Chapter 5:
"Uy bading, sino iyong boylet kanina? May pahalik halik pa sa noo?"
Tinusok-tusok ni Abby ang tagiliran nya. Napaigtad naman sya sa ginawa nito. Abby is her assistant editor-in-chief. Kanina pa kasi ito nangungulit tungkol kay Lucas.
"Wala iyon."
"Anong wala. May pakiss pa sa forehead. Di na lang sa lips para bongga!"
Tinaas nito ang kamay na para bang nanalo sa lotto.
"Heh! Wag mo na alamin."
Hindi naman nya maalis ang ngiti sa labi nya. Hanggang ngayon ay ramdam pa din nya ang halik na ginawad sa kanya ni Lucas. Ibang iba iyon sa halik ni Nico, noong sila pang dalawa. Teka? Bakit ko ba kinokompara si Lucas kay Nico?
"Uy, napapangiti ang lola mo. Hoy baka mahanginan ka nyan."
Saway sa kanya ni Abby. Umikot ang mata nya dito.
"Inggit ka lang."
"So move on na ba ang drama mo kay Nico?"
"Nico who?"
"Ay wow. Kinalimutan nya na. Mabuti yan. Magfocus ka na lang sa bago mong boylet."
Natawa sya sa sinabi nito. Pinagpatuloy nya ang trabaho. Nagmeeting naman sila tungkol sa susunod na issue ng Summit Magazine. Naging abala sya nang araw na iyon. Hindi nya namalayan na gabi na pala. Kung hindi pa nagpaalam ang mga kasamahan nya ay hindi nya malalaman na uwian na pala.
"Tine, una na ako sayo ah. Tinitext na ako ng mga junakis ko."
Paalam sa kanya ni Abby.
"Sige. Mamaya maya uuwi na din ako. Ingat ka."
Nagbeso silang dalawa. Nauna nang umalis si Abby at naiwan naman syang mag-isa. Kapag ganito kasing mag-iissue sila ng panibagong magazine ay nag oovertime sya para iproof read ang mga articles na gawa ng writers nya. Napahikab naman nya. Napasigaw sya sa takot nang maaninag ang isang anino na nasa pintuan ng office nya. Pero daig pa sya nakakita ng multo sa nakita. What a handsome ghost.
"Heys Celestine. It's me."
Dali daling pumasok si Lucas sa loob ng opisina nya. Binuksan nito ang ilaw at bumaha ng liwanag ang paligid. Nasapo nya ang dibdib sa kaba at takot.
"Lucas naman. Bakit ka ba nanggugulat?"
"Sorry, ayaw lang kita istorbohin, sabi kasi ng kasamahan mo wag kitang istorbohin."
"Aatakihin naman ako sayo eh. By the way, what are you doing here?"
"I'm here to pick you up."
"Pick me up?"
"Yes. Have you eaten dinner?"
Lumapit ito sa kanya. Umiling naman sya.
"Same here. Let's go?"
"Saan?"
"To get some dinner."
"Wala ka bang trabaho?"
Ngumiti lang ito sa kanya. Shet! Ngiti pa lang dinner na.
"Sandali, maglilipit lang ako."
Nang tumayo sya ay nabuway sya sa pagkakatayo. Parang nanghina bigla ang mga tuhod nya. Kaagad syang dinaluhan ni Lucas.
"Are you sure you're okay Celestine?"
"Yeah, I am. Kanina pa kasi ako nakaupo. Nangalay lang ang nga binti ko."
Napasinghap sya nang bigla syang buhatid ni Lucas at dalhin sya sa sofa. Tinanggal nito ang sapatos ay at saka hinilot ang paa nya.
"You don't have to do that."
Hindi naman ito kumibo sa sinabi nya at nagpatuloy ang paghihilot nito sa paa nya. Dahil doon nabigyan sya ng pagkakataon na titigan ang lalaki. He has perfectly shaped jawline. Mas makinig pa ata ang mukha nito sa kanya. Gusto nyang maiinggit dahil doon.
"Masakit pa ba?"
Tanong nito sa kanya. Nag-iba sya agad ng tingin dahil baka isipin nito na tinititigan nya ito.
"Okay na. Hindi na masakit."
"Okay."
Isinuot nito sa kanya ang sapatos. Iyon ang unang beses na may nagmasahe sa paa nya na ibang tao. Kahit noong sila pa ni Nico ay hindi nito nagawa ang ganoon sa kanya.
Tatayo na sana sya upang ayusin ang mga gamit nya but Lucas told her just to sit down dahil ito na ang magliligpit ng gamit nya. Wala syang magawa kundi sundan ito ng tingin. Inayos nito ang mga papel papel sa lamesa nya, maging ang laptop nya ay iniligpit nito at nilagay sa laptop case nya. Lucas is a perfect gentleman. Kahit sinong babae ay mahuhulog dito.
"Let's go?"
Wika nito sa kanya.
"Lucas."
"Yes?"
"Why are you doing this? Is it because of the contract?"
Napatitig ito sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanya, then held her chin.
"Because I want to."
"C'mon Lucas, we all know that it's because of the stupid contract."
"Celestine--"
"I'm sorry if I'm harsh. Tama ka, siguro gutom lang ito."
Nauna syang lumabas ng opisina. Nakasunod naman sa kanya si Lucas.
Sumakay na sila sa elevator. She shivered when she felt the coldness of the steel wall. Hinubad ni Lucas ang suot na coat at isinuot sa kanya.
"Thanks."
Paano nya ba pipigilan ang sarili na mahulog dito kung ito mismo ang nagbibigay ng dahilan para mahulog sya dito.
Simula nang break up nila ni Nico ay isinarado na nya ang puso sa mga lalaki. But when Lucas came around in the picture, nagbago ang pananaw nya. Muli syang nakaramdam ng kilig dito. Isang araw pa lang nya itong nakakasama pero kung umasta ito ay daig pa ang magnobyo sila.
Hanggang sa loob ng sasakyan ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Marahil ay naoffend nya ito kaya ayaw sya nitong kausapin.
"I'm sorry about what I said earlier."
Sya na ang pumutol ng katahimikan.
"It was nothing Celestine. You were right, I'm doing this because of the contract. Hindi ko ugaling hindi sumunod sa kontratang napirmahan ko. I'm just obeying what's on the contract."
"Pero hindi mo naman kailangan sundin iyon."
Hindi naman ito sumagot sa sinabi nya kaya naman nanahimik na sya. Inaliw na lang nya ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakarating sila sa isang restaurant. Pinagbuksan sya ng pintuan ni Lucas. Nakaalalay ito sa kanya papasok ng restaurant.
"Good evening sir, do you have reservation?"
Salubong sa kanila ng isang usher.
"Fontalejo please."
"For a moment sir."
Tiningan ng usher ang pangalan ni Lucas sa hawak nitong tablet. Ngumiti ito at iginiya sila sa magiging table nila.
"This is so expensive Lucas."
Ani nya dito. Bahagyang ngumiti si Lucas. Inabutan sila ng waiter ng menu. Halos malula naman sya sa presyo ng mga pagkain doon. Mayaman naman sila pero hindi nila ugaling kumain sa mamahaling restaurant ng pamilya nya.
"Is there a problem Celestine?"
"Nothing. Uhm. Pwede bang sa iba na lang tayo kumain?"
"Saan mo gustong kumain?"
Nagkaroon naman sya ng ideya. Tumayo sya at inakay ito palabas ng restaurant na iyon.
"Teka. Saan tayo pupunta?"
"You'll see."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro