F2: New Friends
Napaatras si Agatha dahil mayroon siyang kakaibang nadama sa kaklase. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin nang makita niyang nasa kanya ang atensyon ng lahat. Nagtangka siyang tumakbo palabas nang bigla siyang hinaran ni AJ sa pintuan. Nakangiti sa kanya ang dalaga't tila may ibinabalak. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha at bumulong.
"Watch your back..." Babala ni AJ sa dalaga. Napalunok si Agatha't unti-unting tumalikod. Nagulat siya nang bigla may sumabunot sa kanyang buhok patalikod. Itinulak din siya ng malakas sa sahig matapos sabunutan. Naghiyawan ang buong klase at nagpalakpakan. Naglakad si AJ papunta sa harapan ni Agatha habang tinitignan siya diretso sa mga mata.
"I told you to watch your back, but it seems to me na hindi mo 'ko pinakinggan." Panloloko ng dalaga sa kaklase. Nakayuko lamang si Agatha at hindi kumikibo.
May biglang pumasok sa loob ng klase, si Alexander. Sumenyas siya na palarating na ang kanilang guro. Dahil dito, agad nagsiayos ang mga studyante. Agad itinayo ni AJ si Agatha, hinawakan ang kamay at inakbayan habang suot ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Don't you dare to tell our teacher what happened, or else.." Pananakot niya sa kaklase. Tinanggal naman ni Agatha ang pagkakahawak sa kanya at sumagot.
"Or else what?" Matapang niyang tanong. Ngumiti si AJ nang marinig si Agatha. "You'll see..." Misteryosong bulong ni AJ.
Habang nagkakaklase, takot na takot si Agatha at hindi alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang magsumbong pero mas kinakabahan siya sa kung anong maaaring gawin sa kanya ng kanyang mga kaklase. Nasa likuran niya si Shiro at si Jassie. Mukhang may ibinabalak ang dalawa na masama kay Agatha. Pasimpleng kinuha ni Jassie ang kanyang sign pen sa bag at sumenyas kay Shiro. Ngumiti naman ang binata at tumango. Nagulat si Agatha nang may maramdaman siya sa kanyang likuran. Napalingon siya at nahuli ang dalawa sa kanilang ginagawa.
"Bakit? May problema ba?!" Mataray na tanong ng dalaga. Kumunot naman ang noo ni Agatha at tumayo pero pinigilan siya ni Shiro. Hinatak niya si Agatha pababa at itinali ang isa niyang kamay sa armchair gamit ang nylon string. Agad siyang nagsisisigaw na nakaagaw naman ng atensyon ng guro. Napalingon anh kanilang guro at agad pinuntahan ang kinauupuan ng dalaga.
"Anong nangyayare rito?" Mahinhin na tanong ng guro. Hindi na nagsalita pa si Agatha dahil nakita na kaagad ng guro ang ginawa ng dalawa sa kanya. Agad niyang inalis ang pagkakatali ng dalaga sa upuan at inutusang patayuin ang dalawa. Nagmatigas si Jassie at tinaasan lamang ng kilay ang guro.
"Alam niyo ba 'yang ginagawa niyo?" Saway niya sa dalawa habang nakatayo si Shiro pero nakaupo pa rin si Jassie. Nabaling ang tingin ng guro sa dalaga at sinabihan.
Teacher Yuki:"Ikaw hija, ano? Hindi ka ba marunong sumunod o gusto mo talagang maagang makaalis dito sa Xandfor U? Kabago-bago mo pa lang may pinapatunayan ka na?" Imbis na makonsensya ang dalaga ay natawa pa siya sa sinabi ng guro. Tumayo si Jassie at nagbuntong hininga.
"Oh ayan, nakatayo na 'ko, oh ano na? Masaya ka na ba? Pwede na ba kong umupo?" Walang galang na pagsagot ng dalaga. Napakunot ang noo ng guro sa pagkabigla sa inasal ng studyante. Hindi niya napigilan ang sarili kaya naman napagbuhatan niya ito ng kamay. Nasampal niya ang dalaga sa pisngi. Ngumiti si Jassie at inayos ang kanyang nagulong buhok.
"Hmm, baka nakakalimutan mo, we're all protected by the Juvenile Law. Isang report ko lang sa office and you'll be saying goodbye to all of us. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ko gagawin 'yon sa isang kondisyon." Wika ng dalaga suot ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Nagbuntong hininga si Jassie at pumamewang.
"Gusto kong lumuhod ka sa harapan ko." Utos ng dalaga sa guro, halos lahat ng studyante ay naghiyawan pero ang iba naman ay nagbubulungan dahil sa ginagawa ng dalaga. Tinignan ni Teacher Yuki ang kanyang paligid at unti-unting lumuluhod sa harapan ng dalaga, sakto namang papadaan ang isa pa nilang teacher sa kanilang classroom. Siya ay si Damien, isang PE teacher. Nagulat siya nang makita niyang nakaluhod ang kanyang kapwa guro sa harapan ng isang studyante. Lahat sila ay pinagtatawanan ang kanilang adviser habang tinuturo-turo. Agad pumasok si Damien sa classroom at hinatak patayo ang guro.
"Anong ibig sabihin nito? Hindi ba kayo nahihiya? Mga dalaga't binata na kayo pero mga isip bata pa rin kayo kung mag-isip. You need to respect your teachers! Sila lang ang tutulong sa inyo." Naiinis na sigaw niya sa mga studyante. Lahat sila ay nakayuko at tahimik, takot kasi ang lahat kay Damien dahil kilala ito sa pagiging terror at walang sinasantong studyante sa Xandford U. Kapag ayaw nito ang isang studyante, agad niyang idinodrop sa kanyang subject nang wala nitong permiso. Kahit na sabihin mong malaki ang kapangyarihan ng mga studyante, may mga karapatan pa rin ang mga guro sa pagdidisiplina sa kanila.
"Malaman ko lang na ipahiya niyo ulit ang guro ninyo, malalagot kayong lahat sa'kin. Claro ba tayo students?" Maangas niyang tanong sa mga studyante, lahat sila ay hindi sumagot at halatang natakot sa pinakita ng guro. Napailing ang guro nang wala siyang narinig na sagot mula sa klase. Kumuha si Damien ng chalk sa kanyang bulsa at pabalibag na ibinato ito sa black board.
"May kausap ba 'ko rito?! Ano, nagkakaintindihan ba tayo?!" Muli niyang sigaw. Agad sumagot ang lahat ng "Opo Sir!". Hindi na ipinatuloy ni Damien ang klase ni Yuki at sinamahan na lamang ito sa faculty.
Pagkaalis ng dalawang guro, naiwan ang lahat ng studyante sa kanilang classroom. Inilock ni Riss ang pinto at tinakpan ng kurtina ang lahat ng bintana. Lahat ay nakatingin ng masama kay Agatha at mukhang may binabalak silang masama sa kanya. Tumayo si Tamara at pumunta sa gitna, tinignan niya sina Jack at TJ at sinenyasan. Agad namang naintindihan ng dalawang binata ito't ngumiti.
"Let's have some fun shall we?" Nanloloko niyang anyaya sa klase. Naghiyawan ang mga lalaki sa tuwa dahil dito. Pasimpleng tumayo si Agatha pero nang mapansin siya ni TJ, ay agad niyang sinenyasan si Jack. Mahigpit nilang hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga't kinaladkad sa gitna.
"What are you going to do? Let me go!" Pagpipilit na magpumiglas ng dalaga, pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang braso ng dalawang binata. Nakatingin naman at walang magawa ang bestfriend ni Agatha na si Trix. Lumapit si AJ kay Agatha at unti-unting hinubad ang kanyang mga damit, halos lahat ay naghihiyawan at tila tuwang-tuwa pa sa kanilang ginagawa.
"Oh ano lalaban ka? Lalaban ka? Kaya mo na ba kami?" Matapang na tanong ng dalaga habang sinasampal ang niya ito ng paulit-ulit. Ang grupo naman nila Venus ay may kanya-kanyang hawak ng cellphone at tila vinivideohan pa si Agatha. Pilit na lumalaban si Agatha pero sadyang madami sila at iisa lang siya. Hindi na kinaya ni Trix ang kanyang nakikita, sinubukan niyang pigilan ang kanyang mga kaklase kahit na alam niyang ikapapahamak niya ito. Hinatak niya si Agatha palayo at tinakpan ang buong katawan gamit ang kanyang jacket.
"Hindi na makatao ang ginagawa niyo. You're all monsters!" Mangiyakngiyak na sigaw ng dalaga, iyak naman ng iyak si Agatha habang nakayakap kay Trix. Ibinaba ni Venus ang kanyang cellphone at lumapit kay Trix. Bigla niya itong sinabunutan palayo kay Agatha.
"Mukhang may superhero tayo sa classroom." Sarcastic niyang sigaw sa klase. Ibinalibag niya si Trix sa sahig at sinampal. Pinaikutan nila ang dalawa habang sinasabihan ng masasakit na salita. Natigil lamang ito nang marinig nila ang bell. Nagtinginan ang mga studyante't kinuha ang kanilang mga bag na para bang walang nangyare. Nagpaiwan sa classroom ang magkapatid para tulungan ang dalawa.
"Sorry talaga ah, pagpasensyahan niyo na lamang ang mga classmates natin." Naguiguilty niyang pagkasabi habang tinutulungang itayo si Agatha. Nginitian lamang sila ni Agatha rito.
"Wala 'yon, masasanay rin ako." Mahinahong bulong ng dalaga. Nagbuntong hininga si Riss at tinapik-tapik sa braso si Agatha.
"Alam mo Agatha, dapat lumaban ka sa kanila eh o kaya ireport mo sa mga teachers natin. Kailangan nilang maturuan ng leksyon!" Naiinis na suhestyon ng dalaga, pero idinaan na lamang ni Agatha ang lahat sa biro.
"Nubakayo! Okay lang ako, promise! Si Superwoman ata 'to. Hahaha." Lahat sila'y nginitian lamang si Agatha. Sa loob-loob nila, nasasaktan silang makita ang dinaranas ng kanilang inosenteng kaklase. Hindi nila alam na nasa labas lang pala ng classroom si Iven at tahimik na nakikinig sa kanilang diskusyon. Nang maramdaman ng binata na papalabas na ang apat na dalaga, agad siyang kumaripas ng takbo para iparating ang lahat kay Venus. Dali-daling bumaba si Iven ng building at agad hinanap ang dalaga. Sakto namang nakita niya ito kasama sila Kill at iba pa nilang kaibigan na abalang kumakain sa cafeteria.
"V-Venus! Venus!" Sigaw ng binata, agad napatingin si Venus at tinaasan ng kilay ang binata.
"Si Riss, Trix at Suzy, tinutulungan nila si Agatha." Sumbong ni Iven na ikinagulat ng dalaga. Agad niyang tinignan si Kill at inutusan.
"Kill, alam mo nang gagawin mo. Give them the red card." Utos ng dalaga, agad tumayo ang binata't umalis. Hinawakan ng mahigpit ni Penelope si Venus sa braso at nagtanong. Mapapansin sa mga mata ni Penelope na gusto niya nang tumigil sa kanilang ginagawa sa kaklase.
"Do we really need to do this Venus?" Nagdadalawang-isip na tanong ng dalaga. Padabog na inalis ni Venus ang pagkakahawak ni Penelope at tinignan siya sa mga mata.
"You want to quit? Go on. Only if you want to be the next it." Babala ni Venus na nasudan ng isang nakalolokong kindat.
-
Magkakasabay ang apat na lumabas ng classroom upang pumunta sa lobby. Nakita nila ang lahat ng kanilang mga kaklase na nakaikot sa isang tabi at tila mayroong pinapanood. Agad napakapit si Agatha sa braso ni Trix nang makita ito.
"Tara guys, tignan natin kung anong mayroon don oh!" Masayang anyaya ng dalaga habang nakaturo. Pumapalakpak lang si Suzy habang tumango-tango. "Oo nga, tara, tara! Mukhang masaya ron!" Dagdag ng dalaga, tinignan ni Trix si Agatha't tinanong.
"Ano? Okay lang bang puntahan natin 'yon?" Mahinanong tanong ng dalaga sa kaklase. Ngumiti lang si Agatha at bumulong ng "Oo" sa kaklase. Nagtakbuhan ang apat para makita kung anong nagyayari. Unti-unting naglaho ang mga ngiti nila sa kanilang nasilayan. Isang lalaking studyante ang nasa gitna, nakablindfold ito habang pinagtutulungang hampasin ng batuta ng limang lalaking studyante. Walang may gustong pumigil dito dahil mayroon silang suot-suot na armband na may seal ng DG.
Ang DG ay isang secret student government na nagpapatupad ng iba't-ibang tradition sa buong eskwelahan. Ito ay madalas na binubuo ng mga sikat at makapangyarihang studyante sa loob ng campus. Maihahantulad ang DG o Death Guild sa isang fraternity, ngunit ang pagkakaiba lang nito ay kaya nilang mapasunod ang lahat ng studyante ng pwersahan sa kanilang mga kamay. Ang hindi sumunod ay mabibigyan ng karampatang parusa, depende kung gaano kabigat ang kanyang ginawa.
Napakapit ng mahigpit si Suzy sa kanyang ate at halatang takot na takot ang dalaga sa kanyang nakita. Narinig din ng apat na ang lalakeng binubugbog ay sumuway sa utos ng DG. Nang may makitang paparating na gwardya sa lobby, agad sumenyas na isang lalaking look-out. Sa oras na nakita ng lahat ito ay agad silang nagsitakbuhan. Hindi alam ng apat ang kanilang gagawin kaya nakitakbo na lang din sila katulad ng ginawa ng iba. Naiwan ang lalake sa gitna ng lobby na punong-puno ng pasa at sugat. Gusto mang tulungan ito ni Agatha pero pinigilan siya ni Trix sa kanyang binabalak. Tumungo sila sa kanilang classroom, sinalubong sila ng guard at tinanong kung anong may alam sila sa nangyari sa lobby. Ibig sanang magsalita ni Agatha pero tinakpan ni Trix ang bibig ng kaibigan.
"W-Wala po, wala po kaming alam sa nangyari." Natatarantang wika ni Trix. Nakita ng magkapatid na hindi naniniwala ang guard sa sinabi ni Trix, kaya naman agad nila siyang tinulungan.
"Opo, kakarating nga lang po namin dito eh. Ewan ko nga po ba kung anong nangyari ron. Bakit nga po ba? Ano pong nangyayari?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga.
"Oo nga, huwag po kayong magbintang manong guard, bad po 'yon." Dagdag ng kanyang kapatid. Tumango naman si manong guard at umalis. Napansin nila na 15 minutes na lang bago ang kanilang next class, kaya naman nagkayayaan na sila na kunin ang kanilang mga gamit sa locker room. Masaya silang nagbibiruan at nagkwekwentuhan sa loob ng locker room pero lahat ng ito'y nagbago pagkabukas nila ng kanilang mga locker. Gulo-gulo ang kanilang mga gamit at punong-puno ito ng basura. Mayroon ring nakatape na red card sa gitna na ikinatakot ng apat na dalaga. Napalunok si Trix sa kanyang nakita at dahan-dahang inalis ang card sa pagkakatape mula sa kanyang locker.
"This is bad.." Bulong niya sa sarili habang hawak at pinagmamasdan ang red card.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro