Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15:

Nagising si Patty nang maramdaman nyang kumukulo ang tyan nya sa gutom. Pupungas-pungas syang bumangon at inilibot ang paningin sa kwartong iyon dahil amoy panlalaki ito, isang pamilyar na amoy ang nanunuot sa ilong nya. Parang nang-aakit. Hindi nya na kailangn hulaan kung kaninong kwarto iyon. Walang iba kundi kay Nathan. Nakita nyang may note sa bed side table nito. Kinuha nya iyon at binasa.

*may pagkain sa kitchen, hindi na kita ginising dahil tulog na tulog ka. Maaga akong umalis kasi may meeting kami nila kuya at mga pinsan ko. Uuwi din ako agad. I love you Pat.*

Her heartbeat beats so fast when she read the note. He said 'I love you' to her. This is so unsual dahil palaging 'Kambal' ang sinasabi nito sa kanya kapag nag-aI love you ito sa kanya. Wag mo munang bigyan ng Patty. Malay ko naman gusto ka nyang tawagin sa pangalan mo, masama ba iyon?

Napangiti sya.

  "What on earth happening to us Nathan."

Sabi nya sa sarili nya. Tumayo na sya at inayos ang kama. Kaya pala hindi sya gaano makakilos ng maayos habang natutulog dahil nakapang-alis pa syang damit. Napagdesisyunan nyang maligo muna bago kumain, kaya lumabas muna sa sya unit ni Nathan. Pagkalabas nya sa unit ni Nathan ay mayroon na namang bulaklak sa tapat ng pinto nya. May note ulit doon. Binasa nya iyon.

*have a great day ahead.*

Sulat kamay na iyon. Parang pamilyar sa kanya ang sulat. Hindi naman sulat ni Nathan ito. Nagdadalawang isip syang kunin ang bulaklak dahil sa sinabi ni Nathan na baka may bomba o hidden camera na nakatanim dito para iistalk sya. Kinuha nya na lang iyon at pumasok sa bahay nya. Tinapon na lang nya iyon sa basurahan. Tama naman din Nathan, mahirap na sa panahon ngayon. Naligo na sya at nagbihis. Dahil walang pagkain sa bahay nya ay babalik na lang sya sa bahay ni Nathan dahil may inawan itong pagkain para sa kanya. Hindi nya maiwasang kiligin. Dala-dala ang laptop nya lumabas na sya ng unit nya nang may makita syang babaeng kumakatok sa unit ni Nathan.

  "Miss may kailangan ka?"

Tanong nya dito. Medyo naasiwa sya nang bigla syang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at taasan sya ng kilay.

  "Are you Nathan's neighboor?"

Mataray na tanong nito sa kanya. Tumaas na din ang kilay nya. Akala mo ikaw lang nang may karapatang magtaray?

  "Why are you asking? Ano ka ba nya?"

Mataray na tanong nya din dito.

  "Im his friend. Ikaw? Di ba kapit-bahay ka lang naman nya?"

Sabi nito sa kanya. Naisipan nyang asarin ito.

  "No, Im not just his neighboor."

Sabi nya.

  "Then what are you? A maid? Bed warmer?"

Nakakainsultong tanong nito. Sarap ingudngod ang mukha!

  "Girl, Im his fiancé."

Sabi nya. Nanlaki ang mga mata ng bruha.

  "What?! Nathan said that she has no girlfriend?!"

Naasar na tanong nito sa kanya.

  "Exactly! She has no girlfriend, she already have a FIANCÉ."

Sabi nya dito, imemphasize nya ang salitang fiancé.

  "That's impossible! Hindi kayo bagay! You're not beautiful!"

Muling pang-iinsulto nito sa kanya. Bahagya syang natawa sa sinabi nito. Susungalngalin ko na talaga itong babaeng ito! Konti na lang.

  "Anong gusto mong palabasin? Na kayo ang mas bagay? Haller?! Girl wake up! Tumingin ka ba sa salamin? O sadyang malabo ang paningin mo?"

Sabi nya dito.

  "You!"

Inambahan sya ng sampal nito, pero hindi naman tinuloy. Duwag naman pala.

  "Excuse me ha? Ipagluluto ko pa kasi ang fiancé ko eh."

Pang-aasar nya dito. Bahagya nya itong tinulak dahil nakaharang ito sa pintuan ng unit ni Nathan. Pinindot nya ang passcode ng unit ni Nathan.

  "Bye! Don't worry, sasabihin ko kay Nathan na binisita sya ng isang clown."

Pang-aasar nya pa ulit dito. Nagpupuyos ito sa galit. Isinarado nya na ang pinto dahil baka makapasok pa ito, nilock nya iyon. Naasar talaga sya sa babae ni Nathan.

  "Hay! Ako pa ang pangit ha? Wow! Uy! Nahiya naman ako sa pagmumukha nya. Bwisit!"

Naasar na sabi nya. Biglang nag-alburoto ang tyan nya.

  "Hay! Makakain na nga!"

Sabi nya, kaya pumunta na sya sa kusina ng kaibigan at nanghalungkab ng makakain.

**********

Nasa meeting ngayon si Nathan kasama ang dalawang kapatid nya at pinsan nya, at iba pang stockholder ng kompanya ng kuya Ezekiel nya. Isa din naman kasi sila sa may-ari ng kompanya. Habang nagpepresent ng stocks ang kuya Ezekiel ay mayroon tumatawag sa kanya. Napansin iyon ng kuya Lucas nya.

  "Nathan, hindi mo ba sasagutin iyan? Nakakadistract na."

Bulong ng kuya Lucas nya.

  "Hindi naman si Patty ang tumatawag."

Sabi nya, kaya in-off nya ang phone at nakinig na sa presentation ng kuya nya.

Natawa pa sya nang napahiya ang secretary ng pinsan nya dahil mukhang lutang ito. Maganda ito, pero iba ang tingin ng kuya Ezekiel nya dito. Nang matapos ang meeting ay naiwan na silang magpipinsan sa conference room na iyon.

Dahil ito ang unang beses na magkaroon ito ng babaeng secretary ay inasar nila ito pero mukhang binabakuran ito ng pinsan nya.

  "Bakit kaya kuntodo bakod si kuya Ezekiel doon sa secretary nya."

Tanong nya sa kuya Lucas nya.

  "We don't know. Bakit? Trip mo ang secretary ni Ezekiel?"

Tanong sa akin ni kuya Lucas.

  "No! Ano ba namang mga tanungan nya kuya. Hands off na ako doon."

Sabi nya sa kapatid.

  "Oo nga, pagtuunan mo ng pansin si Patty."

Biglang sabi ng kuya nya. Napakunot-noo sya sa sinabi nito.

  "What do you mean by that kuya?"

Tanong nya dito.

  "Baka maunahan ka ng iba."

Sabi ng kuya nya.

  "I gotta go, may gagawin pa ako sa opisina. Ikumusta mo na lang ako kay Patty."

Sabi nito sa kanya at sumakay na nang kotse nito at humarurot. Bigla syang nagduda sa kapatid. Maunahan ng iba?

Bigla ulit tumunog ang phone nya. Sinagot nya na iyon.

  "Hello?"

  "Hello Nathan?! Damn you! Bakit hindi mo sinabi na may fiancé ka na?!"

Sabi ng babae sa kabilang linya, mukhang galit na galit ito. Tiningnan nya ang phone nya kung sino ang tumawag. Hindi nakarehistro ang number sa phone nya.

  "Who's this?"

Tanong nya.

  "F*ck you Nathan!"

Sigaw ng babae sa kabilang linya at binabaan sya. Hay! Ang hirap talaga maging gwapo. Sumakay na sya ng kotse nya para pumunta sa isa nyang resto, nagkaaberya kasi kailangan nyang tinginan kung ano ang nangyari. Habang nagdadrive sya ay tinawagan nya si Patty, tulog pa kasi iyon nang iwan nya kaninang umaga. Niloudspeaker na lang nya ang cellphone. Wala pang tatlong ring ay sumagot na si Patty.

  "Oh? Napatawag ka?"

Mataray na sagot ni Patty sa kanya. Nagsusungit na naman ito.

  "Hi Pat! Kumain ka na ba?"

Malambing na tanong nya dito.

  "Eto kumakain, nandito ako ngayon sa bahay mo."

Sabi nito sa kanya. Mukhang nanonood ito ng tv dahil maingay ang background nito.

  "Good. Wag ka magpalipas ng kain."

  "Hoy! Yung babae mo nagpunta dito sa bahay mo! Ano ba yan Nathan! Napakababaero mo talaga. Akala ko hindi alam ng mga babae mo ang bahay mo?"

Tanong nito kanya. Parang galit ang tono ng pananalita nito. Natawa sya.

  "Teka? Chill! Nagseselos ka ba?"

Biro nya sa kanya. Hindi agad nakasagot si Patty sa tanong ni Nathan.

  "Pat? Are you still there?"

Tanong nya dito.

  "A-ah, yeah, Im still here. Hoy! Hindi ako nagseselos no!"

Sabi nito sa kanya.

  "Okay if you say so, by the way pupunta muna ako sa isang branch ng resto ko, may gagawin lang."

Sabi nya dito.

  "Okay, bili ko ako ice cream."

Utos nito sa kanya.

  "Opo. Ibibili kita. May gusto ka pa ba?"

  "Wala na, ikaw na bahala kung may gusto ka pang bilhin."

Sabi nito sa kanya.

  "Okay, bye. I love you Patty."

Sabi nya dito. Hindi nya mapigilang mapangiti.

  "Baliw!"

Sabi nito sa kanya.

  "Sabi ko, I love you Patty."

Pag-uulit ko. Nako Nathan! Iba na iyan!

  "Oo na! I love you din! Bye!"

Sabi nito sa kanya at binaba na ang linya. Para syang tanga ngayon nakangiti. Dati 'I love you KAMBAL' ang parati konh sinasabi, ngayon 'I love you Patty na? What on earth happening to me?

**********

  "Aaaaaaaahhhh!! Ano ba Nathan! Dati kapag nagsasabi ka ng I love you, palaging KAMBAL ang tawag mosa akin. Bakit ngayon PATTY na?!"

Sabi ni Patty sa sarili nya. Nagpagulong-gulong sya sa kama ni Nathan. Hay! Ang bango talaga ng kwarto ng loko! Hindi nya maiwasang kiligin. Oo inaamin nya, hindi naman ganito ang epekto sa kanya ni Nathan, pero nagulat na sya isang araw kinikilig na sya, bumibilis ang tibok ng puso nya. Kinuha nya ang picture nila sa bed side table nito. Oh di ba? May picture sila sa kwarto nito. Hinaplos nya ang frame.

  "Oo na! Gwapo ka na! Pati ata ako nahuhulog na sa patibong mo! Loko ka!"

Sabi nya dito. Nilagay nya ulit ang picture frame at binalikan ang ginagawa nya. Pero hindi sya makapagconcentrate dahil palaging nagpiplay sa utak nya ang sinabi nito.

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

I love you Patty

  "Aaaaaaahhh!! Tama na! Oa na!"

Nasabunutan nya nang wala sa oras ang buhok nya.

  "Oo na! Mahal mo na ako! Mahal mo ako as your bestfriend! Iyon lang! Wala nang iba."

Sabi nya sa sarili. Nababaliw na sya. She was already bounded by Nathan's charm.

**********

Nang maresolba na ang problema sa resto ni Nathan ay binigyan nya ng instructions ang assigned chef.

  "Rhea, alam mo na ang gagawin ah. Ayoko nang maulit iyon."

Sabi nya sa empleyado.

  "Yes Chef. Pasensya na po."

Hinging-paumanhin nito sa kanya.

  "Okay. Aalis na ako."

Sabi nya. Lumabas na sya ng kitchen. Marami-rami din ang customer sa resto nyang iyon. Napatingin sa kanya ang ibang babaeng customers doon. Ngumiti lang sya. Lumabas na sya ng resto. Habang nagdadrive sya ay naalala nyang bigla ang utos ni Patty.

  "Nagpapabili nga pala ng ice cream si Patty."

Paalala nya sarili. Napadaan sya sa isang convience store. Pinark nya ang kotse nya at pumasok sa convience store. Naghanap sya ng chocolate flavoured ice cream sa frozen section, buti na lang meron, kinuha nya iyon, kumuha pa sya ng ibang chocolates at chitchiryang paborito ni Patty, pagkatapos ay pumila na sya sa counter, may ilang babae doon ang nakatingin na naman sa kanya at mukhang kinikilig pa.

  "Good Evening sir."

Sabi sa kanya ng babaeng nasa counter.

Ngumiti lang sya. Pinunch nito ang mga pinamili nya.

  "1, 102 pesos po lahat sir."

Sabi ng babae. Binigay nya ang bayad dito.

Inabot naman nito ang sukli nya. Bahagya pa nitong hinawakan ang kamay nya. Hay! Nantsansing pa. Kinuha nya na ang pinamili at lumabas. Narinig nya pang sinabi ng isang customer doon.

  "Grabe no? Ang gwapo nya! Kamukhang kamukha nya si Alden Richards! May dimples pa!"

Natawa na lang sya. Kamukha ko ba talaga si Alden Richards? Matingnan nga mamaya. Baka mas gwapo pa ako dun. Sabi nya sa isip nya. Sumakay na sya sa kotse nya at nagdrive pauwi. Nang makarating na sya sa harap ng condo na tinitirahan nila ni Patty ay may nakita syang pamilyar na kotse na nakapark doon. Huminto muna sya.

  "Teka? That's kuya Lucas car?"

Sabi nya sa sarili. Naghintay sya ng ilang minuto. May lumabas nga na lalaki sa condo. At kilalang kilala nya ito.

  "Kuya Lucas?"

Sinundan nya iyon ng tingin. Sumakay na iyon ng kotse nito at umalis. Anong ginawa nya sa condo? Inistart nya na ang kotse at pinark na sa parking lot ang kotse nya. Pagpasok nya sa building ay lumapit sya sa reception.

  "Hi Sir Nathan!"

Bati sa kanya ni Rona, ang receptionist ng condo.

  "Rona, galing ba dito si kuya Lucas?"

Tanong ko dito.

  "Ah, yes sir! Actually kaaalis lang po nya."

Sabi nito sa kanya.

  "Sino ang dinalaw nya?"

Tanong ko.

  "Si Ms. Patty po."

Sabi ni Rona.

  "Sinabi nya ba ang kailangan nya kay Patty?"

Tanong ko ulit.

  "Hindi po sir."

  "Ah, okay. Salamat Rona."

Sabi ko. Pumunta na ako sa elavator, bumukas iyon at pinindot ko ang floor button. Nang bumukas na ang elavator, naglakad sya papunta sa unit nya. Dahil magkatabi lang ang unit nya at unit ni Patty ay nakita nyang mayroong bulaklak sa tapat ng pintuan ng kaibigan.

  "So si ikaw pala kuya ang nagpapadala kay Patty ng bulaklak?"

Sabi nya. May note na nakalagay. Binasa nya iyon.

*Have a good night Patty.*

Nilukot nya ang note. Hindi nya alam kung saan itatapon ang bulaklak, nilagay na lang nya iyon sa tapat ng pintuan ng kapitbahay nila. Nakaramdam sya ng selos. Pinindot nya na ang passcode ng pintuan nya at pumasok na sya. Narinig nyang may nagpapatugtog. Dahan-dahan syang naglakad papunta sa kwarto nya dahil doon nanggagaling ang ingay. Dahil bukas pintuan ng kwarto nya ay kitang-kita nya ang nandoon sa loob ng kwarto nya. Si Patty sumasayaw, akala mo walang bukas kung sumayaw. (Now Playing: Dessert by Dawin)

Hindi nya mapigilan ang sarili na titigan si Patty. Para itong walang pakialam sa mundo. Lihim syang natawa dito. The Patty that is full of life, the Patty that exempted to his charm, the Patty that he wants to protect, the Patty that he loves. Yes he loves her, hindi lang bilang isang bestfriend, but as a girl. Pero...

Bigla itong huminto sa pagsayaw nang matauhan ito.

  "Oh! Nathan! Nandyan ka na pala!"

Para itong nahiya sa ginagawa. Walang anu-ano'y niyakap nya ito.

  "Uy! Nathan!"

Gulat na sabi nito sa kanya. Inihiga nya ito sa kama. Nanlaki ang mga mata nito. Ang ganda talaga asarin nito.

  "Uy Nathan! Bastos ka na ah! Alis na!"

Pagtataboy nito sa kanya. Natawa na lang sya. Tumayo na sya.

  "Tara, kumain na tayo, binili ko iyong pinapabili mo."

Sabi nya dito.

  "Waaaahh! Salamat!"

Sabi nito sa kanya.

**********

Nang matapos kumain sila Nathan at Patty ay nasa kwarto sila ngayon at kumakain naman ng dessert habang nanonood ng tv. Magkatabi sila ngayong nakaupo sa kama. Lalong bumulis ang tibok ng puso ni Patty.

  "Pat?"

Tawag sa kanya ni Nathan.

  "Hmm?"

Patuloy ang pagsubo nya ng ice cream.

  "Pumunta ba dito si kuya Lucas?"

Tanong nito sa kanya. Umiling naman sya.

  "Hindi, bakit?"

  "Ah, wala naman."

Sabi nito sa kanya.

  "By the way Nathan, kaninang umaga may bulaklak na naman sa may pintuan ko."

Sabi nya dito. Napatingin ito sa kanya. Potek! Ang gwapo!

  "Anong ginawa mo sa bulaklak?"

  "Tinapon ko, katulad ng sinabi mo. Tama ka din naman eh, mahirap na sa panahon ngayon."

Sabi nya dito. Ngumiti ito sa kanya. Naghehello sa kanya ang malalim na dimples nito. Pinisil nya ang pisngi nito.

  "Cute ko no?"

Sabi nito sa kanya.

  "Porket kinurot ka sa pisngi cute ka na agad?"

Sabi nya dito. Tumawa naman ito.

Nang matapos nilang kumain at manood ay bumalik na si Patty sa unit nya. Hindi naman pwedeng doon ulit sya matulog sa bahay ni Nathan. Baka anong mangyari, mahirap na. Nasa harap sya ngayon ng laptop nya at gumagawa ng assignment nya sa trabaho. Napansin nyang nagvibrate ang phone nya. Sinagot nya iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

  "Oy Nathan! Matulog ka na."

Sabi nya sa caller

  "Hey Patrice! This not Nathan."

Tiningnan nya ang phone kung sino ang tumawag. Si Lucas pala.

  "Ah, hehe. Pasensya na kuya Lucas, akala ko nantitrip si Nathan eh."

Nahihiyang sabi nya dito.

  "Its okay, how are you by the way?"

Tanong nito sa kanya.

  "Okay naman. Ikaw?"

  "Okay din naman. Si Nathan kanina, mukhang trip yung secretary ni Ezekiel."

Sabi nito sa kanya.

  "Oh? Talaga? Ganoon naman talaga iyon eh. Parang di ka naman sanay kay Nathan."

Sabi nya. Hah! Tapos ang lakas pang magsabi ng I love you sa akin?

  "Are you free tomorrow?"

Tanong nito sa kanya.

  "Yeah, bakit?"

  "Yayain sana kitang magkape bukas? Ng umaga? Susunduin kita."

Sabi nito sa kanya. Para syang nag-aalangan sumang-ayon.

  "A-ah, sige. Anong oras ba?"

  "Mga 8am."

  "Okay, sige."

  "Okay. See you. Good night Patty."

  "Okay, good night din kuya Lucas."

Sabi nya. Pinutol na nya ang linya. Nagtaka naman sya. Bakit kaya biglang nagyaya si Kuya Lucas? Pinagpatuloy na lang nya ang ginagawa.

**********

Sinubukang tawagan ni Nathan ang kuya Lucas nya para tanungin kung bakit ito nagpunta sa condo. Alam nyang ito ang naglalagay ng bulaklak sa tapat ng pintuan ng bahay ni Patty. Busy ang linya nito. Naihagis nya ng cellphone sa kama nya.

  "Damn! Ano ba itong nangyayari sa akin?"

Sabi nya sa sarili nya. Sinalampak nya ang katawan sa ibabaw ng kama. Naalala nya ang huling sinabi nito.

*baka maunahan ka ng iba*

  "Arghhh!! Ano ba! Ang sarili ba na nya ang tinutukoy nya?"

Sabi ulit nya sa sarili nya. Sinubukan nya ulit tawagan ang kapatid. Buti na lang sumagot na ito.

  "Oh Nathan? Napatawag ka?"

Tanong nito sa kabilang linya.

  "Pumunta ka ba sa condo kanina?"

Diretsang tanong nya dito.

  "Why? Is there something wrong kung pumunta man ako?"

Sabi nito sa kanya.

  "Ikaw ba ang naglalagay ng bulaklak sa tapat ng bahay ni Patty?"

  "Bakit nga Nathan? Masama ba?"

  "Kuya may gusto ka ba kay Patty?"

Lakas loob nyang tanong dito. Alam nyang kuya nya ito pero hindi nya na mapigilan ang sarili na tumaas ang boses.

  "Masama bang magkagusto kay Patty?"

Muling tanong nito sa kanya.

  "Damn it kuya! Sagutin mo ako? Wag mong isali sa laro mo si Patty!"

Galit na sabi nya dito.

  "Hindi ko pinaglalaruan si Patty, Nathan. Bakit hindi mo tingnan muna iyang sarili mo. Sino sa atin ang nakikipaglaro sa mga babae?"

Mahinahon sa sabi nito sa kanya pero seryoso.

  "Anong gusto mong iparating sa akin?"

  "Do you think Patty deserves a kind of man like you?"

Tanong ulit nito sa kanya. Binabaan nya na ito ng linya. Muli nyang binato ang cellphone. Kinuyom nya ang palad nya. Ano ba itong nangyayari sa akin. Bakit ako nagseselos? Kinuha nya muli ang cellphone nya, tingnan nya ang picture ni Patty doon, it was a stolen shot when they were still high school.

  "Deserving ba ako sayo Patrice? O hindi?"





A/N: OH MYYYYY GOSSSSHHH!! AYAN NA!! Si Lucas umeeksena na!! Ano nang mangyayari? Naiinlababo na nga si Nathan kay Patty eh! Ganun din si Patty. Hay! Abangan na lang natin mga kababayan. :))

Please read/VOTE/comment so I can hear your feedbacks. :)) xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro