siguro 'to." sinabi ko sa sarili.
Pumunta ako sa comment section at may mga comments na kaagad. Inistalk ko ang nauna at nakitang hindi naman namin mutual si Zyron. Naka-follow lang siya sa lalaki. Naka-public kasi 'yung post.
Zabrinah Celes
Inlove na naman siya.
|
Zyron Paldez
KFC nga. It means gutom ako. Dalhan mo 'ko ng pagkain dito.
|
Zabrinah Celes
Sumbong na talaga kita kay Tita. Hindi mo na ako tinrato ng tama 😠
Sino 'tong Zabrinah? At pareho pa talaga silang Z, ah.
Biglang pumasok ang comment ni January.
January Calebre
Hala, pinaparinggan na niya. @Criziwine Worilla dito ka
|
Zyron Paldez
Daldal mo, balik ka na lang sa camp site.
|
Criziwine Worilla
Halaa! Bkt gnt? Alam nb to ni KFC?
|
Khryzette Yanzon
Wow, inaantok daw siya.
|
January Calebre
Sana sinabi niyo na lang na gumawa ako ng group chat
Maya-maya ay biglang tumunog ang messenger ko.
January Calebre added you and 3 others in group chat.
Tarantado talaga 'tong lalaki na 'to.
Quadro pero Lima
January Calebre
Quadro tayo pero kasama isa kong acc kaya lima
Ptl.
Criziwine Worilla
Permission to love him? Ayieee
Pag ikaw sinapak ko.
January D. Calebre
Hi, bakit ako nandito?
Tanga kasi si January.
January D. Calebre
Mas tanga ka
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro