Chapter 7
CARLY
"ANG GWAPO NIYAN, ha? Saan mo nabingwit 'yan?"
Napangiti ako sa banat ng Tita ko habang pinagmamasdan namin si Zian mula sa kitchen ng bahay nila. He was outside playing frisbee with my cousin.
"Zian works under the Boston Fire Department," sagot ko. "We just met a few weeks ago."
"Ooh, a firefighter. Kaya pala batak na batak ang katawan. He seems nice."
"He is."
"And looks like Cooper sensed it, too. 'Yang pinsan mo pa naman na 'yan, medyo matagal bago mag-warm up sa ibang tao. Pero kanina, siya mismo ang lumapit kay Zian. Buti nga hindi pa napapagod si Zian kasi kanina pa nakikipaglaro ang anak ko."
"Mukha namang nag-eenjoy rin siya."
Tumingin sa 'kin si Tita Pearl. "Alam na ba 'to ng Mama mo?"
"Alin?"
"Ang tungkol kay Zian. Napakilala mo na siya?"
I chuckled. "Oh my god, Tita. We're just friends. Bakit naman ipakikilala agad?"
"Sus, Carla. Kanina pa nagni-ningning 'yang mga mata mo habang pinagmamasdan si Zian, tapos friends lang? You like him, don't you? Besides, hindi mo naman siya isasama rito."
"Sige na nga lang po. Kilalang-kilala mo na talaga ako e. Kahit humindi ako, mahuhuli't mahuhuli niyo pa rin naman ako."
Napangiti naman siya sabay haplos sa buhok ko. "Dalaga na talaga ang alaga ko. But seriously, I like him for you."
Hindi na ako sumagot. She likes him for me? Ewan ko na lang kung masabi niya pa 'yan kapag nalaman niyang Mister Complicated 'tong si Zian.
Umalis na muna ulit si Tita para tingnan 'yung niluluto niya sa oven.
Ako naman, muling pinagmasdan si Zian. To be honest, naba-balewala ko na nga 'yung ugly side niya kasi mas nangingibabaw sa 'kin ang pinakikita niya ngayon. Bukod sa nag-effort siyang ipag-drive ako, sobrang na-appreciate ko na ang galang niya kila Tita at nakikipag-laro pa siya sa pinsan ko na may Down Syndrome.
Cooper is only 17 years old and sometimes, he could get pretty playful and energetic. Ang nakakatuwa kay Zian, sinasabayan niya rin lahat ng trip ng pinsan ko. Halata ko nga ang saya niya habang nakikipaglaro, e. It's like he hasn't enjoyed himself in ages. Balewala rin sa kanya na pawis na pawis na siya dahil sa init at lagkit ng Summer. Pagod na siya sa trabaho, pero heto't pinapantayan pa rin ang energy ni Cooper. Nabaitan din tuloy sa kanya sila Tita. Sabi ko na e, there's really more to him than just his illicit affair.
Araw-araw ko ring napapatunayan 'yon kasi textmates na kami for weeks simula noong hiningi niya ang number ko. Kahit sa phone, ang bait niya pa ring kausap. I keep him updated, and he does the same whenever he can. Ewan ko kung may ibig sabihin ba sa kanya 'yung mga chats at calls namin kasi alam ko namang may Vanessa siya. Pero ako kasi, may meaning sa 'kin lahat ng 'yon. Lalo ko siyang nagugustuhan.
"Dinner's cooked!"
Nabalik ako sa sarili nang muling magsalita si Tita Pearl. Nilalabas na niya 'yung binake niyang Mac and Cheese mula sa oven. Isa lang 'yon sa mga hinanda niya kasi sa totoo lang, ang dami niyang niluto kahit na kami lang naman ni Zian ang bisita nila.
"Call the rest," sabi niya pa. "I'll just set up the table."
"Sige po."
Lumabas na muna ako para tawagin sila Zian. Ayaw pa ngang sumunod ni Cooper kasi gusto pang maglaro. Mabuti na lang at si Tito Gil na ang tumawag dito.
Sinalubong ko na lang agad si Zian. "Hey!"
"Hey." Ang gwapo ng ngiti niya habang nagpupunas ng pawis sa leeg.
"I'm sorry, pinagod ka ni Cooper. Minsan talaga mataas ang energy niya, e."
"It's okay. I had fun playing with him."
"Pinawisan ka pa tuloy. May dala ka namang damit, 'di ba? Magpalit ka muna. You can take a quick shower, too, if you want."
"Sige, kukunin ko lang muna ang gamit ko sa kotse."
Buti na lang din, palagi akong may dalang panyo. Kinuha ko mula sa bulsa ng denim short overall ko at binigay muna sa kanya. "Here."
Tinanggap niya agad at nagpunas siya ng leeg at noo habang papunta kami sa garahe.
"Thank you for spending time with my cousin," sabi ko. "Ang haba ng pasensya mo sa kanya. I appreciate that."
"Wala 'yon. Na-miss ko rin namang may kalaro. Mamaya raw ulit. He wants me to sleep in his bedroom."
"Naku, patay. Ikaw na ang bagong favorite niya, hindi na ako."
Natawa na lang kami at dumiretso na sa kotse para kumuha ng gamit.
• • •
"Zian, taga-saan ka nga ulit sa Pinas?" tanong ni Tito Gil habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan.
"From Manila, Sir," magalang nitong sagot.
"Ah, Manila boy ka pala talaga. And you also served there as a firefighter?"
"Nagvo-volunteer lang ho. I work for my parents' company."
"Oh, wow. Anong negosyo ng pamilya mo?"
Uminom muna siya ng juice bago muling sumagot. "Industrial business. We manufacture heavy machinery and equipment for construction."
Bigla namang napatuwid ng upo si Tito Gil na halatang mas naging interisado ito. "Ganyan din mismo ang pinagtrabahuan ko dati sa Pinas. I was in that industry for over a decade! Naalala ko na naman tuloy. I met this tycoon with large-scale operations across Asia. Hangang-hanga ako sa kung gaano siya kagaling. Very wealthy man yet very humble. Natatandaan ko pa nga ang pangalan niya—Marion Robles."
Napangiti si Zian. "That's my father."
Pinanlakihan agad ng mga mata sina Tito at Tita. Pero ako, hindi na nagulat. Na-stalk ko na kasi siya kaya kahit papaano, may alam na ako sa background niya. Though it's still crazy to think how rich he really is.
"Sobrang yaman mo pala?" Si Tita na ang nagtanong, hindi na nakapagpigil.
"Not really, Ma'am," sagot naman ni Zian. "Ang mga magulang ko lang 'yon."
"That's still the same!" Sabay tingin sa 'kin ni Tita. "O Carla, wag mo na 'tong pakakawalan, ha? Magpakasal na agad kayo rito sa Massachusetts. Ako na ang bahalang magsabi sa Mama mo."
Muntik akong mabulunan! Napainom tuloy agad ako ng juice sabay sipa sa paa niya sa ilalim ng mesa. "Tita naman! Nakakahiya ka talaga."
Natawa na lang si Zian. Glad he's just cool with it. Pero shit, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon.
Si Tita kasi, hindi man lang ni-reserve 'yung joke niya para mamaya kapag wala na si Zian. Hindi na nga rin nila tinantanan 'yung tao. Buong dinnertime, hinalungkat lang talaga nila ang family background ni Zian. Sobrang interisado sila. At nakakatuwa naman kasi game ring magkwento si Zian kahit na alam kong may problema siya sa pamilya niya ngayon. Wala pa nga siyang binabanggit na pangit, e. The way he spoke about his family showed just how much they meant to him.
Matapos maghapunan, tinulungan ko lang sila Tita na magligpit, tapos sinundan na si Zian sa labas. He was alone at the porch, drinking a can of cold beer.
Ang gwapo niya kahit nakatalikod siya mula sa 'kin. Nakapag-freshen up na kasi siya kaya ang linis niyang tingnan.
"Hey!" bungad ko.
Lumingon agad siya sa 'kin at ngumiti. "Hey."
"Nag-bake si Tita ng brownies. Here." Binigyan ko siya at tinanggap niya rin kaagad.
"Mahilig mag-bake ang Tita mo, 'no?" sabi niya.
"Yeah. Mahilig silang maghanda, actually. Feeling nila nasa Pilipinas pa sila na kailangan nilang pakainin lahat ng kapitbahay."
Napangiti siya. "I enjoyed the food. Busog na busog ako."
"Good to hear that. Bakit pala gusto mo na rito sa labas?"
"Wala lang. Nagpapahangin."
"Ah, akala ko dahil nada-daldalan ka na kila Tita. Sorry kung masyado ka nilang in-interrogate, ah? Ang dami na nilang tinanong. Feeling ko tuloy mas kilala ka na nila kaysa sa 'kin."
He chuckled. "It's okay. I like them, actually. Kasi nakikipag-kwentuhan talaga sila sa 'kin kahit na ngayon pa lang nila ako nakilala."
"Yeah, ganyan talaga ang pamilya ko. Walang bisi-bisita sa kanila. Pamilya na agad ang turingan. Pasensya na rin pala sa mga jokes kanina ni Tita Pearl. Nakakahiya na inaasar nila ako sa 'yo. Natuwa lang siguro sila kasi ngayon lang ako nagsama ng lalaki na hindi si Max."
"No need to explain. Hindi naman ako naiilang sa mga biro nila. But what about you?"
Ngumiti lang ako at umiling. Kung alam niya lang, mas gustong-gusto ko pa nga na niloloko kami sa isa't isa.
"But small world, huh?" sabi ko. "Kilala pala ni Tito Gil ang father mo. Alam mo, parang naikwento niya na nga 'yan sa 'min dati. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin makalimutan. Your dad must be a really great man."
"He is. I admire him a lot. Kaya nga masakit sa 'kin na na-disappoint ko siya."
"Pasaway ka kasi," biro ko. "Ang yaman-yaman mo pala sa Pilipinas. Ayan tuloy, na-broke ka. Hindi ka na makapag-yacht sailing at golfing with your friends."
Biglang kumunot ang noo niya. "How did you know I was into those stuff?"
Kumagat ako sa brownies para magpigil ng ngiti. "Max stalked you. Hinanap niya dati 'yung Facebook mo nung nakita niyang nginitian mo ako sa fire scene. Kaya ayun, umpisa pa lang, may idea na ako na rich kid ka."
"Wow." 'Yun lang ang nasabi niya habang nakatingin pa rin sa 'kin.
Parang nailang na tuloy ako kasi titig na titig siya.
"Sorry," sabi ko na lang. "I didn't mean to secretly spy on you. Na-gwapuhan kasi si Max sa 'yo, tapos biniro ka na niya sa 'kin."
"Oh, really. Si Max ba talaga ang nagwapuhan sa 'kin? Hindi ikaw?"
"Hoy!" Hinampas ko agad siya sa braso. "Marunong ka nang bumanat, ha."
Ang sarap lang naman ng tawa niya. "I'm just kidding. But that took me by surprise. Hindi na ako masyadong nagbubukas ng social media. Sumisilip-silip lang ako."
"Oo nga e. I think your last post was a year ago? Kaya wala rin akong ibang nalaman tungkol sa 'yo bukod sa fancy lifestyle mo sa Pinas. Ni hindi ko na-discover ang tungkol kay Vanessa."
Tipid siyang ngumiti. "You won't find her there."
Sakto naman na biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya agad mula sa bulsa ng suot na cargo shorts. I saw how quickly his smile vanished.
Napangisi na lang ako. "Hulaan ko kung ano 'yan. Speaking of Vanessa?"
Tipid lang ulit siyang ngumiti sabay huminga nang malalim. "Yeah, it's her cousin. Ilang araw na nung huli ko siyang minessage. Ngayon lang sumagot."
"What's her cousin's name again?"
"Leila."
"Right. Ano 'yang message niya sa 'yo?"
"Nothing interesting. Wala pa rin daw siyang balita kung nasaan si Vannie, pero humingi na siya ng tulong sa ibang mga kakilala niya."
"I see. Ano namang ire-reply mo?"
"Wala. Hindi na siguro ako sasagot."
"Bakit?"
Bigla siyang tumingin sa 'kin at ngumiti. "You told me to stop waiting for Vanessa, right? Sumusunod naman ako sa nakatatanda sa 'kin."
Siniko ko siya. "Baliw!"
He just chuckled.
Kumain na lang ulit ako ng brownies. "But I'm glad you're trying to forget about her. Ewan ko nga kung bakit ngayon mo lang ginagawa 'yan, samantalang isang taon na kayong hiwalay. Ano, hirap na hirap mag-move on?"
Natawa lang ulit siya.
"Ano bang itsura niyang Vanessa na 'yan at hindi mo makalimutan? Show me some pictures."
"I don't have photos of her on my phone."
"Wag ka ngang sinungaling. Patingin ako." Nilahad ko pa ang palad ko para kunin ang phone.
Hindi na siya nakalaban. Nagpigil lang siya ng ngiti at pinakita na sa 'kin ang mga pictures sa phone niya.
Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Wala raw, pero isang album ng mukha ni Vanessa 'tong nandito. But hmm . . . I went through the photos one by one. Nakaka-insecure naman pala ang ganda ni Vanessa. She looks very classy and elegant. Alam mong galing din sa mayamang pamilya, e.
"She's a goddess," sabi ko. "Kaya ka siguro naging tanga sa pag-ibig at nang-agaw ng asawa ng may asawa."
"Oo na, wag mo na akong pagalitan." Kinuha na niya ulit ang phone mula sa akin at itinago.
I let out a chuckle. "Kidding aside, she's really beautiful. Ano pang ibang nagustuhan mo sa kanya?"
Napatingin siya sa malayo at nag-isip. "Lahat ng gusto ko, nasa kanya. She's kind and calm. And there was something so delicate about her. Ang sarap niyang alagaan. Kapag kasama ko siya, parang ang tahimik ng mundo ko. She's my angel. Kaya nga hindi ko maintindihan kung paanong hindi siya nagawang mahalin ni Allen. Every little thing about her was easy to love."
Napangiti ako nang mapait. Masyado naman siyang reading-ready sa sagot niya. Hindi ako normally naiinggit pagdating sa mga ganitong bagay. Ngayon lang. Ang sarap niya sigurong magmahal at ang sarap niya ring alagaan.
Kainis. Dapat yata hindi na ako nag-o-open up ng ganitong topic para hindi ako nahu-hurt.
Lumayo muna ako at umupo sa hanging swing bench.
Sumunod naman siya sa 'kin. Umupo rin siya sa katapat na wooden porch chair.
"Bukas pala, uwi tayo nang maaga," sabi ko. "Para masulit mo pa ang three days off mo."
"I'm okay. I can stay here longer if you need."
"Wag. Ayokong sagarin ka. Gusto ko, makapagpahinga ka kasi alam kong sobrang draining ng line of work mo."
"Thank you. Pero gusto ko rin naman 'yung napapagod ako para madali akong makatulog."
"Hirap kang makatulog?"
"Sometimes. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko. I just hit the gym to wear myself out."
"Kawawa ka naman talaga. Kaya pala parang pagod ang mga mata mo. Pero wag kang mag-alala, pogi ka pa rin."
He got shy and looked away. Ang cute niya talagang mahiya.
"Alam mo, buti na lang talaga dito tayo nagkakilala," patuloy ko. "Kasi kung nasa Pinas tayo, malamang hindi mo ako mapapansin."
"Bakit naman?"
"Because you're hot and rich? Kumbaga, royal blood ka roon, tapos ako, hamak na commoner lang."
Natawa siya. "That's not true. You're beautiful and has an interesting personality. Siguradong mapapansin agad kita."
Hindi ako nakasagot. Bigla lang akong napatingin sa kanya, pero 'yun pala, nakatitig na siya sa 'kin. Our eyes locked for a second before I quickly broke the gaze.
Ako naman 'tong nahiya kasi grabe siya makatingin.
Tumayo na lang ako at niyaya na siyang bumalik sa bahay.
"Tara na? Umiinit na rito sa labas."
Sa guest room ako nag-stay. This is where I always sleep every time I visit. Si Zian, nasa kwarto ni Cooper kasi gusto siyang kasama ng pinsan ko.
Nasa kabilang kwarto lang sila kaya rinig ko pa silang naguusap. Ang hirap tuloy magpaantok kasi mas gusto kong pakinggan ang gwapong boses ni Zian. Actually, hindi ko nga sure kung makakatulog ba ako ngayon.
Kanina ko pa siya iniisip. Ayokong mag-assume na may ibig sabihin 'yung mga tinginan at pasimpleng banat niya sa 'kin, pero kinikilig ako. I have to stop this. He's still emotionally taken, kaya hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.
• • •
KINABUKSAN, NA-LATE ako ng gising!
Shit, sabi ko pa naman kay Zian, uuwi kami nang maaga. It's 10 a.m now!
Taranta akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Baka hindi pa nagbe-breakfast si Zian, nakakahiya.
Pinuntahan ko siya sa kwarto, pero wala na sila ni Cooper. I just went down to the kitchen. Naabutan ko si Tita Pearl na nagha-handa na naman ng bagong ibe-bake.
"Good morning!" bati nito sa 'kin.
"Where's Zian?" tanong ko naman agad.
Ngumuso siya para ituro ang backyard. Kasama pala nito si Tito Gil, and he's helping him mow the grass. Nakasakay siya sa lawn mower, e ang init-init sa labas!
Napabagsak ako ng mga balikat sabay nilingon si Tita. "Inutusan niyo siyang magtabas ng damo?"
"Of course not. Ayaw nga siyang payagan ni Gil, kaso nagpumilit siyang tumulong. Hayaan mo na, mukhang sanay talaga siya na may ginagawa."
Binalik ko ang tingin ko kay Zian. Halata naman ngang nag-eenjoy siyang kumilos. I appreciate him for doing this, pero sobrang nakakahiya.
Napasandal na lang ako sa gilid ng pinto habang pinagmamasdan siya.
He really has this natural instinct to help others. Lalo tuloy siyang gumagwapo sa paningin ko, e. Partida, naka-safety glasses pa siya pero litaw na litaw pa rin kung gaano siya ka-gwapo. And he's wearing a lightweight shirt from my uncle that accentuated his broad, muscular arms he has probably gained through his firefighting job. Nakakainis. Kasasabi ko lang kagabi na hindi ako pwedeng mahulog nang tuluyan sa kanya, but here I am. Bakit ba kasi ang bait-bait niya?
We hung around the house until lunch. Hindi kami pinauwi nila Tita hangga't hindi kami nanananghalian. Pinabaunan niya rin kami ng mga binake niyang pastries.
"Zian, ingat sa pagda-drive, ha?" sabi ni Tita Pearl. "Sakay mo 'tong pamangkin ko."
Natawa ako. "Ano ba naman 'yan, tita, para namang ang layo-layo namin. It's only a one-hour drive."
"Kahit na."
"Don't worry, Ma'am," sagot naman ni Zian. "I drive responsibly."
"Good. O sige na, para makauwi kayo agad at makapagpahinga."
"Bye, Tita." Humalik ako sa pisngi niya. "'Yung pinasabay ko sa package para kila Mama, wag niyo pong kalilimutan."
"Syempre naman. Nasa box na nga."
Napagpaalam na rin kami kay Tito Gil at kay Cooper pagkatapos. Medyo nalungkot nga ang pinsan ko kasi ayaw pa talaga nitong pauwiin si Zian. Masyadong na-attach kahit na halos dalawang araw pa lang naman silang nagkasama.
Biniro ko nga agad si Zian pagkasakay namin sa kotse. "Lagot ka, nag-promise ka kay Cooper na babalik ka ulit dito. Hindi nakakalimot sa promise 'yon."
He simply smiled as he fastened his seatbelt. "That's not a problem. E 'di babalik tayo. Nag-enjoy rin naman akong kasama ang relatives mo."
A smile also played on my lips. "Promise mo naman ba sa 'kin 'yan? Kasi hindi rin ako nakakalimot."
"I promise. Mukhang kayo na ang magiging pamilya ko rito."
Buong byahe pauwi ng Boston, nagkwentuhan lang kami. Ang dami ko nang nalalaman sa kanya at feeling ko sobrang close na namin. May gano'n pala talagang tao, ano? He makes me feel like I've known him all my life.
After an hour, we're back in my apartment.
Hindi na ako nagpahatid sa taas para mabilis na siyang makauwi.
"Salamat sa pagsama sa 'kin," sabi ko sa kanya. "I had a wonderful time. Shoot me a text once you're home?"
"I will, Carly."
Napangiti ako kasi natutuwa talaga ako sa nickname na 'yon. "Bye!" Dinala ko na ang gamit ko at bumaba ng kotse.
I heard him lower the car window. "Carly?"
Lumingon agad ako. "Hmm?"
"On my next day off, can I take you out for dinner?"
Bumilog ang mga mata ko. "Y-you mean like a date?"
Ngumiti siya. "Yeah, we can call it that."
Hindi ko alam kung paano ako papayag kasi bigla akong nahiya. Kaya dinaan ko na lang sa biro. "Sure! Basta libre mo, ha?"
He chuckled. "Of course. See you then? Bye, Carly." Kumaway siya at saka sinara ang bintana ng kotse at nag-drive paalis.
Bigla naman akong napahawak sa dibdib ko na ang lakas ng kabog.
Shit, this is not right. Paano ko ba mapipigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya?
TO BE CONTINUED
Are you enjoying this story? Please vote and comment to show me some love! Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro