Chapter 13:
Naging mabilis ang recovery ni Nico dahil kay Celestine. Palagi kasi syang kasama nito kapag nagpapatherapy. Malaki naman ang pasasalamat ng mga magulang ni Nico sa kanya. Ang problema nga lang ay umaasa si Nico na muli silang magkakabalikan. Hindi pa kasi nya sinasabi dito mayroon na syang nobyo, ayaw naman nyang biglain dito dahil baka magback out ito sa therapy.
Suportado naman sya ni Lucas sa pagtulong nya kay Nico. Mabuti na lang at hindi ito seloso. Katulad nang pinangako nya dito, ay naging tapat sya kay Lucas. Wala na syang nililihim dito. Ayaw nyang umabot sa puntong masasaktan ito dahil sa pagsama nya kay Nico sa therapy nito.
***
"Siguradong ipapakilala mo na ako sa mga magulang mo?"
Kinakabahang tanong ni Celestine kay Lucas. Tinawagan kasi sya nito upang ibalitang kasama sya sa family dinner nito.
"Of course my love. You already introduced me to your parents. I want to do the same thing to you."
Wika nito. Noong nakaraang gabi kasi ay opisyal na pinakilala nya ito sa mga magulang nya bilang nobyo nya. Sobrang tuwa naman ng kanyang ina nang malaman iyon. Kulang na lang ata ay magpalitson ito sa buong village nila.
"Ano namang isusuot ko? Kita mong nandito ako sa trabaho. Wala na akong time para mag-ayos."
"Don't worry, you look great Celestine."
"Ano ka ba. Parents mo ang usapan dito. Dapat presintable ako kapag humarap sa kanila."
"You are beautiful my love."
"Ewan ko sayo. Nambola pa."
"I'm saying the truth my love."
"Oh sya sige na. Bahala na mamaya."
"I love you."
Pinamulahan ng mukha si Celestine nang sabihin iyon ni Lucas.
"I love you too."
Sya na ang pumutol ng linya. Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi nya. Kinikilig pa din sya hanggang ngayon. Sinaway naman sya ni Abby.
"Hoy bawal baliw dito."
"Heh! Namomroblema na nga ako eh."
Nangalumbaba naman sya sa lamesa.
"Bakit?"
"Ipapakilala na kasi ako ni Lucas sa mga magulang nya."
Napasigaw sa gulat si Abby sa sinabi nya. Natutop nito ang bibig.
"Really? Omgggg! Me is so kilig!"
"Yeah, at mamaya na iyon."
"Really? Ano pang hinintay mo? Gorabels ka na sa salon!"
Napangiwi namans si Celestine sa inasta ni Abby. Parang mas excited pa ito sa kanya. Sya nga ay kinakabahan na eh.
"Wala kang kasama dito. At isa pa medyo marami pa akong gagawin."
"Don't worry, I got this. G ka na bakla! You need to impress your in-laws!"
Wala syang magawa kundi sundin ang kaibigan. Inayos nya ang table at binilin kay Abby ang mga gagawin. She was thankful for having as her assistant editor-in-chief. Umalis na sya bago pa sya ipagtabuyan nito.
She called Spencer and Jinx for help. Pero kasamaang palad ay busy ang mga kaibigan. So she called her mom instead. Sinabihan sya nito na magkita sila sa sa paborito nitong salon sa may Greenhills. Pagdating nya doon ay nandoon na ang ina. Kaagad syang pinaasikaso sa nga stylist na nandoon.
"Nako baby, pagkatapos nito, hindi ka na makikilala ni Lucas."
Kinikilig na wika ng kanyang ina habang nakasilip din sa salamin.
"Mommy naman, baka magmukha akong pupunta ng prom nyan ah."
"Baby, trust them. You have to learn how to trust."
Kinindatan sya ng ina. Trust? Naalala tuloy nya ang sinabi sa kanya ni Lucas noong nasa condo sya nito.
Halos isang oras din syang inayusan ng stylist ng salon na iyon. Nang matapos syang ayusan ay hindi sya makapaniwala sa naging itsura. They styled her in a french bun and put a light make up on her face.
"Oh my god. You look gorgeous iha."
Naiiyak na sabi ng kanyang ina. Maging sya nagulat sa naging itsura. Hindi naman kasi sya palaayos ng. Tama na sa kanya ang foundation at light lipstick kaya ngayon ay naninibago sya itsura.
"Nako madam, nakakababae naman ang ganda ng anak nyo."
Wika ng stylist ng kanyang ina na nag-ayos sa kanya.
"And for the last touch. Here. Wear it baby."
Inabot sa kanya ng ina ang isang paper bag ng isang sikat na designer. Mayaman man sila pero hindi sya naging maluho sa mga magulang nya. Natuto syang mag-ipon upang bumili ng gusto nya.
"Mom this is too much."
"Silly baby, anything for you. And besides, parents ni Lucas ang haharapin mo."
Niyakap nya ang ina.
"Thank you so much Mom."
"You're always welcome baby. Go wear it. I'm sure Lucas will drool over you."
***
"Wow."
Iyon lang naging usal ni Lucas nang sunduin sya nito. Pinamulahan sya ng mukha sa eskpresyon ng mukha nito.
"Y-you look gorgeous."
"Sus. Maliit na bagay."
"Parang ayaw na kitang ipakilala sa parents ko."
"Ha? Bakit naman? Masyado ba akong over dress? Magpapalit na lang ako."
"No. I'm afraid that my brothers will drool over you."
"Nambola pa to. Kinakabahan na nga ako eh."
"You'll be fine my love. Let's go?"
Kinuha nito ang kamay nya at naglakad sila palabas ng Greenhills. Halos lahat ng mga tao ay napapalingon sa kanila. Karamihan ng babae ay nakatingin naman kay Lucas. Gwapong gwapo kasi ito sa suot na three piece suit. Nakayuko naman sya habang naglalakad. Lucas held her chin up.
"Don't hide your face, you are beautiful."
Dahil sa ginawa at sinabi nito ay taas noo syang naglakad. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ni Lucas. As if she was telling the whole world that she's the girlfriend of Lucas Fontalejo. Nang marating nila ang parking lot ay pinagbuksan sya ng pinto ni Lucas. Sumakay naman sya. Lucas also hopped in and started the engine
"Are you scared?"
Tanong sa kanya ni Lucas.
"I am."
Kinuha ni Lucas ang isa nyang kamay at hinagkan iyon.
"I'm here, you don't have to be scared."
Sa buong durasyon ng byahe nila ay nakahawak sya sa kamay ni Lucas habang ang isang kamay naman nito ay nasa manibela. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba na bumabalot sa dibdib nya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro