Chapter 18
"Nico, what are you doing here?"
Tanong ni Celestine sa dating kasintahan. May dala dala itong bungkos ng bulaklak. May saklay ito na nakaipit sa kaliwang kili-kili nito.
"I told you, I will do everything to win you back."
Wika nito at naglakad palapit sa kanya. Ika-ika pa din ang lakad nito tanda na hindi pa din ito tuluyang gumagaling.
Hindi nya alam kung kukunin ba nya ang hawak nitong bulaklak.
"Can we talk in private Nico."
"Of course."
Kinuha nya ang bulaklak dito dahil mukha na itong nahihirapan. Pinasok muna nya ang bulaklak sa table nya. Inalalayan nya si Nico na makarating sa cafeteria. Umaga pa naman kaya wala masyadong tao doon.
"Alam ba ng parents mo na nagpunta ka dito?"
"Yes, I also got a permission from my therapist. Sabi nya sa akin na mas mabuting maglakad lakad ako para lalong bumilis ang paggaling ng paa ko. But don't worry, I'm okay now."
"Good to hear that."
Mahinang sabi ni Celestine. Napasinghap sya ng mahina nang kunin ni Nico ang kamay nya.
"Celestine--"
"I already have a boyfriend Nico."
Walang atubiling sabi nya dito. Ito na marahil ang tamang oras upang sabihin dito na mayroon na syang nobyo. And that she already moved on.
"I know."
"What? You know?"
"Yes Celestine."
"Then why--"
"I love you, I know it's too late. But I want you back Celestine. I still love you."
Hindi alam ni Celestine kung anong sasabihin dito. Paano nito nalaman na mayroon na syang nobyo? Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Nico sa kamay nya.
"Please Celestine. Bumalik ka na sa akin."
"I'm sorry Nico, but I love Lucas. Sya na ang buhay ko ngayon."
Binawi ni Celestine ang kamay mula dito at tumayo. Babalik na sana sya ng opisina nya nang yakapin sya ni Nico mula sa likod.
"Nico bitawan mo ako."
Nagpumiglas sya ngunit may malakas ito sa kanya.
"Please Celestine. I beg you."
"Sorry Nico, wala ka nang babalikan sa akin. I already moved on. Sana ikaw din."
Tinanggal nya ang mga kamay nito at tumakbo palayo dito. Dahil nakayuko syang tumakbo ay bumangga sya isang matipunong dibdib.
"I'm sorry."
Wikang paumanhin nya sa nabanggang tao.
"My love?"
Napatingala si Celestine. It was Lucas. Tinulungan sya nitong makatayo.
"Celestine!"
Parehas silang napalingon ni Lucas sa likod nya. Hinabol pala sya ni Nico. Bakas sa mukha ni Lucas ang poot nang makita nito si Nico.
"What did you to Celestine?"
Susugurin sana ni Lucas si Nico pero nahawakan ito ni Celestine sa dibdib at pinigilan ang nobyo.
"I'm here to win her back."
Lakas loob na sabi ni Nico.
"Win her back? Gago ka ba? Pagkatapos mong saktan si Celestine iyan ang sasabihin mo?!"
Hindi naman nakasagot si Nico sa sinabi ni Lucas. Huminga ng malalim si Nico at saka bumaling kay Celestine.
"I will go now Celestine."
Wika nito. Tiningnan nito ng masama si Lucas at saka naglakad palabas ng buiding.
"Are you okay my love?"
Lucas cupped her face and planted a kiss on her forehead. Tumango naman si Celestine. Dinala nya si Lucas sa opisina nya. Wala syang pakialam kung anong sasabihin ng mga katrabaho nya. Ito naman talaga ang nobyo. Para bigyan sila ng privacy ay lumabas muna si Abby upang makapag-usap sila ni Lucas.
"Anong ginawa dito Nico? Did he hurt you?"
"No."
Napadako ang tingin ni Lucas sa bulaklak na nasa table nya. Kinuha nito ang bulaklak at itinapon sa basurahan.
"I'm sorry Lucas. Sana umpisa pa lang hindi na ako pumayag sa gusto ng mga magulang ni Nico na tulungan sya sa therapy nya. Umaasa tuloy sya na magkakabalikan pa kami. I'm really sorry."
Hindi nya namalayan na napaluha na pala sya. Lumapit sa kanya si Lucas at pinunasan ang luha nya.
"You don't have to say sorry Celestine. Hush now my love. Ayokong nakikita kang umiiyak."
Masuyong sabi nito sa kanya. Yumakap naman sya dito at sininghot-singhot ang pabango nito sa suot na three piece suit. Narinig nyang tumawa ito.
"Did you just sniff me?"
Ngumuso sya dito.
"Bakit? Masama ba? Eh ang bango mo eh. Nakakaadik lang."
"Sige basta ako lang kakaadikan mo. Wala nang iba."
Pilyong sabi nito sa kanya. Namula ang pisngi ni Celestine sa sinabi nito. Bigla nyang naalala ang--
"Why are you blushing my love?"
Hinapit ni Lucas ang bewang nya palapit dito. Napalunok si Celestine. Pakiramdam nya ay nag-init ang buong paligid kahit nakacentralized aircon sila.
"Celestine nandito na yung-- ay butike! Sorry po!"
Parehas silang magulat ni Lucas nang bumukas ang pinto. Papasok sana si Abby nang madatnan nito ang itsura nilang dalawa. Kaagad syang binitawan ni Lucas. Sinara naman ni Abby ang pintuan. Tumikhim ng malakas i Lucas.
"I should go Celestine. Susunduin na lang kita mamaya."
"Okay."
Iyon lang ang nasabi ni Celestine. Hinalikan sya ni Lucas sa noo at saka lumabas ng opisina nya. Gusto nyang lumubog sa kahihiyan dahil baka isipin ni Abby na may nagaganap sa kanilang dalawa. Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok na si Abby.
"Mayroon akong nakita, hindi ko sasabihin."
Pakantang pang-aasar nito sa kanya. Umikot ang mga mata nya dito.
"Nothing happened."
"Ay sayang akala ko naman may naganap dito sa office natin. Wahihi."
Kinikilig na wika nito. Napailing na lang sya.
***
Nang sumunod na araw ay naging abala si Celestine dahil irerelease na ang monthly issue ng Summit Magazine. Pero kahit ganoon ay nakakahanap sya ng time upang makasama si Lucas. Pakiramdam kasi nya kulang ang araw nya kapag hindi nakakasama ang nobyo.
Huminto na din sya sa pagpunta sa therapy ni Nico. Opisyal na nyang tinapos ang ugnayan nila ng dating kasintahan. Ayaw nyang bigyan ng dahilan si Lucas na magselos pa dito. Tama si Spencer dapat dati pa nya tinapos ang koneksyon nya kay Nico.
Naging natagumpay naman ang release ng magazine. Kaya naman nagyaya nang gabing iyon ang mga kasamahan nya na pumunta sa isang sikat na bar upang uminom at mag-unwind. Ayaw sana nyang sumama pero napilitan sya dahil na din sa pagsusumamo ng mga kasamahan nya. Kasama naman si Abby kaya napa 'oo' na din sya.
Ang mga kasamahan nya ang naghanap ng magiging table nila. Nang makahanap ay kaagad na umorder ang mga ito ng inumin. Naalala tuloy nya noong broken hearted sya kay Nico na nagpupunta sya sa bar upang lunurin ang sarili sa alak. Napailing na lang syan habang inaalala iyon. Thank God she found Lucas. Kung hindi sya sumama sa ina noong charity ball ay hindi nya ito makilala.
Speaking of Lucas. Hindi pa pala nya ito naiinform na lumabas sya kasama ng mga katrabaho nya. Kinuha nya ang cellphone upang itext ito. Pero habang nagtetext sya ay kinuha ng katrabaho nyang si Angelo ang cellphone nya.
"Bawal magsumbong sa jowa Ms. Celestine. This is our night."
Wika nito sa kanya.
"Angelo, give me back my phone."
Pinilit nyang agawin ang cellphone dito pero pinagkaisahan sya ng mga katrabaho at pinagpasa-pasahan ang cellphone nya.
"Guys naman. I need to tell Lucas that I am here. Mag-aalala iyon panigurado."
"Hindi pa naman kayo kasal Ma'am. So it's fine. Enjoy the night. Ang daming fafables dito."
"I only have one man in my life and that is Lucas. Excuse me."
Inagaw nya ang cellphone dito at saka nagmartsa palabas ng club. Bahala na kung magtampo ang mga ito sa inasal nya. Nagtext na lang sya kay Abby na uuwi na sya. Habang naglalakad sya ay bigla na lang may tumakip sa ilong nya at saka nawalan sya ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro