Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

PROLOUGE

Nakangiting bumaba si Kara mula sa eroplanong sinakyan niya mula New York. Masaya siya na pagkalipas ng walong taon, naka-uwi din siya sa Pilipinas.

Naglakad si Kara papuntang waiting area. Napangiti siya ng maluwang ng agad niyang makita ang Mommy, Daddy at Kuya Den niya. May hawak itong malaking placard na nakasulat ang pangalan niya at may ‘welcome home’ sa ibaba. Iwinagayway ng Mommy niya ang kamay habang may malapad na ngiti sa pisngi ng makita siya.

Nilukob ng kakaibang saya ang puso siya habang tinititigan ang mukha ng pamilyang minahal siya kahit hindi naman siya kadugo ng mga ito. Inampon siya ng mga mommy at daddy niya ng mamatay ang kanyang tunay na ama at ina sa isang plane crash. Kaibigan ng mga ito ang tunay niyang mga magulang, kaya naman ng mamatay ang mga ito, at nalamang wala siyang ibang kamag-anak, inampon siya ng mga San Miguel. Anim na taong gulang palang siya ng ampunin siya ng mga ito, at nagpapasalamat siya sa panginoon na may mabubuting tao na umampon sa kanya. Mahal na mahal niya ang umampon sa kanya na parang tunay na mga magulang. Binihisan at pinag-aral siya ng mommy at daddy niya. What more could she ask for? Parang tunay na anak na rin ang turing sa kanya ng mga ito at masaya siya. Ni minsan hindi siya itinuring ng mga ito na hindi kapamilya. Siguro nakatulong din na ninong at ninang niya ang mga ito para magtiwala siya ng wagas.

Nuong una ayaw niyang tumira sa bahay ng mga San Miguel na nakabase sa New York, pero naki-usap ang ninang niya na mommy na niya ngayon sa kanya na manatili siya kahit isang linggo lang, at kung ayaw talaga niya pagkalipas ng isang linggo, ihahatid siya nito sa isang bahay ampunan. She was reluctant to say yes. Pero naisip niya na wala naman mawawala sa kanya kung susubukan niya at ayaw din niyang mapunta sa bahay-ampunan.

Wala na siyang pamilya. Ang isang linggo pananatili niya ay naging isang buwan at naging dalawa … tatlo… apat… at ng mag-isang taon siya sa poder nito, tuluyan na siyang tumira sa bahay ng mga ito at pinalitan ang apelyido niya. Mula sa De Guia ay naging San Miguel.

Napakabait sa kanya ng Kuya Den niya. Ito ang nag-iisang anak ng mga San Miguel at matanda lang sa kanyang ng dalawang taon. Itinuring siya nitong isang tunay na kapatid. Masyado itong protective sa kanya pagdating sa mga lalaki. Natutuwa siya na kahit hindi siya magkadugo, mahal na mahal siya nito na parang tunay na kapatid.

Nakatira siya sa New York mula ng ipinanganak siya. Doon kasi nakatira ang mga magulang niya bago ang mga ito namatay. She’s half-Filipino and half-american. Kahit pa sa Amerika siya lumaki, marunong siyang managalog dahil tagalog ang ginagamit ng mga magulang niyang lengguwahe sa bahay nila. Sa NYU siya nag-aral at nagtapos sa kursong Fashion designing. Halos buong buhay niya, hindi pa siya nakakatapak sa bansang Pilipinas. Hindi siya umuwi para magbakasyon nuong nag-aaral pa siya dahil sa tuwing bakasyon, pumupunta ang mommy at daddy niya, pati na rin ang kuya niya sa New York para doon mag-bakasyon, kaya naman hindi niya nakilala ang relatives ng umampon sa kanya.

Eighteen years na rin ang lumipas mula ng ampunin siya ng mga San Miguel.  Mahal na mahal niya ang mga ito. Pero siyempre, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, nakakagawa ka pa rin ng bagay na nagbibigay sa kanila ng sakit ng ulo.

     And I’m not Kara San Miguel if I’m not stubborn and pain in the ass.

     “Kara!” Sigaw ng Kuya Den niya habang iwinawagayway nito ang placard. “Welcome home!” Sigaw ulit nito na ikinatawa niya.

“No need to shout, Kuya Den. I’m right here in front of you.” Wika niya sabay yakap sa Kuya niya.

“I’m just happy to see you.” Anito.

“I know.” Sabi niya ng pakawalan na siya nito.

Niyakap naman niya ang kanyang mommy. “I miss you, mom.” Then she moved to hug her father. “Miss you, dad.” Dalawang buwan rin ang lumipas mula ng makita niya ang mga ito.

“We miss you too, Kara.” Wika ng ama niya ng pakawalan siya nito.

“Kuya, nasaan si Ate Alexa?” Tanung niya habang ipinapalibot ang tingin sa kabuonan ng Airport. Si Ate Alexa ang asawa ng Kuya Den niya. Bumibisita ito palagi sa kanya sa New York. Mag-best friend ang dalawa bago ito nagkaroon ng relasyon at pagkatapos ng tatlong taon ng pagiging magkasintahan, nag-desisyon ang mga ito na magpakasal. Kauuwi lang mga ito mula sa honeymoon sa Hawaii.

“Hindi na siya sumama. Iniri-ready niya ang welcome party mo.”

Lumuwang ang ngiti ni Kara at tumalon sa sobrang saya. “Yes! Party!”

Tumawa ang Daddy niya. “Ewan ko talaga sayo, Kara. Ang hilig mo sa party.”

Tumigil sa pagtatalon si Kara at tumingin sa ama niya. “Dad, I live in New York. Party is my life.” She exclaimed.

Den rolled his eyes at her. “Whatever, Kara. Halika na. Uuwi na tayo.” Anito sabay kuha ng travelling bag niya.

“Shane buti naman at umabot ka sa welcome party ng kapatid ko.” Sigaw ni Den malapit sa tenga ni Shane dahil sa malakas na tugtug ng musika sa loob ng bar.

Napatawa si Shane. Ang alam niya hindi ito tunay na kapatid ni Den. It still amazed him how the San Miguel family love their adopted daughter, Kara. Hindi pa niya ito nakikilala. “I didn’t know that this is your sister’s party!” Sigaw naman ni Shane.

Tumawa si Den. “Oh, well, ang importante nandito ka. Para naman makilala ka niya.”

He drinks the beer straight from the bottle. “Hindi ka ba natatakot na baka kamangin ko yang kapatid mong hilaw?”

Binatukan siya nito. “Subukan mo lang, Shane. May paglalagyan ka sa akin.” Nakangiti ito pero halatang seryoso ito sa banta. Talagang may paglalagyan siya pag nagkataon.

Shane scoffed. “Don’t worry. I don’t have a death wish. Alam ko kung gaano ka ka-protective diyan sa kapatid mong hilaw. At saka, hindi ko siya type.” Hindi pa nga niya ito nakikita.

“Mabuti naman.” Anito sabay inom ng beer.

“Den, bakit ka umiinom?” Wika ni Alexa na kararating palang at inagaw ang bote ng beer na hawak ni Den. “Ano ang sabi ko sayo kanina?”

Den sighed in defeat. “Bawal akong uminom kasi magmamaneho pa ako.”

Tumango-tango si Alexa habang nakatingin ng masama kay Den. “Alam mo naman pala, bakit umiinom ka ng beer?”

Napakamot sa batok si Den. Halata sa mukha ng pinsan niya na guilty ito. “Isang bote lang naman e.”

Napangiti siya habang nakikinig sa usapan ng mag-asawa. Den used to be just like him. A player. Pero ng maging girlfriend nito ang best friend nitong si Alexa ay nagbago ito.

“Kahit na!” Mariin na wika ni Alexa at nakangiting bumaling sa kanya. “Hi, Shane. Puwede bang batukan mo itong pinsan mo pag uminom pa ng isang bote ng beer? O kaya naman isumbong mo nalang sa akin.”

Tumango siya. “Sure.” Den glared at him. Shane shrugged nonchalantly. “What? Kakatayin ako ni Alexa pag hindi ako umo-o.”

“Buti alam mo.” Ani ni Alexa. “Sige, maiwan ko muna kayo. Hahanapin ko pa si Kara. Baka maglasing din ang isang ‘yon. Pagagalitan na naman ‘yon ni daddy.” Hinalikan muna nito ang pisngi ni Den bago umalis.

“Man, you’re so whipped by her.” Wika ni Shane habang nakangisi.

Tiningnan siya ng masama ni Den at ngumiti kapagkuwan. “Yes, I am. That’s because I’m in love with her. Darating din ang panahon na may magpapaamo sayo at pagtatawanan kita pag nangyari ‘yon.” Pagbabanta nito.

Tumawa lang ng pagak si Shane. “Not gonna happen, couzin.”

“Hey!” May sumingit sa usapan nila ni Den. Nang tingnan niya kung sino iyon, Shane smile smugly. Women can’t really resist his charm.

“Hi.” Aniya.

“I’m Jasmine.” She said with a flirty smile. She looks freaking hot. But definitely not a serious-relationship material.

Shane gave her his infamous smile. “Gray.” Pakilala niya. Narinig niyang tumawa si Den. Hindi niya ito pinansin at patuloy na nakipag-usap kay Jasmine.

“Wanna go out sometimes?” Jasmine asked him.

That made him smirked. “Sure. How about after this party? Want to come to my pad?”

“Sure.” Jasmine gave him one last hungry look then left.

Hmm, looks like he’s going to bang someone tonight. Ngumisi si Shane. “Looks like I’m getting some tonight.”

Umiling-iling si Den. “Someday, Shane. Magseseryoso ka rin.”

He rolled his eyes. “Paano mo naman nasabi na hindi ako seryoso sa kanya?”

“Shane, madali lang naman malaman ‘yon. You gave her one of your infamous name. Kailan ka ba nagpakilala sa isang babae na Shane ang ginamit mong pangalan?”

May punto ito. His full name is Shane Ash Jierl James Gray Montejero. Pag nagpapakilala siya sa mga taong wala namang halaga sa kanya, pumipili lang siya sa mga pangalan niya pero never pa siyang nagpakilala bilang si Shane.

“Balang araw, Shane. Maii-in love ka din.” Patuloy ni Den ng matahimik siya.

“Pfft! Not happening, man. Magyeyelo muna ang impyerno bago ako magseryoso.”

“Shane, alam kong darating ang araw at maiin-love ka din. Kakainin mo ang mga salita mo.”

“Nope.” Sabi niya sabay iling. “Magpapakamatay ako pag nangyari—”

“Kuya Den!” Biglang may yumakap na babae kay Den na ikinalaki ng mata ni Shane. Patay nito si Den kay Alexa—

Wait… Kuya? Is she his adopted sister? Hindi makita ni Shane ang kabuonan ng mukha ng babae. All he could see was her long blonde wavy hair that Shane find beautiful.

“Kara… Naka-inom ka ba?” may-pagaalala sa boses ng pinsan niya. “Magagalit si Daddy sayo nito.”

Tumawa ang babae. “Magagalit sa akin?” Anito, nasa tono nito ang pagiging banyaga. May accent ang pananalita nito ng tagalog. “More like he will be mad at you. ihinabilin kaya niya ako sayo.”

Napailing nalang si Den. “Why don’t you sit here at ikukuha kita ng tubig para mahimasmasan ka.” Wika nito at iginiya ang babae pa-upo sa bakanteng upuan ng table nila. “Banatayan mo si Kara.” Baling ni Den sa kanya bago ito umalis. Tumango nalang siya at umupo sa tabi ng dalaga na nakayupyop ang ulo sa mesa.

Shane cleared his throat, causing the woman to look at him.

First thing that comes into Shane’s mind when he saw her whole face was, ‘Shit! I’m in so much trouble’

Napakaganda ng babeng nakikipagtitigan sa kanya ngayon. Her sparkling aqua blue eyes. Her straight nose. Her delicate and soft looking pinkish lips. Her heart-shape face. Her blonde hair that makes her looks like a freaking doll. This woman is so perfect in looks department.

Inilahad nito ang kamay. “Hi, I’m Kara San Miguel.” She smiled, showing her perfect white teeth and her dimples that made Shane whimper inwardly. God! Can this woman be more beautiful in his eyes?

Tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay habang nakatingin pa rin sa maganda nitong mukha. “Hi, I’m Shane Montejero.” Hindi alam ni Shane kung anung sumapi sa kanya at nagpakilala siya bilang Shane. Ang alam lang niya, ayaw niyang tawagin siya nito sa iba niyang pangalan.

How weird was that?

Nakatingin si Kara sa pinaka-guwapong mukha yata na nakita niya sa buong buhay niya.

“Shane Montejero.” She tested her name on her tongue. It feels good. Then she frowned when she realize something. “Familiar ang pangalan mo sa akin.” Kara said in tagalog. Medyo may accent pa ang tagalog niya pero ginagawa niya ang lahat para mawala ‘yon.

 “Maybe because I’m Den’s cousin.”

That made her dirty thoughts disappear. Kaya naman pala pamilyar sa kanya ang pangalan nito. Palagi itong kinukuwento ng kapatid niya sa kanya. Ikinuwento ng Kuya Den niya kung gaano ito ka playboy.

“Yeah. Shane the player.”

“No. I’m not—”

“Gray. I’m ready to go.” Wika ng isang boses. Nang tingnan niya kung sino ‘yon, napailing nalang siya.

Tama nga ang kapatid niya. Babaero nga ang Shane na ito.

Tumayo siya at tumingin kay Shane na nakatingin sa kanya. “Well, I’m leaving. Just tell my brother that I’m going to find ate Alexa. Bye … Gray.” ‘yon lang at iniwan na niya ito.

So much for his hotness and handsomeness. Ang pinaka-ayaw pa naman niya ay ang mga babaero. Not that she’s interested with Shane.

He’s my cousin for crying out loud!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #forbidden