Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

CARLA SIERRA SY

Boston, Massachusetts

"Alright, my future Picassos, class is over! You all did such an amazing job. I'm proud!"

"Thank you, Ms. Sy! We'll see you around!"

"Of course! Stop by and show me all the cool things you guys painted!"

My students started packing away their brushes and palettes. Hinintay ko muna silang matapos at makaalis bago ako nag-umpisang maglipit.

Finally—my Summer break! Ito ang huli kong klase bago ako magpahinga. Though may mga art camps at workshops pa rin naman akong gagawin this season.

I've been working as a painter and art instructor here in Boston for four years. Tinulungan ako ng Tita ko at ng asawa niya na makarating dito. It was an emotional struggle leaving my family in the Philippines, lalo pa't sobrang close ako sa kanila. But as soon as I moved abroad, I completely fell in love with this beautiful place. Boston felt like a scene straight out of a Hollywood movie. Sakto pa na may better work opportunity akong natanggap na in line sa passion ko.

My aunt and her husband moved to a different city a year ago. I stayed in East Boston, sharing an apartment with my gay friend, Max. Pinoy rin na nakilala ko rito.

Speaking of him, hindi pa pala ako nakakapagbukas ng phone. Baka marami ng text 'yon.

I turned it on as I headed out of the basement where my class had been held. Natigilan naman ako kasi hindi lang texts kung 'di sandamakmak na missed calls ang iniwan sa 'kin ng kaibigan ko.

Kinutuban ako kaya nag-call back agad ako sa kanya.

He answered right away. "CARLA! Where are you right now?"

Aligaga ang boses niya kaya lalo akong kinabahan. "At the art studio. I just wrapped up my class. Bakit?"

"Wala ka sa apartment? May sunog daw malapit sa atin! Can you see it?"

"What? Sa atin ba 'yon?"

Kanina pa nga ako nakakarinig ng siren ng mga firetrucks, pero binalewala ko lang. Binilisan ko ang pag-akyat sa hagdan para sumilip sa malapit na bintana. Oh my god! May sunog nga, at mukhang malapit sa tinitirhan namin. I could see the thick smoke rising from here!

"Max, are you at home?" tanong ko habang nagmamadali nang lumabas.

"Not yet, still on my way. Kanina pa kasi kita tinatawagan, hindi ka sumasagot."

"I'm sorry! You know I always turn off my phone when I'm teaching. Pauwi na rin ako. Let's just meet at home."

Binaba ko na ang tawag at mabilis na umalis.

Hindi ako mapakali habang pauwi ng apartment. Mukhang hindi naman sa mismong tinitirhan namin ang sunog, pero tantya ko na ang lapit.

Pagkarating ko, nagpa-panic halos lahat ng mga tao sa labas. 'Yung kalapit na multi-family building pala ang nasusunog. Hindi pa naman gaanong kumakalat ang apoy, pero sobrang chaotic sa area. Even residents from our building were outside standing by and watching. There were several firetrucks and ambulances around. Some roads were also blocked. Sa sobrang busy ko sa pagtuturo, hindi ko namalayan na ganito na pala ang eksena sa amin.

Dumaan ako sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao. Good thing I saw one of our closest neighbors.

"Rhonda!" I called and hurried over to her. "What happened here?"

"I'm not exactly sure! They're still looking into what caused it. But I heard the home was cramped and there were still people inside!"

"Oh my god." Pakiramdam ko kasali ako sa nasunugan kasi kabadong-kabado rin ako.

Pinakalma naman agad ako ni Rhonda. "Don't worry, I'm sure the fire team has this under control."

"I hope it'll be gone soon. Have you spotted Max yet?"

Tumingin siya sa paligid para maghanap, tapos bigla siyang tumuro. "Oh, there he is!"

Paglingon ko, parating na nga si Max, tarantang-taranta rin.

Nagpaalam na muna ako kay Rhonda para salubungin ang kaibigan ko.

"Ano raw ang nangyari?" tanong niya agad sa 'kin.

"Iniimbestigahan pa raw sabi ni Rhonda. Pero mabilis namang rumesponde ang mga bumbero kaya siguradong maaapula agad nila ang sunog."

"Tara, lapit tayo." Bigla niya akong hinila.

I stepped back right away. "Are you kidding me? Delikado diyan!"

"Hindi! Makiki-tsismis lang tayo."

Tuluyan niya akong hinila at lumapit kami nang kaunti sa mga firetrucks. May kalumaan na pala ang building na nasunog, kaya siguro nagkaproblema. I could see the thick smoke coming out of the windows.

Alalang-alala kami ni Max habang pinagmamasdan ang mga nangyayari, hanggang sa may isang firefighter na biglang nakakuha ng atensyon ko.

I squinted my eyes. Wait, he looks familiar. I think I already saw him before.

Nagmamadali ito papunta sa isang ambulance habang may karga-kargang bata na sugatan dahil sa sunog. He's like a brave and dashing superhero in uniform. Pagkatapos nitong sagipin ang bata, bumalik agad ito sa firetruck kung saan kami malapit, at doon ko lang nakita nang maayos ang mukha niya.

I knew it! He looked rugged and dirty, with ash smudged across his face, but I couldn't be wrong. Siya 'yung Pinoy na sinita ko sa Piers Park nung isang araw!

At mukhang nakilala niya rin agad ako kasi bigla siyang tumitig sa 'kin, tapos ngumiti siya bago tuluyang bumalik sa firetruck.

I froze for a second. OA na kung OA, pero biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. I'm 27, but my heart fluttered like I was 16! Napakapa na lang agad ako sa dibdib ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Oh my god!" Bigla namang nag-react si Max. "Did you see that? Nginitian ka! Ang gwapo!"

"Huh?" Patay malisya ako kunwari. "Ngumiti ba? Hindi ko nakita."

"Ano ka ba naman!" Hinampas niya ako sa braso. "Harap-harapan ka nang nginitian, hindi mo nakita?"

"Hindi nga. Wala naman sa mga firefighters ang atensyon ko. Tara na. We need to check our apartment, too."

Nauna na akong naglakad pabalik habang nagpipigil ng ngiti. Akalain mo 'yon? Firefighter pala siya. I'm trying to remember his name. Alam ko nagpakilala siya sa 'kin, pero hindi ko maalala. Is it Julian? I think it's Julian.

"Carla!" Biglang humabol sa 'kin si Max. "Dinouble-check ko kung gwapo ba talaga, and confirmed! Mukha siyang Pinoy. Do you know him?"

"Does it look like I know him?"

"E bakit ka niya biglang nginitian?"

"Aba, malay."

"Sus! I will find that guy. Buti na lang may kakilala ako sa Boston Fire Department. Itatanong ko kung sino 'yon."

Napasapo ako sa noo ko habang naglalakad kami papasok ng building. "Oh god, Max. Ayan ka na naman sa kachi-chismis mo. Wag mo na siyang kilalanin. Isusumbong kita sa boyfriend mo, sige ka."

"E hindi naman para sa 'kin 'to, 'no. I'm doing this for you. Ayaw mo naman kasi sa mga foreigners na pinakikilala ko sa 'yo."

"You know there's more to life than wanting a man. Ang saya-saya kaya maging single. I can do whatever I want." Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang 4th-floor button.

"Twenty-seven ka na, madam. Kailan ka pa magiging interisado sa lalaki, kapag 50 ka na? Matutuyo 'yan, sige ka." Tinuro niya pa talaga ang private part ko.

Natawa na lang ako sabay pinalo ang daliri niya. "Bastos ka talaga."

Hindi ko na ulit siya pinansin, pero sa totoo lang, natutuwa ako sa brief encounter ko sa firefighter na 'yon. Who would've thought I would see him again?

• • •

Kinagabihan, hirap akong makatulog kasi iniisip ko pa rin ang nangyari.

I don't know, but for some reason, I couldn't get that firefighter off my mind. Hindi naman ganito 'yung naramdaman ko nung unang beses ko siyang nakita sa Piers Park. Nainis pa nga ako sa kanya no'n kasi ang lakas-lakas ng boses niya.

I'm wondering if that's really him. Ibang-iba kasi 'yung dating niya sa fire scene, e. Ang hot niya kanina at para talaga siyang superhero, lalo na nung nililigtas niya 'yung bata. Medyo na-guilty tuloy ako na sinungitan ko siya sa park. That's not how I usually am. Sadyang bad mood lang that day kasi may period ako.

"Carla Sierra Sy!"

Nabulabog ang pagpapahinga ko sa kwarto nang biglang pumasok si Max. Binuksan niya pa talaga lahat ng ilaw.

Nasilaw ako kaya nagtalukbong agad ako ng kumot. "Ano ba 'yan, Maximo!"

"Bumangon ka diyan. You owe me a thank you right now because I finally found your smoldering-hot firefighter!"

Ibang klase talaga ang stalking skills niya. Napangiti ako, pero tinago ko at umarte pa kunwari. "Please, Max. I'm meeting a former student first thing in the morning. Pwede bang patulugin mo muna ako?"

"Nope. This is interesting. Look!" Naramdaman ko siyang umupo sa gilid ng kama ko. "I was right, Pilipino rin siya. His name is Zian Mitchel Robles."

Bigla akong napadilat sa ilalim ng kumot. Tama! Zian! 'Yung nga 'yung pangalan na pinakilala niya sa 'kin.

Pasimple ko nang sinilip si Max. He was scrolling through his tablet.

"Pinadali ko na ang buhay mo," sabi niya pa. "Hinanap ko na rin siya sa Facebook at please, tingnan mo kung gaano siya ka-hot. Kasing init ng mga apoy na inaapula niya!"

Nagpigil ako ng tawa at pinandigan pa rin ang pag-arte. "I said I'm not interested. Sige na, matutulog na ako. Tsaka baka mamaya, may girlfriend na 'yan."

"He's single! Na-stalk ko na. Just take a look, okay? I'll be back. Tumatawag ang boyfriend ko, kauusapin ko lang."

Narinig ko siyang lumabas ng kwarto. Pagkasara ng pinto, bumangon agad ako at kinuha ang tablet niya na iniwan niya sa kama.

Facebook profile nga ng isang Zian Mitchel Robles ang naka-open.

Siya ba talaga 'to? I tapped the profile picture and zoomed it in. Mukhang siya naman nga. God, he's really got the looks. Parang AI-generated sa sobrang gwapo.

Matagal na ang huli niyang update sa Facebook. One year ago pa at mukhang nasa Pilipinas siya nito.

I quickly went through his profile. Pero habang palayo ako nang palayo, parang bigla akong nagdadalawang isip kung tama ba talaga 'tong tao na nahanap ni Max. This guy looks crazy rich. A lot of his photos show him at the golf club or aboard a private yacht. May mga kuha rin siya na naka-suit and tie sa loob ng mga fancy restaurants na para bang bachelor CEO siya ng isang multi-billion company.

He is so fine. Parang hindi naman ganito 'yung aura na naramdaman ko nung nakita ko siya. There's no way he's the same firefighter I met here.

Tsk, baka jino-joke time lang ako ni Max. Binaba ko na ang tablet niya bago pa siya bumalik, tapos nagtalukbong na ulit ako ng kumot.

I need to stop thinking about that Zian, but I couldn't help it. Hindi ako naniniwala sa love at first sight—or in my case, at second sight. Pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon.

TO BE CONTINUED

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro