Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

F5: Command

Maagang pumasok si Agatha sa Xandford University. Dumiretso siya agad sa kanilang classroom pagkarating niya sa paaralan. Napansin niyang siya pa lamang ang studyante sa loob ng classroom. Napahawak siya sa kanyang tiyan at nakaramdam ng pagkagutom. Nakalimutan niya kasing kumain ng agahan ngayong araw dahil sa kanyang pagmamadali. Bumaba siya ng building at dumiretso sa canteen. Pagdating niya rito, nakita niya ang kanyang kaibigan na si Case. Agad kumurba ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at linapitan ang dalaga.

"C-Cassidy." Mahinang tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Agad tumalikod si Case para harapin siya. Nagulat ang dalaga nang makita niya si Agatha sa kanyang harapan. Ang bawat hakbang ni Agatha palapit sa kanya ay siya rin namang atras niya. Napakunot ang noo ni Agatha at huminto. Tinignan niya si Case diretso sa kanyang mga mata at napansin ang takot na nararamdaman ng dalaga sa kanya.

"Case, may problema ba? Sabihin mo naman oh. Baka sakaling makatulong ako." Mahinahong tanong niya sa kaklase. Pilit na ngumiti si Case habang nakatingin sa sahig.

"N-No, Agatha. Walang problema. Its just that.." Tugon ng dalaga, siya namang dating ng grupo nila Venus.

"Look who's here?" Maarteng niyang pagkasabi. Agad napalingon si Agatha at nakita sila Venus. Yumuko si Agatha at agad nagpaalam kay Case.

"Sige, Case. Mauna na ko sa'yo ah? Magkita na lang tayo sa classroom." Paalam niya. Hindi na siya tumingin sa iba niyang kaklase ar nagsimula na lamang siyang maglakad palabas ng canteen. Isang dipa na lamang ang layo niya sa labas nang biglang hinatak siya ni Tamara sa kanyang braso.

"Saan ka pupunta?" Maangas na tanong ng dalaga. Napatingin si Agatha kay Tamara. Nagkatinginan silang dalawa sa kanilang mata.

"Bitiwan mo ko." Sambit ng dalaga. Tumaas ang kilay ni Tamara at ngumiti. Napailing siya't lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya kay Agatha.

"Tamara ano ba?! Nasasaktan na ko!" Sigaw ng dalaga. Agad sinubukan ni Agatha na magpumiglas. Sa sobrang lakas ng pagpupumiglas ni Agatha ay nagawa niyang makalaya sa pagkakahawak ni Tamara. Napaupo si Tamara sa sahig dahil sa lakas ni Agatha. Lalabas na sana siya nang biglang hinarangan nila TJ, Kill at Alexander ang daanan.

"Paraanin niyo ko please, tigilan niyo na ko." Pagmamakaawa ni Agatha. Hindi niya napansin nang may biglang humatak ng buhok niya sa bandang likuran. Nakita niya na si Tamara ito. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga at halatang galit na galit kay Agatha. Ang ibang mga studyante ay nanonood lamang sa kanila at tila ineenjoy ang kanilang mga nakikita. Ang iba nama'y nagbubulag-bulagan at tila walang nakikita. Ayaw lang nilang madamay sa gulo kaya pag-iwas ang kanilang ginagawa.

Malayo pa lamang si Nicolo ay nakita niya na agad sina Venus na pinagiinitan si Agatha. Kumaripas siya ng takbo hanggang sa makarating siya sa canteen. Agad niyang itinulak si Tamara na siya namang dahilan ng pagkasabunot nito sa buhok ni Agatha.

"Ano nanaman 'to Venus?! Kailan niyo ba balak tigilan si Agatha? Wala naman siyang ginagawa sa inyo 'di ba? Hindi ba kayo nakokonsensya?" Sigaw ng binata. Magsasalita pa lamang sana si Venus nang muling sumigaw si Nicolo. Nanggagalaiti niyang dinuro-duro ang mga staff at studyante sa canteen.

"Kayo, ano?! Pinapanood niyo lang silang pag-initan ang isang dalaga? Anong klaseng mga tao kayo? Huwag niyong sabihin na naimpluwensyahan na kayo ng walang kwentang Death Guild na yan." Sigaw niya. Tumalikod yung ibang studyante't canteen staff para umiwas. Ang iba naman ay nagkunwaring may ginagawa.

May ibinulong na mensahe si Venus kay Penelope. Agad dumiretso si Penelope sa isang tindahan. Hinawakan nila Kill at TJ ang mga braso ni Nicolo. Pagkabalik ni Penelope ay may dala-dala siyang isang cone ng vanilla ice cream at isang baso na may laman ng soda. Iniabot niya itong lahat kay Venus na nasundan ng pagkindat.

Sakto namang papasok si JD sa canteen nang makita sina Venus. Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad palayo ng canteen. Napahinto siya't napasipa nang marinig niyang tinawag ang kanyang pangalan.

"Jassie!" Tawag niya sa kaklase. Dahan-dahang tumalikod ang dalaga at humarap. Nakatingin siya sa gilid at pilit na iniiwasan tignan ang direksyon nila Venus. Kumurba ang isang nakapanlolokong ngiti sa labi ni Venus at muli siyang tinawag.

"Jassie! Hindi mo ba ko narinig?" Pangalawang sigaw ng dalaga. Nagsimulang maglakad si Jassie papunta sa loob ng canteen. Nakipagbeso-beso pa si Venus at Penelope sa kanya na para bang nang-aasar lang.

"Penelope, ibigay mo sa kanya yang mga hawak mo." Utos ng dalaga na siya namang sinunod ng kaklase. Napatingin si Jassie sa dalawa na halatang clueless kung bakit sa kanya ibinigay ang mga 'to.

"Ano to? V-Venus, ayoko ng gulo." Nanginginig na pagkasabi ng dalaga. Umakbay sa kanya si Venus at bumulong.

"Ayaw mo ng gulo hindi ba? Kung gayon, sundin mo ang sasabihin ko." Wika niya. Agad niyang inalis ang pagkakaakbay sa dalaga at tinignan si Agatha.

"Ang landi mo." Seryosong pagkasabi niya kay Agatha, pagkatapos ay pinatikim niya ito ng malutong na sampal. Nang makita ito ni Nicolo, muli siyang nagwala at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalakeng kaklase.

"Agatha!" Sigaw ng binata. Napatingin naman si Venus sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

"Ahhh, nagagalit ka ba kapag sinasampal ko tong babaeng 'to." Wika niya, pagkatapos ay muli niya itong pinagsasampal ng maraming beses na siyang mas lalong ikinagalit ni Nicolo. Hindi kumikibo si Agatha at patuloy lang ang agos ng luha.

"Jassie, gusto kong ibuhos mo yang baso kay Agatha." Utos niya. Agad gumapang ang kaba sa katawan ni Jassie at halatang hindi alam ang gagawin. Tinignan siya ni Tamara ng masama at sinabing..

"Ano ba! Huwag ka na ngang kill joy diyan. Gagawin mo ba o gusto mong ikaw ang pumalit sa sitwasyon ni Agatha?" Tanong niya. Unti-unting humakbang paabante si Jassie hanggang sa makarating sa harapan ni Agatha. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng kaklase dahil sa hiya. Ngumiti si Agatha kay Jassie at sinabing..

"S-Sige na Jassie, gawin mo na." Wika niya na siyang ikinagulat ni Jassie.

"Pero Agatha hin-" Hindi pa naituloy ni Jassie ang kanyang sasabihin nang muling magsalita si Agatha.

"Gawin mo na!" Pasigaw niyang sabi na muling ikinabahala ni Jassie.

"So-Sorry Agatha." Wika niya. Agad ibinuhos ang isang basong soda kay Agatha. Narinig sa buong canteen ang tawanan nila Venus nang makita ito. Nakatulala lamang si Nicolo at awang-awa sa sinapit ng dalaga. Agad tumakbo palabas ng canteen si Jassie dahil sa sobrang pagkahiya sa kanyang ginawa.

"Ngayon Venus? Ano, masaya na kayo diba? Pakawalan niyo na ko." Sambit niya, pero tinawanan lang siya nito.

"No Agatha. Hindi pa tayo tapos. Nag-uumpisa lang tayo." Sagot niya, kinuha niya ang ice cream at inilagay ang ice cream sa buhok ni Agatha.

"Better. Iyang ang bagay sa'yo. Napakalandi mo! Ang lagkit-lagkit mo. Pati si Nicolo, dinadamay mo sa kakatihan mo! Kababae mong tao wala kang respeto sa sarili mo." Pangungutya ng dalaga na siyang dahilan ng pagtulo ng luha ni Agatha. Kinuha ni Venus ang kanyang bag at dumiretso palabas ng canteen. Pinakawalan na ni Tamara ang pagkakasabunot sa dalaga at agad sumunod kay Venus. Isang dipa nalang ang layo nila Venus sa exit ng canteen nang magsalita si Agatha.

"Magbabayad kayo Venus. Tandaan mo 'tong araw na 'to." Banta ng dalaga. Nilingon siya ni Venus nang nakataas ang isang kilay.

"Oh, I will. Today is October 5 2014. Sa tingin mo natatakot ako sa'yo? No, Agatha! Tandaan mo, dumi lang kita." Sagot ni Venus, pagkatapos ay tuluyan na silang umalis sa canteen. Nang makalaya na si Nicolo, agad niyang niyakap si Agatha.

"Okay ka lang ba Agatha? Ano masakit sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ng binata. Nginitian lang siya ni Agatha at tumango.

"Halika, dadalhin kita sa clinic." Anyaya ng binata sa kaklase pero hindi sumangayon dito si Agatha.

"Salamat pero 'wag na Nicolo. Okay lang ako. Huwag mo kong alalahanin." Tanggi ni Agatha kay Nicolo pero nagpumilit ang binata.

"I insist, Agatha. Tara na." Wika niya sabay hatak kay Agatha papuntang clinic. Nang makarating sila rito, agad sinabi ni Nicolo ang nangyari. Pinahiga ng isang nurse si Agatha sa isang hospital bed at pinainom ng gamot. Habang nakatingin kay Agatha, kumaway-kaway si Nicolo sa dalaga.

"Dito ka lang Agatha ha? Papasok na ko, pahinga ka na." Wika niya, ngumiti sa kanya si Agatha, pagkatapos ay tuluyan nang umalis si Nicolo sa clinic. Bago pa man magpahinga ang dalaga, isinarado niya ang kanyang mga mata at bumulong.

"Memorare cineri gloria sera venit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro