Chapter 10
"I've packed your clothes and underwear for five days," Mom mentioned after organizing my things for three days at camp site. Sinabi ko nang ako na ang mag-aayos dahil gamit ko iyon pero hindi naman nagpapigil.
Pagkatapos naming mag-almusal ay sumama si Mom kay Dad sa paghatid sa akin sa school. Bumaba silang pareho ni Dad nang ipara ko ang kotse.
Nasa labas na ang mga kaklase ko, mukhang late na ako.
Lumapit ako sa mga kaklase para sana pumila na pero naramdaman kong nakasunod sa akin sina Mom and Dad.
Humarap ako sa kanila dahil baka asarin pa ako ng mga kaklase ko na para akong bata at nagpapahatid pa sa edad kong 'to.
"Pwede na kayong umuwi, Dad, Mom, gawa na lang kayo ng kapatid ko." Agad akong sinamaan ng tingin ni Mom.
Anong masama? Gusto ko lang naman ng kapatid. Palibhasa hindi nila alam na mahilig ako sa bata.
"Alright, go to your classmates. Be careful at your campsite. Stick together with your classmates, and don't go with anyone you don't know," Mom reminded.
I nodded before I waved slightly in farewell. I went to my classmates who were waiting for me.
Inis, at galit ang ekspresyon ni Maya. "Let's go, Zyron. Nandiyan na ang pa-vip," pagpaparinig niya sa akin.
"Excuse me?" maldita kong sambit. "'Wag mo 'kong umpisahan, baka dugo ang maging iyong agahan."
"Whatever," aniya bago umirap sa akin.
"Ma'am, we are complete," sambit ni Zyron sa isang unfamiliar teacher.
"Okay, TVL 1, I'm Ma'am Cary, I'll be your guide for the entire 3 days and 3 nights we're at the camp site," pagpapakilala niya. "May ibang strand sa loob kaya learn to respect them, ganoon din sila sa inyo. May issue ang STEM and HUMSS, 'wag na kayong makisali. Okay?"
Sabay-sabay naman kaming tumango ng mga kaklase ko.
Dahil ako ang pinakamaliit sa klase ay ako ang nasa unahan. Ibinigay sa akin ni Zyron ang number ng upuan. Tiningnan ko ang number niya at laking pasasalamat ko dahil malaki ang agwat ng number namin.
Pinapasok na kami at nauna si Zyron dahil siya ang nag-lead ng daan. Hinanap ko naman kaagad ang number ng upuan ko. 'Wag lang mapapatabi sa ibang strand.
I gasped when I saw my number and Zyron's number next to each other.
Hindi nga ibang strand ang katabi ko, si Zyron naman. Haist!
Naunang umupo si Zyron, buti na lang katabi ako ng bintana kaya makakapag-relax pa rin ako.
Medyo mabigat ang gamit ko kaya imbes na ikandong na lang ay nilagay ko na lang sa ibaba, tutal malinis naman iyon.
Nang ma-settle na ang lahat ay nag-umpisa nang umandar ang Bus. Nakatingin lang ako sa bintana at hindi nililingon ang katabi ko.
May mga gubat kaming nadadaanan na katabi ng high way. Ang sabi ng adviser namin ay tatlong oras ang biyahe. Hindi pa naman ako nakapag-cr sa bahay kaya baka nasa kalahati pa lang kami ng biyahe ay naiihi na ako.
Naramdaman ko ang titig ng katabi ko kaya humarap ako sa kaniya. Mabilis niyang nailag ang tingin niya sa akin at pinanood ang view sa labas.
Nasa unahang upuan namin si Criziwine syaka si January. Nag-ke-kwentuhan lang sila. Sila lang naman ang maingay sa Bus.
Tumigil ang Bus sa gas station. Tumayo ang teacher ng kabilang strand. "Ang mga gustong bumili ay bumili na, pati 'yung mga pupunta sa banyo. Last bus stop natin ito," habilin niya.
May mga tumayo at may iba namang nagpatuloy lang sa pagtulog o pag-cecellphone.
Criziwine stood up before facing me. "Tara, Krizzy, banyo tayo," yaya niya sa akin.
Tumayo naman ako. Tumayo rin bigla si January. "Sama ako," aniya. "Pres, tara sama ka."
Tumayo rin naman si Zyron, pero pinauna niya naman ako. Humawak si Criziwine sa aking braso nang makababa kami sa Bus.
May maliit na convenience store sa gilid ng gas station. Meron namang sariling banyo ang station. "Mag-babanyo ba kayo?" tanong ni Criziwine sa dalawa.
Sabay naman silang umiling. Umirap ako dahil hindi naman pala sila mag-babanyo tapos sumama pa.
Hinila ko si Criziwine sa loob ng banyo. Hindi pa naman ako sobrang naiihi pero umihi na ako. Nauna akong natapos kay Criziwine dahil pa-disney princess siya kung umihi. Napaka-tagal.
Nang makalabas kami ay nasa gilid lang ang dalawa at pinag-uusapan ang about sa grades nilang nakuha nung nakaraan. Pareho silang kasali sa recognition.
Zyron got the highest honor medal.
"Samahan niyo 'ko, bibili ako ng makakain natin," sabi ni Criziwine bago ako hinila papasok sa convenience store.
May iilang mga kaklase namin ang nandoon. Pumunta kami sa junk food section. Hindi na kami kumuha ng cart dahil kaya raw dalhin ni Criziwine. Ako pa utuin niya.
Nang makakuha ng mga junk food ay ibinigay niya lahat kay January. Buti na lang hindi ako bumili dahil wala naman akong magiging tagabitbit.
Nakasunod lang kami kay Criziwine na kung ano-ano na lang ang kinukuhang pagkain at inumin.
"Ikaw, Krizzy? Hindi ka bibili?" tanong niya sa akin.
"Hindi, kung ako ikaw, hindi ko gagawing taga-bitbit ang boyfriend ko," sabi ko bago sumulyap kay January na halos hindi na makita ang mukha dahil sa daming bitbit. "Dapat kasi kumuha ka na lang ng cart!"
"Yieee, concerned sa'kin si Muse. 'Wag kang mag-alala hindi ko naman girlfriend si Criz, gusto mo 'kong i-try?" He wiggled his eye brows.
"Ito, gusto mong i-try?" sarkastikong tanong ko bago ipinakita sa kaniya ang kamao ko.
Nagpatuloy si Criziwine sa pagbili ng kung ano-ano. Nasa tabi ko lang si Zyron habang nasa unahan namin ang dalawa. Marami nang dala si January pero hindi siya nag-rereklamo. Hindi raw sila, tsk.
Sumulyap ako kay Zyron. "Tulungan mo si January," mahina kong sinabi.
"What?" tanong niya.
"Tulungan mo sabi si January." Nagsalubong ang tingin namin. Tumango naman siya sa akin bago kinuha ang iilang dala ni January.
At sa wakas, natapos din sa pamimili si Criziwine. Para siyang namili ng pang-snack for 1 week!
Si January at Zyron din ang nagbitbit ng mga brown bag. Pagdating sa Bus ay nagpamigay si Criziwine kaya okay na rin ako.
Nang ma-settle na ang mga estudyante ay nag-umpisa na ulit umandar ang Bus. May dalawang oras pa kami sa biyahe. Medyo inaantok na ako dahil sa lamig ng air-con ng Bus.
Hindi ko magawang isandal ang ulo ko sa bintana dahil nauuntog ako. Sumandal na lang ako sa arm rest bago ipinikit ang mga mata ko.
Mayamaya ay naramdaman ko ang kamay na humawak sa likod ng ulo ko. Dahan-dahan niyang inalalayan ang ulo ko para mapapunta sa kaniyang balikat.
Hindi ako kumportable dahil first time ko iyon. Nakapikit kong inihilig ang ulo ko sa balikat ni Zyron.
Naramdaman kong gumalaw siya upang mapaharap sa akin. Naramdaman ko na lang na nasa dibdib na niya ako. Kahit papaano ay naging komportable ako at mahimbing na nakatulog sa kaniyang dibdib.
Nagising na lang ako dahil may marahang yumuyugyog sa balikat ko. Pupungas-pungas ang mga mata ko nang bumukas at nakita si Zyron.
"Wake up, we're here," aniya bago tumingin sa labas ng Bus.
Napatingin din ako at nakita ang hindi gasinong masukal na gubat. Bumaba na ang mga kaklase ko. Ang ibang strand ay nanatili pa ring nakaupo, marahil hindi pa rito ang destinasyon nila.
Dahan-dahan akong tumayo, kukunin ko na sana ang gamit ko nang naunahan ako ni Zyron.
Hahablutin ko sana sa kaniya pero inilayo niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin bago nauna sa kaniyang lumakad.
Pagbaba ng Bus ay sinalubong ako ng masamang tingin ni Maya. Ano na namang ginagawa ko sa'yo?!
Tumatawang tumabi sa akin si Criziwine nang mapansin niya ang titig sa akin ni Maya. Sumaklang siya sa aking braso.
"Alam mo ba kung bakit ganiyan na naman kasama ang tingin niyan sa'yo?" tumatawang tanong ni Criziwine.
"Okay, class, we will walk to the camp site in the middle of the forest. There is a small house there, we can fit in it standing up," sambit ni Ma'am. "Kapag gabi girls lang ang tutulog doon. Kayong boys ay sa tent."
"Ang unfair, Ma'am, lalamukin kami," reklamo ni January.
"Three days lang naman kayong lalamukin, magtiis ka na lang muna," natatawang sinabi ni Ma'am bago kami nag-umpisa sa paglalakad.
Bumaling ako kay Criziwine dahil sa sinasabi niya kanina. "Ipagpatuloy mo," utos ko sa kaniya.
"Kanina kasi, habang nasa Bus nakita niyang natutulog ka sa dibdib ni Pres, mukha nga kayong couple kanina kasi 'yung kamay ni Pres nakahawak sa kamay mo, tapos 'yung isa naman nasa ulunan mo," kinikilig niyang sinabi.
Nilingon ko si Zyron na nasa likod at medyo malayo sa amin. May kinukwento sa kaniya si January habang tumatawa, pero ang mga mata niya ay nakatutok sa akin.
Bumaling muli ako kay Criziwine. "Perhaps that's why she's upset with me because Zyron has always sided with me between the two of us. She is jealous," nakangisi kong sinabi.
Napangiti ako sa loob ko. Parang alam ko na kung paano mas iinisin si Maya.
Lumingon ako kay Maya na nakatingin kay Zyron. Nang maramdaman niya ang ngisi ko ay nakipaglaban siya ng titig.
"Zyron, akin na nga 'yung bag ko," medyo malakas kong sinabi habang hindi tinatanggal ang ngisi kay Maya.
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro