Chapter 31
Natulog na lang ako ng gabing iyon habang pinag-iisipan ko ang magiging tugon sa huling mensahe ni Yhael. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na nakatalaga akong ipakasal kay Sir Zade. Wala pa mang singsing pero sa mata nina Mommy at Daddy, mag-fiancè na kami ni Sir Zade.
Madaling-araw na ata akong nakatulog kaya medyo tinanghali na rin ako ng gising. Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto at may pumasok doon.
"Iha, gising ka na. May bisita ka," mababang boses na sinabi ni Aling Nita.
Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at nag-sensya ng limang minuto habang ang aking mukha ay nakabaon sa teddy bear ko. "Five minutes pa po," namamaos kong sinabi.
Napabuntong hining siya bago ako tinigilan. "Dito ka na lang. Maya-maya naman ay gigising na rin 'yan," pagkausap ni Aling Nita sa sinasabi niyang bisita ko.
I wanted to look up to see who my visitor was, but my eyes were still too heavy to even get up. Whoever it was, I hoped they could wait.
Narinig kong sumarado ang pinto at may umupo sa sofa na malapit sa aking kama. Tinanggal ko ang nakapulupot sa aking katawan na kumot para maghanda sa pagbangon, after 5 minutes.
When I knew that five minutes had passed, I slowly got up like a zombie. I sat on the edge of my bed with my eyes still closed and tried to fix my messy hair.
When I was finished, I opened my eyes and they landed on the man sitting on the sofa, my visitor.
He was staring at me seriously. It felt like even if I smiled, he wouldn't smile back. But even knowing that, I slowly smiled at him, even though... I was at fault.
Was it even considered a fault that I didn't tell him about me and Sir Zade right away? I didn't recognize Sir Zade as my fiancé.
He looked away from me, causing my smile to disappear. "Why are you here, Yhael?" I finally asked.
Bumalik ang tingin niya sa akin. "Maghilamos ka muna," aniya.
"Panget na ba ako?" tanong ko.
Umigting ang kaniyang panga bago sumagot. "Wala akong sinasabing ganoon, Aphle Xierinah," matigas niyang sinabi.
I smiled. "My second name sounds too sexy," I said before running to the bathroom.
Naghilamos lang ako sandali ng mukha bago tinitigan ang aking namumulang mukha sa salamin. Biglang bumukas ang pintuan ng bathroom ko at pumasok si Yhael.
Tumayo siya sa kabilang gilid ng pintuan habang nakatukod ang kanan niyang kamay sa kabilang gilid ng pinto. Nakatitig sa akin.
"Your parents..." Gulat akong bumaling sa kaniya.
"D-Did you met them?" I stuttered.
He shooked his head. "Why are you so afraid of me meeting them, Aphle Xierinah?" he asked me. He turned to his left before continuing. "Will I learn something? Or will they tell me that I'm poor and won't amount to anything in life? Is that it?"
"Yhael..." I couldn't find the words to say.
I walked towards him and cupped his cheek to turn his face towards me. When our eyes met, I saw the hidden pain he was trying to hide.
"I'm sorry-" We both said at the same time. I shook my head immediately. "No, Yhael. I should be the one apologizing because there are things I haven't told you."
"Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?" Mahinahon niyang tanong. Hinawakan niya ang kamay ko sa kaniyang pisngi. "Maiintindihan ko naman lahat."
"Si Sir Zade, Yhael..." I started. Maybe... he really needs to know because he is my suitor.
Binitawan niya ang kamay ko at ngumuso. "Ang daya. Talo ako roon, syempre," aniya.
"I don't like him, Yhael," mariin kong sinabi.
Namula ang kaniyang tenga bago patuloy ang pagtingin sa kanan. "Malamang, magkaiba 'yung like sa love," bulong niya.
"Let me finish, please?" mariin kong sinabi. Tumango naman siya na parang bata. "Me and Sir Zade we're supposed to get married after I graduate from college. Right now, we're technically engaged, but we don't have rings because he doesn't like this arrangement either. I just don't know if he's doing anything to get us out of this situation."
"Paano kapag hindi siya gumawa ng paraan? Malay mo gusto ka rin niya," saad niya. "Tsk, gabi-gabi ka ata binibisita no'n."
"Gabi-gabi nga-pero hindi ako ang pinupunta no'n," saad ko bago nagkibit ng balikat.
Tumango-tango siya. "Sige, 'yan sabi mo e. Kahit anong sabihin mo, paniniwalaan ko," nakangiti niyang sinabi bago lumapit sa akin.
Niyakap niya ako at parang may kung anong dagger ang tumama sa aking dibdib nang yakapin niya ako. It seems strange. Parang may hindi magandang mangyayari.
***
"Aphle!" I looked up from my notes to see Sovie entering the room. It was obvious she had just finished running.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya nang tumigil siya sa harapan ko.
Hinihingal siyang naupo sa katabi kong upuan. Saglit niyang hinabol ang kaniyang hininga bago nagsalita. "Ang daya mo!" Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Hindi mo sinabi sa akin na nililigawan ka ni Kuya Yhael!"
"Nililigawan?" Sabay-sabay na tanong nung mga kaklase naming nasa malapit lang at narinig ang sinabi ni Sovie. "May manliligaw ka, Aphle?"
"Yhael? 'Yun ba 'yung nambubugbog sa mga lalaki? 'Yung mahilig sa basag-ulo."
"Hindi basag-ulo si Kuya Yhael," pagtatanggol ni Sovie kay Yhael. "'Wag magsalita kapag hindi alam 'yung totoo, ah. Nakakabaho ng hininga, sis."
Umirap ang kaklase ko kay Sovie kaya pinigilan ko ang aking kaibigan nang may sasabihin pa sana siya. "Tatlong linggo pa lang naman niya akong nililigawan," saad ko.
Nalaglag ang kaniyang panga. "So, tatlong linggo na kayong umaaktong magkaibigan lang talaga?" tanong ni Sovie. Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin. "Kaya pala halos hindi humihiwalay si Kuya Yhael sa 'yo kapag magkakasama tayo." Panunukso niya.
"Paano mo pala nalaman?" tanong ko.
"Usap-usapan ka kaya sa classroom nina Kuya. Napadaan kasi ako kanina sa building nila... kasi... may tiningnan lang. Tapos iyon, narinig ko ang pangalan mo sa isa sa mga kaklase ni Kuya," litanya niya.
"Bakit naman nila ako pinag-uusapan?" tanong ko ulit.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko rin alam. Hayaan mo na lang," aniya.
I continued to stare at her for a moment, my brow furrowed. I returned my gaze to my notes, but my attention wasn't there. I was thinking about why Yhael's section was talking about me. Maybe it was because he was the president of their section.
Pinilit kong ibalik ang aking atensyon sa notes ko dahil may long quiz mamaya. I can't afford to fail the long quiz. Malaki rin ang hatak no'n sa grades ko.
I glanced at the clock in the middle of the room and saw that it was still early. I had 30 minutes before our first class started, so I stood up and told Sovie that I was going to review outside.
I was used to reviewing while walking. I left the building and went to different strand buildings, reviewing as I walked.
I stopped in my tracks when someone blocked my way. I didn't need to look up to know who it was. His signature shoes were enough.
I looked up at the handsome guy standing in front of me. His brow was furrowed. I turned to the building next to us. I didn't realize I was already in their building.
"Ang multi-tasker mo naman. Nag-rereview habang namamasyal sa mga building," aniya.
"Kakapasok mo pa lang?" tanong ko sa kaniya.
Tumango siya. "Nakita kitang naglalakad sa building ng ABM," sambit niya bago tinuro ang katapat na building ng ABM. "Akala ko kung sinong anghel ang naglalakad. Future ko pala."
Ngumuso ako para pigilan ang ngiting gustong kumawala. Bumalik ang tingin ko sa kaniya nang biglang may maalala. "By the way, bakit ako usap-usapan sa section mo?" tanong ko bago nagkibit ng balikat. "Wala lang, nasabi lang sa akin ni Sovie dahil narinig niyang nililigawan mo ako, mula sa kaklase mo."
"Ah, 'yun ba?" aniya bago mahinang tumawa. "May nakakita kasi sa 'tin nung sabado. Ayun, inisip nilang may something sa atin kasi first time nila akong nakitang may kasamang babae. Tapos ganoon ko pa titigan."
"P-Paanong titig ba ang ginawa mo?" nauutal kong tanong.
He took a large step towards me, closing the distance between us. He brought our faces level and stared into my eyes. I looked away, unable to bear the intensity of his gaze. That kind of gaze, the kind those guys who tried to court me used to give me.
But with Yhael, I only felt happiness and comfort. Just one look from him, and I knew I was safe.
"Ganito, Aphle," mahina niyang sinabi. Hindi ko pa rin siya magawang titigan. "Tumingin ka kasi sa akin, para makita mo kung gaano ako kabaliw sa mukha ng isang anghel."
"Y-Yhael, maraming nakatingin," bulong ko bago itago sa kaniyang dibdib ang aking mukha dahil sa hiya.
Natatawa niyang pinatong ang kamay sa aking ulunan at hinimas ang mahaba kong buhok. "Mahal kita, Aphle."
"Tama na ang mahal-mahalan, mag-rereview pa tayo sa Gen. Bio." Biglang umakbay kay Yhael si Daniel. Nagtaas ako ng tingin sa magkakaibigan na nasa kanilang likuran.
Mahinang sinuntok ni Yhael si Daniel sa sikmura. Dahil OA siya, ininda niyang masakit.
Ngumiti sa akin si Janser bago lumapit sa akin at akbayan ako. Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Yhael, na ikinatawa lang namin ni Janser. "Ang seloso ng manliligaw mo," bulong ni Janser habang nakanguso kay Yhael na inaasar niya.
"Ano na naman 'yang paninirang-puri mo?" sarkastikong tanong ni Yhael.
"E, wala naman akong ginagawa, ah," painosenteng sinabi ni Janser bago bahagyang lumayo sa akin.
"Tara na sa loob," paanyaya ni Kuya Zhack.
Nauna na silang maglakad apat at naiwan kami ni Yhael. "Sabay tayo mamaya?" tanong niya. "Paalam ka sa driver mo, ako na maghahatid sa 'yo pauwi."
Tumango ako sa kaniya. "Goodluck. May quiz ata kayo?" tanong ko.
"Long quiz lang," kaswal niyang sagot.
Saglit akong sumulyap sa classroom nila dahil iyon ang bungad sa gate. Nakikita kong busy ang lahat sa pagkakabisado ng kung ano-ano. Ang cute nilang tingnan. May mga kumakausap na sa pader at sa kisame.
Bumaling naman ako kay Yhael. "Balik ka na sa loob, Berde," saad ko.
"Ihahatid kita sa building—"
"Huwag na," kaagad kong pagputol sa kaniya. "Gamitin mo na lang 'yang time mo para makapag-review. Malapit na ring mag-umpisa ang first period."
Nakangiti siyang tumango sa akin. "Sige. Basta balik ka na sa room niyo. 'Wag ka nang pagala-gala rito sa building namin. Maraming loko-loko," bilin niya.
Ako naman ngayon ang tumango. "Sige, bye. Maya na lang lunch. Sa canteen namin," saad ko bago tumalikod sa kaniya.
As I walked back to the building, I spotted something in the Stem garden. I was now frowning, looking at Ate Grapes and Sir Zade, who were having a serious conversation.
I couldn't hear what they were talking about because I was a bit far away. I knew it was wrong to eavesdrop on other people's conversations, but I found myself walking towards them.
I hid behind the large mango tree where I could hear their conversation.
"Nakita mo namang masaya sa iba ang kapatid ko, Zade. Stop this marriage!" Mariing sinabi ni Ate. Ako pala ang pinag-uusapan nila.
"I need to marry her, Grapes. If I do that, I can stay in the profession I love," Sir Zade said seriously. "You know how much I love teaching, right?"
I saw how Ate Grapes avoided his gaze. "Of all people, Grapes... you know best how much I love what I do."
"Pero kung ang kapalit naman ng pag-stay mo kung nasaan ka ngayon ay ang pagkalugmok ni Aphle dahil hindi niya makakasama ang totoo niyang mahal, kaya kitang labanan," Ate said seriously.
She walked past Sir Zade. She was about to leave. "Iba na lang ang pakasalan mo, Zade. 'Wag lang ang kapatid ko."
"Then, marry me, Grapes."
-iamlunamoon
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro