Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20:

  "Are you sure you're gonna do this Gianna?"

  "Yes kuya. Gusto ko muna magpakalayo-layo."

  "Okay na ba lahat ng kailangan mo?"

  "Yeah, naimpake na lahat."

  "Ayaw mo ba talagang ihatid kita sa airport?"

  "Wag na nga kuya, ako na lang, kaya ko naman na. Please."

  "Okay. Mag-iingat ka doon, tawagan mo ako kaagad kapag dumating ka na."

  "Yeah I will."

Inalalayan si Gianna ng kuya nya na buhatin ang maleta nya palabas ng bahay. May naghihintay na sa kanyang taxi sa labas ng bahay. Isinakay na nila ang mga gamit nya sa compartment ng sasakyan.

Humarap sya sa kuya nya at niyakap nya ito, niyakap naman din sya nito ng mahigpit. Huminga sya ng malalim bago sya sumakay ng taxi. Ilang araw nyang pinag-isipan ang pag-alis, at napagtanto nya na kailangan nyang umalis sa lugar na iyon para makalimot. Pinikit nya ang nga mata ay tumulong luha sa mga mata nya. Hindi tumawag si Ezekiel sa kanya, ni kahit text ay wala syang natanggap. Gianna! Di ba sabi ng professor mo dati, ang isang psychology major ay dapat dalawang minuto lang umiiyak dahil alam nya kung papaano magcope-up sa problema nya, ilang araw ka na bang umiiyak? Tama na! Lalaki lang iyan. Pinunasan nya ang luha sa pisngi nya. Huminga sya ng malalim.

  "Magiging okay ka din Gianna."

Bulong nya sa sarili.

  "Mam, may sinabi po ba kayo?"

Tanong ng taxi driver, mukhang narinig nito na nagsalita sya.

  "Ah, wala naman po."

Binuksan ng driver ang radyo at ang bumungad na kanta sa kanya ay Breakeven. Hay! Nang-aasar ba talaga ang tadhana? Nakakaasar. Habang pinapakinggan nya ang kanta ay di na naman nya mapigilang maiyak. What am I gonna do when the best part of me was always you and what am I supposed to say when Im all choked up that you're okay... Im falling to pieces... Mukha ngang wala nang balak magpakita si Ezekiel sa kanya.
Is it really true that when a heart breaks, no it don't break even? A little part of her brains is saying that she needs Ezekiel, she needs to feel his hug, those kisses that make her feel alive. But not anymore. Tama na ang pag-iilusyon Gianna. Tama na.

--------------------------------

Huminto ang sasakyan ni Ezekiel sa tapat ng bahay nila Gianna at bumaba ang lalaki at tinawag si Gianna.

  "Gianna! Gianna! Please come out, talk to me."

Sigaw nya. Pero hindi si Gianna ang lumabas kundi ang kuya nito.

  "Anong ginagawa mo dito?"

  "Please Greg, let me talk to Gianna. Please."

  "Hah! Ang kapal talaga ng mukha mo bumalik pa dito? Alam mo ba ang ginawa mo sa kapatid ko?"

Sabi ni Greg kay Ezekiel.

  "I know, I know I hurt her, please that's why Im here, I want to talk to her. Please. Gianna! Come out!"

Pero tinulak lang sya ni Greg. Di pa din nagpatinag si Ezekiel.

  "Her whole world shattered because of you! Buti na lang hindi lang normal na babae si Gianna, alam nya ang hanggan ng pagpapakatanga sayo Ezekiel Fontalejo! Kaya umalis ka na dahil wala nang Gianna dito bahay!"

Nagulat si Ezekiel sa huling sinabi nito.

  "What do you mean wala na si Gianna? Where is she?"

  "She's not here anymore Ezekiel, and I don't know if she will come back anymore."

Sabi ng kuya ni Gianna.

  "What?"

Parang gumuho ang buong mundo ni Ezekiel sa narinig.

  "Where is she Greg? Where is she!"

Hinawakan nya sa kwelyo ang kuya ni Gianna. Tinulak naman sya nito at sinuntok.

  "She's heading to the airport! You idiot! Kung gusto mo pa sya maabutan habulin mo na sya!"

Sigaw sa kanya ng kuya ni Gianna. Muling nabuhayan ng katiting ang puso ni Ezekiel. Sumakay agad sya sa sasakyan at pinaharurot. Wala syang pakialam kung magmistulang Grand Theft Auto ang dating nya, wala syang ibang nasa isip kundi ang maabutam si Gianna. Please Gianna, don't go. Please... Laking pasasalamat nya wala masyadong traffic. Sinubukan nyang tawagan ang cellphone ni Gianna, pero mukhang nakapatay ang cellphone nito. Nakarating agad sya sa airport, agad syang bumaba ng sasakyan nya. Wala na syang pakialam kung may kukuha ng sasakyan nya, ang mahalaga ay maabutan nya si Gianna. Tumakbo sya papasok ng airport.

  "Sir! Sir! Bawal po iyan."

Hinarangan sya ng mga gwardya pero nilampasan lang nya ang mga ito.

  "Gianna! Gianna!"

Tawag nya sa pangalan nito. Pinagtitinginan sya ng mga tao. Gianna! Where are you? Patuloy sya sa paghahanap. Inikot nya ng tingin ang buong floor pero di nya nakita si Gianna. Sumingit sya ticketing booth.

  "Miss I need the name Gianna Rose Mercado."

Sabi nya sa babaeng nasa booth.

  "Im sorry mister it's not authorized."

  "Damn it! I need to know what flight she is. Give it to me now! I know the CEO of this airline! And Im one of the stock-holders of these damn airport!"

Sigaw nya dito. Mukhang natakot ito gayundin ang ibang tao na nakapila sa area na iyon.

  "Wait a minute sir. May I know you're name sir?"

  "Ezekiel Fontalejo."

Mukhang nagulat ito nang sabihin nya ang pangalan nya.

  "Sir may I know the name of the person you've looking for?"

  "Gianna Rose Mercado."

May kausap ang babae sa kabilang linya ng telepono.

  "Miss can you please hurry."

  "Sir, she's in the flight 14AA1613. It's in the west hangar."

  "Nakaalis na ba ang eroplano?"

  "May 15 minutes pa sir bago magtake-off ang eroplano."

Agad syang tumakbo papunta sa west hangar. Nilamapasan lang nya ang mga gwardya kaya naman hinabol sya ng nga ito.

  "Sir! Sir! Bawal po iyan! Huminto po kayo!"

Pero patuloy sya pagtakbo para maabutan ang eroplano ni Gianna. Nakarating sya ng west hangar at mukhang malapit na ngang magtake-off ang eroplano. Tatanggalin na sana ng mga flight attendant ang dugtong ng eroplano.

  "Sandali!"

  "Sir, we are taking off, you're ticket sir?"

Sabi ng flight attendant pero nilampasan nya ang mga ito. Nakapasok sya sa loob ng eroplano at hinabol sya ng mga flight attendant. Pagkadating nya sa cabin ng eroplano ay sinuyod nya ng tingin ang loob at nakita nga nya ang mukhang hinahanap nya.

  "Gianna."

--------------------------------

Papunta na si Gianna sa west hangar. Narinig nyang parang may tumawag sa pangalan nya.

  "Gianna!"

Lumingon sya para hanapin ang boses. Sino hinahanap mo? Hindi ka susundan ng lalaking iyon Gianna! Kaya kung ako sayo pumunta ka na sa eroplanong sasakyan mo. Lumakad na sya. Nang makarating sya sa west hangar ay agad nyang pinakita ang ticket nya sa flight attendant, pumasok na sya loob ng eroplano at hinanap ang upuan nya. Nang mahanap nya ay umupo na sya. Hindi ka susundan ni Ezekiel, Gianna! Tama na! Wag ka nang magpakatanga. Narinig nyang nagsalita ang piloto.

  "Good day passenger! This is flight 14AA1613. And we're about to take off in 15 minutes."

Narinig nyang nagkagulo ang flight attendant kung saan sila pumasok sa eroplano. Nagulat sya nakita.

  "Ezekiel."

  "Gianna."

Di sya makapaniwala sa nakita. Hinawakan ng mga flight attendant at ilamg gwardiya si Ezekiel. Mukhang hingal na hingal ito. Parang sasabog ang puso nya sa nararamdaman. Sinundan nya ako.

Tinggal ni Ezekiel ang mga kamay na nakahawak dito at lumapit sa kanya.

  "Gianna."

Pasimple syang tumingin sa mga pasahero ng eroplanong iyon. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanila.

  "Ezekiel, anong kabaliwan ito? Bakit ka nandito?"

  "Gianna please, don't leave me. I don't want to lose you. Please."

Pakiusap nito sa kanya. Nakita nyang may tumulong luha sa mga mata ng lalaki.

  "Umalis ka na Ezekiel, hayaan mo na ako."

  "No Gianna. Im not gonna go away. Please. Im sorry for what I did. Forgive me. I know it was all my fault, I shouldn't allow Maxine to kiss me, Im a moron, idiot, and stupid. Im sorry, I really mean it. I love you so much, I don't know what to do if you leave me. Please Gianna Rose Mercado."

Sa mga sinabi nito ay parang sasabog ang isip at puso nya.

  "Iha patawarin mo na iyang nobyo mo, mukhang nagsisisi naman sya. Kawawa naman dahil gwapo, baka maagawan ka ng iba, sige ka. Bihira na lang ang mga ganyang lahi."

Sabi ng isang matanda doon. Oo nga Gianna! Sayang! Sige ka! Ikaw din ang magsisisi. Wag pachoosy. Huminga sya ng malalim at tumayo, kinuha nya ang braso nito at hinatak para makababa sila ng eroplano.

  "Pasensya na sa istorbo."

Hinging patawad nya sa mga pasahero at flight attendant.

Nang makababa sila ng eroplano ay hinarap nya ang lalaki.

  "What the hell are you thinking? Are you really crazy? You just tresspass an airline and airplane? You moron!"

Sigaw nya dito.

  "Yeah, Im crazy and stupid. It's because of you."

  "So you're blaming me?"

  "No, it's all my fault, all this. Im sorry Gianna. Im sorry hun."

Di nya napigil ang sarili na sampalin ito. Yumuko na lang ito.

  "Slap me more, I deserve it."

Sabi nito sa kanya. Nakita nya sa mukha na may mga pasa ito, at ang braso nito ay may sugat, dahil sa pagkakatulak nya. Napaiyak sya at kinabig ito para yakapin. Di nya na nakontrol ang sarili, bumuhos ang luha nya kasabay ang pagbuhos ng ulan, nabasa silang dalawa pero wala syang pakialam.

  "Im sorry Kiel. Im sorry."

Bulong nya dito. Niyakap din sya nito ng mahigpit.

  "Why are you saying sorry, You done nothing."

Tinanggal nito ang pagkakayakap nya at hinawaka nito ang magkabila nyang pisngi at tinitigan ang mga mata nya.

  "Those bruises, it's all because of me."

Sabi nya dito.

  "No hun, it's all because of me. Don't blame you're self, thanks to this bruise, I was being snap."

Sabi ni Ezekiel sa kanya.

  "I will do anything for you Gianna. I want you to be with me. Do you hear me? Gusto ko na palagi kang makasama, dahil mahal kita Gianna. Mahal na mahal kita. And it will kill me if you stay away from me. I love you Gianna. I love you so much."

  "I love you too Ezekiel."

She kissed him after she say those words. They shared sweet kiss under the rain but she don't mind. They both separate to catch their breath and from a distance they heard a happy cheer. They both smiled.

  "Your such a badass to tresspass."

Sabi nya kay Ezekiel.

  "I own half of the airline, so I don't give a damn about them."

  "You're really rude."

  "But you love my rudeness."

  "Yeah, and I always will."

She wrap her arms in his and both shared a sweet kiss.

So a rude guy falls in to sarcasatic woman like her.

===The End===

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro