Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3:

Nasa isang tabi lang si Celestine nakaupo at nagmamasid sa paligid. Nang dumating sila sa Diamond Hotel kung saan dinaraos ang charity ball ng kanyang ina ay naupo na lang sya sa isang tabi. May bumabati sa kanya dahil nakikilala sya ng mga ito bilang anak nina Charita at Jose Miraber.

Napagod na ang pisngi nya kakabeso beso. Mabuti na lang at pwedeng kumuha ng finger foods sa buffet na nakahanda. She opted for choco bavarian and chocolate truffles. Paborito nya kasi ang mga iyon. She loves chocolate. Mabilis naman ang metabolism nya kaya okay lang na kumain sya ng marami.

Habang kumakain ay napansin nyang nagkakagulo ang mga guest na babae. Baka may artistang inimbita si mommy. Iyon ang nasa isip nya. Ipinagpatuloy lang nya ang pagkain. Sa wakas ay nagsimula na ang palatuntunan. Bumalik sya sa upuan nya kung saan kasama nya sa table ang kanyang ina at ama. Pero napako ang tingin nya sa isang lalaki na katabi ng kanyang ama.

He has sharp jawline and authoritative figure. Seryoso din ang mukha nito habang nakamasid sa entablado. Kinakausap ito ng ama nya. Patango tango naman ang lalaki. Napansin at ng lalaki na nakatingin sya dito dahil dumako ang mga mata ng lalaki sa kanya. Napasinghap sya at nag-iba ng tingin. Her heart skipped.

  "Are you okay iha?"
Tanong ng kanyang ina. Mukhang hindi nito nakita na nakamasid sya sa lalaki. Mabuti na iyon at baka asarin pa sya nito.

  "I'm okay mom."

  "Are you sure? You're blushing kasi."

  "Blusher ko lang po iyan."

Tinuon nya ang atensyon sa palatuntunan. Nagsimula iyon sa speech ng ina at ama. Kung paano nabuo ang foundation nila para sa mga batang may sakit na cancer. Matapos ang speech ng kanyang mga magulang ay isang malakas na palakpakan ang natanggap ng mga ito. Paminsan minsan syang tumitingin sa lalaking estranghero. Pero sa bawat tingin nya dito ay lumulukso ang puso nya dahil nakatingin din ito sa kanya. Is he checking her? No! No! Men like him are just like Nico!

Sumunod sa palatuntunan ay ang auction. Kung saan may ipepresintang bagay at magbibid ang mga tao, ang may pinakamalaking bid ay doon mapupunta ang bagay na inauction. Nagsimula ang auction sa isang vase na pinintahan ng sikat na italian artist. Isa isa nang nagbid ang mga guest. Nagpatuloy ang bidding hanggang sa mapunta ang bidding sa lalaking katabi ng kanyang ama.

  "For our last bid, is a date with Mr. Lucas Fontalejo. We all know that Mr. Fontalejo is one of the elusive bachelor in the country."

Tumayo si Lucas at pumunta sa stage. Nagsigawan naman ang mga babaeng guest at halatang kinikilig. Maging ang kanyang ina ay kinikilig. Nagsimula na ang bidding.

Oh my god.

  "Fifty thousand!"
Anang isang matrona.

  "Sixty thousand!"

  "Eighty thousand!"

Nagsunod sunod ang bidding. Gustong gusto nyang magbid kaso maghihirap sya dahil mababawasan ang ipon nya. Hindi naman sya milyonarya para magbid ng milyon. Napaparanoid sya sa bawat presyong nagbibid. No! He's mine!

  "Two Million!"
Sigaw ng kanyang ina. Gulat na gulat syang napatingin sa ina. Bakit ito nag bid ng ganoon kalaki? Tumingin sa kanya ang ina at kumindat sa kanya. Oh no.

  "Mr. Lucas Fontalejo sold to?"

  "Sold to my daughter. Celestine Hope Miraber."

Halos lumubog si Celestine sa kinauupuan sa sinabi ng kanyang ina. Ano daw? Sold to her si Lucas? Umupo ang kanyang ina at bumulong sa kanya.

  "Thank me later honey."
Kinikilig nitong sabi sa kanya.

  "Ms. Celestine will you come to the stage and claim your price."
Sabi ng emcee. Wala naman syang magawa kundi pumunta sa stage. Nanginginig pa ang mga tuhod nya at muntik syang matapilok sa suot na heels. Pero mabilis syang nalalayan ni Lucas at hinawakan sya nito sa bewang. The crowd cheered for them. Parang may milyon milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan nya nang hawakan sya ni Lucas. Inisa isa ng emcee ang magiging set up nila ni Lucas pero walang pumapasok sa isip nya dahil preoccupied ang utak nya sa kamay nitong nakapulupot sa bewang nya.

Oh god talaga. Deym.

Nang matapos ang event ay isa isa nang nagsipag alisan ang mga guest. Halos lahat ng mga ito ay binati sya ng congratulations, daig pa ata nya ang naengage ng gabing iyon. Katabi naman nya si Lucas at nakikipag kamay din sa mga guest.

Hinanap naman nya ang ama't ina but they are no where to be found. Kinabahan sya. Mukhang iniwan sya ng mga ito. Tumunog ang cellphone nya. She received a text message from her mom saying that she will be taking cared by Lucas. Nasapo nya ang ulo.

  "Mommy naman."
Bulong nya. Lumapit sa kanya si Lucas. He put his coat on her shoulders.

  "Thank you."
Nauutal na sabi nya dito. Ngumiti ito sa kanya.

  "Ditched by your parents?"

  "Apparently yes."

  "Well then, ihahatid na kita."
He suggested. May iba pa ba syang magagawa? Well she can take the cab. Yes she will take the cab. Magbabayad na lang sya kapag nakarating sya ng bahay dahil wala syang dalang cash. Tanging cellphone lang ang kasya sa purse nya.

  "No thank, I'll take the cab."

  "No Celestine, you will not take the cab."
Seryosong sabi nito sa kanya. Hindi sya makatingin ng diretso dito dahil nahihiya sya. Feeling nya tuloy nasa JS prom sya at kasama ang dream date nya.

  "But--"

  "No buts Celestine. I'll take you home."

  "Okay."

Para syang batang napasunod nito. Hindi nya ugaling sumonod sa ibang tao. May pagka-authoritative nga daw sya. Pero pagdating kay Lucas ay napasunod sya agad nito. Dinala sya ni Lucas sa parking lot kung saan naroroon ang sasakyan nito. Napanganga sya dahil hindi basta bastang sasakyan ang dala nito. He's using an Audi R8. Alam nyang mahal iyon dahil her ex was an Audi fan.

  "Hop in."
Sabi ni Lucas at pinagbuksan sya nito ng pinto ng sasakyan. Nagdadalawang isip naman sya kung sasakay sya o hindi. Mukhang nabasa naman ni Lucas ang isip nya.

  "Wala akong gagawing masama sayo. You can call the cops if you want."

  "Sorry, hindi lang ako sanay ng sumasakay sa ibang sasakyan."

  "Ohh, don't worry, I wont bite Celestine."

Ahhh. Music to my ears.

Sumakay na sya sa loob. Lucas also hoped in and started the engine. Habang nasa byahe ay walang umiimik sa kanilang dalawa. Tanging naririnig nya ay ang kabog ng dibdib nya.

  "Nervous?"

  "Ha?"
Gulat na gulat nyang sabi nito. Lucas chuckled.

  "Did I startled you?"

  "No. Uhm, I'm sorry."

  "Sorry for what?"
Ani ni Lucas, napatingin ito sa kanya.

  "Nothing. Sorry."

  "Again. You're cute."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Celestine. Sanay syang sabihan ng maganda daw sya pero ngayon nya lang narinig ang ganoong papuri. Cute indeed.
Binuksan ni Lucas ang stereo ng sasakyan. Sumalang doon ang classical music. Napasandal sya sa headrest ng sasakyan. Parang hinihele syang matulog.

  "You can rest Celestine."

  "Thank you."

Pinikit nya ang mga mata hanggang tuluyan syang gupuin ng antok at pagod.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro