Chapter 8: Ties
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 8
TIES
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
KASALUKUYANG nasa library si Ymannuel at nag-aaral habang hinihintay si Crystal. Nasa katabing building lamang kasi ang dalaga kaya't dito na nila naisipang magtagpo dahil may gustong basahin si Ymannuel. Payapa s'yang nakakapagbasa ngunit may ilang dumaraan sa kanyang harapan at napaptingin s'ya dito.
"Mr Fuentes," napataas ng tingin si Ymannuel sa narinig na boses.
"Ms McDonald, what brings you here?" Nagtatakang tanong ni Ymannuel sa babae.
"Well, I just finished a lecture then I saw you here. I thought I'd say hello," nakangiting sagot ng babaeng naka-bistida ng puti at pula.
"Wow, you're really busy being a guest speaker. You just did one with the biomedical group the other day."
"Yes, that's the perk of being a biology and ecology major. I fit in most pictures."
"Then you have the Cancer Cells talk tomorrow with Dr Hempburg, right?"
"Yes, and I am expecting you to be there," nakangiting saad ng propesor.
"Of course! I wouldn't miss that."
"So, what are you doing here?" Umupo ang babae sa harapan ni Ymannuel.
Ipinakita ni Ymannuel ang hawak na makapal na libro. "Cancer Treatments through the Ages," basa ni Patricia. "Is that for your partner?"
Napakunot noo si Ymannuel. "How did you know about that?"
"Well, you are the talk of the town, Mr Fuentes. You're quite the head-turner."
"No. That's quite an exaggeration," aniya.
"Oh, yes, you are. I mean, with all the medical enquiries, calls and emails you send, your name will definitely pop out in the science field."
"Ah, of course. I got to keep up with all the latest medical technology and discoveries."
Hindi iyon itatanggi ni Ymannuel. Pakiwari ng binata ay maiinis na rin ang mga research centres at mga ospital sa ilang beses n'yang pagtatanong. Pero nagbibigay pa rin sila ng impormasyon tuwing nalalaman nila na isang Fuentes pala ito.
Noon ay nahihiya s'ya na gamitin ang kanyanh pagiging Fuentes sa paghingi ng mga impormasyon ngunit nasanay na rin s'ya. Alam n'yang kapag mas pinairal n'ya ang hiya at takot ay walamg mangyayari.
Gusto n'yang gumaling na si Crystal at kahit napakaliit ng tsansa ay handa s'yang sumugal.
"Why go to such lengths?" Nag-krus ang mga braso ni Patricia. "You can just take time learning these things. You are young and should be enjoying life more."
"I am. I do enjoy life."
"Really? But to go to such lengths?" May mapanuring tingin si Patricia sa binata. "I mean, I like reading books but I don't read every single one of the books I can lay my hands on."
Ngumiti si Ymannuel habang inaalala ang nakaraan. Inaalala n'ya ang bawat araw na napapangiti s'ya ni Crystal. Hinding-hindi s'ya magsasawa na mahalin ang dalaga. Hindi s'ya titigil na humanap ng paraan upang magkasama sila ng hanggang sa kanilang pagtanda.
"Because she is my life," maikling sagot ni Ymannuel.
"Wow. I did not expect that the youngest heir of the Fuentes household is such a romantic," pabirong saad ni Patricia at inabot ang kamay ni Ymannuel. "I salute you for being a man despite your age. Life is really difficult and full of challenges but I can see how much you love and cherish your partner. I really hope that she gets better."
"Thank you," nakangiting sambit ni Ymannuel.
"Babe?"
Napatingala silang dalawa at masama ang tingin ni Crystal sa kamay na nakapatong sa kamay ng kanyang kasintahan.
"Babe," agad tumayo si Ymannuel na nakangiti at hinawakan ang kamay niya. "Halika, may ipapakilala ako sa 'yo."
Tumigil sila sa harapan ni Patricia na tumayo rin. Sinuri ni Crystal ang babae at mukhang mas matanda siya sa kanilang dalawa. She was wearing a white blouse with an almost see-through brassiere. Her pink pencil skirt was hugging her curves and her blonde hair looked perfectly in place.
"Babe, she's Dr Patricia McDonald, the lady I mentioned to you the other night." Lumingon naman si Ymannuel sa propesor upang ipakilala ang katabi, "Ms McDonald, she's my fiancé, Crystal Amethyst Rodriguez."
"Oh, it's nice to meet you. Even your name is a gem. No wonder Mr Fuentes here is so diligent with his studies!" Ani Patricia.
"It's nice to meet you, too," tipid na sagot ni Crystal.
"Can I invite you two for tea or coffee? I was just about to go to the café."
"No, thank you. We have somewhere to go to," kaagad ba sagot ni Crystal na s'yang ikinabigla ng nobyo.
"Oh, okay. Maybe next time?"
"Sure thing," magalang na sagot ni Ymannuel.
"Perfect. I'll message you then. See tomorrow, Mr Fuentes. It was lovely to meet you again, Ms Rodriguez."
Maayos na sana ang paglisan ng babae ngunit nainis si Crystal dahil nagbeso ito kay Ymannuel at hindi rin nakatakas ang paghaplos nito sa braso ng binata. Hindi n'ya napigilan ang pagtaas ng kilay sa ngiting-ngiti na propesor.
Hindi maikubli ni Crystal ang inis sa nobyo. Madali itong magselos at magtampo kapag may ibang lalaki na lalapit sa kanya. Pero parang hindi nararamdaman ng binata na nagseselos rin s'ya kapag nakikita itong may kasamang ibang babae.
Umuwi na sila at napansin kaagad ni Ymannuel ang panlalamig sa kanya ng dalaga. Kinakausap n'ya ito at tipid lamang ang mga pagsagot ni Crystal. Batid n'ya na may iniisip ito.
"May problema ba?" Tanong ni Ymannuel sa kasintahan pagkadating nila sa bahay.
"Really? May problema ba? 'Yan lang sasabihin mo?"
Kumunot ang noo ni Ymannuel. "Ano bang gusto mong sabihin ko?"
"Bakit may pahawak-hawak ng kamay 'yung Ms McDonald na 'yun sa'yo?"
Napa-ngisi si Ymannuel. "Babe, wala 'yun."
"Anong wala? Ako kaya makipaghawakan sa ibang lalaki, magustuhan mo kaya?"
"Hindi. Baka makulong ako dahil baka mabugbog ko."
"O, iyon naman pala. May nag-abot lang din sa 'kin ng note na itinapon ko rin naman, nagseselos ka. So don't give me a crap answer na wala lang 'yun dahil kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano ka n'ya titigan. Parang kulang na lang ay hubadan ka n'ya kanina."
Tumayo si Ymannuel at lumapit sa nagmamaktol na kasintahan. "Stand up."
"Ayoko!"
"Come on."
Naiinis na tumayo si Crystal at masama ang tingin sa nobyo. "What?"
Bigla-biglang hinubad ni Ymannuel ang kanyang suot na t-shirt na ikinagulat rin ni Crystal.
"What do you think you're doing?" Masungit pa rin na tanong ni Crystal.
Pilit n'yang pinipigilan ang sarili na magustuhan ang nasisilayan. Her fiancé has even been called to possess a demigod's body. Nagkaroon ng pageant noon at si Ymannuel ang napiling maging male representative ng seksyon nila ngunit ayaw talaga nito.
Hindi kasi ito kagaya ng mga nakakatandang kapatid at mga magulang na sanay na at okay lamang na maging sentro ng atensyon. Ysiquel was always on the covers of business magazines and online news. Maging ang asawa nitong si Raine ay gumagawa rin ng ingay dahil isa itong Sandoval at nakapagbukas na ng tatlong malalaking braches ng bakeshop.
Ang ate Samara n'ya ay modelo na mula pa noon. Mas sumikat pa ito nang maging mukha sa pagitan ng Fuentes at ng kumpanya ng asawang si Blake Perez. Si Sebastian naman ay nagsimula na rin na makilala dahil sa may sarili na ring kumpanya na pinamumunuan. Samantala, ang kanilang mga magulang ay mula pa noon ay kaharap na ang publiko dahil sa negosyo.
Ymannuel was not a fan of the limelight. Pero hiniling ni Crystal na sumali ito dahil ang seksyon lamang nila ang walang representative. Hindi agad ito pumayag pero hindi rin natiis ang pagiging makulit ni Crystal. Sa huli, si Ymannuel rin ang napili.
Akala ni Crystal ay tama ang desisyon na iyon dahil wala namang mawawala kung gawin iyon ni Ymannuel. At isa pa, nasisigurado n'yang sila ang mananalo dahil si Ymannuel ang pinakagwapo at pinakamatalino sa lebel nila. Iyon nga lamang, mas naging expose si Ymannuel sa publiko.
The pageantry was a big one. May swimwear competition at lahat ng mga binatilyo ay lumabas na hubad at naka-trunks lamang. Si Ymannuel lamang ang naiba dahil hubad nga ito pero suot ang maong pants. Walang makapagpapilit dito na magsuot ng trunks kaya't hinayaan na lamang. At dahil s'ya ang naiba, siya ang nag-stand out sa mata ng publiko. Mas dumami ang naging taga-hanga ni Ymannuel at mas dumami ang nainggit kay Crystal.
And she was lucky... he is hers.
"Hindi ba sabi ko naman sa'yo na wala kang dapat ipagselos kahit kanino dahil sa'yo lang ako. Kung feeling mo ay hinuhubadan ako ng mga babae sa tingin nila sa akin, don't worry, sa'yo lang ako maghuhubad at magpapahawak ng ganito, okay?" Usal ni Ymannuel sabay kuha ng kamay ng kasintahan at ipinatong sa kanyang dibdib.
"Pero..."
"Hay naku, ang mahal ko talaga," niyakap ni Ymannuel ang dalaga ng mahigpit. Lapat na lapat ang pisngi ni Crystal sa matikas na dibdib ni Ymannuel.
"Seloso ako— inaamin ko 'yon. Natatakot kasi ako na may magustuhan kang iba."
"Hindi naman mangyayari 'yun."
"At siisguraduhin kong hindi 'yon mangyayari dahil ako ay sa'yo at ikaw ay akin, 'di ba?"
"Opo, sir." Niyakap ni Crystal si Ymannuel ng ubod ng higpit. "Pero ganoon 'din naman ako."
"Na ano?"
"Naiinis ako na parang magkakagusto ka sa iba. Tapos ang saya-saya mong kausap 'yung Dr McDonald na 'yon."
"I do admire her. Hindi ko itatanggi 'yun," deretsang turan ni Ymannuel.
"Ah, talaga lang ha," lalong tumindi ang inis sa boses ni Crystal.
"Oo nga. Pero 'yung admiration ko sa kanya ay kagaya ng paghanga ko kina Mr Vans, Dr Sanchez, Mrs Realto at iba ko pang propesor. Kaya don't stress about it, babe. Magtiwala ka lang sa akin."
"May tiwala ako sa'yo, alam mo 'yan. Pero doon sa 'Old McDonald Had A Farm' na 'yun, wala."
"Babe, seryoso? Nabigyan mo na s'ya kaagad ng nickname?" Natatawang tanong ni Ymannuel.
That was a typical thing for her na hindi s'ya pinipigilan ni Ymannuel. Mas gusto pa nga nito kung gaano kapalagay ang loob ng kasintahan na sabihin ang mga palayaw na binibigay nito sa mga taong kinaiinis n'ya, partikular sa mga babae na mukhang tinamaan sa kanyang nobyo.
"Of course. Ako pa?"
"Pa-kiss nga ako sa mahal ko," ani Ymannuel.
Ngumiti si Crystal at tumingala. Naramdaman n'ya ang paglapat ng labi ni Ymannuel sa kanya at ang pakiramdam na nasa alapaap.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Please support the story by commenting and voting!
PrincessThirteen00 © 21 09 2019
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro