Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

ZIAN MITCHEL ROBLES

Boston, Massachusetts

"JESUS, LEILA! ANG simple-simple lang ng hinihingi ko sa 'yo. I just want to know where Vanessa is!"

Hindi ko mapigilang hindi mapikon sa kausap ko sa telepono. Ang hirap niya na ngang matawagan sa Pilipinas, hindi niya pa maibigay ang impormasyon na ang tagal ko nang hinihingi.

"Hay naku, Zian!" singhal niya rin sa 'kin. "Kahit umuwi ka pa rito sa Pinas ngayon at pigain ako nang harap-harapan, wala kang mahihita. Hindi ko talaga alam kung nasaan ang pinsan ko!"

"That's impossible. Vanessa trusts you, and I know she tells you everything."

"E sa wala ngang sinabi sa 'kin si Vannie, e! Ang tagal ko na rin siyang hindi nakakausap. Nilayo siya ni Allen, lumipat sila ng bahay pagkatapos nitong mabuking ang relasyon niyo ng asawa niya. Pwede ba, Zian, tantanan mo na ang pinsan ko? She's married, for Christ's sake!"

"Hindi naman ako magkakaganito kung hindi niyo ako pinaasa! Nangako sa 'kin si Vannie na susunod siya sa 'kin dito sa Amerika. Tangina, mahigit isang taon na akong naghihintay, wala pa rin!"

Magtu-tuloy-tuloy pa sana ako ng bulyaw, pero may biglang kumalabit sa balikat ko.

Nahimasmasan ako at kunot-noong lumingon sa likod. May katabi na pala akong babae sa kinauupuan kong bench.

"Could you quiet down a bit?" masungit niyang sita sa 'kin. "I'm trying to focus here."

Nagpe-paint pala kasi siya.

Nahiya ako kaya tumayo na lang agad ako at naglakad palapit sa railings ng Piers Park para rito na ulit kausapin si Leila.

I took a second to settle my emotions before speaking up again. "I'm sorry, Lei, it's just that . . . it's so frustrating. I've been here for over a year. Nangako ka rin kasi sa 'kin na tutulungan mo ako sa pinsan mo, pero kung hindi pa kita tinadtad ng tawag, hindi ka pa sasagot."

"I'm sorry too, okay?" Huminahon na rin ang boses niya. "Ang alanganin din kasi palagi ng tawag mo kaya hindi ko nasasagot. Alam mo naman siguro kung anong oras pa lang dito sa Pilipinas. It's freaking four in the morning. I have a shoot later, pero inistorbo mo na naman ako."

"I'm sorry. Sobrang desperado na talaga akong magkaroon ng balita tungkol kay Vanessa."

Huminga siya nang malalim. "I thought everything would be easy. Kung alam ko lang talaga kung saan itinago ni Allen si Vannie, matagal na kitang sinabihan."

"I told you to give her my U.S. number, right? Binigay mo ba?"

"Oo, matagal ko nang naibigay. Hindi ka pa rin ba niya tinatawagan?"

Walang gana akong napahaplos sa buhok ko. "Negative. Leila, please help me find her. Ang lungkot-lungkot mag-isa sa ibang bansa. I want Vanessa here with me."

"Tsk, hindi ko na talaga alam kung papaano pa kita matutulungan. Naiipit din ako rito. Lalong uminit ang dugo sa 'kin ni Allen dahil alam niyang naging takbuhan ako ni Vannie. Ang hirap gumalaw."

"Could you please try your best? Gusto ko lang talagang malaman kung nasaan siya, kung anong lagay niya kay Allen, at kung bakit hindi siya sumunod sa 'kin."

Hindi siya sumagot.

"Leila? Please?"

Nagbuntonghininga siya. "I'll see what I can do, but I can't promise."

Napapikit ako nang mariin. "Salamat. Pasensya na kung nataasan na naman kita ng boses. Hihintayin ko na lang ang balita mo."

Hindi na ulit siya sumagot. Bigla niya na lang binaba ang tawag.

Huminga ako nang malalim sabay sinuksok ang cellphone sa bulsa ko at naglakad pabalik sa bench.

Nandoon pa rin 'yung babae na nanita sa 'kin.

Lumapit ako sa kanya. "Hi. Sorry about the noise. I didn't notice someone was already sitting next to me."

"Okay lang."

Napakunot agad ako ng noo. "Pinoy ka?"

"Isn't it obvious? Ang lakas-lakas ng boses mo, ha. Ang lutong mo pang mag-mura."

Nagpigil ako ng ngiti. Hindi ko nahalata na Pilipino rin pala siya. At first I honestly thought she was Chinese but a citizen here. Nagulat ako nung sumagot siya nang Tagalog.

Pero ang sarap sa pakiramdam kapag may nakikila akong Pinoy rito sa ibang bansa kasi nakakalimutan kong malungkot ako at ang layo-layo ko sa Pilipinas.

I reached out my hand to her for a handshake. "Zian, by the way."

Tipid lang naman siyang ngumiti bago tinanggap ang pakikipag-kamay ko. "Carla Sy."

'Yun lang ang sinabi niya sa 'kin, tapos bumalik na ulit siya sa pagpi-pinta niya. She's clearly an artist.

Hindi na ako nanggulo kasi halata ko namang busy siya at walang interes makipag-usap. Nagpaalam lang ako, tapos kinuha na ang bag ko sa bench at umalis.

Bago ako tuluyang makalayo, tiningnan ko pa ulit siya.

Hindi ko alam kung dahil lang ba parehas kaming Pilipino, pero ang gaan ng loob ko sa kanya kahit na sinungitan niya ako kanina. I hope I get to see her again.

TO BE CONTINUED

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro