Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Caramel


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

CHAPTER 3

CARAMEL

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

PAGKARATING sa Luna Park ay bumaba sila ng sasakyan at naglakad sa mala-paraisong parke. Masarap sa pakiramdam ang pagdapo ng hangin at maganda ang tanawin na pulos mga punong may kahel at pulang mga dahon-dahon. Iilang mesa at palaruan ang okupado ng mga namamasyal ngunit nananatiling payapa ang paligid.

Bitbit ni Ymannuel ang picnic basket na inihanda na n'ya kaninang umaga bago sila nagtungo sa ospital at dala ni Crystal ang picnic rug. Kinuha ni Ymannuel ang kamay ng dalaga at inilingkis sa kanya. Magandang araw iyon dahil na nga sa hindi gaanong matao ang lugar dahil sa panahon na ng taglagas ay may kalamigan na ang paligid.

"Dun tayo sa may puno," ani Crystal sabay turo sa ilalim ng isang maple tree.

"Sure," tango ni Crystal at naglakad na sila patungo sa limlim.

Inilatag na ni Ymannuel ang rug at umupo na sila pareho doon. Kinuha naman ni Crystal ang baon nila. "Let's see what you packed in here." Nilabas n'ya ang isang container ng sandwiches, chips, at sushi. Kinuha rin nito ang bote nila ng tubig at soft drinks. "Ang dami nito, babe. Mauubos ba natin 'to?"

"Hindi ako sure kung anong gusto mong kainin ngayon kaya dinamihan ko na lang. Pwede pa naman mamaya," kumindat si Ymannuel sa dalaga na mukhang hindi naman nagpadala.

"Ikaw talaga."

Kinuha ni Ymannuel ang kanyang cellphone at nagpatugtog ng mahina lamang. Soft and soothing music surrounded them as the leaves danced around. Animo'y eksena sa isang romantikong pelikula ang hitsura nila nang mga oras na iyon. Nagsimula na silang kumain. Inaasar pa ni Ymannuel ang kasintahan na susubuan n'ya ito bago binabawi at kumakagat sa hawak na tinapay.  Maya maya'y sumandal na ang magkasintahan sa puno. Nakasandal ang ulo ni Crystal sa balikat ni Ymannuel at relaks na relaks sila.

"Nabusog ka naman?" Tanong ni Ymannuel habang hinahaplos ang kamay ni Crystal.

"Yes, babe. Thank you," lumingon si Crystal sa parke. "I'm never going to get tired of this place."

"I know, love," hinalikan ni Ymannuel ang likod ng palad ni Crystal.

Luna Park is a memorable place for them. Sa bawat lumilipas na panahon, mapa-tag-araw, taglamig, taglagas, o tagsibol, parang laging may mahikang naghahatak sa kanya pabalik sa lugar na iyon. It had always been peaceful and beautiful at the same time. Doon din sila nagliliwaliw ni Ymannuel na walang pangamba na may makakilala sa kanila upang makaistorbo. In other words, it was their safe haven aside from their home, which was their love nest.

Ilang saglit pa ay may nakita silang dalawang bata na nagtatakbuhan sa parke. Kasunod nila ang mag-asawa na mukhang magpi-piknik rin doon. "They're so cute!" Hindi mapigilang sambit ni Cyrstal.

"We'll have our own, babe. And they'll be way cuter," bulong ni Ymannuel. 

Ngumiti na lamang ng mapakla si Crystal. She loves the idea of building a family with her beloved man but that would mean she will continue living in the future. But that future, unfortunately, does not exist for her. Gusto man n'ya, maglalaho na s'ya sa hinaharap at maaaaring hindi makasama si Ymannuel o matupad ang pngarap nitong pamilya.

"Are you okay, babe?" Tanong ni Ymannuel sa natahimik na dalaga.

"O-of course," nautal n'yang sagot. Pilit na binubura ang mga bumabagabag sa kanyang isipan. The day was too perfect to ruin it with her thoughts. "Iniisip ko lang kung ilang taon na silang dalawa. They don't look like twins kasi," pagdadahilan ni Crystal.

"I think two and three. Ganyan din ang anak nina kuya Ysiquel at that age eh, remember?"

"Yeah."

Isa pa ang dahilang iyon sa kagustuhan ni Crystal na bumukod sila mula sa mansyon ng lola Lorraine, o sa hindi pagtira sa mansyon ng tito Hiro Renge at tita Nathalie n'ya. Their homes were filled with kids. Kung may apat na anak ang kuya Ysiquel ni Ymannuel at tatlo naman sa ate Sammy n'ya, may apat ring bata sa tirahan ng mga Renge. Ymannuel's family is really making a big family.

She becomes uncomfortable when she creates bonds with his relatives or to the kids. Bumibigat ang kanyang dibdib dahil pangarap n'yang magkaroon ng pamilya. Gustong-gusto n'yang magkapamilya sila ni Ymannuel lalo't alam naman n'yang si Ymannuel na talaga ang nakatadhana sa kanya.

But she can't.

Sinabi na ng kanyang doktor na infertile s'ya at kung hindi man, hindi na rin kakayanin ng katawan n'yang mabuntis dahil sa kondisyon nito. That was months ago after one of her check ups na hindi nakasama si Ymannuel dahil may exams ito. Binigay sa kanya ng doktor ang nakakalungkot na balitang iyon. Sumailalim pa s'ya sa ibang tests ng palihim ngunit pare-pareho lamang ang lumabas na resulta. Ang tsansa na magka-anak s'ya ay malapit sa imposible.

But Ymannuel doesn't know about that.

And he doesn't need to.

Natatakot si Crystal na ma-disappoint ang binata na hindi pala n'ya kayang ibigay ang pangarap nitong pamilya at ang kinabukasan na silang dalawa ang laman. Dahil iyon ang masakit na katotohanan, wala s'yang hinaharap na sasalubungin. At kahit anong himala at milagro pa ang kanyang hilingin, mukhang wala na talgang pag-asa pa.

Paano ka sasaya kung hindi ka na nga magkakaanak at anu mang oras ay pwedeng mawala ka na sa mundo?

She doesn't want to give up. Not yet. Lalo na at patuloy na lumalaban si Ymannuel para na rin sa kalagayan at kapakanan n'ya. 

Nagulat si Crystal ng maramdaman ang daliri ni Ymannuel sa kanyang bibig. May inilagay ito sa kanyang bibig. "Babe!" Napabangon ito at nakita ang nakakabighaning ngiti ng kasintahan. She could taste the sweet caramel in her mouth. "Caramel?"

"Like it?"

"Sira ka talaga. You know it's my favorite." Kinurot pa nito ang braso ni Ymannuel na tumatawa na lamang. Bumalik s'ya sa tabi ni Ymannuel na ngayo'y inakbayan na s'ya at bumaba ang kamay nito sa kanyang bewang at gumuhit-guhit ng maliliit na bilog. Wala itong kiliti sa bewang kaya pinapabayaan n'ya ang pagiging malambing ng binata.

Kinuha muli ni Ymannuel ang kaliwang kamay ni Crystal gamit ang kaliwa rin n'yang kamay. Pinaglaruan nito ang diamond ring na ibinigay nito sa dalaga noong tumapak ito ng labing walong taon.

Habang tinutunaw ni Crystal ang caramel candy sa kanyang bibig ay sinilip nito ang mukha ni Ymannuel na nakatitig sa kawalan. "What are you thinking, babe?" Tanong ni Crystal na napatingin rin sa singsing na patuloy na pinaiikot-ikot ni Ymannuel sa kanyang daliri.

"Nothing much," hinalikan ni Ymannuel ang ulo ni Crystal.

"Come on. Tell me."

Ngumiti si Ymannuel at dinampian ng halik ang noo ng naiinis na si Crystal. "I was imagining."

"Imagining?"

"Imagining our future together and our kids that will be running around this same park. Tapos pareho tayong naka-upo ng ganito at masaya lang. I can't wait until I find that cure and you become better," may kinang sa mga mata ni Ymannuel. Hindi maiikaila ang antisipasyon sa pagkukwento nito ng kanyang mga naiisip.

Bumigat ang pakiramdam ni Crystal. Sa halip na sumagot ay niyakap n'ya si Ymannuel at isinandal ang kanyang tainga sa dibdib nito. Naramdaman ni Crystal ang paghaplos ni Ymannuel sa kanyang likuran na puno ng pag-iingat at pagmamahal. She could clearly hear his heartbeat. But, too bad, she still can't see her living future.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Please support the story by commenting and voting!!

PrincessThirteen00 © 12 03 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro