Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F6:Phantamasgoria

Bumangon si Agatha sa kanyang kinahihigaan pagkagising niya. Napansin siya agad ng nurse na nakaduty kaya tumayo agad ito't nilapitan ang dalaga.

"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong niya sa kanya habang hinihipo-hipo ang kanyang leeg at noo. Ngumiti lang si Agatha ng bahagya at sumagot.

"Medyo okay na po ko. Salamat ho." Magalang niyang sagot. Bumalik yung nurse sa kanyang desk para kumuha ng excuse slip. Pinirmahan niya ito't iniabot kay Agatha.

"Heto oh, ibigay mo ito sa guro mo. Kung sakali mang sumama muli ang iyong pakiramdam, malaya kang bumalik dito. Oh sige na hija, maaari ka nang bumalik sa classroom." Tuloy-tuloy na paalala niya sa studyante. Tumango si Agatha at dahan-dahang tumayo. Pagkalabas niya ng clinic, napansin niyang walang tao sa hallway. Lahat kasi ng estudyante ay may klase, may ilan lamang na nagcu-cutting pero mga nagtatago ito. Habang papaakyat ng hagdanan, nakarinig siya ng sitsit sa bandang likuran. Agad niya itong nilingon pero wala siyang nakitang tao.

"S-Sino yan?" Tanong niya, ngunit wala siyang nakuhang sagot. Pinagpatuloy niya na lamang ang kanyang pag-akyat hanggang makarating siya sa 5th floor. Mga sapung hakbang na lamang ang layo niya sa kanilang classroom nang bigla siyang napahinto. Naramdaman niya ang malakas na ipin ng hangin. Dahilan para makaramdam siya ng bigat sa kanyang dibdib. Nagbuntong hininga siya at napatingin sa sahig.

"Heto na naman, baka gulo nanaman 'to. Lola Barbara, kayo na hong bahala sa akin." Bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa sahig. Nagulantang siya nang may makitang dugo na gumagapang papunta sa kanyang kinatatayuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inisip na ang kanyang nakita ay pawang imahinasyon niya lamang. Sa oras na idinilat niya ulit ang kanyang mga mata, nawala bigla ang dugo sa sahig.

"Hay nako, ano ka ba naman Agatha? Kung anu-ano na nakikita mo. Kung anu-ano kasi iniisip mo. Makabalik na nga lang ng classroom, mamaya baka ano pa makita ko rito." Bulong niya sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kanilang classroom. Nadatnan niya si Teacher Yuki na nasa harapan na abala sa pagtuturo sa klase ng kanyang lecture na nakasulat sa blackboard. Napahinto ang guro nang makita niyang nasa pintuan si Agatha. Nakangiti ang dalaga habang nanginginig na hawak nito ang excuse slip galing sa clinic.

"Oh Agatha? Nandiyan ka na pala, halika, pasok." Anyaya sa kanya ng guro. Pumasok si Agatha at dumiretso sa harapan ni Teacher Yuki. Nakita niyang masama ang tingin ng iba niyang classmates sa kanya, pero may iba rin namang nakangiti na parang natutuwa silang makita siya. Pagkatapos mabasa ni Teacher Yuki ang slip, pinirmahan niya ito sa gilid at nagsimulang magtanong.

"Bakit? Anong nangyari sa'yo? Ayos na ba pakiramdam mo?" Napangiti si Agatha at tumango.

"Opo Ma'am. Sa katunayan nga eh ka-" Hindi naituloy ni Agatha ang kanyang sinasabi nang biglang siyang pinutol ni Venus.

"Ma'am matagal pa po ba 'yan? Nagbabayad po kami ng tuition dito para matuto, hindi para makinig kung ano kalagayan niyan ni Agatha." Reklamo niya. Napatingin si Agatha kay Venus pero tinaasan lamang siya nito ng kilay.

"Bakit Agatha? Lalaban ka na?"  Maangas na paghahamon ni Venus sa kaklase.

"Bastos kang bata ha? Iyan ba ang itinuro sa'yo noong highschool ka?" Galit na sinabi ng guro. Tumayo si Venus at tumingin sa mga mata ng guro.

"Hindi po, pero -" Itutuloy sana ni Venus ang kanyang sinasabi pero agad siyang inunahan ng guro.

"Pero? Aba? Nangangatwiran ka na naman? GMRC? Hindi ba 'yan naturo sa inyo? Halika. Sumunod ka sa akin. Pupunta tayong OSA." Utos ng guro, tumayo si Venus ng maangas at tila nauna pa sa guro lumabas ng kwarto. Bago pa umalis, nagpaalam si Teacher Yuki sa kanyang klase.

"Dito lang muna kayo ha? May pupuntahan lamang kami sandali." Paalam niya. Palabas na siya ng pintuan nang makita niya si Teacher Saeko na kausap si Venus. Napakunot ang noo ni Teacher Yuki sa kanyang nakita kaya agad niya silang nilapitan.

"Magandang tanghali, Saeko." Mahinahong bati niya sa kapwa guro at ngumiti. Seryoso ang mukha ni Teacher Saeko matapos marinig ang kwento ni Venus. Hindi na niya ipinatagal ang usapan at diniretso na ang guro.

"Ma'am Yuki, anong ginawa ni Venus? Nagsusumbong kasi sa akin eh. Dadalhin mo raw ho siya sa Office of Student Affairs?" Tanong niya sa guro. Bago pa man niya sagutin ang kapwa guro, tumingin siya kay Agatha at sumenyas na umupo na ito sa kanyang upuan. Tumango si Agatha at sinunod ang guro. Habang papunta sa kanyang upuan, naramdaman niyang sinusundan siya ng tingin ng kanyang mga kaklase. Pinili niya na lamang itong hindi pagbigyang pansin. Umupo na lang siya sa kanyang upuan at nanahimik.

Sa gitna ng pagtatalo ng dalawang guro, nagkayayaanan itong pag-usapan na lamang sa loob ng OSA. Pinapasok muna si Venus ni Teacher Saeko sa classroom habang inaayos kung anong dapat gawin sa inasal niya. Maraming kaklase niya ang sumalubong sa kanya at parang inaalam kung anong nangyare. Hindi ito pinansin ni Venus, sa halip ay dumiretso lang siya sa kanyang upuan at nagmuni-muni. Napayuko si Agatha dahil parang may naririnig siyang tumatawag sa kanyang pangalan.

"Agatha.." Mahinang tawag sa kanyang pangalan. Medyo pamilyar ang boses ng kanyang narinig pero hindi niya ito masyadong pinansin. Panigurado, kathang isip niya nanaman lamang ito. Narinig niya muli ang kanyang pangalan sa ikalawang pagkakataon, mas malakas at mas may nakakatakot na boses na ito.

"Agatha!" Malakas na tawag sa kanya. Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang lola Barbara sa kisame. Nakasuot siya ng isang mahabang puting baro, ayos na ayos ang buhok ng matanda ngunit puting-puti na ang kanyang mga mata.  Nakangiti ito sa kanya habang pinagmamasdan siya. Binigyan niya ng tugon ang kanyang lola kaya't napangiti rin ang dalaga. Nagbago ang lahat ng marinig niya itong magsalita.

"Aeternum vale" Paulit-ulit na bulong ng kanyang lola habang nakatingin diretso sa kanyang mga mata. Unti-unting may lumalabas na dugo sa kanyang mga mata't bibig. Nagkakaroon siya ng mga pasa sa katawan at unti-unting nasisira ang suot niyang baro. Agad napalitan ng pula ang puti pero hindi parin naalis ang ngiti sa matanda. Tuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang bibig dahilan para mapuno ang uniporme ng dalaga. Takot na takot si Agatha sa kanyang nakikita at hindi makapaniwala.

"L-L-Lola B-b-barbara?" Naguguluhan niyang bulong sa sarili. Nang ipikit niya ang kanyang mga mata, nagulat siya nang biglang nasa harapan na ng kanilang klase ang matanda.  Mabagal na humahakbang papunta sa kanya ang kanyang lola. Bawat hakbang ay nagdudulot ng isang malakas na tunog galing sa kisame. Agad niyang tinignan ang mga kaklase at nakita niyang hindi lang pala siya ang nakakarinig nito, ngunit siya lamang ang taning tao sa loob ng klase na nakakakita sa kanyang lola. Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang armchair dahil sa sobrang kaba. Mabilis gumapang ang takot sa kanyang mukha habang papalapit ng papalapit ang matanda.

Dalawang hakbang na lamang ang layo ng kanyang duguang lola sa kanyang kinauupuan nang biglang magsimulan magpatay-sindi ang mga ilaw. Napuno ng sigawan ang loob ng klase. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, ilang sandali ay nakarinig na naman siya ng dalawang yabag galing sa kisame. Pagkatapos nito, nabalot ang classroom ng nakabibinging katahimikan. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakitang nasa harap niya na mismo ang mukha ng kanyang lola. Pulang-pula ang kanyang mga mata habang may dumadaloy na dugo rito. May mga binubulong itong mga salita pero hindi niya ito maintindihan. Sa sobrang takot, hindi niya na napigilan ang sarili at napasigaw sa nasaksihan.

"Ahhhhhhhhhh! Layuan niyo ko! Layuan niyo ko!" Sigaw niya. Muling nagbukas ang mga ilaw, napatingin kay Agatha ang mga estudyante at lumayo. Lahat sila ay kinakabahan dahil parang may ipinaparating ang sigaw ng dalaga. Imbis na matakot, mas lalo sa kanyang nainis si Venus.

"Ano ba?! Istorbo ka ha? Kanina ka pa! Pinaglaruan lang ni Jack ang ilaw, ang OA mo na." Sigaw niya. Napatingin siya kay Trix at pinuntahan ang dalaga. Bago siya pa man siya makalapit, kinuha niya ang isang papel na may kaugnayan sa DG. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at sinabihan ang dalaga.

"Lapitan mo nga si Agatha, 'di ba kaibigan mo siya?" Maangas niyang utos sa dalaga. Nakayuko lang ito at halatang natatakot din kay Agatha. Hinawakan ni Venus ang buhok ni Trix at hinila ito pataas.

"Hindi ka ba susunod? Baka gusto mong makatikim sa'kin." Pananakot niya sa dalaga, ngunit piniling magmatigas si Trix.

"Oo. Kaibigan ko si Agatha at bakit naman kita susundin? Para ano? Ibully na naman siya? Pasalamat nga kayo hindi kayo nilalabanan ni Agatha eh." Sagot niya sa dalaga, ngumiti lang si Venus at biglang sinampal si Trix sa pisngi.

"Susundin mo ba ko o gusto mong maalis sa listahan ng mga scholars. Huwag mo ring hintayin na mapatalsik kita sa eskwelahang ito." Pananakot niya, nag-iba ang ihip ng hangin at biglang napalunok si Trix. Unti-unti siyang tumayo at dumiretso sa direksyon ni Agatha, bago pa man siya tuluyang makalapit, liningon niya si Venus.

"This will be the last time you'll be ordering me, Venus." Wika niya, nang pagkaharap niya kay Agatha, muli siyang nakaramdam ng takot. Tumaas ang kanyang mga balahibo at nakaramdam ng kakaiba sa kanyang tiyan. Iba ang nararamdaman niyang awra na pumapalibot kay Agatha.

"A-Agatha?" Tawag niya sa dalaga, hindi niya maaninag ang mukha ng kaklase dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. Hindi siya nito pinansin kaya muli niyang tinawag ang kaklase.

Paulit-ulit at pasigaw niya na tinatawag ang dalaga pero hindi siya nito pinapansin. Pagbubuhatan niya na sana ng kamay ang kaibigan dahil sa pagkainis nang biglang namatay ang ilaw sa loob ng classroom. Napalingon siya't natakot nang makita na silang dalawa na lamang ang nasa loob nito.

Nakarinig siya ng bungisngis galing kay Agatha pero hindi ito boses ng isang babae. Para itong boses ng demonyo, napaatras siya sa kanyang narinig. Nagulat na lang siya ng biglang sumigaw si Agatha.

"Mamamatay ka!" Sigaw sa kanya ng dalaga, kasabay nito ay ang bigla niyang pagtalsik papunta sa direksyon ng blackboard. Humampas ang kanyang payat na katawan sa matigas na pader. Agad siyang nakaramdam ng sakit sa bandang likuran at pilit na tumayo. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa, napahawak siya sa kanyang bibig at naramdamang may kakaiba. Ikinapa niya ang kanyang bunganga gamit ang kanyang mga kamay at naramdamang putol ang kanyang dila. Naramdaman niyang may umaakyat sa kanyang tiyan na gustong lumabas sa kanyang bibig. Nagulat siya nang bigla na lamang may lumabas na dugo. Tuloy-tuloy ang pag-agos nito na parang hindi humihinto. Nakita niya si Agatha na tumayo sa kanyang upuan at papalapit sa kanya. Bawat hakbang ni Agatha ay siyang atras niya.

"Agatha I'm sorry. I'm sorry!" Pakiusap ni Trix sa kaklase, pero hindi siya sinasagot ng dalaga. Dahan-dahang inilapit at itinapat ni Agatha ang kanyang bibig sa taenga ni Trix at bumulong.

"Forgive me because I have sinned." Bulong ng dalaga sa kaklase. Binuksan ni Trix ang kanyang mga mata at nagsimulang magsisigaw.

"Ahhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ng dalaga. Napatingin siya kay Agatha, sakto namang nakatingin din sa kanya ito kaya nagkasalubong ang kanilang mga titig. Hindi pa't nagtagal ay nahimatay si Trix sa sobrang takot. Agad siyang pinuntahan ng magkapatid na sina Suzy at Rian. Tumayo si Agatha at tumakbo palabas at muling nagkulong sa banyo. Niyuyugyog naman ni Rian si Trix at pilit na pinapagising ang kaklase. Nageskandalo naman si Suzy at kinompronta sila Venus.

"Tignan niyo ginawa niyo? Sana naman huli na ito Venus, Tamara at yung ibang boys jan! Sana makita niyong maraning nang nadadamay sa ginagawa niyong kalokohan. Tigilan na natin 'to, maawa kayo sa mga nadadamay na nananahimik na tao." Mahinhing pagkompronta ng dalaga. Napatayo si Nicolo at dinagdagan ang sinabi ng kaklase.

"Maawa kayo kay Agatha. Wala siyang ginagawa sa inyo. Huwag niyong gawin sa kapwa niyo kung ayaw niyong mangyari sa inyo." Sambit ng binata, pagkatapos ay lumabas siya para sundan si Agatha.

"Death Guild was created for a reason. The tradition rolls for one's life satisfaction. If ever voided, the four strands of hell will make this school suffer." Mahinang bulong ng isa sa mga studyante sa classroom.

Pagkalabas niya ay agad niyang nakita si Agatha na kausap si Teacher Yuki at isang matandang babae. Seryoso ang mukha ni Agatha at parang walang kaemo-emosyon habang ang babae namang katabi ni Teacher Yuki ay humahagulgol sa pag-iyak. Napataas ang kilay ni Nicolo at humakbang papalapit sa kanila. Agad siyang nakita ni Agatha, nanlilisik ang mga mata ng dalaga at bigla na lamang tumakbo papalayo sa sa guro at kila Nicolo.

"Agatha!" Tawag niya sa dalaga pero hindi siya nito nilingon. Nagbuntong hininga na lamang ang binata at napatingtin sa kanyang gilid. Hindi pa nagtagal ay tinawag siya ni Jack sa loob ng classroom at inanyayahan na siyang pumasok na sa loob dahil papasok na si Teacher Saeko galing sa OSA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro