Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32: Promises

Part 2 na tayo! Matatapos ko kaya 'to this year? O ako ang unang matatapos? 😅

Salamat po sa mga aktibong naghihintay at sumusuporta!

Guys, kung hindi n'yo pa nababasa ang Let Me Series, I highly recommend it po! I'm collaborating with a fellow Wattpad Star and another published author!

Ang story ko po sa collab is entitled "Let Me Speak." Baka makita n'yo ang mga posts namin around Facebook and Twitter. Sana masuportahan n'yo po!

Anyway, enjoy this chapter!

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 32

PROMISES

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

NAGISING SI Ymannuel dahil sa maingay na pagkaluskos sa 'di kalayuan. Inisip niya kung nasaan siya at bakit hindi siya kumportable sa pagtulog. His back and neck were quite sore.

Kaagad siyang napabalikwas nang maalala na nasa ospital siya at binabantayan si Crystal.

Lumingon siya sa may mesa at nakatalikod doon si Angel na nag-aayos ng mga lunchbox. Nangunot ang kanyang noo. Ang alam nito ay nasa Pilipinas ang dalaga.

"Anong ginagawa mo dito?" pagputol ni Ymannuel sa katahimikan.

"Ay pusit!" gulat na sambit ni Angel at naibagsak pa ang mga kubyertos sa mesa. Napahawak siya sa dibdib bago humarap kay Ymannuel. "Narinig ko ang nangyari kay Crys at naisip kong bisitahin kayo."

"Kailan ka pa nakabalik dito?" Tumayo na si Ymannuel at inayos ang magulong buhok.

"Kanina lang. Dumiretso ako sa bahay niyo pero sabi nung guard nandito kayo sa ospital."

"Kumusta ang tatay mo?"

Ngumiti si Angel na abot hanggqng tainga. "Ayos na siya. Naoperahan kaagad. Salamat talaga sa tulong mo."

Tumango lamang si Ymannuel.

Tatlong linggo na ang nakakalipas magmula noong humingi ng tulong si Angel kay Ymannuel upang makauwi sa Pilipinas at maihanap ng liver donor ang kanyang ama. Angel will never forget how he helped and comforted her during that crazy period.

Nasa gitna sila ng klase nang matanggap ni Angel ang balita na bumigay na ang atay ng kanyang ama at nangailangan ng agarang transplant. He was next in line for a suitable donor but they were short in both finances and time.

Wala na siyang maisip matakbuhan dahil bago lamang naman siya sa sa lugar at kailangan siya ng pamilya niya. Nakiusap siya kay Ymannuel.

Tiningnan ni Angel si Crystal na mukhang mahimbing lamang ang tulog sa kama.

"Anong nangyari sa kanya? Last time I checked, she was still okay."

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Ymannuel. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nanagyari nang araw na iyon.

Napahawak siya ng batok bago lumapit sa tabi ni Crystal at umupo sa katabi nitong stool. Hinaplos niya ang kamay ng dalaga kung saan nakasuot ang engagement ring nila.

"She saw us."

"Ha?" Lumapit si Angel sa kama nq may listahan ng tanong sa mukha pero isa lamang ang nabigkas niya. "Ano?"

"Nakita niyang hinihila kita papunta sa sasakyan ko at niyakap ka."

"W-what? Pero you were just comforting me dahil sa mga nangyari kay Papa. Wala namang malisya do'n."

"Yeah, but she didn't know that. Hindi ko naipaliwanag sa kanya dahil sa pagmamadali nating maasikaso na makauwi ka agad. I caused her to be in this situation."

"No... hindi mo kasalanan," ani Angel. "Ako ang may kasalanan. Kung hindi kita ginambala no'ng araw na 'yon, sana—"

"Stop." Nabigla si Angel sa biglang pagtayo at pagputol ni Ymannuel sa kanyang sinasabi. "Nangyari na. Wala nang magagawa ang mga hiling mong 'yan."

"Eman..."

"Pwede bang sa ibang araw ka na lang bumalik?" mapait na tanong ni Ymannuel.

Napakagat ng labi si Angel bago tumango. Tahimik siyang naglakad patungo sa pintuan ng silid.

Lumingon siyang muli at nakapako ang mata ni Ymannuel kay Crystal na wala pa ring malay. Gusto niyang humingi ng tawad pero tama si Ymannuel. Walang magagawa ang sorry niya. Tuluyan na niyang nilisan ang silid.

Pagkasara ng pintuan ay napasandql siya rito. What can she do?

She's just a nobody...

INABOT ni Ymannuel ang kamay ni Crystal at hinaplos 'yon. He rested his forehead on her hand and shut his eyes close.

"Baby, please wake up already. I miss you so bad," he begged.

Nag-angat siya ng tingin ngunit walang nagbago. Comatosed pa rin ang kanyang fiancée... at kasalanan niya iyon.

The wound he cause was fresh like yesterday.

Alam niyang hindi na niya malilimutan pa ang mapait na memorya na dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon ni Crystal.

***

Matapos ihatid si Angel sa airport para matulungang makauwi agad sa Pilipinas ay sa bahay na siya dumiretso dahil nasabi na rin niya kay Crystal na sa bahay na lamang sila magkita.

Kaibigan ni Crystal si Angel kaya tinulungan na niya ito agad. Alam niyang maiintindihan ni Crystal ang pagmamadali niya kapag nagkwento na siya ukol sa nangyari.

Ngunit pagdating niya doon ay wala pa ang kasintahan. Sinubukan niya itong tawagan pero walang sumasagot. Ilang text na rin ang kanyang pinadala ngunit wala ring siyang nakuhang reply. Nag-aalala na siya.

Isang oras na ang nakalilipas ngunit wala pa ring Crystal na umuuwi sa bahay. He was growing worried and restless. Maging qng mga kaibigan nila ay hindi sinasagot ang kanyang tawag.

Saka niya naisip si Carla. Tinawagan niya ito at saka sumagot sa ikalimang ring.

"Hello, Carla. Kasa—"

"You fucking asshole!" sigaw ni Carla sabay baba ng linya.

Sobrang gulat ni Ymannuel. Hindi niya iyon inaasahan. Pakiramdam niya ay alam nga ni Carla kung nasaan ang kanyang fiancée. Muli niya itong tinawagan.

"Carla, don't hang up!" asik nito.

"Ano pang gusto mo?!"

"Kasama mo ba si Crys? Hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon, e."

"Malas mo. Hindi na siya uuwi," puno ng galit niyang sambit.

Nangunot ang noo ni Ymannuel sa narinig. "What the fuck are you talking about? Nasa'n siya?"

He heard her sigh over the line.

"Narito sa ospital."

Biglang sinakop ng takot ang kanyang dibdib. Milyon-milyon kaagad qng naging tanong sa kanyang isipan.

"Anong nangyari sa kanya?"

"This is all you fault, Ymannuel!"

"Tell me where she is!" Ymannuel cut her off in desperation.

It took another minute before Carla told him the location. Dali-daling kinuha ni Ymannuel ang susi ng kanyang sasakyan at lumabas ng condo.

Pinaharurot niya ang sasakyan na may matinding pag-aalala sa kasintahan at kaguluhan kung bakit siya ang sinisisi ni Carla gayong nakausap niya si Crystal bago niya inihatid si Angel sa airport.

What happened during that time?

Bakit walang tumawag sa kanya mula sa ospital gayong siya ang emergency contact ni Crystal?

Humigpit ang hawak niya sa manibela. Kailangan niyang makita si Crystal. Kailangang makabalik siya sa tabi ng nobya.

Nang makarating sa ospital ay direderetso lamang siya sa paglalakad. His heart was pounding crazily. Ang kaba at takot ay naghahalo-halo na sa kanyang sistema.

At nang marating ang silid na sinabi ni Carla ay binuksan niya ito nang walang babala. Nakita niya kaagad na napatalon si Carla sa kanyang ginawa.

"Papatayin mo ba 'ko sa gulat?! You're such an asshole!" anas ng dalaga na nakahawak sa dibdib.

Hindi siya pinakinggan ni Ymqnnuel at nagdiretso sa loob. Ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil napahinto siya. Pakiramdam niya ay huminto ang oras at maging ang kanyang paghinga.

And there, he saw his beloved lying down the hospital bed with several apparatus sticking on her porcelain-like skin, unconscious.

"Crys... Baby..."

Lumapit siya sa kama at hinaplos ang kamay ng kasintahang walang malay bago ang pisngi nito.

Lumingon si Ymannuel kay Carla na magkakrus ang mga braso at masama ang titig sa kanya.

"Nakita niya kayo."

"Ha? Nino?"

"Yung Angel! Nakita ni Crys na hinawakan at niyakap mo siya. Actually, everyone saw it."

"Ano?!"

"Nakita naming lahat." Nagkrus ang mga braso ni Angel. "Siguro kung nagtagal pa kayo, baka kalat na rin ang pictures n'yo sa forum ng uni. Malas nga lang at sasakyan mo lang nang napicturan."

"I have my reason! I—"

"Alam kong meron dahil alam kong mahal na mahal mo si Crys. Pero h'wag ka sa 'king magpaliwanag. Wala akong pakialam. The one who needs it most is your woman."

Napakuyom ang mga kamay ni Ymannuel bago lumapit sa kasintahan at hinaplos ang pisngi nito. Parang natutulog lamang talaga siya.

"Alam ko."

Napabuntong-hinga si Carla. "Ayusin mo 'yan, Eman... baka pagsisihan mo kapag may mas malala pang nangyari sa kanya," kalmado ngunit makahulugan niyang turing. "Lalabas muna ako."

Nang mabalot ng katahimikan ang silid, doon umapaw ang sakit sa dibdib ni Ymannuel. Sa isip niya ay tama si Carla. But the situation wasn't any better. Crystal's time was running out already and this happened...

Patuloy na sinisisi ni Ymannuel ang sarili dahil sa nangyari. It was his own fault. He failed her and broke his promise with her. Napabayaan niya ang dalaga.

Dahil simula nang araw na iyon, hindi pa nagmumulat ng mga mata si Crystal.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Please support the story by commenting and voting!
Your feedback is greatly appreciated!

PrincessThirteen00 © 01 10 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro