Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F7:Malice

Nagpunta si Agatha sa girl's restroom at nagkulong. Nakatingin lang siya sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Naghilamos siya ng kanyang mukha. Tinitigan niya ang salamin at nagsisisigaw. Mararamdaman mong puno ng poot at galit ang laman ng mga sigaw ng dalaga. 


"Hindi! Hindi totoo ang narinig ko kanina. Hindi pa patay si Lola Barbara." Nanghihina nyiang bulong sa sarili.  Umupo siya sa gilid at nagsimulang humagulgol. Nakaupo siya nang parang isang bata, nakakulong ang kanyang dalawang binti sa dalawa niyang kamay. 


"Lola, ang daya-daya niyo naman eh, sabi niyo hindi niyo ko iiwan..." Wika niya, nagbuntong hininga ang dalaga at biglang napatingin sa basang tiles ng banyo. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang repleksyon ng isang matanda sa sahig ng panghuling cubicle. Agad niyang tinignan kung may tao sa bawat cubicle pero wala siyang makita kahit isa. Nang nasa harap na siya ng panghuling cubicle, biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang napakalamig na ihip ng hangin. Dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang kamay sa pintuan ng cubicle at marahang tinulak ito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, nang maramdaman niyang nabuksan niya na ang pinutan nito, dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nagbuntong hininga ang dalaga dahil wala rin siyang nakitang tao rito, pero naging palaisipan sa kanyang isip kung sino ang matanda na nakita niyang repleksyon sa sahig. 


"Kailangan ko nang umuwi, baka kailangan na ko sa bahay." Bulong niya sa kanyang sarili, dumiretso na agad siya sa pintuan ng banyo. Hawak-hawak niya na ang doorknob ng biglang bumukas ang panghuling cubicle. Nakaramdam siya ng takot kaya nagmadali siyang lumabas ng banyo. Sa loob naman ng banyo ay muling nakita ang repleksyon ng matanda sa sahig nang nakangiti na parang pinagmamasdan si Agatha. Paglabas ni Agatha ay dumiretso siya agad sa kanyang classroom upang magpaalam sa guro. 


"Agatha?! Saan ka galing? Alam mo bang patay na ang lola Barbara mo?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ng guro pero nakayuko lamang siya. Hindi siya sumagot sa tanong ng guro, hindi niya rin namamalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa mata.


"Kailangan ko na pong umuwi." Matipid niyang sagot, pagkatapos ay pumasok siya sa classroom para kunin ang kanyang bag. Palabas na sana siya ng biglang hinarang siya ni Teacher Saeko. Nakapamewang ito habang tinitignan ng masama si Agatha.


"Saan ka pupunta? Alam mo bang labag magcutting classes?" Mataray na pagkasabi ng guro. Napayuko si Agatha at halatang natatakot sa guro.


"Kailangan ko pong umalis, namatay ho kasi lola ko." Magalang niyang sagot sa guro, pagkatapos ay nagbow. Paalis na siya ng biglang hinawakan ni teacher Saeko ang kanyang braso.


"No! You're not going anywhere." Pagmamatigas ng guro na ikinagulat ni Teacher Yuki. Agad lumapit si Teacher Yuki sa dalawa pero muling nagsalita ang guro.


"Huwag kang mangielam dito Yuki! Tandaan mo, bago ka pa lang dito sa eskwelahan. Marami-rami ka pang hindi alam tungkol sa eskwelahang ito, huwag mo ring balaking pigilan ako, hindi mo 'ko kilala." Pananakot ni Saeko sa kapwa-guro. Sinubukang magpumiglas ni Agatha pero mas lalo lang na hinigpitan ng guro ang pagkakahawak sa kanyang braso. Dinuro-duro niya si Agatha at halatang nanggi-gigil sa dalaga.


"Kapag sinabi kong hindi pwede! Hindi pwede?!" Nagagalaiting sigaw ng guro. Tinignan ng masama ni Agatha si Teacher Saeko at muling pumamiglas. Nagawa niyang makalaya sa mahigpit na pagkakahawak niya, hindi nakapagpigil si Teacher Saeko at biglang nasampal ng malakas si Agatha. Niyakap ni Teacher Yuki ang dalaga at kwinestyon ang inasal ng kanyang kapwa guro.


"Anong klaseng guro kayo?! Hindi niyo ba maintindihan ang sitwasyon ni Agatha? Namatayan siya Miss Saeko! Namatay lola niya, bakit ba hindi niyo maintindihan yun?!" Sigaw siya sa guro, tahimik ang mga estudyante at tila pinapanood lang ang dalawang guro. Tumayo si Venus at tila sumabat sa usapan.


"Can you just let her go already?! I feel bad for her, isang tao na nga lang nagtatanggol sa kanya nawala pa. Teacher Saeko, can you please let her go na, her family needs her." Pagtatanggol ni Venus sa kaklase na ikinagulat ng lahat. Nagchismisan naman agad ang dalawang magkapatid sa ginawa ni Venus.


"Ate, what's with Venus? Bakit niya nagawang ipagtanggol si Agatha?" Bulong ni Suzy sa kapatid. Nagpout naman si Rian sa sinabi ng kapatid at napakamot sa kanyang batok. Tinignan niya si Suzy at nagkibit balikat.


"Hindi ko alam pero masama ang kutob ko rito. Huwag mo na rin pa lang lalapitan si Agatha, delikado na." Babala ng kapatid sa kanya na ikinagulat ng dalaga. 


"Pero Ate?!" Reklamo ng dalaga. Tinignan ng masama ni Rian ang kanyang kapatid at nagbuntong hininga.


"Ayoko lang na madamay tayo sa gulo nila, listen to ate this time ok?" Pagpapaalala niya sa kanyang nakababatang kapatid. Nagpout si Suzy at tumango na lamang bilang pagsangayon. Tinitignan niya si Agatha na nakatayo lang sa gitna ng dalawang guro. Nakikita niya na parang may binubulong ito na kakaiba. Hindi niya na lang ito binigyan masyado ng pansin at ibinaling na lamang ang tingin sa iba. Dahil sa sinabi ni Venus, malayang nakaalis na si Agatha para umuwi ng kanilang bahay. Habang pababa ng building, sinundan siya ng tingin ni Teacher Saeko.


Teacher Saeko:"Ikaw pa lang Agatha ang nakagawa sa akin ng ganito. I hope you'll have fun with the aftermath of your actions. " Bulong ni Saeko sa sarili. Kumurba ang isang nakalolokong ngiti sa kanyang labi. Nasa labas na siya ng eskwelahan ng biglang may tumawag kay Agatha sa kanyang cellphone. Nakita niya ang numero ni Cassidy o Case kaya agad niya itong sinagot.


"Hello Cassidy? Napatawag ka ata?" Bungad ng dalaga sa kaibigan habang sinusuri ang kanyang wallet kung mayroon pa siyang natirang pera pangpamasahe. Kinuha niya ang mga barya rito't muling ibinalik ang wallet sa bag.


"Agatha, kasi ano eh.." Malungkot at pautal-utal na sagot ni Case. Napakunot ang noo ni Agatha sa tono ng boses ng kaibigan. May narinig rin siyang pamilyar na boses habang kausap niya si Case. Narinig niya si Made na sinabing "Sabihin mo na, siguro nandun na sila. Inaantay si Agatha." Napalunok si Agatha sa kanyang narinig at nagsimulang kutuban. 


"Agatha, pwede ka bang pumunta dun sa arcade sa may tapat ng school? Kailangan kasi kitang makita eh, may importante kong sasabihin sayo."  Pakiusap niya. 


"Hindi pwede Case eh, namatay kasi si lo-" Naputol ang kanyang sinasabi ng biglang sinigawan siya ni Case sa telepono.


"Pumunta ka sabi eh! Sandali lang 'to?! Ganun ba kahirap 'yon?!" Napahawak sa dibdib si Agatha dahil unang beses niya iyong masigawan sa telepono. Nagmatigas siya't pasigaw ring sinagot ang kaklase.


"Hindi mo ba ko naiintindihan?! Sinabi ngang hindi pwede 'di ba? Hindi pwede!" Reklamo niya, pagkatapos ay ibinaba niya ang telepono. Nagbuntong hininga si Agatha at naglakad palayo ng eskwelahan, pumunta na siya sa isang waiting shed, dito kasi ang sakayan ng papunta sa kanilang bahay. May nakita siyang isang jeep na tatlong tao lang ang laman. Isang babae at dalawang lalake, napangiti si Agatha dahil minsan lang siya makakita ng mga jeep na kaunti lang ang sakay na route papunta sa kanila. Madalas kasi punuan lagi kahit na hindi rush hour. Sumakay na siya ng jeep, pumunta siya sa bandang dulo kung saan malapit sa labasan. Nang kinuha niya kanyang wallet sa bag, nakita niya ang kanyang phone na umiilaw. Mayroon isang number na nagtext sa kanya, si Case.


                    Kung ayaw mong pumunta, kaming pupunta sa'yo. 



Napakunot ang noo ng dalaga sa kanyang nabasa at isa-isang tinignan ang mga mukha ng kanyang mga kasabay sa jeep. May napansin siyang kakaiba sa lalakeng nakacap sa kanyang harapan. Tinignan niya itong mabuti at namukhaan ang lalake. Si Jack, siya ang katapat ni Agatha. Bigla ring may tumabi sa kanyang isang babae, ito ay si AJ.


"Hi Agatha? Ayaw mo kasing pumunta eh, kaya kami na ang pumunta para sumundo sa'yo." Bati niya sa kaklase, napahawak ng mahigpit si Agatha sa strap ng kanyang bag at sumagot.


"Tigilan niyo na ko." Maikli niyang sagot sa dalaga. Alam niya sa sarili na siya'y kinakabahan at natatakot sa mga susunod na mangyayari, ngunit pinili niyang maging matapang at hindi magpakita ng kahinaan. Sa halip na muling pansinin ang dalawa, tumingin siya sa direksyon ng driver at sumigaw.


"Para po?! Bababa na po ako." Magalang niyang wika. Nagulat siya nang biglang tumawa si Jack at si AJ sa kanilang narinig. Linapit naman ni Jack ang kanyang mukha sa dalaga at tinignan ito sa kanyang mga mata.


"Mukhang natatakot ka na ah, huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa'yo." Sambit ni Jack. Hindi na na naitago pa ni Agatha ang takot at nagsimula na siyang magpanik.


"Manong para ho?! Bababa na po ako! Pababain niyo po ako!" Sigaw niya, lumingon ang driver at nagulat siya nang makita niya si Kill ang lalaking nagmamaneho ng jeep. Nakangiti ito at tila tinatakot ang dalaga.


"Pasensya na hija! Hindi ko po magagawa ang inyong hinihiling." Pangaasar ni Kill sa dalaga. Nagtawanan sina AJ at Jack habang pinaglalaruan ang buhok ni Agatha.  Napahawak sa bakal sa gilid si Agatha at nagbabalak na tumalon na lamang sa jeep, pero biglang hinawakan ni AJ ang dalawa niyang kamay at sinitsitan si Jack. 


"Talian niyo na yan!" Utos ni Kill sa dalawang kasama. Hindi nakapalag ang dalaga at malaya siyang natalian ng dalawang kaklase. Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Agatha, ito ay dahil iniisip niya parin ang kanyang kamamatay lang na lola.


"Saan niyo ko dadalhin? Pakawalan niyo na ko oh." Pagmamakaawa niya pero wala kahit isa sa kanyang mga kaklase ang may gana para pakinggan siya.


"Sorry Agatha, napag-utusan lang. Hayaan mo, pagkatapos niyo, titigilan ka na namin." Wika ni AJ, pero nagpumilit si Agatha.


"Kailangan kong pumunta sa bahay namin. Namatay yung lola ko. Parang awa niyo naman oh?" Nanahimik ng kaunti si AJ at parang nakonsensya. Lumapit siya kay Jack at tinapik-tapik ang likuran.


"Huwag na kaya natin 'to ituloy? Ayoko na. Gusto ko nang umalis sa DG. Hindi na kaya ng konsensya ko Jack." Bulong niya, tinignan naman siya ng masama ni Jack at binalaan.


"Hindi pwede AJ. Hindi mo ba natatandaan ang sinabi mo nung bagong pasok ka sa guild? Kapag nakapasok ka na, wala nang atrasan pa." Paalala niya. Maya-maya ay may nareceive silang tawag mula sa taong nagutos sa kanila na gawin ito. Agad naman itong sinagot ni Jack habang tinitignan si Agatha.


"Yes ma'am?" Panimulang bati niya.


"Nandyan na ba si Agatha?" Tanong ng babae sa kabilang linya. Napangiti si Jack sa kanyang narinig at sumagot.


"Oo. Nandirito na siya, kasama namin." Sagot niya, napangiti ang babaeng nasa kabilang linya ng marinig niya iyon. 


"Ibigay mo ang telepono sa kanya, gusto ko siyang makausap." Utos niya na siya namang ginawa agad ni Jack. Ibinigay niya ang telepono kay AJ, at itinapat naman agad ni AJ ito sa taenga ni Agatha.


"Hi Agatha, I told you already na huwag mo akong kakalabanin. Pagkatapos nito, susuguraduhin ko sa'yong pagsi-sisihan mo ang araw na binangga mo ako." Pananakot niya. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at nabosesan agad ang babae sa kabilang linya.


"Teacher Saeko?!" Bungad ni Agatha sa telepono.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro