F9:Colorful Lust
Pagewang-gewang na naglalakad si Agatha sa lansangan. Nakatulala't hindi makaniwala sa kanyang nagawa. Napatigil siya nang makita niya ang isang babaeng mayroong pamilyar na mukha. Si Kill. Masama ang tingin sa kanya nito't nanlilisik ang mga mata. Pinikit ni Agatha ang kanyang mga mata't bumulong. "Namamalik mata lang ako. Walang rason para magpanik." Pagkatapos ay muli niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nawala na si Kill sa kanyang harapan kaya naman nagbuntong-hininga siya't napangiti. Lumingon siya't tumango.
"Hindi pa tapos ang laro, lola." Bulong ni Agatha. Napangiti siya't muling gpatuloy siya sa paglalakad habang ngumingisi mag-isa.
-
Dumiretso si Agatha sa terminal ng bus si AJ. Nagkakamot ng ulo ang dalaga habang nakataas ang kanyang kanang kamay na may hawak ng cellphone. Mukhang naghahanap siya ng signal bars para mayroong matawagan ng tulong. Lumalalim na ang gabi at kailangan niya na umuwi sa kanila. Alam niya na hinahanap na siya ng kanyang mga magulang sa mga oras na 'to. Nagpout si AJ at sumandal sa isang poste. Kinagat niya ang kanyang labi at nagbuntong-hininga.
"Bakit pa kasi ako sumama rito eh. Kainis." Bulong niya sa kanyang sarili. Napahawak siya sa kanyang mga balikat nang biglang umihip ang isang napakalakas na hangin. Nakasando lang kasi si AJ sa mga oras na 'to ngayon. Nakalimutan niya magdala ng jacket bago umalis ng kanilang bahay. Napaayos ng tayo si AJ ng maayos nang bigla siyang makaramdam ng parang mayroong mali sa kanyang paligid. Naagaw ng isang papel na pasayaw-sayaw sa ere ang kanyang atensyon. Sinusundan niya ang galaw nito hanggang sa bumagsak ang papel sa kanyang harapan. Napalunok at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang larawan sa papel.
"A-A-Agatha?!" Bulong niya sa sarili. Tatakbo na sana siya nang bigla siyang natumba pagkatalikod niya. Nasa harapan niya ang isang grupo ng mga lalaki. Nakangiti ang mga 'to't tila mayroong binabalak. Kung ibabase sa kanilang mga hitsura, mukha silang mga tambay sa kanto. Nakasuot ng mga maluluwag na damit, mayroong mga tato sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan, at mayroong hawak na alak at nakapasak na sigarilyo sa kanilang labi. Napahawak agad si AJ sa kanyang dibdib nang makita ang grupo. Kinapa niya sa kanyang bulsa ang badge ng kanilang organization sa school. Alam niya na matatakot ang mga lalaking ito dahil kilala ang org na 'to lalo na sa labas ng paaralan.
"Tigilan niyo 'ko. Isa akong member ng DG sa Xandford University! Kabilang din ako sa seksyon ng mga tinitingala't inaasahang magpapatuloy ng mga misyon ng DG sa paaralan." Nanginginig na wika ni AJ. Nginisian lang siya ng mga lalaki habang papalapit ng papalapit sa kanya.
"Huwag ka mag-alala miss, hindi ka naman namin sasaktan. Maglalaro lang tayo. Hindi ba mga kasama?" Mapanlinlang na wika ng isa sa limang lalaki sa grupo. Mukhang siya ang lider ng grupong ito dahil sa kanyang suot at pag-asta. Mariing napalunok si AJ dahil sa sobrang kaba. Sinubukan niyang iwasan ang grupo pero bigla siyang hinawakan ng isa sa mga lalaki sa braso.
"San ka pupunta? Maglalaro pa tayo hindi ba?" Mapang-akit na tanong kay AJ. Nginitian muna ni AJ ang lalaki bago niya sinikmurahan sa tiyan. "Eh g*go ka pala kayo eh! Mga manyak! Tigilan niyo ko!" Sigaw ni AJ na nasundan ng pagtakbo, pero agad siyang nahabol ng isa sa mga lalaki. Nahawakan ang buhok ni AJ at mabilis na hinatak ito paharap sa kanya. Inayos niya ang pwesto ng dalaga't ipinaharap sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ni AJ at halatang galit na galit sa mga lalaki. Kahit na nangangamba, hindi niya ipinahahalata ito dahil alam niya na maari itong gamitin ng mga lalaking ito panlaban sa kanya.
"Ang kulit mo naman eh! Sumama ka na sa amin kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ng kanilang lider. Bumulong din ang lalaking nasa harap ni AJ sa kanya't kinumbinsi rin siya. "Oo nga miss, sumama ka na para madali na 'to. Hindi ka naman namin sasaktan eh." Nang-aakit na wika ng lalaki. Hindi napigilan ni AJ ang kanyang sarili kaya naman dinuran niya ang lalaki sa kanyang harapan. "Bastos!" Sigaw niya. Sa pagkabigla ng lalaki, bigla niyang sinapak si AJ sa mukha. Agad napatumba si AJ sa sahig habang masaya siyang pinagtatawanan ng grupo.
"Dalhin niyo na 'yan." Pabulong na utos ng kanilang lider. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang kanyang mga miyembro at agad kumilos. Hinatak nila si AJ patayo, piniringan ang mga mata, nilagyan ng tape ang bibig at tinalian ang kanyang mga kamay. Pasakay na sana ang grupo sa kanilang sasakyan nang makita nila ang isang babae na nakatayo lamang sa harapan nito. Dahan-dahan niyang itinuro si AJ.
"I need her." Malamig na bulong ni Agatha. Napakunot ang noo ng isang lalaki at agad kwinestyon ang dalaga. "Hija, tumabi-tabi ka nga diyan kung ayaw mong madamay." Maangas na sigaw ng isang miyembro mula sa grupo. Hindi natinag si Agatha at piniling manatili sa kanyang pwesto. Muli, sumigaw ang lalaki bilang isang warning sa dalaga. "Ano? Gusto mo talaga masaktan?" Sigaw ng lalaki. Dahan-dahang iniangat ni Agatha ang kanyang ulo. Nakangiti si Agatha nang makita niya si AJ, samantalang hindi mapigilang manginig sa takot si AJ nang makita niya ang kaklase. Mariin siyang napalunok at pilit na ayaw paniwalain ang sarili na si Agatha nga ang babae na nasa kanyang harapan. "Abyssus abyssum invocat." Bulong ni Agatha habang pinagmamasdan si AJ sa kanyang mga mata. Paulit-ulit itong binibigkas ni Agatha hanggang sa magsisigaw siya na parang nawawala sa sarili.
Nagulat na lang si AJ nang bigla siyang tinapik ng katabi niyang lalaki. Muling iminulat ni AJ ang kanyang mga mata at nakita na naroon pa rin sila sa tapat ng sasakyan. Agad niyang tinignan ang isa sa mga lalaki sa grupo at itinanong si Agatha. "S-Si Agatha? Nasan si Agatha?" Nauutal-utal na tanong niya. Muli lamang siyang sinapak at walang-awang ihinagis papasok ng kotse.
"Anong Agatha pinagsasasabi mo! Sumakay ka na lang! Wala na tayong oras." Sigaw ng lalaki. Kahit na gustong paniwalaan ni AJ ang kanyang mga nasaksihan, hindi niya magawa. Totoo kayang namalikmata lamang siya rito? Paano kung totoong si Agatha ang nakita niya? Dinala si AJ sa gitna ng kagubatan. Marahas siyang ibinaba't pinaggitnaan ng grupo. Ngingisi-ngisi ang mga 'to habang pinagmamasdan siya.
"A-Anong gagawin niyo sa'kin? Layuan niyo ko!" Nagwawalang sigaw ni AJ nang simula siyang hawakan ng mga kalalakihan. Sinimulan din siyang hubaran ng mga 'to, dahilan para mas lalo siyang matakot. Sinubukan sumigaw ni AJ, pero agad tinakpan ng lider ng grupo ang kanyang bibig ng masking tape. Sinimulan siyang babuyin isa-isa ng mga lalaking ito. Hindi niya mapigilang maiyak habang ginagahasa siya. Nahihiya rin siya nang makita niyang todo ang pagkuha ng litrato ng isang lalaki sa grupo, at ang isa nama'y abalang nagbibidyo.
Ilang oras ang lumipas, matamlay at hindi na halos makagalaw si AJ dahil sa sinapit. Puno ng pasa, sugat at kalmot ang kanyang buong katawan. Nakatulala na lamang siya at wala na sa wisyo. Itinali si AJ sa upo't balak nang patayin ng grupo. Naantala ito nang makarinig sila ng malakas na sigaw mula sa gitna ng kagubatan. Dahil sa takot, mabilis na nagsipasukan pabalik sa sasakyan ang grupo't nilisan na ang lugar. Nakahinga na ng maluwag kahit papaano si AJ. Hindi nawala ang kanyang pag-asa na mailigtas siya ng kinauukulan sa kanyang kasalukuyang kinalalagyan. Alam niyang makakatikim ng kamay na bakal ng DG ang mga grupo ng mga lalaki na gumawa sa kanyan ito.
"Vivere commune est, sed non commune mereri." Bulong ng isang babae sa likod ng punong pinagtalian kay AJ. Kahit na halos nanlalabo na ang paningin ni AJ, nagawa niya pa ring lingunin ang babaeng bumulong sa kanya nito. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Agatha. Gigil na gigil itong nakatingin sa kanya habang ngumingisi. Paulit-ulit na binubulong ang kanyang pangalan.
"A-Agatha." Napatigil si Agatha sa pagbangit ng pangalan ni AJ nang marinig niya ang kanyang pangalan. Napayuko siya't nagsimulang umiyak. Mariing napalunok si AJ nang makita niyang dugo ang iniluluha ni Agatha. Dahan-dahang may kinuha si Agatha sa kanyang bulsa't ipinakita kay AJ. Nagulat si AJ nang makita niya ang hubot'hubad na litrato ni Agatha na sila ng kanyang mga kaklase ang may kagagawan.
"Agatha.. Sorry. Hindi ko, hindi naman namin sinasadya eh." Pautal-utal at nanginginig na bulong ni AJ sa kaklase na halatang kinakabahan. Nanlaki ang mga mata ni Agatha sa gigil at pwinersang buksan ang bibig ni AJ. Marahas niyang ipinasok ang kanyang kamao paloob sa bunganga ng dalaga, dahilan para mabilaukan ito. Ang isa niya namang kamay ay abala sa pagdukot ng kaliwang mata ni AJ. Matapos niya makuha ang mata sa kaliwa, sinunod niya naman ang nasa kanan.
"La, la, la, la. Eyes that sees but nothing but sins, and mouth that speaks but nothing but malice. La, la, la, la."
"Forgive my angels for being demons, and forgive my demons for being angels." Bulong ni Agatha kay AJ. Napahalkhak si Agatha ng malakas nang makita niya ang duguan at wala nang buhay na katawan ni AJ. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang mga kamay at maiging pinagmasdan ang mga 'to. Napangiwi siya nang makita niya ang kanyang bagong paboritong kulay, pula.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro