Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Character Profiles

Character Profiles inspired by @SerialSleeper

~




Sumapit nanaman ang buwan ng Hunyo. Isa lamang ang ibig-sabihin nito, magbubukas nanaman ang iba't-ibang eskwelahan. Sa isang university na nagngangalang Xandford University, kelangan munang sumabak ang mga freshmen sa isang interview. Walang uniform sa university na ito at mataas ang rights ng mga studyante. Lagi ditong binibigyan ng importansya ang karapatan ng mga studyante at ang itinatawag na "Juvenile Law". Unang pumasok sa kwarto ang isang binata. Nawax ang buhok,nakablack statement shirt,nakamaroon na pantalon at nakasuot ng shades. Umupo siya sa may harap ng camera, hinawi-hawi ang buhok at ngumiti. Biglang umilaw ang camera bilang hudyat na bukas na ito.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Annyeonghaseyo, Ako nga pala si Kill Fernandez, 16 years old. I'm half korean and half filipino and I decided to transfer here in the Philippines to explore more interesting stuffs. I wish my younger brother was still here. He died in such an early age. Little bro! Kung nasaan ka man ngayon, alam kong kasama mo na si Papa God."

Pagkatapos na pagkatapos niya ay sumunod naman sa kanya ay isang babae. May pagkaanghel ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng flower crown sa kanyang buhok,nakasuot siya ng white cropped shirt na may nakapatong na faded maong jacket at nakasuot ng pink skater skirt. Pagkapasok na pagkapasok niya sa interview room ay agad siyang umupo sa upuan na nakalagay sa gitna. Inayos ang pagkakasuot ng jacket at ngumiti. Biglang umilaw ang camera sa kanyang harapan bilang senyas na naka-on na ito.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Hello, my name is Cassidy Angela S. Estabueso but kung tinatamad kayong tawagin ako sa full name ko, you can call me Case. I'm 16 years old, half Filipino and half American. I'm really fond of reading horror stories, I'm a proud exostan and directioner. Whoo! I love you guys! Huehehe."

Bago matapos ang video ay bumelat siya sa camera at kinindatan ito ng ilang beses habang kinakaway-kaway niya ang kanyang dalawang kamay. Sumunod naman sa kanya ay isang lalake may umaapaw na confidence sa kanyang sarili. May nakasunod sa kanyang dalawang bodyguard, itinaas niya lang ang kanyang kanang kamay bilang senyas na huwag na siyang sundan sa loob ng interview room. Mahahalatang isang elite ang lalaking ito ngunit hindi siya maarte sa kanyang sarili. Nakasuot ang binata ng plain navy blue jacket at nakacream trousers. Kulay ginto ang kanyang buhok ay may pagkaasul ang kulay ng kanyang dalawang mata.Umupo siya sa may harap ng camera at nagbuntong hininga. Hindi pa nagtagal ay bumukas na ang ilaw ng camera.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Hi my name is Jack, Jack Frost to be precise. I'm 17 years old, half korean and half filipino. Ang pamilya ko nga pala ang may hawak ng ZYX Corp. Ako ang kanilang panganay na anak ang magiging tagapagmana ng lahat ng ito. I have a big interest in music and I also know Judo and Taekwando. Sa mga future classmates ko, hello sa inyo. See you soon!"

Natapos ang kanyang interview ng may mga ngiti sa kanyang labi. Sumunod sa kanya ay isang babae may pagkamataray ang dating. Sexy, may pagkakulot ang buhok at matangkad dahil sa kanyang 6'5 na height. Mayroon din siyang suot-suot na salamin at may hawak-hawak na dalawang maliit na libro. Nakasuot siya ng striped loosed shirt at nakablack shorts. Agad siyang umupo sa gitna at hinintay ang ilaw ng camera.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Greetings! My name is Yna Trix Mondiego but you can call me Trix. I'm currently 16 years of age and I'm half Filipino and Half Japanese. I came from an average family, I'm here because of my scholarship. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ako nawawala sa top. I graduated as a valedictorian from my highschool. Hopeless romantic here so guys, apply na kayo. Lol! Just kidding!"

Biro niya, pagkatapos niya nasundan siya ng isa pang babae na 5'0 ang height. Mayroong pagkabata ang kanyang mukha pero makikita sa kanyang postura ang isang dalaga. Nakasuot siya ng pink shirt na may nakalagay na "08" sa likod. Mayroon siyang suot na potter glasses, nakapony ang buhok, nakacandy shorts at mayroong kulay teal na rastaclat bracelet sa kanyang right hand. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng interview room ay umpo agad ito sa gitna at crinoss ang kanyang dalawang binti. Hindi pa nagtagal ay umilaw na ang camera sa kanyang harapan.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Hallow! Ako nga pala si Christalle Jung. You can call me either Krikri or Riss. Kahit alin diyan pwede. Ang alam ko lang, maganda ako and bawal umangal dun. I'm not a fan of loveteams kasi pare-parehas lang naman yang mga lalakeng 'yan eh. Lolokohin lang nila kaming mga babae. Tss sakit sa ulo lang 'yan. Ma, kahit iniwan tayo ni Papa I'm still here and I won't leave your side."

Nagtapos ang kanyang interview ng may flying kiss sa camera. Sumunod sa kanya ay ang isang anak ng politician.May pagkamaangas ang kanyang aura at may matapang na mukha. Mahahalata sa kanyang kilos ang kanyang malamig na ugali.Nakaplain white v-neck body-fit shirt ito, mayroong suot na rosary necklace at nakamaong pants. Pumasok siya sa loob ng interview room na para bang wala itong gana at umupo. Nagrerebelde siya sa kanyang tatay at ayaw niya rin sa kanyang nanay dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanila. Inayos niya ang kanyang sarili at biglang umilaw ang camera sa kanyang harapan.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Hello. My name is Tristan James Montero, 18 years old half korean and half filipino. Isa akong nagiisang anak ng isang politician. Kung makikita mo to pa, hindi para sa'yo 'to."

Seryoso nitong sinabi at bigla nalang umalis ng interview room. Nasundan siya ng dalawang babaeng magkapatid. Parehas silang nakasuot ng marvel superhero tees. Ang isa ay nakasuot ng captain america at ang isa naman ay nakasuperman. Parehas din silang nakacandy shorts at nakavans. Nagkakaiba lang sila sa kulay ng kanilang mga damit pero hindi sila magkamukha nito. Sabay silang pumasok sa interview room. Hindi na nagtagal pa at umilaw na ang camera sa kanilang harapan. Unang nagsalita sa kanila ay ang panganay.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Konnichiwa! My name is Arriane Arsela Ahoi and I'm 17 years old, half Filipino, half Japanese. I'm your average kind of girl who loves to browse social networking sites like Facebook, twitter and Instagram. Oh, and I love to eat different kinds of food 'di ba Suzzy?" Tanong niya sa kanyang nakababatang kapatid.

"Yes ate! Hello Philippines and hello world! I'm Suzzy Mae Ahoi and I'm only 15 years old. I'm also a half Filipino, half Japanese. Sa mga hindi nakakaalam, I'm a cosplayer and loves to draw characters from anime series."

Nagtapos ang kanilang interview nang nakasign na peace. Sumunod na sa magkapatid na babae ay isang lalake may pagkaheartthrob ang dating. Chinito,matangkad,gwapo pero kung minsan, kapag tinitignan ka niya ay magdudulot ito sayo ng takot. Lagi siyang nakasuot ng headset at parang walang pakielam sa kanyang paligid. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob ng interview room at umupo. Nang makitang umilaw na ang camera sa kanyang harapan ay tinanggal niya na ang dalawang nakasukbit na headset sa kanyang tenga. Inumpisahan niya ang interview sa pamamagitan ng pagkamay ng kanyang right hand.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"I'm Joaquin Nicolo Huston, bunsong anak sa ngayon dahil wala na si Andrea. I'm a varsity player on my previous school. Hmmm, wala na kong masabi eh sorry. Kuya Alvin, para sa'yo to. Kahit na hindi ako masyadong binibigyang halaga nila mommy and daddy lagi kang andyan. Thanks kuya!"

Natapos ang kanyang interview sa isang magalang na bow. Bago siya lumabas ng kwarto ay isinuot niya ulit ang kanyang headset sa dalawa niyang tenga.Sumunod sa kanya ay ang isang simpleng babae. Nakasuot siya ng white v-neck na may print ng jack daniel's. Nakasuot siya ng faded maong pants at nakasapatos ng red keds. May hawak-hawak siyang isang cattleya notebook pagpasok ng interview room. Nang nasa loob na siya ng kwarto ay binuklat niya ang notebook at para bang nakalista na dito ang kanyang mga sasabihin. Hindi na nagtagal pa at biglang bumukas ang ilaw ng camera.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Good day! My name is Katelyn Quizon but you can call me on my nickname Kat. I'm from an average family. I graduated as a salutatorian in my highschool and got tons of medals by joining extra curricular activies. Argh! Sorry kung masyadong scripted pero kung mapapanood man to nila nanay at tatay, para sa inyo to. Sana naman ipagmalaki niyo na yung anak niyo. I love you!"

Natapos ang kanyang interviewng may pilit na ngiti sa kanyang mga labi. Hinawi niya ang kanyang buhok at umalis na agad ng interview room. Sumunod sa kanya ay isang lalaking moreno. Nakasuot ito ng black closed cap, white v-neck na may nakapatong na plaid jacket at faded maong pants. Mapupuna mo sa kanyang postura ang pagkamahiyain dahil sa kanyang inosenteng mukha. Pumasok siya sa loob ng interview room na halatang mayroong kaba sa kanyang dibdib. Hindi pa nagtagal ay umilaw na ang camera sa kanyang harapan.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Alexander is the name but you can call me Alex. 17 years old, half Filipino half American. I think that's it! That's all you need to know about me, k. see ya!"

Agad siyang tumayo at parang walang pakielam sa interview. Sumunod naman sa kanya ay isang babaeng mistisa na may 5'7 ang height. Nakasuot siya ng black designer heels na may kapartner na black striped cocktail dress. Mahahalata mo ring mayaman ito dahil sa kanyang suot-suot na malaking gold necklace na may initials na "JD" sa gitna. Mahinhin siyang pumasok sa interview room at umupo. Tinapik-tapik niya muna ang mic sa kanyang harapan, nagulat siya ng biglang umilaw ang camera.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"Omg, is this on? Annyeonghaseyo, My name is Jassie Domingo, 15 years old 50% Filipino, 25% Japanese and 25% korean. I'm really from America, my parents decided to stay here in the Philippines because of our family business. Ok, that's it! See ya!"

Natapos ang kanyang interview sa pamamagitan ng pagkindat ng mata na may kasamang matamis na ngiti. Sumunod sa kanya ay ang isang babae may buhok na hanggang pwetan ang haba. Mayroong malatsokolateng kulay ng mata at may maamong mukha. Gulo-gulo ang kanyang buhok at natatakpan ang kanyang mukha dahil sa kapal nito. Nakasuot siya ng loose grey jacket, black studded shorts at grey vans. Pumasok siya sa loob ng interview room at umpo. Pinaglaruan niya muna ang mic sa kanyang harapan sa paglipat niyo sa iba't-ibang direksyon. Maya-maya pa ay umilaw na ang camera sa kanyang harapan.

5.. 4 .. 3 .. 2 .. 1 ..

"H-hello, Ako si Penelope Bathory. Labing-anim na taong gulang, Lumaki ako sa side ng lola ko. Naging malungkot yung buhay ko nang malaman kong serial killers pala ang magulang ko pero kahit na ganun pa sila, I love you mommy and daddy. You'll always be here, inside my heart."

Mapapansin sa kanyang mga mata na parang may namuuong luha. Hindi niya na pinatagal pa ang interview at lumabas na agad siya ng kwarto. Pagkalabas niya nang pintuan ay nadatnan niya ang isang binata. Matangkad ito na may mapupungay na mata.  Nakasuot siya ng navy blue polo shirt na may anchor prints na pinartneran ng cream khaki shorts.  Pumasok siya ng kwarto habang nakatingin sa kanyang dala-dalang psp. Nang makitang ng binata na bumukas na ang ilaw, ibinulsa niya ang psp at nagsimulang magsalita.

"Ako nga pala si Iven, ang pinakagwapong nilalang freshmen dito sa Xandford U. Labingpitong gulang, I'm half british half filipino. I'm a huge fan of many video games such as Minecraft, LoL and many more pero kahit papaano naman eh nakakabawi ako sa grades ko. Masasabing adik ako sa iba't-ibang games pero wala kong grade na bababa ng 85. Ge, see ya dudes!" Tumayo ito at agad inilabas muli ang kanyang psp para maglaro. Sumunod sa kanya ay ang isang simpleng babae. Nakasuot siya ng black tank at nakaaztech na saya. Mahinhin siyang umupo at inayos ang kanyang suot-suot na salamin. 

"My name is Agatha, I'm 17 years old and I'm an orphan. I really like reading fiction books and I'm dreaming to graduate in this school for my lola. "  

Agad itong tumayo at lumabas ng kwarto. Sumunod sa kanya ay isang babaeng may angas ang lakad. Nakasuot ito ng white longsleeve na pinartneran ng black miniskirt. Pumasok ito sa kwarto at umupo nang nakacross ang legs. Pagkaupo na pagkaupo niya ay agad niyang kinuha ang kanyang salamin sa bag upang ayusan ang sarili. Habang nananalamin ay biglang umilaw ang camera sa kanyang harapan.  Hinawi niya ang kanyang buhok at bumulong ng "peste, di pa ko tapos manalamin eh! tss" sa sarili.

"I'm Tamara Angelique Chiu, Tamy for short. I'm 16 years old, 1/2 Filipina, 1/4 Chinese and 1/4 Korean. I'm the lead cheerleader back in my highschool and I can say that I am a good leader when it comes to crucial situations. Yun lang muna for now, I've got to go na." 

Maarteng tumayo ang dalaga at pinaraan ang dalawang kamay sa kanyang palda. Nagkabanggaan sila nang sumunod na papasok. Tinaasan ng babae ng kilay si Tamara at inirapan ito. Wala namang magawa si Tamara kundi tumabi dahil kitang-kita palang sa mukha nito na mas mataray siya sa dalaga. Pabalang niyang binuksan ang pintuan sa interview room at umupo. Hindi pa nagtagal at nagbukas na ang ilaw bilang hudyat na magsisimula na ito.

"I'm Venus Trinidad, being popular is my game and I love to join pageants. I'm a proud half korean 1/4 filipino and 1/4 singaporean girl. I have a huge interest in modeling, fashion and competitions. Oh, I'm also a friendy human being. Ciao!"

Nakangiti itong tumayo at mabilis na lumabas ng kwarto. Sumunod naman sa kanya ay isang lalaking may mukha ng isang boy-next-door. Nakasuot ito ng ombre v-neck shirt at red pants. Bago pa man ito umupo ay hinawakan niya muna ang kanyang shirt na para bang nagmamayabang ito. Nang makita niyang umilaw na ang camera sa kanyang haparan ay agad itong nagpacute at ngumiti.

"Ako nga pala si Shiro Se! Half Filipino, Half chinese at labing-pitong taong gulang. Isang lalakeng may pangarap sa buhay, laki ako sa mama ko at lagi sakin niyang sinasabi na kailangan ko raw mag-excell dito, kasi ako daw yung magiging nagapagmana ng ESM Corp. balang araw. Joesonghabnida!"

Kumaway-kaway ito at agad lumabas ng kwarto. Sumunod sa kanya ay isang babaeng may mukha nang isang bata, mayroon itong mahabang buhok na may kulay asul ang dulo nito. Nakasuot ito nang Black shirt na may print na skull sa gitna at red and black plaid skirt. Pumasok siya sa loob at itinaas ang kanyang dalawang paa sa upuan. Nang makita niya ang ilaw ng camera ay tumaas ang isang kilay nito.

"My name is Marydeath Yoon, 17 years old. I decided to join here to make some new friends and of course, to enhance my knowledge about my course." 

Seryoso nitong sinabi at tumawa. Ang huling studyanteng sumalang ay isa ring babae pero kakaiba ang kanyang hitsura't pananamit. Mayroon siyang maikling buhok na may dark blue highlights. Nakasuot siya nang cap na puno ng studs, v-neck shirt na boy london at rugged pants.

"I'm Aerith Jade Mendez. 17 years old, I'm not literally you're ordinary girl next door. I just love being unique and stand out in the crowd. I can play fake if you're fake, I can play nice with your shitty attitudes and I don't back down in a fight. K." Maangas itong tumayo at agad lumabas ng kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro