CHAPTER 13:
"You will be mine now."
Nahalos di makahinga si Gianna dahil sobrang lapit ng mukha ni Ezekiel sa kanya.
"A-a-nong ibig mong sabihin?"
Nauutal nyang sabi dito. Mas lumapit pa ang mukha nito sa kanya. Napapikit na lang sya, bakit di ko magalaw ang katawan ko?
"Oh? Bakit ka nakapikit?"
Napadilat sya at nakita nyang nakaupo na ito sa desk nito.
"Akala ko--"
"Akala mo hahalikan kita? Hah! Never in your wild dream."
Nagpintig naman ang tenga sa narinig kaya naman lumapit sya dito at hinampas ang desk nito.
"So anong gusto mong ipalabas?! Lumapit lapit ka sa akin tapos sasabihin mo gusto mo maging Anastasia Steele, akala mo di ko kilala yung sinasabi mo? Im not stupid! Di ako assuming!"
Bulyaw nya dito.
"Are you done? Your shouting at me? You know who I am right? First, I didn't say that you will do what Anastasia did on that damn novel, its only a metaphor. Second, I didn't say that you're assuming, you're the one who said that. And lastly, Im not gonna kiss you, I just get this file on the table behind you."
"Bakit di mo sinabi agad, eh di sana--"
"Eh di sana di ka nag assume?"
"Wag mo na nga mabanggit banggit yang word na yan! Nakakairita!"
"Bakit naasar ka?"
Pang aasar pa ng lalaki sa kanya, tiningnan nya ito na matalim. Siguro kung may laser eyes lang ako baka kanina ka pa natunaw.
"Don't stare at me, it makes me uncomfortable, and I might think that fancy me."
"Fancy you? Abnormal ka."
Bulong nya sa sarili.
"Did you say something?"
"Ay wala po your highness. Bakit nyo po pala ako kinaladkad dito sa lungga nyo?"
"Oh that, I forgot to say. You will be my secretary from now on."
Sabi nito habang busy pa din ito sa paperworks nito.
"Ano?! Secretary?!"
"Yes, you heard that right. So you don't have to shout."
"Secretary? Sabi sa job description ko psychometrician ang trabaho ko hindi secretary."
"I know."
"Oh? Alam mo naman pala eh. Bakit mo ako ginawang secretary? Hindi ko linya iyon."
"Bakit ba ang dami mong tanong?"
"May secretary ka naman di ba?"
"Tinanggal ko na sya."
"Bakit mo tinanggal?"
"Pwede bang tanggapin mo na lang. You talk so much."
"Di ako papayag hangga't di mo sinasabi ang dahilan kung bakit mo ako kukuning secretary at tinanggal mo yung secretary mo."
Nakipagmatigasan sya dito sa titigan. Hah! Di ako papaya hangga't di mo sinasabi. Akala mo matatakot ako sa mga titig mo. Hindi no! Bleh!
"Okay! Because my secretary is a gay! And Im not confortable at it, and I hate gays! Happy now?"
"Seriously?!"
"Narinig mo naman ang sinabi ko di ba?! Kailangan ko bang ulit ulitin iyon?!"
Sigaw ni Ezekiel sa kanya.
"Oo na! Di mo na ako kailangan sigawan!"
"Don't shout at me."
"Ewan ko sayong abno ka."
"What did you say?"
"Wala po kamahalan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?"
"Oh yeah. Pag aralan mo ang mga files na ito, at may usb sa loob ng envelop na yan, schedule ng meeting and other appointments ko, ilagay mo yan sa journal mo para di mo makalimutan, familiarize yourself with that files para di ka nakatunganga kapag sinama kita sa mga meeting ko. Understand?"
"Wait? Nag yes na ba ako sayo? Na magiging secretary mo na ako?"
"Well, you have too or you will have a punishment. A punishment that you will not forget."
"WHAT?!"
"You may go now."
Padabog nyang kinuha ang envelop dito at lumabas na sya ng opisina nito. Sumakay na sya ng elevator. Biglang nag ring ang cellphone nya, agad naman nyang kinuha ito sa bag nya. Kuya pala nya ang tumatawag.
"Hello kuya, napatawag ka?"
*Baka gabihin ako ng uwi ngayon, bahala ka na magluto dyan, wag mo na akong intayin, kumain ka na.*
Sabi nito sa kanya.
"Ah sige, bakit may problema ba sa opisina nyo?"
*oo meron, may biglaang project kasi kami kaya kailangan naming matapos agad*
"Okay, kumain ka ha."
*oo, sige na.*
"Okay, babye."
Bumukas na ang elevator at lumabas na sya dito. Agad nyang nakita ang lalaking kasama nya kanina sa coffee shop, may kausap itong isa pang lalaki na kamukha nito pero mukhang mas matanda ito. Hawig din yung damuho kong boss. Baka kamag anak nya. Ang kaibahan lang, ang dalawang lalaking ito ay marunong ngumiti. Di na nya sana magpapakita dito ngunit biglang may tumawag sa kanya.
"Hey Gianna!"
Napaharap sya ng wala sa oras.
"Hi."
Sabi nya. Lumapit sa kanya ang dalawang lalaki.
"Gianna, I want you too meet my brother, Lucas. Bro, this is Gianna, my friend and Kuya Kiel's secretary."
"Pleasure to meet you Gianna. So you're Ezekiel's secretary, how was it? Did you survive?"
Sabi ni Lucas sa kanya.
"Hehe! Okay naman."
Hindi okay! Bwisit yun!
"Oh, is he upstairs?"
Tanong ulit nito.
"Yeah, nandoon pa sya sa lungga nya, I mean sa office nya.
"Haha! That's funny. I'd better go, hinahanap na ako nun malamang."
"Okay sige."
Sabi nya dito.
"Ah sige kuya, ihahatid ko lang si Gianna."
Sabi nung lalaking kasama nya sa coffee shop na hanggang ngayon di nya alam ang pangalan.
"Ah, wag na. Makakaabala pa ako sa inyo."
"Sige na Gianna magpahatid ka na kay Eric."
Sabi sa kanya ni Lucas.
"Eh? Wag na talaga."
"No, ihahatid na kita, besides pauwi na din ako."
Sabi sa kanya ni Eric.
"Okay, sige."
"Oh, pupuntahan ko na si Darth Vader. Iuwi mo ng maayos si Gianna bunso ha? Baka magalit sayo si Kuya Kiel mo."
"Kuya naman."
Tumawa na lang si Lucas at napailing si Eric.
"Bunso ka pala."
Pang aasar nya kay Eric.
"Wag mo nang gayahin si Kuya Lucas."
Lumabas na sila ng building at naglakad papuntang parking lot. Huminto sila sa tapat ng isang Porshe. Binuksan ni Eric ang kotse.
"Get in."
Sumakay naman sya sa passenger seat, at ganun din naman si Eric sa driver's seat.
"Pero seriously, bunso ka pala?"
Napatingin naman si Eric sa kanya habang nagdadrive.
"Yeah, panganay namin si Kuya Lucas, sunod sa kanya si Kuya Nathan."
"Ah, eh si Ezekiel?"
"Pinsan namin sila, anak sila ni tito Miguel. Panganay si kuya Kiel, then si kuya Liam at ang bunso nila si Yuan. Same age lang kami Yuan. Si Kuya Ezekiel ang pinaka panganay sa aming lahat then sumunod nga si kuya Lucas. At the rest, halos magkakaedad lang kami."
Pagkukwento nito sa kanya.
"Grabe no? Plinano ba ng mga magulang nyo yan? Lahat kayo lalaki, wala man lang babae. Ano sabay sabay kayong ginawa?"
Natatawang sabi nya dito, kahit si Eric ay natawa na lang din sa sinabi nya.
"Hindi ko alam. By the way, saan ka ba nakatira, baka mamaya ay lumagpas na tayo."
Sabi ni Eric sa kanya. Tinuro naman nya ang daan papunta sa kanila.
"Matanong ko lang, bakit alam mo na secretary na ako ni Ezekiel?"
Tanong nya dito.
"Ah, iyon ba. Well, nabanggit nya kasi kanina nung nag uusap kami, tinanggal na nya daw yung secretary nya."
"Oo nga eh, bading daw kasi."
Napatingin si Eric sa kanya.
"Nadulas kasi sya nung nagalit sya sa akin kanina. Nasabi nya na ayaw nya sa mga bakla. Well, alam ko namang majority sa mga kalalakihan na ayaw nila sa bakla pero parang iba kasi yung dating sa kanya."
"Hindi ko din alam eh. Si Kuya Lucas lang ang nakakaalam sa sikreto ni Kuya Kiel lalo na sa mga ganung bagay."
"Ah. Okay."
--------------------------------------
"I heard from Eric that you fired your secretary?"
"Yes, kanina lang. May pinalit na akong bago."
"Yeah, I already met her actually."
"You do?"
Napatingala si Ezekiel kay Lucas.
"Yeah."
"How did you meet her? And who told you that I fired my secretary and I got replacement?"
"Eric told me."
"Oh Eric. That brother of yours, he's really annoying. He can't keep his mouth shut."
Napailing si Ezekiel at natawa naman si Lucas.
"Chill bro. He's still your cousin."
"Sorry about that."
"Its okay, sanay naman na kami sa rudeness at mood swings mo. By the way, your new secretary, she looks like a tough girl, and a little bit boyish and not to mention, she's really pretty tho."
"So you like her?"
Natawa ulit si Lucas sa sinabi ni Ezekiel.
"No man, I don't. Wag ka sa akin mag selos, doon ka sa kapatid ko mag selos dahil hinatid sya ngayon ni Eric pauwi. Looks like Eric likes her."
"Im not jealous okay?"
"Its okay bro, you can deny if you want."
"Im not jealous okay? So please stop pissing me off or I will kick you out off my office myself. Mas matanda pa din ako sayo Lucas."
Di mapigilang matawa ni Lucas dahil alam nyang naaasar na sa kanya ang pinsan.
"Stop laughing."
"You know what dude, kalma lang okay? Binibiro lang kita."
Tiningnan lang ng matalim ni Ezekiel si Lucas.
"But seriously, Eric also told me the reasom why you fired your secretary. That he's a gay?"
Di kumibo si Ezekiel. Patuloy pa din ito sa pagbabasa ng papeles.
"Matagal na panahon na iyon Kiel, di mo pa din ba--"
"Please Lucas, don't open that topic. You know I don't want to talk about it."
"Sorry."
"May kailangan ka pa ba? You may leave now kung wala na."
"Sige, I'll go ahead Kiel."
Lumabas na ng kwarto si Lucas. No Lucas, di ko pa din makalimutan hanggang ngayon. Teka? Sinabi ba ni Lucas na hinatid ni Eric yung amazonang iyon?
Tumayo si Ezekiel sa kinauupuan at kinuha ang coat sa sofa. Naalala nya kanina ang ginawa nya kay Gianna.
"Huh. Di daw sya assuming pero napapikit sya nang ilapit ko ang mukha ko sa kanya. Sya pa ang may ganang magalit. Amzona talaga."
Natawa na lang sya at sumakay na ng elevator.
-----------------------
Abala si Gianna sa pagbabasa ng papeles na binigay sa kanya kanina ni Ezekiel.
"Hay! Panira talaga ng buhay yung lalaking iyon! Argh!"
Pinukpok nya sa laptop nya ang mga papel at saka nilamukos.
"Ay! Baka ipakain sa akin to kapag nakita nyang gusot."
Inayos nya ulit sa pagkakalamukos ang kawawang papel.
Nagulat sya dahil may bumusina ng tatlong beses.
"Ay pisti! Sino ba iyon? Gabi na ang lakas makabusina!"
Binalik nya ang atensyon sa binabasa at sinusulat nya.
"Hay! Psychology major ako pero ngayon secretary na lang! Ay asar much!"
Halos mapatalon sya sa gulat dahil sa sunod sunod na doorbell.
"TEKA! SANDALI LANG!"
Sigaw nya. Impossible namang si kuya to, di naman ganito magdoorbell yun.
Dali dali syang lumabas ng kwarto para tingnan kung sino iyong nagdoorbell. Pagkalabas nya ng bahay ay agad nyang nakita kung sino iyong nagdoorbell.
"Ang tagal mo naman lumabas ng bahay nyo."
"EZEKIEL?!"
"oh? Mukhang gulat na gulat ka? Di mo ba ako papapasukin? Ang tagal ko nag hintay dito."
Sabi nito sa kanya. Pinagbuksan nya ito ng gate.
"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? Sinabi sayo ni Eric no?"
Sabi nya dito.
"Di mo muna ba ako papapasukin? Is that the way you treat your boss?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko."
"Bakit ang sungit mo?"
"Nagmana ako sayo eh."
Sarkastikong sabi nya dito. Nagulat sya dahil bigla itong pumasok kahit nakaharang sya dito.
"Hoy! Bawal pumasok sa bahay namin ang isang halimaw."
Tiningnan sya nito ng masama.
"Di mo ako madadala sa ganyan mo Ezekiel Fontalejo!"
Pumasok na ang lalaki sa bahay nila. Sinarado nya na ang gate at sinundan ito sa loob. Pagpasok nya ay nakita nya itong nakaupo sa sofa nila at nakapikit.
"Hoy gumising ka nga dyan!"
Sinipa nya ito pero nanatili itong nakapikit nang bigla itong nagsalita.
"Are you really provoking me? Or should I say seducing me? Una nag assume ka na hahalikan kita, ngayon naman iseseduce mo ako?"
"Anong sinasabi mo?!"
Bulyaw nya dito.
"Look at yourself."
Napatingin nga sya sa sarili nya. Naka short shorts sya na pantulog at nakasando na maluwag. Niyakap nya ang sarili nya at sinipa ito.
"PERVERT!"
Tumakbo sya paakyat ng kwarto nya. Agad nyang sinarado ang pinto ang nilock.
"Hay! Nakakahiya ka Gianna!"
Pinaghahampas nya ang sarili. Agad syang naghanap ng disenteng damit. Nang makahanap sya agad nya itong sinuot at bumaba na. Nasa sofa pa din ang lalaki.
"Hoy! Bakit ka ba pumunta dito? Paano mo nalaman kung saan ang bahay namin?"
Sabi nya dito. Teka tulog ba to? May nakita syang brown envelop sa lamesa. Kinuha nya ito binuksan. Files din ng kompanya. Binalik nya sa ayos ang envelop sa lamesa. At tiningnan nya ulit si Ezekiel na mukhang natutulog. Pinagmasdan nya ito. Hay! Gwapo ka naman talaga eh! Di ko lang keri yang pagiging rude at mood swings mo. Tulad ngayon, parang wala kang topak, pero kanina para kang sinakluban ng universe sa sobrang sungit.
"You know, it makes me feel uncomfortable when someone staring at me."
Natigil sya sa pagkausap ng sarili nya nang bigla itong magsalita.
"Di kita tinititigan ah."
"Okay, if you say so."
Dumilat na ito.
"So bakit na nandito? Paano mo nalaman ang bahay namin?"
"I forgot to give you this."
Inabot nito ang envelop na tiningnan nya kanina.
"Ano ba to?"
"May meeting ako sa mga susunod na araw. Pag aralan mo din yan. Importante yan. At I got your address sa employees files. And by the way hinatid ba ka talaga ni Eric dito?"
"Oo, bakit? Selos ka? Tsaka bawal maglabas ng info ang opisina tungkol sa mga employees."
Sabi nya dito. Bakit nya tinanong kung hinatid ba ako ni Eric dito?
"I am authorized to see those files. And Im not jealous. Im just asking."
"Okay! Sabi mo yan eh. Teka kumain ka na ba?"
Inalok nya ito sahil baka sbihin nito wala syang puso.
"Im not hungry, im just sleepy. Let me sleep for a moment. 8pm pa naman, gisingin mo ako ng 10pm."
Sabi nito sa kanya ng tingnan nito ang wrist watch.
"Hoy! Di ka pwede matulog dito. Umuwi ka na."
"Im sleepy, gusto mo bang maaksidente ako?"
"Kung inaantok ka, bakit ka pa pumunta dito at nakapagmaneho?"
"Pinilit ko lang ang sarili ko."
"Well, pilitin mo ulit at umuwi ka na."
Hinatak nya ito para tumayo pero di nya kaya dahil malakas ito. Pumikit ulit ang lalaki.
"Hoy gising! Umuwi ka na."
Tinapik tapik nya ito ngunit di ito nadala. Sumuko na sya.
"Sige, hanggang 10pm lang."
Sabi nya dito.
"Gisingin mo ako ha. Or else..."
Sabi nito ulit sa kanya.
"Opo kamahalan! Sapakin kita dyan eh."
Umakyat na sya ng kwarto nya. Binalikan nya ang ginagawa. Hanggang sa tuluyan syang nakatulog sa sobrang antok.
--------------------------------
Naalimpungatan sya nang may humampas sa kanyang unan.
"GIANNA!"
Dahan dahan nyang dinilat ang mata nya. Nakita nya agad ang mukha ng kuya nya na mukhang galit.
"GUMISING KA DYAN GIANNA! MARAMI KANG SASABIHIN SA AKIN!"
Bulyaw ng kuya nya sa kanya. Ano bang meron?
(A/N: hala! Bakit mukhang galit ang kuya ni Gianna? Hahaha! Patay ka girl!! Hehe!)
Please read/VOTE/comment so I can hear your thoughts. ;)
xxx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro