Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 4

Dedicated to marie_dhalyn :))

Chapter 4

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa bintana ng aking kwarto.

Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahang bumangon upang tingnan kung ano ang ingay na nagmumula doon.

Hindi na ako nagulat ng makita si Lawrence sa labas ng aking bintana.

Madalas niya 'tong gawin kapag trip niya. Besides sa magkapitbahay kami ay magkatapat din ang room namin kaya madali lang sa kanya na pumunta sa may bintana ko dahil na rin sa tulong ng malaking puno na nasa pagitan ng aming bahay.

Naiinis na din ako minsan kapag ginagawa niya ang ganito dahil naaabala ako sa masarap kong tulog. Madalas kasi na kahit wala pang araw kapag umaga ay pumupunta siya dito at tatabi sa aking matulog. Wala naman na akong nagagawa pa kahit hindi ako pumayag dahil kung hindi ko siya pagbubuksan ng bintana ay hindi pa din siya titigil hanggat't hindi ko siya pinagbubuksan.

"Ano ba Lawrence?! Ang aga-aga nandito ka na naman." naiinis kong tanong sa kanya habang pinagbubuksan ko siya ng bintana.

Pumasok naman agad siya ng matanggal ko na ang lock.

"Tsk. Parang hindi ka naman na sanay sa ganitong ginagawa ko G ah?" sagot naman niya.

"Yun na nga! Sana sa ibang araw mo na lang 'to ginawa. Alam mo namang may event tayo mamaya sa school. 5am pa lang oh?!" Sabay turo ko sa may orasan. Naiirita na talaga ako. Baka kulangin ako sa tulog dahil sa kagagawan ng isang 'to.

"Matulog na lang tayo ulit. Halika na". aniya habang pumwesto na sa kabilang banda ng kama ko.

"Hayy naku Lawrence. Lakas talaga ng trip mo!" singhal ko sa kanya habang papahiga na rin.

Pagkahiga ko ay hinigit niya ako agad papalapit sa kanya kaya naman ang lapit-lapit ng katawan namin sa isa't-isa. Ginawa niyang unan ko ang braso niya at mas hinapit pa ako palapit sa kanya habang ang isa niyang kamay ay nasa baywang ko.

Hindi lang ito ang unang beses na nakatabi ko siyang matulog pero bakit parang kakaiba ngayon? Bakit parang naaapektuhan na ako ngayon?

Heto na naman. Heto na naman ang hindi ko maintindihan na pakiramdam.

"Stop talking already, G. Let's sleep. May performance pa kayo mamaya". Ani niya habang mas yumakap pa sa akin at mas sumiksik pa lalo sa leeg ko.

Bumuntong hininga na lang ako at pumikit. Inaantok pa din talaga ako. Kailangan ko pa talagang matulog dahil napagod ako sa overtime namin kagabi.

Unti-unti na akong nilalamon ng antok kaya hindi ko na alam kung tama ba na may narinig ako na nagsabing, "Sleep tight, baby" at sabay halik sa aking forehead.

---

"G, wake up. It's already 7 am". Paggising sakin ni Lawrence.

"Hmm. Inaantok pa ako." Sabay talukbong ko ng kumot. Inaantok pa talaga ako at gusto ko pang matulog ng matagal.

"Bumangon ka na diyan, G. Magmemake up ka pa di ba?"

Bigla akong napabalikwas.

Oo nga pala. Hindi ako katulad sa ibang girls na may Mommy na tutulong sa kanila para magmake up. Bata pa lang ako ay palaging si Daddy na ang sumasama sa akin sa school para sa mga program na kabilang ako at ako naman ang nag-aayos ng aking sarili hanggang ngayon na Senior High School na ako at graduating na. And I'm really sure na hanggang college ay ganito pa din. Kailan kaya na si Mommy naman ang mag-iintindi at mag-aayos sa akin? Hindi naman masamang umasa di ba? Kaya hangga't nabubuhay ako ay aasa ako.

Nag-unat-unat muna ako ng kamay bago tuluyang tumayo upang ayusin ang aking kama. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Everytime talaga na kapag katabi kong natutulog si Lawrence, paggising ko sa umaga ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang nawawala lahat ng alalahanin ko kapag siya ang kasama ko.

"Umuwi ka na Lawrence para makapagready ka na din". Sabi ko habang papalapit na sa aking closet upang kumuha ng towel.

"Okay. See you later". Aniya at saka dumiretso na sa may bintana para duon lumabas.

Ewan ko ba sa isang 'yun. Mas gusto niya na sa bintana pumapasok at lumalabas. Hindi alintana kung gaano kadelikado dahil ang palagi niyang dinadahilan sa akin ay hindi naman daw siya ganun katanga para daw hayaan niya ang sarili niya na mahulog or madulas para sa pagdaan niya sa bintana ko. Kawawa din daw ang mga kababaihan na patay na patay sa kanya kapag nagkaroon daw ng sugat alinman sa parte ng kanyang maganda at machong katawan kaya hindi daw talaga niya hahayaan na madisgrasya siya. Tsk! Pinapahirapan lang naman niya ang sarili niya eh.

Dumiretso na agad ako sa C.R para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay tinawag ko si Yaya Minda upang dito na ako sa aking kwarto dalhan ng breakfast. Baka kasi malate ako eh. 8:30 pa naman ang start ng opening namin at mag-aayos pa ako.

I'm doing my makeup while I'm eating my breakfast.

I sighed.

Sana may Mommy din ako na tumutulong sakin mag-ayos kapag may mga event sa school. Hindi pa din talaga ako nawawalan ng pag-asa na mangyayari at darating ang araw na iyon.

Nagfocus na lang ako sa pag-aayos ko at sa aking pagkain.

Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay dali-dali kong kinuha ang costume namin para makapagbihis na.

Pagkatapos kong magbihis ay naupo na ulit ako sa harap ng vanity mirror ko para sa final retouch ng biglang bumukas ang pinto.

"G, are you finished?" ani Lawrence habang papalapit sakin.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang tinitingnan ang kabuuan ko.

He's wearing a red t-shirt, jeans, and white sneakers.

Opening lang naman ngayong araw kaya ang susuotin ng mga students ay ang designated colors ng family nila.

Kaming magpipinsan ay magkakasama sa Family 3 kaya naman panigurado na nakapula talaga kaming lahat mamaya.

Nakapamaywang siya sa aking harapan habang masama na ang tingin.

"Stand up, G". utos niya sa akin at dali-dali naman akong sumunod dahil nakakatakot ang kanyang boses samahan pa ng seryoso niyang expression ngayon.

Lumapit pa lalo siya sakin at naupo paharap sa aking vanity chair.

"Come here". He said while tapping his lap.

Hindi agad ako nakalapit dahil kinakabahan ako.

"Garnet Monique". Ayan na. Once na binanggit na niya ang full name ko ay galit na talaga siya kaya unti-unti na akong lumapit sa kanya at ng makalapit na talaga ako ay bigla niya akong hinigit papunta sa kanyang kandungan at napaupo ako ng nakatagilid.

"What are you wearing?" he said while looking straight in my eyes and while holding me in my waist.

Napatingin naman ako sa suot ko.

Ano bang problema niya? Crop top na white at black skirt lang naman 'to tas white sneakers.

"Ahm, costume namin?" inosenteng sagot ko sa kanya.

"I know Garnet Monique that it is your costume. What I'm asking is that why is it so sexy?" magkasalubong na kilay niyang tanong habang pinaharap ako paupo sa kanya.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa posisyon namin. Take note na nakapalda pa talaga ako ha.

Mas hinapit niya ako papalapit sa kanya kaya bigla akong napahawak sa kanyang balikat.

"Are you wearing cycling?" tanong niya sakin.

Tanging tango na lang ang naisagot ko dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Good because ayaw kong may mamboboso sayo". Aniya habang nakatingin na sa labi ko.

Lumingon na lang ako pakaliwa para mawala ang atensyon niya sa labi ko.

"A-ahm, let's go na baka malate pa tayo". Akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako.

"Let me hug you first." Aniya at niyakap nga ako.

"Goodluck for later." Bulong niya sa akin at sumiksik pa sa aking leeg kasabay ng pagdampi ng kanyang labi dito.

I stilled.

Ano ba 'tong mga ginagawa at pinapakita niya?!

Mygad Lawrence!

Naguguluhan na ako!

Ayoko nitong nararamdaman ko!

Ayoko nito! Mali 'to. Maling-mali...

******

Please don't forget to vote, share, comment and follow me! :)) Thank you so much mga mahaaaaal! :)))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro