Chapter 44: Tamed
Last chapter na! 🥺
Walang bibitiw hanggang sa huli!
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 44
TAMED
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
APAT NA TAON na ang nakalilipas magmula noong umalis si Ymannuel ng Pilipinas upang libutin ang mundo at gawin ang kanyang masasabing misyon sa buhay.
Ilang bansa na ang napuntahan niya bitbit ang kanyang karanasan at kaalaman sa medisina. Sumasama siya sa mga medical mission sa mahihirap at malalayong lugar sa mga bansang iyon. Ginampanan niya ang kanyang pangako sa tungkulin.
Gaya noong naglibot sila sa Africa nang halos dalawang buwan upang makatulong sa iba't ibang tribo roon, partikular sa mga bata at matatanda. Malayo, mainit, at ibang-iba sa kanyang kinalakihan at kinagisnan sa Estados Unidos at sa Pilipinas ngunit pinili niyang manatili at tumulong.
At bukod sa kanyang pagiging doktor ay natuto na rin siyang kumuha ng mga litrato ng bawat lugar at bawat ngiti ng mga taong kanyang naalalayan at natulungan kahit pansamantala lamang.
Bitbit ang kamera ng kanyang yumaong kabiyak, at bukod sa pansarili niyang kamera, gusto niyang ibahagi rito ang bawat memorya niya. Iyon na lamang din kasi ang natitira nitong alaala na maaari niyang bitbitin kahit saan.
Sa bawat lugar na kanyang napupuntahan, pilit niyang iniiwasan na maging malapit kahit kanino... lalo na sa mga pasyente. Arriving was always challenging because he would need to cope up with the new environment, new team, new set of patients. But he found leaving harder because of the bonds he makes especially with the kids and the elderly.
At kahit na hindi niya kasama ang kanyang pamilya, patuloy ang pagsuporta ng mga ito sa kanya. Naniniwala sila na kapag okay na ito ay kusa itong uuwi at tutulungan nila ito kahit na ano pang mangyari. Bukod pa rito, may ilang palihim na sumusunod sa kanyang bantay para sa kanyang kaligtasan. Isa pa rin siyang Fuentes.
At matapos ang tatlong taon, pinili na niyang umuwi sa Pilipinas upang makasama ang pamilya at balikan ang kanyang minamahal.
"Anak," nakangiti at maluha-luhang pagtawag ni Ysabelle sa kanyang bunsong anak na kapapasok lamang sa pintuan ng mansyon na walang babala.
"Mom." Ibinaba ni Ymannuel ang kanyang mga bag at kaagad na niyakap ang ina. "I missed you, mom."
"Oh, God. I missed you, too, my son. Sobra-sobra." She didn't stop herself from kissing her son's forehead and cheeks. Dahil mas matangkad ito at medyo nakayuko na ang lalaki.
"Mhie, nakita mo ba ang—" Hindi naituloy ni Kyle ang kanyang itatanong sa asawa dahil sa nasilayan. Umiiyak ang kanyang misis. But more than that, his wife had their youngest son on her arms, tightly.
"Ymannuel?" kamuntikan pa itong mautal sa pagtawag sa bunso.
Humiwalay si Ymannuel sa ina at hinalikan ang noo niyo bago nilapitan ang kanyang ama. He had grown older with more lines growing on his forehead and eyes. Dumarami na rin ang puti nitong buhok ngunit hindi nabawasan nito ang pagiging makisig ng kanyang ama. He was still the same man he had always been—the same father he always admired.
Agad niyakap ni Ymannuel ang kanyang ama. Sinagot ni Kyle ang yakap ng anak at ginulo pa ang buhok nito. It has been years indeed.
"You've gone darker and skinnier, son. Babad na babad ka sa araw," ani Kyle sa anak.
Nakuha ni Ymannuel ang pagiging maputi ng kanyang ina ngunit dahil sa parati itong nasa ilalim ng araw ay hindi maiitanggi ang pag-iiba ng kulay ng kanyang kutis.
Napatawa si Ymannuel. "Yes, dad. Just returned from Egypt. It was crazy hot out there."
"Dito ka na ba ulit, anak? I mean..."
Ngumiti si Ymannuel sa tanong ng nag-aalalang ina. Iniisip marahil nito na panandalian lamang siya doon at aalis muli. That was him three years ago.
"Yes, mom. May ospital na kumontak na sa akin. I'll be based here in the Philippines. I'm back for good," nakangiting saad nito.
Hindi mapigilang maluha ni Ysabelle. "Thank goodness. Akala ko ilang taon na naman ang palilipasin mo bago ka umuwi."
"No, mom. I'm back for good this time."
Ilang oras ding nagkuwentuhan ang pamilya at inabisuhan na paparating din ang mga kapatid matapos malaman ang kanyang biglaang pagbabalik. Lahat ay nasasabik na makita na siyang muli matapos ang matagal na panahon.
At bago ang napag-usapang pagkikita ay pinili ni Ymannuel na pumunta sa puntod ng kanyang kabiyak. Ilang taon rin siyang hindi nakadadalaw dito upang madalhan ng mga bulaklak at kandila.
Dala ang isang bungkos ng sunflowers at bag ng caramel lollies, umupo si Ymannuel sa tabi ng lapel at hinaplos ang larawan ng namayapang kabiyak. Dalagang-dalaga pa si Crystal sa litrato, samantalang siya ay patuloy na nadadagdagan ang edad na mag-isa.
And just like that, memories of the time they spent together flowed through his memories.
Hindi niya mapigilang ngumiti kahit na may luhang namumuo sa kanyang mga mata.
God, how he missed her!
"Baby, araw-araw kitang naiisip at araw-araw kong gustong sabihin sa 'yo na mahal na mahal kita at hindi magbabago 'yon. Walang makapapalit sa 'yo dito sa puso ko. You'll always be my love, Crys. Always."
Inilapag ni Ymannuel ang mga bulaklak sa puntod nito at ipinahinga ang mga mata sa braso. Ramdam niya ang mamamasa-masang braso kaya't umayos siya ng upo.
Pinahid niya ang mga mata at tumikhim.
"Okay na 'ko, 'by. I'm slowly healing and see? Hindi na ako umiiyak ngayon kagaya nang dati. I'm stronger now," aniya sa hangin.
Sa kanyang pagtayo ay lumakas ang hangin at may ilang mga petals ang nilipad. Napangiti si Yamnnuel.
Gusto niyang isipin na si Crystal iyong kumakaway sa kanya na may malawak na ngiti sa mga labi.
*****
NANG sumapit ang gabi ay sa mansyon na umuwi si Ymannuel dahil hindi pa naaayon ang condo niyang lilipatan na hindi ganoong kalayo sa ospital.
At pagdating nga niya ay naroroon ang kanyang mga kapatid kasama ang mga asawa at mga anak nila. It felt so surreal and weird to him lalo na sa kanyang mga pamangkin.
Ysiquel and Rainne's children—Rhyan, Rayne, and Rivaille—grew up so fast. Parang bubuwit pa ang mga ito noong huli niyang nakita.
Maging ang mga pinsan nilang sina Skylar, Hemilia, at Rance na anak nina Samara at Blake ay malalapit sa mga pinsan nito.
Kasama rin sa pagtitipon ang mag-anak ni Sebastian. Kasama niya ang maybahay nitong si Francheska at mga anak na sina Clementine, Christian, at Knight.
It felt weird. But at the end of the day, he was ecstatic. Masaya siya na kahit hindi siya ang nagkaroon ng happy ever after, masaya ang kanyang pamilya.
Hindi man sila kumpleto, naniniwala siyang magiging maayos din ang lahat sa tamang panahon. Marahil hindi ngayon, pero sa susunod na mga araw. Kailangan lang niyang maniwala at maghintay.
Patuloy niyang gagawing diversion ang pag-aaral at pagdodoktor sa kanyang buhay.
Nang matapos ang munting salo-salo ay nagtungo na sila sa kanilang mga silid upang magpahinga.
Ymannuel went to his room and it was dead quiet. The silence was suffocating and eating him alive. Umupo siya sa dulo ng kama at tumingala. Displayed there was the wedding picture of him and his beloved wife, Crystal.
He felt a pang of pain in his chest as he stared at her beauty and smile.
Bumalik sa isipan niya ang mga salitang binitawan kanina sa puntod ng asawa. He looked at his hand and he was still wearing their wedding band.
Napaupo siya sa sahig at napayakap sa sarili. He looked at their portrait and he was jealous of the couple in the picture—he was jealous of himself who was still happy and didn't mind the worries of the world.
He missed his wife so bad and it was suffocating him. Sobra siyang nasasakal sa katahimikang bumabalot sa kuwartong iyon. At kahit panandalian at habang nakatalikod mula sa kanyang pamilya, gusto niyang magpakatotoo sa kanyang sarili na hindi siya okay. Kailanman ay hindi na mabubuo ang kanyang puso.
Because he was going to start a life full of pretending and lies. He'd be living a lie every day to say that he's okay.
At kung nagawa niya 'yon sa loob ng ilang taon, alam niyang kakayanin niyang 'yon lang ang ipakita hindi lang sa labi niya pero maging sa mga mata. Wala siyang pakialam pa kahit durog pa rin ang kanyang puso hanggang ngayon.
For him, nothing would heal his brokenness unless it's the afterlife where he would meet his beloved wife again. Basta para sa kanya, kahit anong mundo pa 'yan, basta kay Crystal siya magsisimula at magtatapos. 'Yon lang ang hiling niya.
He looked at their photo yet again and his eyes sweltered with tears.
"Fuck! I can't do this, baby. I need you here right now!" he sobbed as he clenched his hands together.
If everything was just a nightmare, he'd gladly wake up now.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Epilogue na ang sunod, royalties!
Post ko na ba? 🤭
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
PrincessThirteen00 © 05 01 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro