Chapter 35: Family
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
CHAPTER 35
FAMILY
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
MABILIS na tinahak ni Ymannuel ang daan patungo sa private suite ni Crystal. It was the same hallways of the hospital that he has been passing for the past months when he returns to her side.
Tahimik na ang paligid lalo pa't maghahating gabi na.
Napansin ni Ymannuel na nakabukas ang pintuan ng kuwarto ni Crystal at pinatuloy na niya ang sarili. Ang kaninang bakanteng kuwarto ay napalilibutan na ng tatlong nars at isang doktor.
"Is she really awake?"
Napalingon ang mga tao sa kuwarto sa humahangos na Ymannuel.
"Oh, you're back, Mr. Fuentes. Yes, your fiancée is awake now," ani ng doktor.
Dere-deretsong nilapitan ni Ymannuel ang kama ng kasintahan at mulat na ng ang mga mata nito. Her eyes met his and it was slowly getting watery. Marahan niyang itinaas ang kamay na may nakakabit pa ring IV fluids at agad 'yong hinawakan ni Ymannuel. Crystal could feel her body was sore and shaky but she didn't mind it. She needed to feel the pain to know that it was real. He was real.
Napapikit si Ymannuel habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Crystal. "Thank you for waking up, baby," aniya bago nagtaas ng tingin upang salubungin muli ang mga mata ng kasintahan.
Tinanggal na nila ang oxgen mask nitong suot nang masiguradong komportable at maayos na ang kanyang paghinga kahit na malalim pa rin ang kanyang mga mata.
Kahit na ubod pa nang lalim ng gabi ng gabi ay sinuri kaagad ang dalaga. It was the start of another observation and monitoring phase.
They did as much as they could so they could get the results later on. Matapos ang halos dalawang oras ay naiwan na ang magkasintahan na sila lamang sa silid.
Nakahiga si Crystal at nakaharap kay Ymannuel. Nakaupo naman ang binata at marahang hinahaplos ang buhok niya. His touch was very warm and comforting. Nakangiti pa rin si Ymannuel habang magkatitig sila sa mata ng isa't isa.
Crystal reached out for his other hand resting on the bed and hugged it like a pillow. Lakong napangiti roon si Ymannuel.
"Are you sleepy? Magpahinga ka na, 'by," bulong ni Crystal. Batid pa rin ang panghihina sa boses niya.
"Mamaya na. Gusto kong titigan ka lang ngayon. Masaya akong gising ka na," pag-amin ni Ymannuel.
Umaapaw ang saya sa kanyang dibdib na gising na ang kanyang pinakamamahal. He had already long forgotten about Angel's admittance of feelings from earlier because it was just solely occupied with Crystal.
Ngumiti nang mapakla si Crystal. "Sorry... I must have scared you." Her voice came much lower from a whisper, but Ymannuel still managed to hear it.
Umiling si Ymannuel. "It's okay, baby. Ang mahalaga ay gising ka na." He smiled genuinely.
"Thank you," she whispered.
"You're always welcome, baby. Kaya magpagaling ka na para makauwi na tayo sa bahay natin at ipagluluto kita ng lahat ng paborito mo."
Inaantok na ngumiti si Crystal sa nobyo habang nakatitig sa mukha niya na akala niya'y hindi niya makikitang muli.
"Promise?" she asked sweetly.
"Of course, my love. So just focus on resting and regaining your strength. Dadalaw sina mom at dad dito mamaya."
"A-ano? Bakit nandito sila? Hindi ba tinutulungan nila sina Kuya Ysiquel sa kompanya?" nagtatakang tanong ni Crystal. May naramdaman siyang hiya dahil sa nalaman.
Umiling si Ymannuel. "They took a short break for us."
Nahihiya man sa narinig ay nabusog agad ng pagmamahal si Crystal. Her biological family deprived her of happiness when they died. But her beloved's family has been treating her like one of their own. Hindi pa man sila kasal ni Ymannuel ay ramdam niya na importante siya sa mga Fuentes... na bahagi siya ng pamilya nila. Pa'no pa kapag tinupad na nila ang pangako mula pa n'ong una?
Ngunit bago pa niya isipin iyon ay may alaala na patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan... ang dahilan kung bakit siya inatake at na-coma. If that didn't happen, then she wouldn't be in such a state. Pero... hindi nga ba?
"Eman..." she called out lowly.
"Yes, 'by?"
"May dapat t-tayong pag-usapan..."
Alice wanted to address the last memory she had before she lost unconsciously. It may have been a month pero para sa kanya na kagigising pa lamang, it was yesterday.
Mapakla ang naging ngiti ni Ymannuel sa kasintahan. Inayos niya ang kumot sa may dibdib ni Crystal bago sumagot. "Yes. But that can wait. Ayokong ma-stress ka sa mga bagay na 'yon. Hindi 'yon ang importante."
"Pero..."
"Baby, you are what's important. Pangako, ikukuwento ko sa 'yo nang buong-buo. Just have trust and faith in me, okay?" Marahang tumango si Crystal. "Now, sleep, my love. I'll watch over you."
Trust and faith... she had always given it to him but she felt different. Gusto niyang madismaya na hindi nakakuha ng sagot at paglilinaw sa nangyari noon—the hugs, the immediate departure. Pero naiintindihan din niya ang binata na kailangan niyang magpagaling. May bahagi rin sa kanya na natatakot kapag nalaman ang totoo na baka hindi niya magugustuhan lalo na at nasa hindi pa siya maayos na estado.
Kailangan niyang gumaling hindi lang para sa sarili pero para sa mga taong nagmamahal nang lubos sa kanya. She needs to. She has to.
"Magpahinga ka rin." Binitiwan ni Crystal ang kamay ni Ymannuel na yakap-yakap niya at niyakap ang sarili. Maingat siya dahil na rin sa IV fluids na nakakabit pa rin sa kanya. "Halatang hindi ka pa nakatutulog nang maayos."
"I will. Magpahinga ka na." Ymannuel fixed her blanket again and tucked her to bed.
"Eman, naman..."
"I'll sleep once you're already sleeping, okay?"
Pumikit na si Crystal habang patuloy niyang hinahaplos ang noo at buhok ni Crystal. Ninanamnam niya ang init ng palad ng nobyo.
She heard him hum just like the old days when she would be scared of the thunder and lightning on stormy nights. He was always there for her, ready to protect her against the world and love her like she was the only person in the world.
And deep inside, Crystal was afraid of what was happening.
Ymannuel was too focused on her. Sa kanya na lamang umiikot ang mundo ng kasintahan. Oo, may sakit siya pero hindi niya maatim na isipin ang parehong mga bagay bago pa siya ma-coma. Hindi magiging handa si Ymannuel kung bigla siyang mamamatay.
Ymannuel won't be able to take her death lightly. Kahit anong preparasyon ang gawin nila, Ymannuel will be stubborn until he gets the answer he wants which was for her to live with him until their old days.
Pinipilit niya pero hanggang kailan? Hanggang kailan kakayanin ng puso niyang lumaban? Hanggang kailan niya masasabing okay lang siya at kaya pa niya?
Unti-unti nang nilusob ng kadiliman ang kanyang isip at nakatulog na. Huminto na rin si Ymannuel sa paghaplos sa pisngi ni Crystal nang mapansing pantay na ang paghinga nito.
"I love you, baby. Sweet dreams, my love," he whispered as he planted a kiss on her forehead. He rested his head above his arm on her bed.
Titiisin na niya ang sakit sa katawan sa pagtulog para lamang malapit siya kay Crystal. Their faces were so closed to each other and she could feel her breathing by his forehead. He preferred their position over the comfort of the single bed across them. Gusto niyang nararamdaman na totoo ngang gising na si Crystal at magkasama na silang muli.
*****
"HERE, Eman." Inabot ni Ysabelle ang bowl ng hiniwang mansanas sa bunsong anak na katabi ni Crystal sa kama.
"Thanks, mom," ani Ymannuel.
"Thank you, tita," malambing na sagot ni Crystal.
"No worries, mga anak. Damihan mo ang kain, Crys."
"Opo."
"Siya nga pala, mamaya ay bibisita na sina Sammy. Nagpapahinga lang sila sa hotel dahil sa jetlag."
"Kasama po ba nila sina Sky?" takang tanong niya.
Umiling si Ysabelle sa kanya. "No. Silang mag-asawa lang kasi wala naman silang planong magtagal. Naiwan ang mga bata kasama si Ate Rev mo," kuwento ng ginang bago lumapit sa asawa na kauupo lamang sa couch.
"Here, 'by." Napalingon si Crystal kay Ymannuel. Sinusubuan pa siya dahil medyo hirap pa itong gumalaw. Her muscles went stiff for a month despite Ymannuel's best efforts on ensuring they would be okay once she wakes up.
After munching on the piece of apple, nilingon niya sina Ysabelle at Kyle na nasa couch. Umiinom ng tsaa si Ysabelle habang may binabasang mga dokumento naman ang asawa.
They should be on their holiday trip since they've retired already, but they're with her... and she feels terrible about it. She's dragging and affecting everyone's lives and she didn't mean to. Hindi niya sinasadya.
"Tita, tito..." Nag-angat ng tingin ang mag-asawang Fuentes sa kanya.
"Ano 'yon, hija?" malambing na tanong ni Ysabelle.
Crystal felt a lump on her throat but she managed to say what she wanted to tell them. "Pasensya na po. Naabala ko pa kayo."
"'By..." hinawakan ni Ymannuel ang kamay ni Crystal na nakatingin lang sa direksyon nina Ysabelle.
Napatayo si Ysabelle at lumapit sa dalaga. "What makes you say that, hija?" Hinaplos nito ang buhok ni Crystal. "You're part of our family. Of course, we will be here for you. Always."
"Pero kasi po..." Ramdam ni Crystal ang pagbasag ng sariling boses. She felt weak and helpless. Nakaaabala na siya sa buhay nila and she didn't like it at all.
"Crys..." Hinawakan ni Ysabelle ang kamay ng dalaga. "You will never be a burden to us. We're family and we stick with each other, okay?"
Napakagat ng ibabang labi si Crystal. Sobra-sobrang pasasalamat niya sa pamilya Fuentes na kahit hindi siya kadugo at kahit hindi pa sila kasal ni Ymannuel ay pamilya na talaga ang turing nila sa kanya.
Tumingin si Crystal kay Ymannuel na nakangiting ginulo ang kanyang buhol. Sumimangot si Crystal na siyang ikinatawa ang binata. Ihinilig ni Ymannuel ang kanyang katawan sa kanyang dibdib at naramdaman ang halik nito sa kanyang ulo.
Napapikit si Crystal nang maramdaman ang magkahalong saya at kaba sa kanyang dibdib. They were the family that she never asked for but she was lucky to be part of.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
Please support the story by commenting and voting! Your feedback is greatly appreciated!
Mag-uupdate ako agad kapag nagbaha ang comments 😂
PrincessThirteen00 © 24 11 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro