Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F8:Torment

Kasalukuyang nakatali ngayon si Agatha sa isang jeep, nakatali ang kanyang mga kamay habang mayroong cellphone na nakatutok sa kanyang kanang taenga. Kausap niya ang isa sa kanyang mga guro, si teacher Saeko. 

Teacher Saeko:"Oo Agatha, ako nga. I just want to play with you princess." Malamig na pagkasabi ng guro. 

Agatha:"P-Pakawalan niyo na ho ako, nagmamakaawa ako sa inyo. Kailangan ako nang lola ko." Naiiyak niyang pagkasabi pero tinawanan lang siya ng guro.

Teacher Saeko:"Ayun nga eh, hayaan mo hindi ka namin sasaktan." Wika niya, pagkatapos nito ay binaba na niya ang kabilang linya. Sakto namang paghinto ng jeepney sa isang hindi mataong lugar. Sumenyas si Kill kay AJ at Jack, nang makita ng dalawa ito ay agad nilang hinakan sa dalawang braso si Agatha. Pilit na nagpupumiglas ang dalaga pero lubhang malakas ang dalawa niyang kaklase. Ipinasok nila si Agatha sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Kitang-kita sa bahay na ito ang pagkaluma. May malalaking sapot sa gilid ng pader at ang makapal na alikabok sa paligid nito.

AJ:"Sorry talaga Agatha, paghindi kasi namin to ginawa kami ang malalagot." Paghingi niya nang pasensya sa kaklase pero dinuran lang siya nito. Natatawa naman si Jack at biglang binatukan ang dalaga.

Jack:"Aba? Lumalaban na ngayon. Hahahaha" Nangmamaliit niyang pagkasabi. Biglang nagdilim ang tingin ni AJ kay Agatha at bigla niyang inangat ang kanyang kanang kamay, akmang sasampalin ang dalaga.

AJ:"You deserved this." Umalingawngaw sa tahimik na paligid ang malakas na pagkasampal niya sa dalaga.

Jack:"AJ tara na, baka may makakita pa satin dito." Utos niya sa kaklase pagkatapos ay sumunod sa binata papunta sa loob ng jeep. Sinundan ng tingin ni Agatha ang tatlo niyang kaklase habang papalayo ito. Nang maiwan siyang mag-isa, agad siyang humanap nang paraan para maalis ang makapal na lubid sa kanyang dalawang kamay. May nakita siyang isag matulis na bagay na nakadikit sa pader. Agad niya itong nilapitan at inilagay ang dalawang kamay sa pagitan. Pagkatapos ay nagtaas-baba siya hanggang sa mapigtas ang tali. 

Agatha:"Makaka-alis na rin ako." Bulong niya sa kanyang sarili. Humakbang siya paabante paputa sa pintuan palabas pero bigla siyang napahinto nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.

               :"Agatha." Tawag sa kanyang pangalan. Nilingon niya ito pero wala siyang nakita.

               :"Agatha." Pangalawang beses na tawag sa kanya pero wala pa rin siyang nakikitang tao. Pagkatapos ay muling tinawag ang kanyang pangalan, pero sa ngayon, paulit-ulit na ito at palakas nang palakas. Umikot ang kanyang mga mata sa iba't-ibang sulok ng kwarto. Mabilis na gumapang ang takot sa kanyang buong katawan. Nagbubutil-butil ang kanyang pawis at mabilis na humihinga dala ng kaba. Maya-maya ay bumukas ang isang bumbilya na nakalagay sa gitna, ito lamang ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Agad nabalot ang kwarto nang nakabibinging katahimikan. 

Tatakbo na sana siya palabas nang biglang sumarado ang pintuan. Tinakpan niya ang kanyang dalawang mata at napaupo sa sahig. Unti-unti niyang inalis ang pagkakatakip nang dalawang kamay niya sa mukha nang may makita siyang paa. 

               :"Ole,Ole,Ole" Bulong sa dalaga, hindi ito ordinaryong boses kung inyong maririnig. Mararamdaman mo na boses ito mula sa hukay, boses ito nang isang demonyo.

Agatha:"Ahhhhhh!" Napasigaw siya sa takot nang makita niya ang kanyang lola na nakatingin sa kanya. Mayroong bumubulwak na dugo sa bibig nito, kitang-kita ang mancha ng dugo sa madidilaw niyang ngipin. Wala na ring makikitang kulay itim sa kanyang dalawang mata. Unti-unting nanlabo ang paningin ni Agatha hanggang sa mawalan na siya nang malay.

-----

Masaya, maingay at magulo. Yan ang mga salitang posibleng maglarawan sa loob ng jeep. Masaya nagkw-kwentuhan ang dalawang binata tungkol sa dalaga, samantalang si AJ naman ay nasa sulok at nakokonsensya na sa kanilang mga ginagawa sa kaklase.

Kill:"Alam mo pre, ano kayang mangyayare kay nerd kapag naka-uwi na yun? Hahahaha, ayaw niya pa kasing magpatransfer eh, ayan tuloy ayaw siyang pakawalan ni teacher Saeko.Wika nang binata na nasundan ng nakakalokong tawa.

Jack:"Alam mo, tama ka, masaya pala kapag nakikitang nahihirapan siya." Dagdag nang binata. Magsasalita pa lamang si Kill nang biglang pinutol ni AJ ang usapan.

AJ:"Jack ayoko na talaga, pagdating natin sa school I'll tell miss Saeko na I'll be quitting." Nakokonsensya niyang pagkasabi, imbis na sang-ayunan ay pinagtawanan pa siya nang dalawa.

Jack:"Are you effin serious AJ? Gusto mo bang sumama sa nerd na Agathang yun?" Nang-aasar niyang tanong. 

Jack:"Oo nga, alam mo da-" Naputol ang kanyang sinasabi nang biglaang gumilid ang bus at huminto. Halos muntik na silang mabunggo sa isang puno, mabuti na lamang ay nahawakan agad ni Kill ang kanyang preno.

AJ:"Anong nangyare?!" Sigaw ng dalaga, hindi naman makapagsalita si Jack dahil sa labis na pagkabigla. Napakamot lang si Kill at halata sa mukha nito ang pagkatakot.

Kill:"Pare si Agatha, nakita ko si Agatha." Paliwanag niya. 

Jack:"Its not time for jokes Kill, huwag kang ganyan." Naiirita na pagkasabi nang binata.

Kill:"Mukha ba kong nagbibiro? Nakita ko siyang kumakaway sa akin kaya bigla kong inilihis tong jeep." Paliwanag niya.

AJ:"Hindi ka nakakatuwa Kill, alam mo if you want? Siguro its better kung we'll go on our seperate ways na lang. I don't like your sh*tty pranks kaya I'm on my own from now." Mataray niyang pagkasabi, pagkatapos ay inisukbit niya sa dalawang balikat ang kanyang Jansport bag at bumaba nang jeep.

AJ:"Bye jerks, see you in hell." Paalam niya, pagkatapos ay naglakad ito paabante. Naiwan naman ang dalawang lalake sa jeep. Inaayos nila kung paano nila mapapatras ang jeep dahil medyo may kataasan ang kanilang nilikuan.

Jack:"Pre, pano tayo niyan? Iniwan na tayo ni AJ." Bulong niya, nagbuntong-hininga si Kill at inikot ang kanyang mata.

Kill:"Teka-teka, nasaan ba yung phone ko? Hindi ba't nasa bag niya?" 

Jack:"Ay oo nga pala, dito ka lang ah? Susundan ko siya, nandun din kasi yung phone ko." Wika nang binata, pagkatapos ay agad siyang lumabas nang jeep. Nang makita niya si Agatha ay medjo malayo na ito kaya kumaripas na siya nang takbo para mahabol ang dalaga. 

Naiwan namang mag-isa si Kill sa jeep at sinusubukan paring paatrasin ang sasakyan. Napahawak siya sa kanyang buhok at parang sinabunutan ang sarili.

Kill:"Ahhh! Bakit ba kasi ayaw mong umatras!" Naiinis na sigaw nang binata. Pagkatapos ay sinuntok niya ang manibela dahilang para gumawa ito nang ingay. Napasandal siya sa kanyang upuan at nagbuntong-hininga. Nakarinig siya nang tunog ng paa na pumasok sa jeep. Alam niya sa sarili niya na sila AJ at Jack na ito.

Kill:"Its about time you got here! Akin na nga yung phone ko so I can call miss Saeko." Utos niya pero wala siyang narinig na sagot. Unti-unti niyang nilingon kung sino ito at laking gulat niya nang makita si Agatha. Nakangiti ito at punong-puno nang dugo ang kanyang damit. Nanlilisik ang kanyang dalawang mata habang nakatingin sa kanya. 

Kill:"Sh*t!" Sigaw niya, lalabas sana siya nang biglang ipinulupot ni Agatha ang isang barbed wire sa kanyang leeg. Pagkatapos ay itinali niya hinila niya ito dahilan para dumiin ang bared wire sa leeg nang binata. Agad tumusok sa kanyang lalamunan ang matutulis na parte, dahilan para bumulwak ang dugo sa kanyang lalamunan. Hindi makasigaw ang binata dahil sa kawalan nang boses, agad rin siyang namatay dahil maraming dugo ang mabilis na nawala sa kanya. Nang makita nang dalaga na patay na si Kill, tumawa siya nang mahina at bumulong.. 

Agatha:"Forgive me because I have sinned..."

----------------- E l l ' s  N o t e ;

Sorry kung medjo matagal yung update ko dito, nawala kasi yung plot notebook ko eh. Yan tuloy, nagsimula tuloy ako ulit sa scratch. Ugh -_- Sana magustuhan niyo, more mysteries ahead and masasagot ko ata yung tanong niyo sa next chapter. Ge. Salamat~ :D 8th comment will receive a dedic. No double comments please. VOTES are highly appreciated! 

Featuring CASE as Forbidden's new cover~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro