Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9: Hurt


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 9

HURT

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

PATULOY na tinitipa ni Crystal ang keyboard ng laptop para sa isang research paper. Ilang beses rin niyang inabot ang thermos bottle na naglalaman ng kanyang warm honey tea. Kasalukuyang kasama n'ya si Janica na tinatapos rin ang tatlo pa nitong proyekto.

"I'm so sleepy!" Reklamo ni Janica sa kaibigan matapos nitong isara ang ika-limang aklat at isinantabi.

"Then go to Caleb. Maybe he has more time to listen to your complaints."

"Oh, Crys, when did you become so harsh on me?" Mapang-asar na biro ni Janica.

Crystal rolled her eyes. Baliw ang kanyang kaibigan - iyan ang kanyang napagtanto sa tagal nilang nagkasama. Pero hindi naman n'ya itatanggi na baliw rin siya... kaya nga sila nagkasundo dahil pareho sila ng mga trip sa buhay.

"Since the day I met you," sarkastiko nitong sagot.

Biglang dumagundong sa library ang cellphone ni Janica na may malakas na beats.

"Oh, shit! Oh, shit!"

"Quiet please," dinig nila mula aa 'di kalayuan. Marami ding nagbigay ng masamang tingin sa direksyon nila dahil sa pagtunog ng cellphone ng dalaga.

"Turn it off," maging si Crystal ay naiinis na rin sa tunog ng cellphone ng kaibigan.

"What do you think I'm doing? The screen is frozen!" Halos ibagsak na ni Janica ang cellphone ngunit patuloy lamang ito sa pagtunog. "I'm so going to kill him!" Tumayo na ang dalaga at inipit ang cellphone sa bag at dali-daling tumakbo palabas ng library.

Napa-iling si Crystal. Mukhang may kabaliwan na namang ginawa si Caleb sa cellphone ng kasintahan. Marunong kasi itong mag-hack at kung tutuusin ay magaling ito doon. Itinigil n'ya lamang ang mga bigating pagha-hack dahil sa muntik na itong mahulli ng mga awtoridad. Ngayon ay sa mga kalokohan na lamang kay Janica at sa ibang ma kaibigan na lamang n'ya ito ginagamit.

Ibinaling na muli ni Crystal ang mga mata sa laptop para subukang tapusin ang pagre-research. Nais n'yang matapos na ang mga proyekto para mas maraming oras na maigugol kasama si Ymannuel.

With her time running out, she should be spending it more to the more important things in her life... And that's not into engrossing in bundles of research papers.

"Crystal?"

Napatingala si Crystal sa pinagmulan ng boses at nanlaki ang mga mata. Halos mabitawan rin n'ya ang librong hawak. Mabuti na lamang at halos nakapatong na ito sa mesa.

Isang matipunong Chinito ang nakatayo sa kanyang harapan na nakasuot ng black and white na suit. Itim na itim ang buhok nito at lutang ang kilay nito na may kakapalan.

"Connor? Oh, hey!" Awtomatikong napatayo siya at bumeso sa binata. "Oh my gosh! How have you been? Ang tagal na kitang hindi nakikita dito."

"Oo nga, e. I was in Europe kasi as an exchange student. Kakabalik ko lang kahapon," malambing na sagot ng binata.

"Wow! Congrats! So, dito ka na ba ulit?"

"Yes. But I'm more advanced than you now," aniya.

Naptaas kilay si Crystal. "At bakit naman?" 

"Well, the units I've taken were more complex doon and I also did my internship kaya sabi nila, i-credit na lang nila ang mga nagawa ko na. Makes sense, 'di ba?"

"Wow naman! Ang layo na ng narating mo."

"Ikaw? Kumusta ka na? I can't believe I would see you here again."

"Ito, surviving habang gumagawa ng research paper," biro ng dalaga at pinakita rin ang kanyang laptop na maraming bukas na dokumento at mga larawan.

"E si..."

Napalunok si Crystal. Alam n'ya ang gustong itanong ni Connor sa kaniya. "He's also great. Nasa klase s'ya ngayon."

"Well, the ring does say that you are both still together," turo ni Connor sa palasingsingan ni Crystal na nakasuot ng singsing na may dyamante.

"Connor..."

"Chill, Crystal. Naka-move on na 'ko," nakangiti nitong sagot. "May nakilala nga ako sa Europe and sorry to say ha, but she's prettier than you," dagdag pa ng binata.

Natuwa si Crystal sa narinig. Masaya s'ya na naka-move on na si Connor. Naging magkaklase sila noong high school seniors at nagkagusto sa kanya ang binata kahit na matindi ang pamamakod ni Ymannuel sa kanya.

Pagkatapos ng graduation ay nagbigay ang binata ng bulaklak at tsokolate kaya nakatanggap ng malakas na suntok mula kay Ymannuel. Alam ni Crystal na may pinag-usapan pa ang dalawa matapos ng kaganapang iyon ngunit hindi na s'ya nagtanong at kailanma'y hindi rin sinabi pa ni Ymannuel ang nangyari.

Ang mga panahong iyon ang nagbigay ng pangamba kay Crystal dahil sa naging tindi ng pagseselos ng kasintahan. It wasn't the first time but it seemed to be the worst.

Matapos niyon, hindi na nakita pa ni Crystal ang binata kahit na may balitang nasa iisang unibersidad lamang sila. Ni minsan ay hindi n'ya ito nakasalubong. It now makes sense that he was out of the country pursuing his own path in life.

"Buti naman! Ipakilala mo sa akin next time, ha?"

"Sure. She's planning to do the exchange program din dito. I'll introduce you kapag nandito na s'ya. Anyway, I'll be running to my class now. It's so nice to see you again, Crys."

"Same here. See you around," muli itong bumeso at nagpaalam na ang binata.

Malawak ang unibersidad ngunit hindi ito sapat para hindi mag-krus ang kanilang mga landas. Ubod ng saya si Crystal an maayos ang kanyang kaibigan. It may have been a while but their friendship remains.

Bumalik na sa pag-aaral si Crystal. Gusto kasi nitong matapos na ang research paper na malapit na ang pasahan. Kahit papaano ay hinihiling ni Crystal na wala nang gagambala pa sa kanya upang matapos na ito bago dumaitng si Ymannuel.

"That was really good. Do you have another talk scheduled?"

Pamilyar kay Crystal ang boses na iyon. Hindi s'ya maaaring magkamali dahil araw-araw n'ya itong naririnig. Mula sa pag-gising hanggang bago matulog, kabisado na n'ya ang timbre ng boses niyon... at hindi nga s'ya nagkakamali. Si Ymannuel ang nagsalita.

"Oh, stop with the flattering, Mr Fuentes. I'll be taking a break for now so there won't be any talk for about a month or so," sagot ni Patricia sa binata.

Hindi mapigilan ni Crystal na mapatingin sa pagiging malapit nilang dalawa. Halos nagtatama ang kanilang mga braso kahit na wala namang nakahara sa paligid. His eyes shone a lot admiration and were fixated on here.

Not once and never has she seen him look at someone else that way... and it hurts.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 30 09 2019

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro