Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24: Goodbye, Friend

This chapter is dedicated to Joan_eth! Thank you for reading my works! 😊

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 24

GOODBYE, FRIEND

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

"KRISTALA!" Napalingon si Crystal at nakita si Carla na humahangos bitbit ang kanyang bag.

Matapos ang halos isang linggo na pagbalik sa klase ay ngayon pa lamang nagkita ang magkaibigan. Hindi kasi nagtugma ang kanilang mga schedule dahil naghabol sa exams si Crystal samantalang busy na rin sa part-time job si Carla.

"Uy! Kumusta?"

"H'wag mo akong kumustahin!" Nagulat si Crystal sa bungad ng kanyang kaibigan. She sounded agitated and mad for some reason. "Narinig mo na ba ang balita?" Humahangos nitong salubong.

Lalong nagusot ang mukha ni Crystal. It's just been days and she wouldn't know about anything.

"Kakabalik ko lang. Pwede mo rin naman itawag sa 'kin dito. Anong balita ba?"

"Wala na si Connor!"

"Alam ko. Nagbabakasyon pa siya sa Pilipinas, 'di ba? Pero sabi n'ya babalik siya sa—"

"No! He's dead, Crystal. Patay na si Connor!" Pagpuputol ni Carla sa kaibigan.

Animo'y nasa isang pelikula ang pagbagsak ng mga gamit ni Crystal sa sahig. Nanlamig ang kanyang katawan sa narinig.

"A—Anong sabi mo? Ulitin mo, Carla."

Nagpunas ng papatak na luha ang dalaga. "Patay na si Connor."

"I—Imposible! Nagkita pa kami at okay s'ya! Tinawagan pa n'ya ako noong nakaraan at okay lang s'ya!" Giit ni Crystal.

"Totoo ang sinasabi ko," pilit kinakalma ni Carla ang sarili. "Narinig ko lang ang balita mula sa professor ko sa Economics. Tinanong ako kung kilala ko ba daw si Connor. Tapos sabi n'ya, namatay daw kagabi."

"Anong ikinamatay niya?" She was slowly having difficulties in asking the questions. She could feel a lump in her throat.

"He had brain tumor. Sabi daw ng doktor ni Connor kay prof, hindi daw siya pinayagang magbyahe several weeks ago dahil hindi na sigurado ang kalagayan n'ya. Dapat nga daw ay confined na siya pero nagpilit pa rin s'yang umalis kasi may kailangan daw s'yang gawin..."

"Ano? Kailangang gawin?"

Tumango si Carla. "Oo. Because he followed someone," aniya na nakapako ang mga mata sa kaniya.

Napatakip ng bibig si Crystal nang mapagtanto ang sinasabi ng dalaga.

"He followed me there."

It wasn't hard to know that she would be his reason of flying hundreds of miles from the U.S. Isa pa, si Connor rin naman ang nagbigay ng ideya kay Crystal na mag-travel mag-isa. Maybe he was hoping that she would still be alone when he follows her, hindi niya alam... at hindi na malalaman pa.

Tumango si Carla. "Oo. Gusto ka niyang makita ng personal bago s'ya bumalik dito para gawin ang operasyon na wala rin daw kasiguraduhan." Humigpit ang hawak ni Carla sa strap ng kanyang bag. "Pero masyado na daw s'yang mahina para magbyahe kaya parating nade-delay ang flight n'ya pabalik dito."

Hindi makapaniwala si Crystal. Her funny and close friend was gone and it was her fault. Ang masakit pa nito, hindi na nga niya alam na may sakit ang binata, sinaktan pa niya ito dahil aa pagtanggi sa pagmamahal nito. Kung alam niya ang totoo, mag-iiba kaya ang kapalaran ni Connor?

Would he still be breathing by then?

Would he have done the operation?

Would his life be continuing on?

Hindi napigilan ni Crystal na mapaluhod. Nasasakal siya sa at pakiramdam niya ay malulunod siya sa nalaman. Pinipiga ang ka ya g puso at ramdam niya ang bilis ng takbo nito.

"K—kasalanan ko..."

Lumuhod si Carla sa kanyang tabi at hinaplos ang likod ng dalaga. Kapwa walang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid. Basta ang alam ni Crystal ay nasasaktan siya.

"Breath, Crystal. Huminga ka lang," namumutla na rin si Carla dahil sa pag-iyak ni Crystal. Nag-aalala na siya sa kaibigan dahil baka may mangyari pa dito.

Carla initially hesitated to tell Crystal the truth, especially with her friend' medical condition. Pero pinangunahan rin siya ng emosyon. Kaibigan nila si Connor at alam niyang magsisisi siya kapag hindi niga sinabi ang nangyari sa binata.

Kapwa hindi sila makapaniwala na magigising na lang sila isang araw na may masakit na balitang sumasalubong sa kanila.

Hindi na napigilan ni Crystal amg sarili sa pagnuhos ng mga luha. Ayaw niyang umiyak ngunit ramdam niya ang sakit mula sa pagkawala ng isang mabuting kaibigan.

"Baby..." Humahangos na pagtawag ni Ymannuel sa kasintahan.

Nag-angat ng tingin si Crystal at nakitang si Ymannuel nga ang lumapit sa kanila. He had beads of sweat on his forehead and his distinct eyes drew of complete worry.

"Are you o—?" Bago pa man matapos magsalita si Ymannuel at tumayo si Crystal at kaagad niyakap ang kasintahan ng ubod ng higpit.

"Kasalanan ko..." Patuloy niyang paghagulgol.

"Tell me what's wrong, baby."

Sa halip na sumagot ay lalo n'yang itinago ang mukha sa dibdib ng nobyo. Ibinalot ni Ymannuel ang dalaga sa isang mainit na yakap at hinaplos ang buhok nito. He couldn't and wouldn't force her to say anything that she wasn't ready to say.

"Kasalanan ko kung bakit siya nawala! It's all my fault!" Hagulgol ng dalaga na umaapaw ang sakit sa dibdib.

Lumingon si Ymannuel kay Carla na maluha-luha rin ang hitsura. "Anong nangyari, Carla?"

Nagpunas muli ng luha si Carla. "Remember Connor?"

Tumango si Ymannuel. "Yes. I know the guy."

"Well..." Napalunok si Carla. Parang nagbabara ang kanya g lalamunan pero pinilit niyang sabihin ang totoo. "He's gone."

Nagusot ang mukha ni Ymannuel. "He's gone? As in..."

Tumango si Carla.

"Yes, hindi na s'ya umabot sa sarili n'yang operasyon para matanggal ang tumor n'ya sa utak. Apparently, it's a complex surgery na hindi rin sigurado ang resulta. Mababa lang din daw ang survival rate. Totoo ba 'yun?"

Isang tango rin ang binigay ni Ymannuel. "Depende sa lokasyon at laki ng tumor... Kung malalim ito sa utak, mas kumplikado nga ito. Maraming tests ang kailangang gawin. At kung ganoon din ang kanya, mas mabuti nga na dito s'ya tumigil."

Just hearing their conversation was making her heartbreak more. Wala na si Connor. Her friend is gone and she couldn't even say goodbye.

Patuloy ang paghaplos ni Ymannuel sa kanyang kasintahan. "Stop crying, baby. You know it hurts me seeing you crying like this."

Umiling si Crystal. "Kasalanan ko kung bakit s'ya umuwi ng Pilipinas. Kasalanan ko kung bakit s'ya pumunta do'n. I caused him his death!"

"Crys..." Nadudurog ang puso ni Carla habang nakatingin sa kaibigan.

"Baby... You know it's not your fault. At alam kong 'yon din ang sasabihin n'ya kung nandito s'ya," saad ni Ymannuel.

He knows Connor and he never liked him. Paano, may gusto ito kay Crystal kahit na alam nito na engaged na kanya. Sa lahat ng nagtangkang magparamdam kay Crystal, si Connor ang pinaka-bokal at walang pakialam kahit na naroroon rin s'ya sa iisang silid. And Ymannuel will not forget the time Connor left without any advisory. Matindi ang naging kalungkutan ni Crystal sa pag-alis ng kaibigan.

Habang pinapatahan si Crystal, hindi mapigilan ni Ymannuel na makaramdam ng sakit... at selos.

Connor was a good friend of hers. Wala pang isang buwan mula nang bumalik ito sa States at sa buhay nila ngunit bigla rin pala itong babawiin. Dumating ito ng walang pasabi at umalis rin kaagad. Dumaan lamang ang binata sa mga buhay nila.

It pains him to admit that he was jealous. Nagseselos s'ya na umiiyak ang kanyang nobya dahil sa iba. But he wouldn't blame her for her tears. Mabait ang binata sa kanila at kung hindi lamang dahil sa nagkagusto ito kay Crystal ay baka naging katropa pa n'ya ito.

He was a worthy competitor.


NAPAMULAT si Crystal at ramdam ang panghihina ng katawan. She felt tired and weak. She scanned the room and she was at home... partikular ay nasa kwarto na nila ni Ymannuel.

Inalala niya ang mga nangyari para humantong siya sa bahay nila at walang babala na tumulo ang kanyang luha.

Pumasok sa kanyang isipan ang bawat salitang binitawan ni Carla kanina: Connor is dead. Iyon ang realidad na masakit tanggapin. And she was blaming herself for it.

Inihayag ni Connor ang kanyang nararamdaman at winasak niya ang puso ng binata. Ni hindi n'ya nga alam  na may iniinda iton sakit.

Nagpahid ng luha si Crystal bago napaisip, 'this was the reason why he left unannounced and unnoticed last year.' Iyon lamang ang bumabalot sa kanyang isipan.

Connor left the States in such a rush. Pero ang sabi ng mga propesor nito ay may emergency ito sa Europa at kinakailangan siya ng pamilya. External na lamang ito nag-aaral dahil wala na itong sapat na oras mag-aral sa campus.

But everything was a lie.

Tinitigan ni Crystal ang larawan niya at ni Ymannuel na magkayakap sa harapan. Kuha ito noong kanyang kaarawan ilang taon na ang nakakalipas. Parehong malawak ang kanilang mga ngiti at abot hanggang sa kanilang mga mata ang pagkinang ng matinding kasiyahan.

"Hey, baby. Gising ka na pala," Ymannuel smiled at her, coming out of the bathroom. "Are you hungry?"

"Oo."

"Alright. Magluluto muna ako," he left showing his pearly whites.

Ymannuel was being considerate with his actions towards her. He was always like that and him being understanding was one of the qualities that make him perfect in her eyes. Hinahayaan siya nito na pansamantalang mag-isa dahil sa nangyari. She needed that— alone time with herself but also knowing that her fiancée was just steps away.

She felt the heavy thug on her chest as she forced a smile watching his departing back.

Dinudurog ng kanyang sariling mga isipin si Crystal. Ang nangyari kay Connor ay maaaring mangyari rin sa kanya. She could die and leave her beloved Ymannuel any time.

Hindi mapipigilan iyon lalo na't pareho nilang alam na paubos na ang kanyang oras.

Darating ang araw na hindi na niya makikita ang mga mga ngiti ni Ymannuel... Hindi na niya mararamdaman ang init ng yakap at halik ng nobyo... at hindi na niya maririnig pa ang paghaharumentado ng kanyang puso sa tuwing sinasabi nito kung gaano siya kamahal nito.

Alam ni Crystal na madudurog si Ymannuel kapag nangyari iyon at 'yon ang ayaw biyang mangyari.

At bago mangyari ang kanyang mga kinakatakutan, gagawa siya ng paraan bago pa siya malagutan ng hininga.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

I cried writing this chapter. Connnnnooor!😭😰

I know it was a short part for him but there's a reason for it that I can't disclose yet. Sorry!

Magluluksa muna ang puso ko.😭

Please support the story by commenting and voting!

PrincessThirteen00 © 28 06 2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro