Chapter 5: Friend
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 5
FRIEND
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"TEKA NAMAN, Carla! Ang bilis mong maglakad!" Sambit ni Crystal sa Pilipinang nasa sinusundan niya.
"Hay naku, Kristala. Male-late na naman tayo," ani Carla kay Crystal habang bitbit nito ang folio ng kaibigan.
"Stop calling me that. Crys nga lang ay okay na 'ko."
"Tse! Nagmamadali na nga tayo, nagawa mo pang punahin ang palayaw mo."
Kakatapos lamang ni Crystal sa kanyang photography class at hintayan sila ni Carla na sound engineering naman ang kurso. Paki-usap rin kasi iyon ni Ymannuel sa dalaga dahil saa kalusugan nito.
Nanggaling kasi ang dalaga sa clinic dahil sumama ang kanyang pakiramdam at kinailangang magpahinga bago ang klase. Iyon nga lang, may distansya ang building kaya medyo nahuli si Crystal sa oras ng tagpuan nila ng kaibigan.
Maswerte si Crystal na nagkaroon s'ya ng kaklase na Pilipina sa unibersidad. Sa ilang taon nilang nag-aaral ni Ymannuel doon ay ngayon lamang s'ya nagkaroon ng kakalaseng Pilipina kahit na marami ang kalahi doon.
Si Carla ay nasa States upang tapusin ang kanyang tatlong taon na kurso at doon naglandas ang kanilang mga daan.
"Nga pala, Kristala."
"Ano?" May inis sa pagtatanong ni Crystal dahil hindi talaga s'ya pinakikinggan ng kaibigan patungkol sa mga palayaw.
"Pinabibigay ni Rio sa'yo 'to." Inabot ni Carla ang isang papel sa kasama.
"Ano naman 'to?"
"Aba'y malay ko. Hindi naman para sa 'kin 'yan kaya wala akong planong basahin 'yan. For sure naman, love letter n'ya ulit sa'yo," Carla rolled her eyes.
"Wow! Kailan ka pa nagbagong buhay sa pagiging tsismosa?"
"Ah, ganoon pala, ha! Iwan kaya kita dito."
"Sorry na po, madam Carla! Wait for me!" Binilisan rin ni Crystal ang paglalakad at randam ang pagkapagod. Napahawak s'ya sa may dibdib at napahito sa paglalakad. "Carla!"
Lumingon si Carla at nakitang nakatingin sa baba si Crystal habang nakahawak sa dibdib. Namutla kaagad si Carla sa nakita at kaagad lumapot sa kaibigan. "Huy, okay ka lang ba, Crystal? Teka, tatawag ako ng medic!" Agad nitong kinuha ang cellphone sa bulsa upang gumawa ng tawag.
Biglang ngumiti si Crystal at inalis ang kamay sa dibdib. "Joke lang po. Tara na!"
"Hoy, Kristala! Hindi magandang biro 'yan! Aatakihin ako sa'yo! Parang ako pa ang mauunang pumanaw kapag ganyan ka."
"Ha! Ha! Sorry na, Carla! Ang bilis-bilis mo kasing maglakad."
"Sensya na, 'te! O, tara na at sayang ang brownie points sa participation kay prof."
"Ha! Ha! Tara na!"
Pero sa totoo lamang ay ramdam n'ya ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya. Ramdam n'ya ang panginginig ng kamay.
'Kalma, Crys. Kalma lang,' pag-uulit n'ya sa isipan.
Kailangang mapakalma n'ya ang sarili dahil ayaw na n'yang bumalik sa ospital. Sa bawat pagpunta kasi niya doon ay sinasalubong lamang s'ya ng mapait at malungkot na balita na kakaunti na lamang ang oras n'ya.
Nakarating sila sa sunod na klase at nakasalubong pa ang propesor na binati nilang pareho.
Umupo na sila at kinuha ni Crystal ang liham na galing kay Rio. Si Rio ay isang engineering student na ilang beses nang nagbigay ng love letter sa kanya na kailanma'y hindi n'ya sinagot.
She didn't find a reason why she should respond to him. Obvious naman kasi na may fiancé na siya at hindi na dapat mag-entertain pa ng iba. Pero mapilit ang lalaki at parating nagpapabigay ng liham sa kanyang mga kaklase upang iabot sa kanya.
She knows the guy as she has spoken to him on several occasions. Tahimik ito at hindi gaanong palangiti. Aminado naman si Crystal na kinaibigan n'ya ito pero ganoon naman s'ya sa lahat. Hindi lang n'ya inasahan na magkakagusto ito sa kanya. Hindi rin naman n'ya masasabing isang stalker ito dahil hindi naman s'ya nito sinusundan ng palihim o inaabutan ng kuang ano. Pulos liham ang ipinaaabot nito sa mga kaklase.
Binuksan n'ya ang liham ng binata at tahimik itong binasa.
"You look lovely as always, Crystal. :) Would you like to have coffee with me? -Rio G."
Itinupi na ni Crystal ang papel at pinunit. Itinapon n'ya ito sa malapit na basurahan. Hindi alam ni Ymannuel ang tungkol dito dahil hindi naman n'ya ipapaalam. Walang rason para sabihin n'ya dahil hindi naman n'ya ito papatulan. Hindi n'ya bibiguin ang tiwala at pagmamahal ni Ymannuel sa kanya.
"Nakita ko 'yun," natatawang bulong ni Carla sa kanya.
"Makinig ka na nga lang kay prof," pabulong na sagot ni Crystal at bumalik na sa pakikinig sa propesor.
"I'll see you all next week. Make sure to submit those reports by five on Tuesday," paalala ng propesor matapos ang isang oras ng pagdidiskusyon. Nagsisilabasan na rin ang mga estudyante sa lecture hall.
"Paano, Kristala, una na ako, ha? May klase pa ako sa kabilang building."
"Sige, sige. Susunduin naman ako ni Eman dito. Thank you sa paghihintay sa 'kin kanina."
"Wala 'yun! Iba rin naman kasi 'yang baby mo kung makapag-alaga sa'yo. Talagang informed kami!"
"S'yempre naman!"
"Hay naku! Iinggitin mo na naman ako!"
"Kaya kung ako sa'yo, pumunta ka na sa sunod mong klase bago mo pa makita si Eman at mainggit ka pa," biro ni Crystal sa kaibigan.
Tiningnan ni Cala ang relos at nanlaki ang mga mata. "I'm going to be late! I'll see you around!" Sigaw nito at dali-daling tumakbo palabas ng lecture hall. Natatawang nakasunod ang mga mata ni Crystal sa kumakaripas na kaibigan at sa iabng estudyante na nagmamadaling lumisan para sa mga sunod nilang klase.
Nakalabas na ang lahat at naiwan si Crystal sa lecture hall. Nababalot ang paligid ng nakakarinsing katahimikan. Mas naramdaman n'yang mag-isa s'ya doon.
Mag-isa...
Hindi ba dapat ay masanay na s'ya na ganoon?
Iyon ang realidad.
Kumukuha si Ymannuel ng kursong medisina na aabutin ng ilang taon. Pursigido si Ymannuel na makahanap ng lunas sa kanyang sakit upang magkasama sila ng mas matagal. Pero kaya ba ng katawan n'yang maghintay?
Isa, dalawa, apat, walo, o sampung taon, mahihintay ba n'ya? Magagawa ba n'yang lumaban ng ganoong katagal?
O mahihintay ba s'ya ng panahon?
Nagbukas ang pintuan at nakita n'ya ang kasintahan na humahangos.
"Sorry, I'm late," salubong nito habang hinahabol ang paghinga.
"Okay lang, babe. Bakit ka ba hinihingal? Sa'n ka ba galing?"
Umupo si Ymannuel sa mesa sa harap ni Crystal. "Sa biomedical science building. May inimbitahan silang lecturer kaya lang kanina lang namin nalaman and umattend ako."
"Sa dulo ng campus 'yun, 'di ba?"
"Yes. Ayoko naman na paghintayin ka ng matagal kaya tinakbo ko na lang."
"Ikaw naman. Dapat tinawagan mo na lang ako na male-late ka. Makakapaghintay naman ako dito." Kinuha ni Crystal ang panyo mula sa bulsa at tumayo. Pinunasan n'ya ang mga butil ng pawis sa mukha at leeg ng binata.
"Okay lang. Na-miss ko ang misis ko." Agad niyakap ni Ymannuel ang kasintahan kahit na pinupunasan pa s'ya nito.
"Misis ka d'yan. You're sounding like kuya Ysiquel," aniya.
"Ganoon na nga siguro. Na-miss talaga kita," bulong ni Ymannuel sa kanya.
"So, bobolahin mo na lang ba ako? O uuwi na tayo?" Marahang pinisil ni Crystal ang ilong ng binata.
"Uwi na tayo," he smiled showing his pearly whites.
Kinolekta na niya ang mga bag na dala at magkahawak kamay na lumabas ng lecture hall. Bitbit ni Ymannuel ang kanyang gamit at sakbit naman ang sariling bag.
Ganito sila araw-araw. At kahit na pilit ni Crystal na uuwi na lang ito mag-isa ay hindi pumapayag si Ymannuel dahil madalas ay marami itong dala dahil aa photgraphy ang kinukuhang klase. Ayaw ng binata na mahirapan s'ya o may mangyari na hindi kanais-nais.
Maraming estudyante sa paligid ang napapatingin sa direksyon nila. There was nothing new to that.
Basta kasama ni Crystal si Ymannuel, marami talagang mapanuring mga mata ang tumitingin sa kanila.
Isang kadahilanan ay ang pagiging isang top notcher nito sa unibersidad. Naipaskil na ang mukha n'ya sa mga magasin at maging sa website at mga forums.
Ikalawa, isa s'yang Fuentes. Marami sa business school ang nakakilala sa binata at sa pamilya nito. At dahil mula sa prestihiyosong pamilya, naikalat ang kanyang katauhan sa iba pang mga mag-aaral at mga propesor.
Naging mahirap ito para kay Crystal noong una. Iba naman kasi noong high school sila at ngayon na nasa university na sila.
Maraming babae ang noo'y gustong makipagkaibigan sa kanya upang mapalapit sa binata. Pero kapag nalaman nila na fiancé s'ya ni Ymannuel, umuurong sila o 'di kaya naman ay gagawa ng ibang palihim na paraan. Ngunit sa huli, wala ring nangyayari dahil hindi sila pinapansin ni Ymannuel.
"Babe," tawag ni Ymannuel sa kanya.
"Hmm?"
"What do you want to have for dinner?"
"Let's do sinigang tonight," aniya.
"Sige. We should have enough ingredients sa bahay."
"Yep. Ang alam ko kumpleto pa nga ang laman ng ref. For sure, mabubusog na naman ako," excited nitong sagot.
Nakangiting nakatingin si Ymannuel habang pinagmamasdan si Crystal. She had always been very beautiful in his eyes. "Sa pagmamahal ko pa nga lang, busog ka na."
"Oo na. Tama na ang corny lines mo kasi mahal rin naman kita," natatawang sambit ni Crystal at hinila na si Ymannuel.
Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Ymannuel sa kasintahan. He can feel her warmth with that touch. Ramdam n'ya iyon at ayaw n'yang maglaho iyon... Ayaw n'yang maniwalang bilang na ang mga oras na kasama n'ya si Crystal. Ayaw n'yang maniwala na mawawala si Crystal sa buhay n'ya.
He won't let it happen.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Please support the story by commenting and voting!
The more feedback, the faster the updates.
PrincessThirteen00 © 01 09 2019
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro